Sanford Series 3 Chapter 8

Sabrina and Apollo had been the best of friends until college. They go to the same university and they enrolled in the same course.

Sabrina didn't like the course she was taking but she had no choice, her father insisted on it no matter how hard she tried to tell him that she wanted something else. Ang tanging pakunswelo niya ay naroon si Apollo at pinapagaan ang kanyang mga alalahanin.

Naroon si Apollo palagi upang pakinggan ang kanyang mga hinaing sa buhay, minsan ay binibigyan siya ng payo at pinagsasabihan kung nakagawa siya ng mga maling desisyon. Apollo had been a good friend to her. Ito lang ang tanging maituturing niyang naging malapit na kaibigan niya talaga, pero nunkang sasabihin niya iyon dito, siguradong tutuksuhin siya nito.

Apollo was a gentleman, he was smart, funny, friendly, he had a great sense of respect towards others, especially to older people. He's every girl ideal man, in fact, a lot of people adored him. Sa katunayan ay may mga babae ngang estudiyante sa university nila ang nagpapadala ng bulalak, sulat at mga tsokolate rito na sa kanya napupunta. Ang iba ay hayagang sinasabi ang pagkagusto kay Apollo ngunit nginingitian lang iyon ng kaibigan.

May napapabalitang naging girlfriend ni Apollo ang isang miyembro ng cheering squad ng university ngunit alam niya ang totoo. Apollo was a part of the varsity team of the school, maybe that's why he easily captured every girl's attention. Not to mention his boyish smile that would melt every girl's defenses and will turn their knees to jellies. Subalit mula nang makilala niya si Apollo ay hindi ito nagkaroon ng relasyong romantiko sa isang babae.

Sabrina was part of those people who adored him. She had a crush on Apollo since they were high school, marahil ay dahil sa palagi silang nagkakasama ay naging immune na siya sa presensiya nito at kaya niyang kontrolin ang emosyon tuwing malapit ito. Isinantabi niya ang paghangang nararamdaman sa kaibigan bilang lalaki, every time they were together, she will remind herself that he was her friend and she doesn't want to ruin the relationship they had.

Siguro ay masasabi niyang safe naman ang panghangang nararamdaman niya rito. Besides, everyone liked him.

"Is there a problem?" tanong ni Apollo sa kaibigan na kanina pa bumubuntung-hininga habang naglalakad sila sa hallway ng university.

Sinulyapan ni Sabrina si Apollo sa kanyang tabi kapagkuwan ay muling nagbuga ng hangin. "Si dad, sinabi ko na namang magshi-shift ako sa ibang kurso."

"He got mad?"

She smiled at him bitterly. "What do you expect?" Dahil sa sinabi ay pinigilan siya ni Apollo sa braso at inilihis ang manggas ng kanyang damit. "What are you doing?" She pushed his hands away and looked at him as if he had grown two heads.

Nakahinga lang ng maluwag si Apollo nang makitang wala itong pasa. "Let's go malling?" suhesiyon ni Apollo na banayad na pinisil ang ilong ni Sabrina.

"Wala ka bang praktis ngayon?" tanong ng dalagita habang masama pa rin ang pagkakatingin dito. Bilang sagot ay hinawakan ni Apollo ang kanyang kamay at naglakad palabas ng university. "This is a very bad idea." Nakasakay na sila ng taxi ni Apollo, doon lang niya naalala ang kanyang ama. Alam niyang hindi ito matutuwa kung malalaman nitong naglakwatsa siya sa oras ng klase. Well, wala naman siyang pasok sa paghuling-period niya dahil nagkasakit ang kanilang professor at mamaya pa siya susunduin ng driver nila.

Hindi madali para kay Sabrina ang naging buhay niya sa nakalipas na mga taon. Bagaman ay hindi siya masyadong pinapansin ni Bernardo ay napaka-higpit nito. Alam nito ang mga galaw niya na para bang may mga tao itong inatasan upang i-monitor siya. Hindi siya maaaring lumabas kung hindi man siya pupunta sa university o 'di kaya'y may group project. Hatid sundo siya ng driver na nagre-report din sa kanyang ama. She hated that part of her life, but she can't do something about it.

