Scrutinizing Myself (Engineer Series 3) Chapter 24

The midterm exams was nearly coming and I have to review my notes thoroughly. Napapatanong na nga lang ako nang paulit-ulit sa sarili ko kung tama ba talaga itong landas na tinatahak ko. If this engineering was really meant for me.

Totoo nga ang sinasabi ng iba na kapag nasa engineering course ka ay para ka nang pinapatay paunti-unti. I abused myself reviewing and studying my notes until midnight and sometimes, I would just sleep in 3AM.

Nag ring ang cellphone ko kaya naman ay sinagot ko iyon kaagad. No one would call me late in night except from him of course. Panigurado rin kasing busy ang mga kaibigan ko ngayon o baka naman ay nagre-review na rin.

"Still up, huh?" natatawa niyang saad sa kabilang linya.

"Hindi, baka isang kaluluwa lang 'tong kausap mo. Doople ganger," I joked and laughed a bit.

Natawa rin siya sa kabilang linya nang dahil doon. "Still can't sleep?" I asked.

Inilagay ko sa gilid ang aking cellphone dahil may sinasagutan pa akong worksheet sa calculus at modyul naman sa KomFil. Ganito naman ang set up talag namin halos gabi-gabi.

"Yeah," he boredly said. "Maybe because you're still thinking of me this late at night," he joked again that made me rolled my eyes.

"Ang feeling mo naman po," natatawa kong sabi sa kaniya.

"What are you doing?" tanong niya sa akin.

I heard that he strum a guitar.

"As usual, fucking worksheet from Calculus and at the same time I am going to answer the module in KomFil." sagot ko sa kaniyang tanong. "Ikaw? You're playing guitar, aren't you?" I asked and smiled even though he can't see it.

"I'm going to sing while you're answering your worksheet and modules. Is that okay, baby?" malambing niyang tanong sa kabilang linya.

Napangiti akong muli dahil doon at kinilig. Kung nandito lang siya ngayon sa tabi ko ay baka nakita niya na naman kung paano kiligin ang Savannah Caroline.

Pakasabi ko no'n ay diretsong nakatingin si Jim sa aking mga mata. I badly wanted to looked away but I can't. His face is pretty serious and blank. Ni-hindi ko tuloy mawari kung ano ba ang nasa isipan niya ngayon.

"Tsk, kinikilig ka na naman diyan," sambit niya nang hindi ako sumagot sa kaniya.

"Ang feeling!" napataas ang aking boses kaya natawa siya. "I'm answering my worksheet, okay? Huwag kang masyadong umasa," tugon ko sa kaniya.

"Really? Then, can you take a selfie and send it to me?" he requested.

Shocks! He never failed to made me blush!

Hindi na lang ako umangal at saka nag-send sa kaniya ng aking litrato. He instantly heart react on it and replied that I looked so tire yet still pretty.

"Binobola mo lang yata ako," suway ko sa kaniya.

"I never lied and never will, Sav." sambit niya sa kabilang linya. "Remember that my father is a psychologist and because of that, I can't instantly lied on him. He was always rebuking me with his boring philosophies in life." reklamo niya.

"Matulog ka na, matagal pa ako rito." sambit ko sa kaniya pero makulit siya eh. "Hihintayin kita," sabay naming sabi dahil ganoon naman siya palagi.

"You are now memorizing my words and actions." he gently said and I can feel that he was smiling.

"And I might say that you were already shaking your head because I copied you," I told him and laughed.

"Are you ready?" tanong niya sa kabilang linya at tumango lang ako dahil alam niya naman na kapag tumahimik na ako ay ready na ako.

He started to strum the guitar. Intro pa lang ay alam ko na dahil With A Smile ang kaniyang kakantahin.

Sinasabay ko na lang ang ulo ko habang malambing siyang kumakanta sa kabilang linya. It was better if he was beside me right now but we both knew that Tita wouldn't allow us. Gustuhin ko mang nasa tabi ko siya sa lahat ng oras ay hindi puwede.

"Nakakaantok ang musika mo," I complained.

"Just focus on what you're doing," mahigpit niyang sabi at tumutunog pa rin ang kaniyang gitara.

