PAGKAPASOK ni Sabrina sa loob ng kanyang silid ay binuksan niya ang drawer kung saan nakalagay ang kamerang ibinigay ni Stacy. Binuksan niya iyon at pinanood ang video ng nangyaring laro sa loob ng bahay na pinuntuhan niya noong party. Hanggang sa si Apollo ang tanungin. He chose dare.
"I dare you to make your friend your girlfriend! I'm sure mahihirapan ka, she's frigid, dre." Sabay halakhak kasama ang iba, si Apollo lang ang hindi tumawa.
"Yeah, and take her to bed." Panggagatong naman ng isa pang kasamahan ni Apollo.
"Or make her pregnant." Boses iyon ni Stacy na siyang marahil ang may hawak ng camera. Halatang sarkastiko ito sa sinabi subalit sinang-ayunan naman ng iba.
"Okay!" sagot ni Apollo sa tonong hindi sigurado kung tatawa o maiinis. "I will have her," he said in full of determination.
Naghiyawan naman ang iba sa narinig at doon nagtapos ang clip. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Kung tutuusin ay napakababaw lang na dahilan ng video na napanood niya upang magtapos ang lahat sa kanila ni Apollo. Ang mga ipinakita nito sa kanya, ang paglalaan nito ng oras sa kanya, ang pag-aasikaso. Hindi naman parte ng dare iyon, and she can feel that it was all genuine.
Galit siya kay Apollo hindi dahil sa mga nalaman kung 'di dahil sa isinumbat nito kanina sa kanya. Pinagsisisihan niya ang mga sinabi rito ngunit galit pa rin siya, kay Apollo, sa kanyang sarili.
Inihagis niya ang digital camera sa sahig na nawasak dahil sa kanyang ginawa. Pumasok siya sa loob ng comforter, humiga at niyakap ang isang malaking unan. Bahagya nang humupa ang kanyang luha ngunit hindi pa rin iyon tumitigil.
KINABUKASAN AY nanatili siyang nakahiga at hindi na pumasok sa university. Mabigat ang kanyang pakiramdam at tingin niya'y hindi niya kakayaning tumayo.
Naririnig ni Sabrina ang pagbukas ng pinto ng kanyang silid at ang mga yabag papasok. "Dinalhan kita ng pagkain, Sabrina. Kumain ka, sigurado akong nagugutom ka dahil hindi ka kumain man lang kagabi." Boses iyon ni Yaya Melly, ang mayordoma sa bahay na iyon. Mabait ang matanda sa kanya at ramdam niyang tuna yang ipinapakita nitong pag-aalala.
Ang alam niya'y dalawang taon din siyang inalagaan ni Yaya Melly noon nang isilang siya ng kanyang ina. Dalawang taon na siya ng maghiwalay ang kanyang mga magulang, sobrang bata pa kaya hindi na niya ito maalala. Nang mamatay ang kanyang ina at tumira sa bahay ni Bernardo ay naalala pa rin siya ng matanda. Ipinagpapasalamat niya ang presensiya ng matanda sa bahay na iyon dahil pakiramdam niya'y may kakampi siya.
Hinawi ni Yaya Melly ang nakatabing na comforter sa katawan ni Sabrina. "'Yan na nga ba sinasabi ko, ikaw na'y nilalagnat dahil hindi ka kumakain ng tama. Hala, umupo ka at kumain para makainom ng gamot."
Tumalima si Sabrina nang tulungan siya nito sa pag-upo at idinandig sa dingding. "Ako na po," she said weakly when Yaya Melly was about to feed her. Kinuha niya rito ang pagkain at sumubo kahit na wala siyang panlasa. Bumaba naman ulit si Yaya Melly upang kumuha ng gamot.
Nang masulyapan ni Sabrina ang cellphone sa may bedside table ay agad niya iyong dinampot. Sa pagkadismaya niya ay wala siyang natanggap na tawag o text man lang galing sa kasintahan. Galit pa rin ba ito?
Siguro kailangan niya itong bigyan ng oras na makapag-isip? Kasi kung babaliktarin ang pagkakataon at siya ang makakita rito na may kahalikang iba ay magagalit din siya. Lalo pa't nalaman nitong fiancée niya si Joshua.
Pagkatapos niyang kumain ay ininom niya ang gamot na ibinigay ni Yaya Melly at muli ring natulog.
