SANDALING tinitigan ni Sabrina ang bahay sa kanyang harapan. Hindi pa rin niya alam kung ano ang ginagawa niya roon. Kanina ay nakita na lang niya ang sariling pumupuslit mula sa loob ng kanyang silid palabas ng bahay ng kanyang ama. Kamuntikan pa siyang mahuli ng isang katulong na gising pa ng mga oras na iyon. Tahimik naman siyang nakalabas ng bahay at sumakay ng taxi patungoy sa bahay na nasa kanyang harapan.
Bahay marahil iyon ng isa sa mga teammate ni Apollo sa basketball. Nasa labas pa lang siya subalit naririnig na niya ang ingay mula sa loob. Sa labas ay naroon ang iba't ibang uri ng sasakyan na nakaparada at marahil ay pag-aari ng mga estudiyanteng dumalo sa party. Hindi basta-basta ang college university na pinapasukan niya, kadalasan ay mga estudiyanteng mula sa may kayang pamilya ang nag-aaral doon, ang mga walang ganoong salapi ay binibigyang ng prelibihiyong makapag-aral sa pamamagitan ng scholarship.
Pinuno ni Sabrina ng hangin ang kanyang baga bago humakbang papasok sa gate na nakabukas. Mga tawanan at hiyawan ang sumalubong sa kanya pagpasok. Tumigil siya sandali at iginala ang mga mata sa paligid. May malaking swimming sa gilid ng bahay na tinambayan ng mga nagkakatuwaang college students, may mga nagswi-swimming. May mga pamilyar sa kanya, mayroon ding hindi.
Iniisip pa niya kung aalis na lang ba o magtuloy-tuloy na nang matagpuan ng kanyang mga mata si Stacy na nakasandal sa haligi ng bahay at naninigarilyo. Nang makita siya nito ay ngumisi ito sa kanya at kinuha ang selpon na nasa bulsa ng suot na maikling short. She puffed the smoke before typing in her phone.
Nakangising binasa ni Stacy ang reply ni Tom, miyembro rin ng basketball ng eskuwelahan nila. Handa na ang lahat ng plano niya, ang kailangan na lang ay si Sabrina. Stacy hated Sabrina for getting Apollo's attention. Or maybe she envied the girl. Whatever it was, she will make her pay. Noon pa mang una niyang makita si Apollo ay nagustuhan na niya ito. He's handsome, rich, smart, talented, and he owned a smile that would charm every eve. Dahil sa rejection ni Apollo ay nasaling ang pride niya at nang mabalita ang pagkakaroon nito ng relasyon kay Sabrina ay alam niyang may mga estudiyanteng nangangantiyaw sa kanya. Apollo was popular in their University.
Itinapon ni Stacy ang stick ng sigarilyo sa sementadong pavement at inapakan, pagkatapos ay nilapitan si Sabrina. "Follow me."
Naiinis man ay tumalima pa rin si Sabrina, nakakunot ang kanyang noo habang papasok sa loob ng bahay. Hindi niya alam kung bakit may mga magulang hinahayaan ang mga anak na mag-organisa at dumalo sa ganoong party. Tipikal na college party iyon kung saan may mga hormonal college students. Mausok din sa loob at maraming alak sa paligid.
Hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Sabrina na pag-aralan pa ang paligid at mga taong naroon dahil hinawakan siya ni Stacy sa braso at inilagay ang isang daliri sa tapat ng mga labi. Sumesenyas na tumahimik siya. Kapagkuwan ay itinuro ang kinaroroonan ng tila isang living room. Tanging shelf ang nakaharang sa kanila at sa kinaroroonan ng sala kung saan nakikita niya si Apollo na kasama pa ng ibang pamilyar na mga tao. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa habang kausap ang isa pang miyembro ng basketball team at umiinom ng hawak na beer. Hindi pa naman ito mukhang lasing.
