"Good morning."
Itinulak ni Sabrina ang mukha ni Apollo na sumulpot mula sa kanyang likuran. Umupo ito sa upuan nitong katabi niya, itinukod ang isang siko sa mesa, ipinatong ang baba sa itaas ng nakakuyom na kamay at tumingin sa kanya.
Hindi ito pinansin ni Sabrina at nanatiling nakatutok ang kanyang mga mata sa librong hawak. May quiz sila mamaya at kailangan niyang mag-aral upang makakuha ng mataas na marka.
Nang hablutin ni Apollo ang libro mula sa dalagita ay sinamaan ito ng tingin ng huli at muling kinuha sa kamay nito ang libro.
"Fine!" suko ni Apollo na dramatikong bumuntung-hininga. "You're candidate for valedictorian and I'm sure that you'll get it. Give yourself a break, will you? Baka nga sa pagtulog kasama mo pa rin ang mga libro."
Umikot ang mga mata ni Sabrina ngunit hindi siya tumugon. Tama ito sa sinabi, tuwing gabi ay nakakatulog siya tuwing nagbabasa kaya literal na katabi niyang matulog ang kanyang mga libro. Lalo na nitong mga nakaraan dahil malapit na ang finals nila. Simula nang mangyari ang ginawang pananakit ng kanyang ama ay dinoble niya ang oras na inilalaan sa pag-aaral. Hindi dahil natatakot siyang muling mahataw ng sinturon, kung 'di dahil gusto niyang maging proud naman sa kanya ang ama at maptunayan dito na kaya niya.
She knew that Apollo had been helping her too that's why she was consistent on being the top one in the class the next following grading periods. Pakiramdam niya'y sinasadya nitong maliin ang mga sagot sa exam o sa mga quizzes, pinagbibigyan din siya nito sa mga oral recitations. Gusto niyang komprontahin si Apollo ngunit hindi niya magawa dahil nakakaramdam siya ng hiya tuwing susubukan niya. Paano kung mali naman pala siya?
"Let's go malling later after class."
"I'm busy," sagot ng dalagita habang hindi pa rin ito tinatapunan ng tingin. "Ano ba, Apollo!" inis niyang sikmat dito nang muli nitong hablutin ang kanyang libro. Kukuhanin niya sana iyon pabalik nang itaas nito ang kamay.
Inirapan ni Sabrina si Apollo at hinayaan na ito sa gustong gawin, tapos na rin naman siya sa ginagawa. Iginalaw-galaw niya ang balikat dahil nangangalay iyon kasabay ng paglibot ng mga mata sa loob ng classroom. Tatlo pa lang silang naroon, ang isa nilang kaklase ay mukhang wala namang pakialam sa kanila, may sarili itong mundo habang nakapasok ang earphone sa may tainga.
Inusog ni Apollo ang upuan palapit sa dalagita, kapagkuwan ay ipinalibot ang braso sa balikat nito. Dahil sa ginawa ay nakatanggap siya ng siko mula rito. "Ang brutal mo talaga."
Sabrina looked at him in a 'what do you want' kind of look. She put her arms around her chest and raise one brow.
"I'm just going to ask you if you'll come to the prom. So will you?" Apollo then wiggled his brow suggestively. "Come on, it's a once in a lifetime experience! Hindi makukumpleto ang high school life mo kung hindi ka a-attend ng prom."
"I can't, I have plans that day."
"Yes, you can! Ayaw mo lang pumunta kasi tingin mo 'di ka papayagan."
"'Di nga ako papayagan, so 'wag ka nang makulit at tigilan mo ako sa bagay na 'yan." Sabay ikot niya ng mga mata at umayos ng upo paharap sa pisara.
"I'll talk to him then," Apollo said nonchalantly and shrugged his shoulders.
Marahas na muli itong binalingan ng tingin ni Sabrina at matatalim ang mga matang tinitigan ito na ngumisi lang, parang alam na nitong mananalo ito. "Fine! I will try!"
"Great!" masiglang wika ni Apollo at ginulo ang buhok ni Sabrina na agad na nagpasimangot sa huli.
Hahampasin sana ito nang dalagita nang marinig ang mga tinig ng mga bagong dating na kaklase. Sinamaan na lang niya ito ng tingin, pinuno ng hangin ang baga bago nag-iwas ng tingin sa nakangisi nitong mukha.
HINDI mapakali si Sabrina habang nakaupo sa backseat ng sasakyan. Pakiramdam niya ay ang bigat bigat ng kanyang mukha dahil sa koloreteng inilagay roon ng mga kasambahay nila. Ang mga ito ang tumulong sa kanya sa paghahanda sa kanilang prom. Maging ang kanyang suot na gown ay binili niya kasama ang kanyang Yaya sa mall.