Buong araw na nasa loob lang ng silid si Sabrina at nilalagnat. Pinalipas niya ang buong araw sa pagpapahinga at nang magising kinabukasan ng tanghali ay mabuti-buti na ang kanyang pakiramdam.
Naligo siya't nagbihis dahil kailangan niyang pumunta sa paaralan, araw ng pictorial nila para sa kanilang year book at kailangan niyang pumunta roon. Dinaanan niya muna si Apollo sa bahay nito ngunit walang tao roon. Sa campus ay hindi rin niya ito mahagilap, pati texts at mga tawag niya ay hindi ito sumasagot.
MATULIN na dumaan ang dalawang araw na hindi nakikita at nakakausap ni Sabrina si Apollo. Lalo siyang nadepress dahil doon. Kailangan nilang mag-usap tungkol sa relasyon nila, sa kalagayan niya.
Hindi maalis-alis ang kanyang tingin sa pregnancy test kit na nasa ibabaw ng lalabo. Dalawang linya. Buntis siya. Ni hindi niya naisip ang bagay na iyon sa mga nakaraang araw. Kanina, nang i-research niya ang dahilan ng pananakit ng katawan, ang parating pagkahilo at pagsusuka sa umaga, bagaman ay hindi madalas, may iba't ibang sanhi ang lumabas ngunit isa ang nakakuha sa kanyang atensiyon.
Noon niya naalalang dalawang buwan na siyang hindi dinadatnan. Hindi naman siya conscious sa katawan kaya hindi niya napapansin ang bahagyang paglaki ng tiyan, akala niya ay excess fat lang. Ngayon niya nasa harapan na niya ang patunay na hindi iyon basta bastang excess fat. She was pregnant.
Hindi niya malaman kung matutuwa o iiyak dahil sa nalaman. Ni hindi niya makontak ang ama ng kanyang ipinagbubuntis at hindi niya alam kung nasaang panig ito ng planeta.
Napahawak siya sa tapat ng tiyan, ang isang kamay ay itinakip sa bibig upang pigilan ang sarili sa pag-iyak. Nagiging mahina siya kapag umiiyak at pakiramdam niya'y masirableng-miserable siya.
"Ma'am Sabrina, kakain na po," untag ng katulong na siyang nagpagising kay Sabrina sa pag-iisip.
Tiningnan niya ang sarili sa salamin at inayos ang nagulong buhok at damit. Naghilamos din siya upang ipagpag ang namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata bago lumabas ng banyo at nagtuloy-tuloy sa paglabas sa kanyang silid.
Bumaba siya sa unang palapag patungo sa kusina habang nakasunod ang kasambahay. Hindi pa man kumakain ay nakakaramdam na siya ng pait sa mga dila nang makita si Bernardo sa pasimano, sa gilid nito ay nakaupo si Collin na dinudulutan ng Yaya nito ng pagkain.
Umupo siya sa harapan ni Collin at tahimik na kumain. Ipinagpasalamat niyang hindi nagsalita si Bernardo sa durasyon ng hapunan nila. Nauna rin itong matapos kumain at pagkatapos ibilin sa Yaya si Collin ay pumasok sa library.
Pinunasan ni Sabrina ang bibig bago sumunod sa ama sa library. Paupo na ito sa swivel chair nito nang makapasok siya.
"I want to talk to you."
"What is it? Make it quick, I'm busy."
Isang buntung-hininga ang kanyang pinakawalan at matapang na sinalubong ang mga mata ni Bernardo na nakatingin sa kanya. "I'm pregnant."
Lalong nangunot ang kunot ng noo ni Bernardo dahil sa sinabi ni Sabrina. Ipinoproseso ng kanyang utak ang narinig mula sa dalaga. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair at humakbang palapit sa kinatatayuan ni Sabrina. "What did you say?!" Bernardo asked heatedly.
"I'm pregnant, Dad. I can't marry Joshua because I am pregnant with another man's child."
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Sabrina mula sa ama. Masakit ang kanyang pisngi ngunit hindi niya iyon ininda at determinadong muling tumingin kay Bernardo na nag-aapoy ang mga mata sa galit.
"Inggrata! Get rid of that baby, now!" Namumula na ang mukha nito sa galit at nanlalaki ang mga mata.