Tiningnan ni Sabrina si Stacy habang magkasalubong ang kilay. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong mangyari at nagtatago sila roon. Hawak-hawak din siya nito sa braso upang 'di siya makaalis.
"Just wait and watch," bulong ni Stacy kay Sabrina na para bang maririnig ng mga nasa sala ang sinabi nito sa kabila ng ingay sa paligid.
Ibinalik na lang ni Sabrina ang pansin kay Apollo at naghintay gaya ng sinabi ni Stacy. Kung ano ang hihintayin ay hindi niya alam. Subalit aaminin niyang nagsisimula na siyang kabahan, na lalong nadagdagan nang marinig ang tanong ni Tom kay Apollo.
"Did you tell Sabrina?"
"Tell her what?" Apollo asked puzzlingly.
"You forgot to tell her?" Sabay tawa ni Tom at maging ang mga nakarinig na may alam kung ano ang ibig niyang sabihin. "The dare, dre. It's been two years and you're still in a relationship with her, seryosohan na ba 'yan?"
"Shut up, Tom! It's been two years, forget it!" ani ni Apollo na mahihimigan ang pagkainis sa boses.
Hindi naman naapektuhan si Tom na makahulugang ngumisi. "May laman na ba? Getting pregnant was a part of the dare," Tom uttered as if he was only joking and laugh humorously.
"Fuck off, Tom!"
"Chill, dre. I'm just kidding. Cheers!"
Naiinis pa rin si Apollo pero ipiningki niya ang hawak na beer dito.
Naikuyom ni Sabrina ang mga kamao dahil sa narinig. Was she just part of a dare? Was their relationship a dare? She wanted to laugh till her eyes welled up in too much laughter. Kung totoo man ay hindi siya makapaniwala na nakapasok siya sa napaka-cliché na sitwasyong iyon. Makailang beses na ba niya iyong nabasa sa mga libro at nakita sa mga pelikula?
"Heard that? You're just a dare to Apollo, Sabrina. Two years ago, in this house, Apollo was dared to make you his girlfriend."
Malamig na binalingan ng tingin ni Sabrina si Stacy na nakalarawan ang tuwa sa mukha dahil sa mga pangyayari. "Tapos ka na ba? Sinasayang mo ang oras ko."
"Don't be such a hypocrite, babe. Apollo was just fooling around, playing with you," Stacy then smiled mockingly.
Marahas na ipinagpag ni Sabrina ang kamay ni Stacy na nakahawak sa kanyang braso at iniwan ito roon. Tumigil siya sa labas ng pinto at lumanghap ng hangin, hindi siya makahinga kanina dahil sa tensiyon at sa mga taong halos magkabungguan na sa loob.
Nang marinig ang pangalan ni Apollo na tinawag ng kung sinuman at malapit ito sa kanyang direksiyon ay mabilis siyang nagtungo sa tagiliran ng bahay upang hindi nito makita. Nakasilip siya rito at nakita itong inilabas ang cellphone at may tinawagan. Hindi katagalan ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng kanyang cellphone na nasa loob ng bulsa ng kanyang pantalon.
Napapabuntung-hiningang napasandal sa pader si Sabrina. Pagkalipas ng ilang minuto ay sumilip siya muli at nang hindi makita si Apollo ay mabilis na lumabas siya ng gate at nilakad ang sakayan ng taxi. Ipinagpasalamat niyang agad siyang nakasakay at nagpahatid pauwi.
Nakaramdam siya ng pagod habang nakasandig sa backseat at nakatingin sa labas ng taxi. Sana pala ay hindi na lang siya nagtungo roon. Wala siyang nararamdamang galit kay Apollo sa kabila nang narinig niya, naroon ang agam-agam sa kanyang dibdib. Ang pagdududa kung totoo ba ang pagmamahal na ipinakita ni Apollo sa kanya. Dahil kung hindi man totoo ang mga iyon, lalo lang nitong winasak ang wasak ng Sabrina.