Kahit na sinabi niya kay Apollo noong nakaraang linggo na hindi siya pupunta, sa kaloob-looban niya'y gusto niyang maranasan ang makadalo sa high school prom. Nang kausapin niya ang kanyang ama ay hindi agad itong pumayag. Ngunit nang ipinangako niyang gagraduate bilang valedictorian ay napapayag niya ito.
Naghalo ang kaba at excitement sa kanyang sistema habang papasok sila sa hotel kung saan gaganapin ang prom nila. Nang tumigil ang sasakyan ay pinuno muna niya ng hangin ang baga bago lumabas ng sasakyan.
Kipkip ang dulo ng kulay rosas na gown ay lumakad siya papasok sa event hall. May mga school mate at ilang mga kaklase siyang nakakasalubong, naiilang siya sa mga tingin na ipinupukol ng mga ito sa kanya.
Namangha si Sabrina nang makita ang paligid ng event hall, dinodomina ng kulay puti, lavender at pink. Dinagdagan pa ang kagandahang iyon ng mga bulaklak na nakalagay sa bawat mesa.
Dahil nakatingin sa paligid ay hindi napansin ni Sabrina ang taong nasa harapan na nakatalikod sa kanyang direksiyon kaya nabangga siya sa likuran nito.
Himas ang nasaktang noon a nagtaas ng tingin si Sabrina. Natigilan siya at napakurap-kurap nang masalubong ang mga mata ni Apollo na nakatingin sa kanya. Bahagya pang nakaawang ang mga labi nito at nanlaki ang mga mata habang pinapasadahan ng tingin ang dalagita.
Apollo redeemed himself when his classmate tapped his shoulder. Napatingin siya sa mga kaklaseng kausap kanina na makahulugang ngumisi sa kanya. Kapagkuwan ay muling ibanalik ang tingin kay Sabrina.
"You... you look like a... girl." Apollo wanted to launch a punch at his face for what he said. He could do better than that.
Inikot ni Sabrina ang mga mata bilang sagot. Nginitian niya ang dalawang kaklase na kausap ni Apollo na mukhang nagulat sa kanyang ginawa. Marahil ay noon lang siya nakita ng mga itong ngumiti. Lihim niya iyong ipinagkibit ng balikat. Hindi niya maiwasang hindi mailang dahil sa mga tingin na ibinibigay sa kanya ng tatlo, partikular na ni Apollo.
It was the first time that she wore a dress and makeup and styled her hair. Lagi niyang suot ang jeans niya, rubber shoes at t-shirt na pinaloob sa suot na jacket. Maybe they find it weird to see her like that? She finds herself weird too, though her Yaya said that she looked pretty.
"Nagmukha kang tao," sabi ni Apollo na ngumisi kay Sabrina. Napasimangot naman ang huli.
"Mukha kang unggoy," Sabrina uttered between her teeth. She wanted to stomp her feet when Apollo pinched her nose. Nang hawakan siya ni Apollo sa mga kamay at hinila patungo sa mesa ay nagpagiya siya rito. Hindi niya rin alam ang gagawin niya roon, wala naman siyang ibang kaibigan bukod dito.
MALALIM ang hiningang pinakawalan ni Sabrina nang makalabas sa loob ng event hall. Nilakad niya ang mahabang pasilyong nasa kanyang kaliwa at dinala siya no'n sa tagilirang bahagi ng hotel kung saan naroon ang L-shape swimming pool. May tatlong tao siyang nakita roon na nagna-night swimming.
Inalis ni Sabrina ang high heels na suot mula sa mga paa bago umupo sa gilid ng pool, inilihis niya ang suot bago inilubog ang paa sa tubig. Itinuon niya ang mga mata sa langit at doon lang napayapa ang kanyang dibdib. She felt at ease, unlike earlier. She doesn't really like a lot of people or attending a party or gathering. She had fun watching her school mates having at the same she was also envious of them. Kung sana ay naging typical na teenager lang siya, iyong walang pinoproblema at walang dinadala sa dibdib. Her mother just died almost two months ago, her father doesn't care about her and she felt so alone.
"There you are!"
Sabrina sighed when she heard that familiar voice. She did not bother to look at him. Umupo ito sa tabi niya at sa panggigilalas niya ay inilubog nito ang mga paa sa tubig kahit may suot pa itong sapatos at slacks. "Are you crazy? What are you doing? Why are you here?" Kanina lang ay pinapanood niya itong nakikipagsayaw sa mga kaklase nila at taga ibang sections. Ilang minuto na lang magtatapos na ang prom nila.
"You know what, I love the stars and the moon. When I was a kid, I asked my father to open the roof of my room so I can watch the sky at night. Hindi naman nila puwedeng tanggalan ng bubong ang kuwarto ko kaya ginawa nila iyong salamin. I had the best view every night." Sumulyap si Apollo kay Sabrina at ngumiti rito.