"Of course we need this, we need to unwind after those tiring exams yesterday and the other day."

"May sagot ka talaga sa lahat 'no?" sarkastikong wika ni Sabrina sabay halukipkip. "Ang sabihin mo tinatamad ka lang mag-pratice!" Kanina pa niya napapansing may tumatawag dito at nasulyapan niya ang pangalan ng teammate nito.

Ngumisi si Apollo sabay akbay sa dalagita, pumiglas ito ngunit hindi niya pinakawalan. "Babawi na lang ako bukas."

Umingos lang si Sabrina at hindi na sumagot, hinayaan na lang niya ito sa gustong gawin at itinutok ang mga mata sa labas ng bintana ng taxi.

Ilang sandali pa ay nasa loob na sila ng mall. Hindi pa katagalan nang magsimula ang palabas ay inilagay ni Apollo ang lalagyan ng popcorn sa kandungan ni Sabrina. Napapitlag si Sabrina nang bigla nitong idinantay ang ulo sa kanyang balikat. "W-What are you doing?"

"Shh, I'm sleepy."

Sabrina looked at Apollo who was resting on her shoulder and sighed in defeat. "Kung gusto mong matulog 'edi sana umuwi ka na lang sa bahay niyo."

Hindi sumagot si Apollo kaya wala siyang magawa kung 'di hayaan ito sa gustong mangyari. Inilibot niya ang mga mata sa loob ng sinehan kapagkuwan ay muli ring ibinalik sa malaking screen at sumubo ng popcorn.

Tatlong linggo nang pinapalabas ang pelikulang kanilang pinapanood kaya marahil ay walang ng ganoong taong nanonood. She chose that Marvel movie since she really wanted to see it. She already read it in a comic book and she wanted to see the movie version. Hindi lang naman academic books ang mga binabasa niya, pati mga fiction books ay paborito niyang basahin.

Muling sinulyapan ni Sabrina si Apollo na pantay na ngayon ang paghinga habang nanatili pa ring nakasandal sa kanyang balikat. She bit her lip as he roamed her eyes on his face, from his thick brows to his square jaw. Sabrina flinched and her eyes became wider when his big hand enveloped hers.

"It's cold," Apollo murmured while his eyes were still closed. He nuzzled Sabrina's neck and his grip on their intertwined hands tightened.

She wanted to push him away, he might hear her painfully thudding heartbeat and he might mistake it for something else. Sabrina just couldn't breathe with their proximity, that's just it. Tama rin naman ito nang sabihing malamig sa loob ng sinehan, at tsaka hindi na bago ang paghawak nito sa kanyang kama o paghilig sa kanyang balikat.

Sabrina needed to endure their uncomfortable position for over an hour. When the movie was finally nearing its end, Apollo opened his eyes, yawned, and leaned on the seat. Tila nakahinga ng maluwag si Sabrina dahil doon.

Pagkalabas nila ay kumain muna sila ni Apollo sa isang fast food bago bumalik sa university. Sa likurang bahagi sila dumaan dahil siguradong nag-aabang sa kanya ang kanyang sundo sa harapan ng university.

Sa panggigilalas ni Sabrina ay yumuko si Apollo sa kanya at dinampian ng halik ang kanyang noo nang ihatid siya nito sa harapang gate ng paaralan. "See you tomorrow," nakangiting saad ni Apollo.

"Y-Yeah... See you tomorrow." Mabilis na tumalikod si Sabrina at sumakay sa loob ng kotse kung saan kanina pa naghihintay ang driver na kanyang sundo. Idinahilan niya ritong may project pa siyang tinapos.

"Anong nangyayari sa 'yo?" bulong niya nang makauwi at makapasok na sa loob ng kanyang silid. Marahan niyang tinampal-tampal ang dibdib dahil nahihirapan siyang huminga dahil sa lakas ng tibok niyon.

"SAAN BA kasi tayo pupunta?" naiinis na sita niya kay Apollo na nagmamaneho. "Kanino na naman itong kotse na 'to? At paano kung mahuli tayo, may lisensiya ka ba?"