"ARE YOU sick?"
Mula sa pagkaing nasa harapan na hindi naman niya kinakain at pinaglalaruan lang gamit ang kubyertos ay nagtaas ng tingin si Sabrina kay Apollo na katapat niyang nakaupo at iniiling ang ulo. "Wala lang akong gana." Totoong wala siyang ganang kumain, nitong makaraan ay parang nabawasan ang kanyang sigla sa pagkain.
Matamang tinitigan ni Sabrina ang mukha ng kasintahan nang sapuhin nito ang kanyang pisngi gamit ang kamay. Hindi siya makapaniwalang magagawa ni Apollo ang mga paratang dito ni Stacy. Hindi siya makapaniwalang lolokohin siya nito. She hadn't asked him about him, she was waiting for him to open up first. She was giving him the chance to come clean. But it was a week ago since she found out about the dare and when she saw the video recording on the camera that Stacy gave her and he said nothing.
"You look tired. You don't look okay, baby."
Tinabig ni Sabrina ang kamay ni Apollo na ipinagtaka ng huli.
"I'm okay."
Apollo conceded even though he was not convinced. He can feel that there's something wrong with her, but he charges it to fatigue and stressed because of school. Maraming kailangang asikasuhin dahil graduating na sila, iyon marahil ang dahilan kung bakit hindi ito nakapagpahinga ng sapat.
"I miss you. Can we go out after we eat?"
Iniling ni Sabrina ang ulo bilang sagot. She miss him too, subalit may gagawin siya pagkatapos nilang kumain. Didiretso na sana siya paalis ng university nang magkita sila ni Apollo at yayain siya nitong kumain. Umuo siya dahil ilang araw rin silang hindi gaanong nag-uusap. She wanted to be with him and was silently hoping that this time, he would tell her about the dare and that he didn't take the dare seriously because he truly loved her.
"I'm tired. I want to go home."
Tinitigan ni Apollo ang nobya at nakita niya ang sinasabi nitong pagod sa mga mata nito. "I'll take you home."
"No!" matigas na tanggi ni Sabrina. "I can manage, mapapalayo ka pa. I have to go." Mabilis na tumayo si Sabrina at kinuha ang kanyang bag.
Nakakunot noong sinundan ng tingin ni Apollo si Sabrina. Nagtataka siya sa mga ikinikilos nito nitong mga nakaraang araw. At ngayon, basta na lang itong umalis ng hindi man lang nagpapaalam ng maayos sa kanya.
NAKARAMDAM NG RELIEF si Sabrina nang tumigil ang sinasakyang kotse sa tapat ng bahay ng ama. Tiningnan niya ang binatang nakasakay sa driver's seat upang makapagpaalam ngunit mabilis itong nakalabas sa sasakyan, gumilid sa kanyang gawi at binuksan ang pinto.
Bumaba si Sabrina at tinitigan ang mukha ng lalaking naghatid sa kanya. Singkit ang mga mata nito na lalo pang sumisingkit kapag nakangiti. Makinis ang balat at maputi, matangkad lang ng ilang inches sa kanya. Kahit saang tingnan niya hindi ito ang tipo niyang lalaki. Malayong-malayo kay Apollo ang kaharap.
"I hope you enjoy our date."
Hindi magawang ngumiti ni Sabrina rito. Pangalawang date na nila iyon ng anak ni Mr. Salcedo, ang ama ng kanyang fiancée. Nagsinungaling siya kau Apollo kanina nang sabihin niyang uuwi na siya. Sa isang coffee shop siya nagtungo upang kitain si Joshua. Iyon ang gusto ng mga ama nila, ang magkita sila nito at makakilanlan.
Kung may ipinagpapasalamat si Sabrina sa lahat ay iyon ang kaalamang hindi rin gusto ni Joshua ang pagkakasundo sa kanilang dalawa. Hindi man nito sabihin ay nararamdaman niya.