Umiling na lang ako at hindi na ako muling kumibo sa kaniya. It was already 2 AM in the morning when I decided to take a quick snap. But hell crap!

Nagising na lang ako nang umaga na at nakatulugan ko ang aking ginagawa!

"Ang study table ay hindi higaan, Savannah." istriktong tugon sa akin nu Tita nang pumasok siya sa aking kwarto. "Sabi na kasing 'wag na lang engineering ang pasukin mo eh." suway niya sa akin pero umiling ako.

"This was Mama's dream, Tita. And I want to reach it for her," I said and smiled at her.

Wala naman kasi akong ibang choice. I don't even have my own dreams and goals when it comes in choosing college course.

She shook her head and smiled at me. Inilapag din ni Tita ang tray na may lamang pagkain. Napangiti ako sa kaniya at biglang niyakap ang kaniyang baywang.

"Thank you, Tita." I softly said.

Iniisip kong si Tita ay parang si Mama na rin. She never forgot to look for me. She never failed to take care of me.

"Walang anuman, Sav, basta kayo ay gagawin ko ang lahat." malambing niyang usak kaya tumango ako. "Oh siya, maiwan na kita rito. I'm going downstairs because we still have something to do." tugon niya habang sinisilip ang nga ginawa kong worksheet kagabi.

"Wala ka namang pasok hanggang alas 10 kaya matulog ka na muna rito. Alas dos ka na yata natulog," dagdag niya pa saka umalis ng aking kwarto.

I looked my phone on my table at lowbat na iyon kaya sinaksak ko muna sa charger. I ate the breakfast Tita prepared for me and then chatted Octav for good morning. Nag-sorry rin ako dahil nakatulugan ko siya habang siya ay naggigitara. I slept for my free time para mamaya ay hindi ako lutang habang nagdi-discuss.

When I'm finally at the campus, sakto pang nakasabay ko sa paglalakad si Jim kaya naman ay nag-ibang ruta ako. But the hell because he also followed my route, hindi na lang ako nag-ingay.

From that day when I confessed to him that there's something between me and Octav, I distance myself from him. At ganoon din siya. Ni-hindi na nga siya sa akin nagpapaturo tungkol sa Chemistry 11 o nagtatanong sa kahit na anong subject.

And I knew that our blockmates has a bad feeling for us because we don't even talk to each other.

***

Ilang segundo kaming magkaharap at halos hindi na ako huminga nang dahil sa posisyon naming dalawa. He was just inches away from me and it was suffocating me. Huminga ako nang malalim nang sa wakas ay gumalaw siya at umiling.

He faced me again and I couldn't find an answer to his question. "Kayo na bang dalawa?" he asked me with his baritone voice.

"Huh?" maang-maangan ko sa kaniya.

"Do not fucking lie at me, Sav." mariin niyang salita at ang galit ay kitang-kita sa kaniyang mukha.

Natakot ako nang dahil doon kaya napahakbang ako papalayo sa kaniya.

"Wala ka namang bagsak na subject kaya ano ang kapalit ng pakikipag-relasyon mo sa kaniya? Are you having sex with him for you to have a high grades?"

Because of what he said, my hand automatically landed on his right face. Napailing siya sa akin at nakangiti pa akong hinarap.

Damn you, Jimrey!

How can he say those words to me?! Tangina!

"Ganiyan na ba talaga ang mga utak ng istupidong tao, Jim?" inis kong sambit sa kaniya.

Ni-hindi ko masikmura ang mga sinabi niya kani-kanina lang. Nakakatangina siya!

"How dare you to tell those words to me?! Marami ka na bang alam tungkol sa akin, huh? Ilang buwan pa lang naman tayo magkakilala ah?!" dagdag ko at hindi siya nakapagsalita.

Hinabol ko ang aking hininga dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko. I never imagined that a loud and joyful Jimrey would rebuke me like that!

Like, what the hell?!

Sinabi niya pang nakikipag-sex ako kay Octav para lang sa mataas na grado?

"Saan mo 'yan nakuhang mga salita, huh?! I never thought that you would be like that," I said and faked a smile at him.