Napahawak si Sabrina sa harap ng tiyan na para bang pinoprotektahan ang buhay na pumipintig sa loob niyon. Nagagalit siya at nasasaktan dahil sa sinabi ng kanyang ama. Paano nito nasasabi ang mga salitang iyon? The baby in her tummy was also his bloodline. "Anak ko 'to, Dad, ako ang magpapasya kung ano ang gagawin ko sa anak ko! At hindi ako papakasal kay Joshua dahil gusto mo, buhay ko 'to at ako magdedesisyon, sawang-sawa na ako sa manipulasyon niyo, Dad... Tama na." Gumaralgal ang boses ni Sabrina at bigla siyang nakaramdam ng panghihina. Diniinan niya ang tiyan nang maramdaman ang pagpintig doon.
Hindi naapektuhan si Bernardo sa nakikitang paghihirap ng dalaga. Mariin niya itong hinawakan sa balikat at kinaladkad palabas ng library. Pinipigilan ni Sabrina ang ama at hinila ang kamay subalit hindi ito nagpatinag.
"Pakawalan mo ako!" Dahil sa kanyang pagsigaw ay naalarma ang mga kasama nila sa bahay. Ang mga katulong ay lumabas sa kusina, tanging si Yaya Melly lang ang nagtangkang lumapit sa kanila at sinubukang pigilan si Bernardo.
"'Wag kang makialam dito, Melly!"
Isang naaawang tingin ang ibinigay ng matandang mayordoma kay Sabrina dahil hindi nito magawang pigilan si Bernardo.
Dumiretso si Bernardo palabas ng bahay habang hila-hila ang anak.
"No!" pigil ni Sabrina nang sapilitan siya nitong isakay sa kotse. Mariin niyang kinagat ang braso nito kaya nabitawan siya nito. Sinamantala niya iyon at mabilis ang kilos na tumakbo palabas ng gate. Sinuwerte siyang may dumaang taxi at agad siyang nakasakay.
Nanghihinang napasandal sa backseat si Sabrina matapos tingnan kung nakasunod ba ang ama. Napahawak siya sa tiyan nang muli iyong pumintig.
"Saan ko kayo ihahatid, Ma'am."
Pagkatapos sabihin sa driver ay ipinikit niya ang mga mata upang maibsan ang sakit sa katawan. Napanatag lang siya nang mawala ang sakit sa tiyan, partikular na sa bandang tagiliran.
Nanubig na naman ang kanyang mga mata nang makarating sa bahay ni Apollo. Wala pa rin ito roon at walang bakas na pumunta ito roon. Gayunpaman ay naghintay siya sa labas ng bahay nito. Nanalangin na pumunta ito roon at magkita sila. She needed him, hirap na hirap na siya sa kanyang ama, sa sitwasyon niya.
Sa mukha pa lang ni Bernardo kanina ay determindao itong ipatanggal ang bata sa kanyang sinapupunan. Hindi niya ito hahayaang mangyari iyon, hindi niya magagawa ang ganoong kawalang pusong bagay sa kanyang magiging anak. Kung kailangan niyang lumayo upang makaiwas sa manipulasyon ni Bernardo ay gagawin niya. Ngunit hindi niya iyon kayang mag-isa, kailangan niya si Apollo, kailangan niya ang ama ng kanyang anak.
Nang makaramdam ng ginaw ay tsaka lang siya tumayo mula sa pagkakaupo sa harap ng bahay ni Apollo. Hindi niya alam kung ilang minuto o oras na siya roon ngunit hindi ito dumating. Tahimik na rin ang paligid dahil gabi na at wala siyang ibang mapuntahan.
Naglakad siya patungo sa sakayan ng taxi nang makaramdam nang pananakit ng kanyang tiyan at tagiliran. Napahawak siya roon at namilipit sa sakit. Mas masakit iyon kaysa kanina, tumutulo na rin ang pawis sa kanyang noo dahil sa sakit.
Naalarma si Sabrina at inilibot ang mga mata sa paligid upang makahingi ng tulong ngunit walang bukas na bahay at establisiyemento dahil oras na ng pahinga. Pinilit niyang maglakad at humanap ng masasakyan para sa buhay na pumipintig sa loob ng kanyang tiyan.