Tumikhim ito at sumeryoso ang mukha. "Can I kiss you? Let's see if we have it?"
Sandaling nag-isip siya Sabrina, ikokompara ba niya ang magiging halik nito sa halik ni Apollo? Upang mapatunayan niya sa sarili at para na rin mapatunayan ni Joshua sa sarili nito na wala talaga silang pag-asa.
Nang tumango si Sabrina ay hinawakan ni Joshua ang kanyang mukha at hinalikan ang kanyang mga labi. Pumikit siya at nag-focus sa halik nito. Wala siyang nararamdaman doon, she felt awful, she felt ashame of herself for kissing another man.
Sabrina was about to push him when someone grabbed Joshua and pulled him away from her body.
Pagmulat ni Sabrina ng mga mata ay napasinghap siya ng makita si Apollo na sinuntok ni Joshua. Nang makitang susuntukin na naman nitong muli ang huli ay pumagitna siya. "Enough!"
"Let go of me, Sabrina!" Apollo hissed angrily and tried to free himself from Sabrina's grip.
"I said enough!" Nilinga ni Sabrina si Joshua na nakatingin sa kanilang dalawa kay Apollo, nasa mga mata ang pagtataka at inis. Ang gilid ng labi ay dumudugo dahil sa natanggap na suntok. She felt sorry for him. "Go home, Josh. I'll call you."
"You won't call him. Damn it!"
Hindi muna tinapunan ng tingin ni Sabrina si Apollo hanggang sa hindi makaalis si Joshua.
"Who is he, Sabrina. Sabihin mong walang ibig sabihin ang nakita ko!"
"Calm down, Apollo."
"Calm down! You want me to calm down?! How could I do that after seeing you kissing another man, ha?!"
"I'll explain tomorrow, please, I'm tired," she said wearily.
"Tired? Yeah, you're tired because you were with him! You lied to me at the restaurant, Sab! You lied! What do you expect me to think?" galit pa ring wika ni Apollo. "How could you do this to me?"
"Ako dapat ang magtanong niyan, Apollo!" Sabrina's voice raised an octave. She was starting to get pissed.
"Matagal ka na bang nakikipagkita sa lalaking iyon?! Kaya ba iniiwasan mo ako nitong mga nakaraang araw? Kailan mo pa ako niloloko, Sabrina?"
"We'll talk tomorrow." Umiwas si Sabrina dahil ayaw niyang magpang-abot sila ni Apollo at mag-away. Subalit pinigilan siya nito sa braso. "Ano ba?! Sinabi kong bukas na!"
"Kailan mo pa ako niloloko, Sab?"
Umigkas ang kamay ni Sabrina patungo sa pisngi ni Apollo. Ang galit na kanina pa niya pinipigilan ay tuluyang nakawala. "Hindi ba ikaw ang nangloloko sa ating dalawa, Apollo? Don't try to deny it because I know everything, I am just part of a dare! I didn't know that you're such a liar! Kailanman ay hindi kita niloko. That man... he is my fiancée!" Sabrina blurted out of anger.
Natigilan si Apollo, hindi alam kung ano ang mararamdam. Kung tutunawin ang galit upang makapagpaliwanag kay Sabrina o 'di kaya'y lalong magagalit dahil sa narinig na pagkakaroon nito ng fiancée. Paano ito magkakaroon ng ibang fiancée kung girlfriend niya ito?
"Josh is better than a liar like you!"
"Sige! Magpakasal ka sa lalaking 'yon! Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan dahil mukhang wala ka namang tiwala sa 'kin!" galit na singhal ni Apollo dahil sa sinabi ni Sabrina. Tinalikuran niya ito at tinungo ang kanyang sasakyan, pumasok doon at marahas na pinaarangkada paalis.
Pinanood ni Sabrina ang pag-alis ni Apollo kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.