"Dami mong tanong. For your information, may lisensiya na po ako, last week ko pa nakuha. Itong kotse ay lumang kotse ni Dad at hiningi ko."

"You're not answering my first question. Where are we going?!" Kaninang palabas niya mula sa huling subject nang araw na iyon ay agad niyang nakita si Apollo na nag-aabang sa kanya. Walang sabi-sabing hinila siya nito palabas ng university at ginamit nga nila ang sasakyan ng Daddy nito sa kung saan man ang kanilang tungo ay hindi niya alam.

"Relax, hindi kita ipapahamak, promise. Just trust me on this."

"Fine! Whatever! Basta kapag napagalitan ako, bubugbugin talaga kita!"

Hindi na sumagot si Apollo at nanatiling nakatuon ang pansin sa pagmamaneho. Nangunot ang noo ni Sabrina nang makitang tila hindi ito mapalagay. Minsan ay kumukunot ang noo na tila nag-iisip, minsan naman ay napapabuntung-hininga.

"Anong ginagawa natin dito? nagtatakang tanong niya nang makita ang isang bahay na tinigilan nila. Maliit lang iyon ngunit magandang tingnan mula sa labas, marahil ay dahil din iyon sa mga tumutubong mga bulaklak at halaman.

Hinila na naman siya ni Apollo kaya wala siyang magawa kung 'di sumunod dito. Nakakunot pa rin ang kanyang noo habang sinususian nito ang seradura. Pinuno ni Apollo ng hangin ang baga bago binuksan ang pinto.

Napasinghap si Sabrina at napatakip sa dibdib nang makapasok sila sa loob. Halos walang gamit doon maliban sa isang lamesang nasa gitna ng sala at dalawang upuan. Sa paligid ay may mga nakasabit na birthday decoration at may mga balloons na mga hugis letra na bumuo ng dalawang salita na siyang dahilan kung bakit hindi niya napigilan ang mga luha sa pag-alpas.

"How... how... what is this?" she asked incoherently.

"Happy birthday, Sab," Apollo muttered while smiling at her.

Nahampas ni Sabrina si Apollo sa balikat habang marahas na pinahiran ang basang pisngi. "Ano ba naman 'to? I'm not a kid anymore, ang lame ng decoration, ha," aniya upang pigilan ang galak sa kanyang dibdib. She never celebrated her birthday since her mother died, mukhang wala rin namang pakialam si Bernardo sa kaarawan niya. Kahit minsan ay hindi siya nito tinanong kung gusto niyang magselebra o kung may gusto siyang regalo, not even in Christmas' or New Years. At ang kapatid niyang si Collin ay sampung taong gulang pa, ano nga ba ang alam nito? Maging ang mga katulong ay hindi niya sinabihan sa tatlong taon niyang paninirahan sa bahay ni Bernardo.

Sa tuwina ay si Apollo lang ang bumabati sa kanya tuwing kaarawan niya at binibigyan siya ng regalo. Hindi nga lang niya alam kung paano nito nalaman ang kanyang kaarawan. Today was her eighteenth birthday, ordinary lang namang araw iyon sa kanya, nag-iba lang ang kanyang edad, 'yon lang 'yon. No celebration, no parties, but Apollo did all of these.

"Still, I want to celebrate this day, your day. I could have prepared a much bigger for you where our block mates are invited, but I know you wouldn't like that."

"Mabuti hindi mo ginawa, I will surely kick you on the gut!" Apollo chuckled in amusement. "Thank you," Sabrina whispered.

"What?" nakangiting tanong ni Apollo.

"Thank you."

"I can't hear you," he said teasingly.

"Mukha mo!" Sabay tulak ni Sabrina sa mukha nito. Kapagkuwan ay muling pinalibot ang mga mata sa loob ng bahay. "Kaninong bahay 'to?"

"It was my mother's old house when she still hadn't met my father and got married to him. I asked her if I could use this place. She even suggested na sa bahay na lang gawin ang pagselebra ng birthday mo nang sabihin ko sa kanya ang dahilan." His mother knew Sabrina though the two hadn't met yet. Sa tuwing inaaya niya si Sabrina na pumunta sa kanila ay palagi itong tumatanggi. Nang isuhesiyon ng Mommy niya na sa bahay nila ganapin ang surprise party niya kay Sabrina ay agad siyang tumanggi. Sa loob ng tatlong taon nilang pagkakaibigan ay alam niyang hindi iyon magugustuhan ni Sabrina. "Over here, Ma'am."