"H-Help..." mahina niyang daing ngunit walang natanggap na tulong. Nang makita ang isang bukas na parmasya ay sinubukan niyang maglakad papunta roon ngunit hindi na kaya ng kanyang mga tuhod. Napahawak siya sa poste ng ilaw na nasa gilid ng daan at napatingin sa kanyang mga binti at napasinghap nang makita ang pulang likidong dumadaloy roon.
Hindi na nakayanan ni Sabrina ang sakit kaya pinanawan siya ng ulirat sa gilid ng kalsada.
ANG KULAY KREMANG kesame ang sumalubong sa kanya pagmulat niya ng mga mata. Hindi agad rumihestro sa kanya ang mga nangyari at ipinagtaka kung ano ang ginagawa niya sa pamilyar na silid na iyon.
Nang tuluyang bumalik ang kamalayan ay nanlaki ang kanyang mga mata at napahawak sa kanyang tiyan. Kahit masakit ang kanyang katawan ay pinilit niyang umupo sa ibabaw ng kanyang kama. Siya namang pagbukas ng pinto ng kanyang silid at pagpasok ni Yaya Melly.
"What happened?" she asked with wide eyes, she was afraid of what she might find out. She can feel it, there's something wrong with her body.
"Tatlong araw kang walang malay, Sabrina."
"Anong nangyari, Yaya?!" ang histerikal niyang tanong muli rito.
"Huminahon ka, hija."
"Just tell me what happened, please," she pleaded. Ang kanyang mga luha ay nag-uunahang pumatak mula sa kanyang mga mata.
"I'm sorry..." Iyon pa lang ay tila gumuho ang mundo ni Sabrina. Nannikip ang kanyang dibdib at namanhid ang kanyang katawan at hindi makagalaw. "Hindi nakaligtas ang anak mo, dahil sa stress kaya ka nakunan."
Pumalahaw ng iyak si Sabrina. Sobrang sakit, hindi niya matanggap, ayaw niyang tanggapin. Lumapit ang mayordoma sa dalaga at niyakap ito. Umiyak si Sabrina sa dibdib ni Yaya Melly, gusto niyang sumigaw at magwala sa sobrang sakit ng kanyang nalaman ngunit hindi niya maigalaw ang katawan.
Ilang oras bago humupa ang kanyang pamimighati dahil sa nangyari. "Where is he? Where's my baby?" aniya kasama ng mumunting hikbi.
"Ipinatapon ni Bernardo ang fetus."
Napalitan ng galit para sa ama ang sakit sa dibdib ni Sabrina. "He did that!"
"'Wag kang mag-alala, anak, maayos ko siyang naipalibing."
"I want to see him." Tumayo siya, kamuntikan pang matumba dahil sa panghihina ng mga binti ngunit pinilit niya ang sarili na makatayo.
"Pero-"
"I want to see him!"
Walang nagawa ang mayordoma dahil buo na ang pasya ng dalaga at hindi niya mababali. Sinamahan na lang niya ito papunta sa puntod ng anak. Mabuti na rin lang at wala si Bernardo sa bahay ng araw na iyon kaya nagawa nilang makaalis ng malaya.
Hinawakan ni Yaya Melly ang kamay ni Sabrina na nakatingin sa labas ng taxi habang lumuluha. Naiintindihan ng matandang mayordoma ang nararamdaman ng dalaga dahil siya man noon ay nawalan ng anak habang ipinagbubuntis pa ito at hindi na pinalad na magbuntis muli.
Napukaw ang atensiyon ng driver ng taxi na sinakyan ng dalawang babae ng marinig ang pagsagitsit ng gulong sa kahabaang iyon ng highway. Pagtingin niya sa kanyang kaliwa ay agad na napatda nang makita ang isang sixteen wheeler truck na tinutumbok ang kanyang minamanehong taxi. Bumubusina ang driver niyon na tila nawalan ng preno.
Agad na niyakap ni Yaya Melly si Sabrina nang makita ang sasakyang patungo sa kanilang direksiyon. "Hindi mo kasalanan," ang sambit ng matanda.
Nanlaki ang mga mata ni Sabrina ng makita ang truck, hindi nakaiwas ang sinasakyan nila at inararo sila niyon. "Yaya..." ang katagang siyang huli niyang inusal bago nawalan ng malay.