"You're not answering my questions." Naningkit ang mga mata ni Sabrina rito, bagaman ay interesado pa siyang malaman ang anumang sabihin ni Apollo tungkol sa personal nitong buhay. She sometimes envy him for the life he had, it seemed so easy and carefree and warm.
"I was about to ask you for a dance pero hindi kita makita sa loob kaya lumabas ako at nahanap nga kita rito."
"I... I can't dance," amin niya na ikinatawa nito ng mahina. Sa inis ay inihampas niya ang kanyang sapatos dito. "Sige, tawa pa. Porke't magaling kang sumayaw! Itulak kaya kita riyan!" Nakasunod ang mga mata niya sa bawat galaw nito kanina kaya alam niyang marunong itong sumayaw. Siya, hindi niya talaga kaya dahil parehong kaliwa ang kanyang mga paa.
"I'll tell you a secret..." ani Apollo na tumigil sa pagtawa at dumukwang palapit kay Sabrina kaya napaatras ang huli.
"A-ano ba... lumayo ka nga!"
"I can't swim, Sabrina."
Umawang ang mga labi ni Sabrina at nanlaki ang mga mata habang nakatingin dito. Kapagkuwan ay pigil ang tawang tinakpan niya ang bibig, ngunit hindi niya iyon nakayanan at kumawala sa kanyang mga labi. "Are you... for real?" she asked while laughing.
Napakamot lang ng ulo si Apollo habang nakatingin sa mukha ng dalagita. Nang makita ang masaya nitong ngiti ay sumilay rin ang ngiti sa kanyang mga labi.
"ANO BA naman 'yan! Dahan-dahan naman!" reklamo ni Sabrina nang muntik nang madapa dahil kay Apollo na akay-akay niya.
Nang makarating sa loob ng kanilang classroom ay nakahinga lang siya nang maluwag nang makaupo na ito sa silya nito. Iginalaw-galaw niya ang mga balikat at leeg upang maibsan ang pangagngalay niyon.
Tiningnan niya ang paa nitong napinsala at napangiwi. Pratice nila para sa graduation ceremony nang araw na iyon, ngayong hapon ay na-cancel ang kanyang ensayo dahil may faculty meeting ang mga teachers. Halos lahat nilang kaklase ay umuwi na. Nanatili siya roon upang tapusin ang pagsulat ng kanyang valedictorian speech na iche-check ng kanilang adviser. Nalaman na lang niyang naaksidente si Apollo habang naglalaro ng basketball nang tawagan siya nito sa cellphone niya. Pinuntahan niya ito sa clinic dahil doon ito isinugod nang ma-sprain ang paa.
Bumalik siya sa pagsusulat ng speech niya habang si Apollo ay isinubsob ang mukha sa ibabaw ng lamesa. Nang hindi magustuhan ang isinulat ay kinuyumos ni Sabrina ang papel na sinusulatan. Malalim siyang napabuntung-hininga dahil sa frustration at sinulyapan si Apollo na mukhang nakatulog na yata.
Sinipa ni Sabrina ang upuan nito dahilan upang mag-angat ng tingin sa kanya si Apollo. He looked tired and sleepy. "Tulungan mo nga ako rito. I'm about to lose my mind! Bakit ba kailangang may pa-speech-speech pa?" palatak ni Sabrina habang si Apollo ay naaaliw na nakatingin dito habang nakapatong ang pisngi sa isang braso. "Hindi na ako natutuwa sa karangalang matatanggap ko. Honestly, I don't like it, it was only for my father's satisfaction. I feel like... I feel like I don't deserve it. But thank you, Apollo. I know what you did to help me." Nagbaba ng ulo si Sabrina at nag-iwas ng tingin kay Apollo. Nahihiya siya rito dahil sa mga pinagsasabi. Iyon ang unang beses niyang nagsabi ng nararamdaman. Sa tuwina ay wala siyang magawa kung 'di kimkimin ang lahat ng mga hinaing.
"What did I do?" patay-malisyang tanong ni Apollo.
Sabrina looked at him coldly and raised an eyebrow. "Don't deny it, I'm not stupid."
"Sabi mo nga 'di ka stupid. That's your answer, you're smart and hardworking that's why you are our batch's valedictorian."
Bumuntung-hininga muli si Sabrina sa narinig. Gusto niyang sumagot ngunit alam niyang hindi papatalo si Apollo at makikipag-argumento base sa ginamit nitong tono ng pananalita.
"You know what, just write what you want to say. Write what's inside your heart," Apollo then smiled at her.
Sabrina bit her lower lip when she felt her heart pick up speed.