He is... He is so disgusting!

"Bakit, Sav? Hindi ba tama ako? Ganiyan kayong mga babae at mga habol na magkaroon ng mataas na grades," nakangiti niya pang saad na hindi ko inaasahan.

Nakatikim siyang muli ng isang sampal mula sa akin.

"Iyong babae ganiyan pero hindi ako katulad ng iba, Jim. Never compared me to anyone who was a whore and slut because I never imagined myself having sex with him just for the sake of my grades." mahaba kong litanya at iniwan siya roon.

Pumasok ako sa klase nang galit dahil sa mga sinabi niya. I thought he was kind enough to understand me and Octav's situation. Otherwise, I made a mistake again.

Did I trusted him too much for him to say those words to me?

Hindi naman ah?!

Ni-wala nga siyang alam sa buhay ko o sa pamilya na mayroon ako. Ni-hindi nga niya alam ang nakaraan ko kung bakit ako napilitang mapunta rito sa Bicol.

Yet, he judged me easily just like that.

***

"Sav, let's talk."

Napalingon ako kay Jim na kasabay kong naglalakad. I didn't stop because I'm still mad at him.

"Hey?" he held my arms that made me stop.

Napalingon ako sa kaniya at tiningnan siya nang diretso sa kaniyang nga mata. "Are you still mad at me?"

"What do you think?" I said straight to him.

"I-I'm s-sorry..." usal niya at parang nahihirapan pang sambitin ang salitang sorry.

"Okay," I said cooly and walked away.

The damage has been done and I won't owe anything to him again. Bakit? Kung nag-sorry ba siya ay hindi niya na iyon uulitin?

He might be sorry for what he have done but I don't think so that he wouldn't do that again.

I understand that he liked me, but rebuking me with those foul words are making me mad.

***

"Miss Savannah?"

Nagulat ako nang tawagin ako ng aming guro. Napatingin ako sa kaniya ngunit ang isip ko ay lumilipad.

Pinilig ko na lang ito at tiningnan ang aming Professor nang diretso sa kaniyang mga mata.

"Are you living on your own or is it what society expects from you?"

I looked away when she asked me that kind of question.

Really? Understanding the Self subject where I couldn't fully understand myself sometimes. And now, asking me if I'm living on my own or is it what the society expects from me?

"Miss Savannah?" tawag niya ulit sa akin kaya tumayo ako nanag maayos saka huminga nang malalim.

"If I would answer that question, I would say that I am in between that question. We, the people have own decisions in life but we ca not deny the fact that we are also living in judgemental society. The judgemental society that would easily judge us without knowing the truth or without knowing our whole story." I said and took a quick glance at Jimrey.

"And to answer that question, honestly, I am still living on what society expects from me. For example, I am living with under my mother's sister custody, so I have to be good and do my best not have a failing grades because I might disappoint them.

In the other hand, I am also living in my own decisions in my life, just like how did I became a mechanical engineering. My Tita never wanted me in this field because as they say, engineering is really a tough coursebut I still chose it. Why? Because I want to satisfy myself and the society in my surroundings. Satisfying them with my victories would also make myself happy and feel worth it because I know that I did my very best."

Natahimik silang lahat nang dahil sa sinabi ko kaya umupo na ako at yumuko. Did I jsut explained myself in front of them again?

Napahaba naman yata masyado ang sinabi ko.

Nagtuloy-tuloy na muli ang klase pagkatapos ng Understanding The Self na subject namin para sa umaga. Pumunta kaagad ako sa canteen para kitain si Haisely. Sabay ulit kami ngayon kakain.

"Nag-start na ba ang midterm exams n'yo?" malumanay niyang bungad sa akin kaya umiling ako. "Ohh? Ba't parang mainit naman yata masyado ang ulo mo, Miss Savannah?" tanong niya ulit sa akin pero umiling na lang ulit ako sa kaniya.

"Puwede bang maki-share ng upuan sa inyo?"

I looked at the man who seated on the chair who was still available in our table. He smiled at me but I didn't reciprocate it.

"Kung sasabihin kong hindi ka p'wedeng umupo riyan ay may magagawa ka ba?" maarte kong tanong sa kaniya.

