Scrutinizing Myself (Engineer Series 3) Chapter 4

Nang sumunod na mga araw ay ganoon pa rin ang ginagawa ko. Hindi ako lumalapit sa kahit na kanino lalo na sa mga lalaki. Even Matthew who didn't anything wrong to me distance himself.

"Savannah, tama ba ako?" tanong ng isa sa mga kaklase ko kaya naman ay tumango ako.

Siya kasi ang katabi ko at palagi siyang napapatingin sa akin at saka binabalik ang kaniyang tingin sa harap. Ewan ko ba pero ramdam kong may gusto siyang sabihin pero umuurong ang dila niya.

"Uh.. Oo," I answered her question and smile at her.

"Magpinsan kayo nila Ate Glez 'di ba?" tanong niya naman ngayon kaya kaagad akong tumango.

"Yes po," I answered her question and fake a smile.

Napangiti siya na animo'y nahihiya pa sa akin kaya napangiti rin tuloy ako sa kaniya. Her smile makes me somehow comfortable towards her. May kung ano sa ngiti niya na nagpatanggal ng kaunting hiya na mayroon ako.

"H'wag ka nang mag-po! Magka-edad lang naman tayo, eh!" masaya niyang sabi kaya tumango na lang akong muli. "You're not close with your two cousins?" she asked that made me uneasy.

I gently closed my eyes and looked around. Akala mo ay may itinitago akong sikreto sa mga kaklase namin pero balewala na, tinanong naman niya ako eh.

"We're not close but I'm trying my best to talk to them." I answered honestly.

"Mukhang kakaunti nga lang ang nakakaalam na magpinsan kayong tatlo, 'no?" aniya kaya napatango akong muli.

"You're one of their closest friend, right? Ba't ka nandito imbes na sa kanila ka makipag-usap?" I asked that made her smile.

A smile with a gentle laugh that I can' t determine. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko kaya bakit gano'n ang reaksyon niya?

Nevertheless, I don't mind.

Baka napapraning na naman ako.

"Y-Yes," she said and smiled once again. "Gusto lang kita makausap at saka wala kasing lumalapit sa'yo simula noong unang araw ng pasukan." sambit niya kaya napangiti ako ng pilit.

I suddenly remember the scene where I shouted at Matthew. Nakakahiya 'yon!

Unang araw sa klase tapos nanigaw kaagad ako ng kaklase! Tapos transferee pa ako.

"Hindi kasi ako pala-kaibigan," I told her that made her nod multiple times. "Ano nga pala ang pangalan mo? Sorry hindi ko pa kasi tanda ang pangalan ninyong lahat," I said and smile.

"Ah oo nga pala! I'm Trisha Joy," she said and smile back at me.

Pakatapos naming mag-usap na dalawa ay umayos na siya sa kaniyang upuan para sa next subject. Napapatingin pa ako sa kaniya at may kaunti pang nararamdamang hiya pero hindi ko na lang pinahalata. She has this jolly attitude and I hope she's not like jollibee.

Iyong pabida-bida sa klase?

After the whole of classes, I was surprised because Matthew called my name. Hindi ko inaasahan na tatawagin niya ako sa oras na ng uwian kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya.

"Nga pala, Savannah."

Lumapit sa akin si Matthew at ngayon ay kita ko ang pag-iingat niya sa akin dahil sa takot na baka masigawan ko siya ulit. Sa totoo lang ay nakonkensiya ako sa ginawa kong pagsigaw sa kaniya ilang araw ang nakalipas dahil para na siyang takot sa akin.

I don't know but I just feel it. Wala naman kasi siyang kasalanan eh. Sadyang ganoon lang ako kapag nahahawakan ako ng ibang tao lalo na at lalaki siya.

I know that in myself and I don't think that I need a medication for it.

Tiningnan ko siya at ngumiti sa kaniya, "Okay lang 'yong nangyari noong first day. Sorry rin," I told him and smiled once again.

Ngayon lang kasi niya ako kinausap pakatapos ang mangyari na 'yon. And I feel so sorry for what I acted to him that time.

"Hindi ka naman galit sa akin?" nahihiya niyang tanong sa akin kaya napangiti ako sa kacute-an na taglay niya.

"Hindi naman. Actually, I should be the one who say sorry since I shouted at you last time," I explained.

Alam ko namang wala siyang intensyong masama eh. Ako lang talaga 'to ang may problema.

"It's okay and I'm really sorry for what I've done." sambit niya pa kaya nahihiya naman akong napangiti sa kaniya.

"Tirador ka talaga ng transferee, Matthew!" sigaw sa isa mga kaklase naming lalaki kaya naman ay napatingin muli ako sa paligid.