Umikot ang mga mata ni Sabrina nang hilahin nito ang isang upuan at inanyayahan siyang umupo. Tumalima siya at nanubig ang bagang nang makita ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Dahil sa gutom, hindi siya nakakain ng maayos sa agahan at tanghalian kaya gano'n, agad niyang nilantakan ang mga pagkaing nasa harapan.

"Ibang klase!"

"Shut up and eat! I'm famished and the food looks sumptuous."

"Yeah, you're welcome," natatawang ani ni Apollo at umupo na rin sa upuang katapat nito.

Ilang sandali pa ay busog na busog si Sabrina sa mga kinain. Napahimas siya sa tiyan at napadighay, umiling-iling lang ang kasama niya.

"Here's my gift," saad ni Apollo na inilabas ang isang parehabang kaheta mula sa loob ng jacket.

Sabrina opened the box in excitement, it was the only gift she received on her birthday so it was inevitable to feel excited and thankful. "This is... grand!" Napatingin siya kay Apollo na nakangiti sa kanya kapagkuwan ay muling ibinalik ang paningin sa silver bracelet na may mga maliliit na batong Esmeralda na siyang iniregalo nito. "I like this, very much. But I don't think I can accept it."

Tila walang narinig na kinuha ni Apollo ang bracelet sa kamay ni Sabrina. Mariin niyang hinawakan ang kamay nito at isinuot ang bracelet. "There. It looks good on you."

"Pero—"

"Walang pero pero," putol ni Apollo rito sabay tayo. Inilabas niya ang cellphone at nagpatutog ng isang malumanay na kanta. Kapagkuwan ay inilahad ang palad kay Sabrina na puno ng kalituhan ang mukha. "Dance with me. Hindi man lang kita nasayaw sa prom, at least I get to dance with you on your eighteenth birthday, your first and last dance."

"I... don't know how to dance," Sabrina said hesitantly.

"I'm waiting."

Walang nagawa si Sabrina kung 'di tanggapin ang nakaumang na palad ni Apollo. Napasinghap pa siya nang walang sabi-sabing hapitin nito ang kanyang bewang, inilagay niya ang mga kamay sa dibdib nito at nanulak ngunit hindi siya nito pinakawalan. Wala siyang magawa kaya sinalubong na lang niya ang mga mata ni Apollo.

Nakagat niya ang mga labi habang nakatunghay ito sa kanya at puno ng emosyon ang mga mata. Kasabay ng kanilang mahinang pag-indak sa saliw ng musika.

Hindi matukoy ni Sabrina kung ilang minuto na silang sumasayaw, ilang beses na niyang naapakan ang mga paa ni Apollo ngunit wala siyang reklamong natanggap mula rito. "Sumasakit na ang mga paa ko," aniya sabay tulak rito. Tumalikod siya at akmang muling uupo nang pigilan siya ni Apollo at iharap dito.

"I l-love you." Nanlaki ang mga mata ni Sabrina dahil sa sinabi ni Apollo. Hindi niya alam kung pinaglalaruan lang ba siya ng mga tainga. "I love you, Sabrina," Apollo said, a little louder this time. "I must've loved you from the very first time I saw you. When I saw you for the first time, something struck me, you were standing near the Narra tree and you caught my interest. I even bump into you intentionally, I befriended you but deep down, I know my feeling for you isn't that of a friend. I love you and not as a friend."

"W-What are you talking about?" she asked while stuttering, her lips were quivering with his confession.

Bilang sagot ay mapangahas na ibinaba ni Apollo ang ulo at inilapat ang mga labi sa mga labi ni Sabrina.

Nanlaki ang mga mata ni Sabrina at tila tinakasan siya ng pag-iisip. Iyon ang kanyang unang halik at hindi niya alam ang gagawin. In Apollo's case, it was also his first kiss, his first confession, and she's the first woman he loved. 

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.