"Sav!" saway sa akin ni Haisely pero hindi ko siya pinakinggan.

Pinalo niya pa nang mahina ang aking kamay pero tiningnan ko lang si Jim nang masama. Wala na siyang nagawa at umalis na lang din.

"Hey! Bakit mo 'yon ginawa? I thought you were friends?!" gulantang na tanong sa akin ni Haisely.

"Kung sabihan kitang nakikipag-sex ka sa teacher mong lalaki para lang magkaroon ng mataas na grado, ano ang gagawin mo?" I seriously asked her while I'm opening my lunch box.

"Syempre ay magagalit ako!" sambit niya at sumeryoso ang tingin sa akin. "Shocks! Don't tell me that...?!"

Nanlaki ang kaniyang mga mata kaya napailing na lang ako.

"We didn't do that, stop overthinking, Haisely." saway ko sa kaniya at hindi mapigilang mapailing.

She was still innocent to things like this.

"Oh? Okay, okay." sambit niya at seryosong nakatingin sa akin.

"Kaya galit ako sa lalaking 'yon dahil sinabihan niya ako nang ganoon." pag-amin ko kay Haisely at nanlaki naman ang kaniyang mga mata.

"Tangina?!" inis niyang tugon sa akin.

"Yeah, nakakatangina ang buhay, Haisely." sambit ko at tahimik na kaming kumain ng lunch.

Kung anu-ano pa ang napag-usapan naming dalawa ni Haisely hanggang sa pinaalala niya sa akin ang nalalapit na birthday ni Rhea. "Balita ko ay bongga raw ang debut niya?" tanong niya sa akin at tumango ako sa kaniya.

"Tita and Tito we're planning to throw a bigtime debut party for her. Sa isang hotel yata gaganapin ang birthday niya at pagkatapos no'n ay may after party pa." I told her.

"What's your plan?" tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

Natatawa ko siyang tiningnan at umiling, "I don't understand you."

"I mean, ano ang susuotin mong damit?"

"Do I have to be there? I'm not even included in the programme, so my presence wouldn't be expected and appreciated." I explained.

"Pero pinsan mo pa rin naman siya?" dismaya niyang sabi sa akin.

"Si Tita at Tito lang naman ay may gusto sa akin sa bahay nila at kahit kailan ay hindi ko naramdaman na pamilya ang turing nila sa akin. I don't want to fit myself to them if they didn't want it from the very first place."

"Tsk," asik niya at hinxi ko malaman kung ako ba o si Rhea ang kinainisan niya bigla.

Sa oras nga ng birthday ni Rhea ay sakto namang Midterm Interlude rin kaya walang pasok. The preparation for the whole day was smooth and there was just a small problems ahead, ngunit naresolbahan din naman kaagad.

I wasn't even included in the 18 candles or 18 treasures. Napapangiti na lang nga ako at tinatanong ang aking sarili kung bakit nga ba ako nandito. Well, si Tita at Tito kasi ay pinilit ako.

Nandito ako sa isang tabi at nakaupo nang mag-isa. Nang sa part na ng 18 roses at si Tito na ang sasayaw sa kaniya ay hindi ko mapigilanga mapaluha.

I wished my Dad was also there when it was birthday. I never held his hand in my entire life and that made me pity myself. Kasi bakit sa lahat ng tao ay ako pa ang malas pagdating sa ama?

I even had my step dad but he wasn't good for me.

Nakakainggit na bakit si Rhea ay may bonggang debut party at kasama ang buong pamilya samantalang ako ay hindi? Nakita ko kung paano mapaluha ang akijg pinsan nang magsimulang isayaw na siya ni Tito.

Bakit ako hindi ko nagawang mayakap nang ganiyan ang aking ama?

Bakit sa lahat ay ako pa ang dapat magdusa nang ganito?

Marami na akong tanong tungkol sa tunay kong ama ngunit kahit minsan ay hindi iyon nasagot. Lalo na ang tanong na...

Nasaan na kaya siya? Ayos lang ba siya? At kung...

May pamilya na rin ba siyang iba at masaya ba siya sa pamilyang 'yon?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.