And there I got anxious and shy because all of their eyes are plastered on us. Napatungo ako nang magtama ang tingin namin ni Rhea na nakataas pa ang kaniyang isang kilay sa akin.

Damn! What did I do?

"Don't mind them, Sav. They're just jealous because I'm talking to a transferee." mapanglokong sambit ni Matthew kaya napangiti ako ng pilit.

Eh ano naman kung nakikipag-usap siya sa akin? Is there something wrong when a girl and boy talks?

"P'wede mo ba akong samahan sa labas kumain?" tanong niya sa akin kaya napakunot ang aking noo.

"P'wede namang sa loob kumain kaya ba't sa labas pa?" inosentr kong tanong kaya napahalagpak ng tawa ang kaibigan niyang lalaki.

If I'm not mistaken, his name is Lloyd? I'm not even sure because I don't care about their names.

"Wala pala ka pala Matty eh!" Tawa pa rin siya nang tawa kaya napangiti ako nang pilit at nahiya.

Did I said something that would make them laugh hard? Damn! I'm too clueless!

I'm really trying my best to make friends since I'm now in the new environment but it seems like it's not working. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah!

Napatingin ako kay Matthew at napakamot naman siya sa kaniyang ulo.

"What I mean is can we eat somewhere? Para naman makabawi ako sa kung ano man ang kasalanan ko sa 'yo noong first day of school," he said that made me nod.

Napailing na lang ako dahil hanggang ngayon ay humahagikgik pa rin si Lloyd sa anumang sinabi kong nakakatawa. Totoo naman ah!

Ba't pa kami kakain sa labas kung p'wede naman sa loob?!

"H'wag na at saka baka wala akong pangbayad ng kakainin natin," sambit ko at sinuot na ang aking bag.

Ayaw kong gumastos para lang sa kakain kaming dalawa sa mamahaling restaurant. Nakikitira at pinapaaral oang naman ako nila Tita.

Mukha pa namang hindi siya kumakain ng street foods dahil sa pananamit niya. His face and his built made me think that he came from a rich family. At isa pa, nasa private school kami kaya paniguradong mahal ang binabayaran dito. Kaya syempre ay sanay siya sa mga mamahaling restaurant.

"Don't worry because it's my treat," he said but I disagree with it.

"Kailangan ko ring umuwi ng maaga eh." sambit ko sa kaniya at may sasabihin pa sana siya ngunit sumabat na sa amin si Rhea.

"She needs to go home early, Matthew." Rhea said and smile at me.

Napangiti na rin tuloy ako sa kaniya dahil iniligtas niya ako sa lalaking 'to. He's too stubborn. At pinipilit niya talaga ako kahit na ayaw ko naman.

Kahit na medyo ayos naman kami ay hindi pa rin ako nagtitiwala sa kaniya. There's something in me that I should follow my instinct.

"Oh, Rhea! You' re cousins right?" nakangiting tanong ni Matthew at saka tumingin sa akin.

Nahiya tuloy akong tumango dahil marami pa kami sa loob ng classroom. At alam kong nakikinig silang lahat sa pinag-uusapan namin dito. Hindi naman ako inform, 'no?

May mga chismosa pala akong mga kaklase.

"Y-yes."

Kahit na mukhang nagdadalawang isip pa si Rhea na sagutin ang tanong ni Matthew ay sinagot niya pa rin. I thought she would say no because I know she's mad at me for some reasons that I didn't know.

"At may pupuntahan pa kaming lima, Matty. Maybe some other time," she said and grab my hands with her.

Napakahigpit ng kaniyang kapit sa braso ko kaya napadaing ako nang dahil doon. I want to curse at her but I didn't want to because I'm afraid of her. Baka mamaya ay magsumbong pa siya kay Tita.

Wala naman siyang matinding galit sa akin, 'no?

Pakiramdam ko ay mamumula ang braso ko kapag binitawan niya 'yon at tama nga ako. I looked at her and wanted to shout at her like what I did to Matthew but I just can't. I need to control my temper.

Ano ba talagang problema niya sa akin?!

"Saan tayo pupunta?"

Instead of cursing at her, I just asked her because she told Matthew that we have are going somewhere. Where in fact, we didn't talk about going somewhere.

May group activity kami sa Math pero alam kong hindi niya naman ako kagrupo!

"Are you that really dumbass?!" she shouted at me and then looked around.

Nasa tagong lugar kami ng building ng grade 10 at bumukas na ang gate kanina pa kaya kaunting estudyante na lang ang nandito.

"I'm just asking you, okay? I'm not a dumbass," I gently said that made her curse.

"Damn! Ang bobo-bobo mo!" galit niyang sigaw sa akin kaya napaatras ako.

Wala namang akong ginawang masama sa kaniya ah!

"Stay away from my Matthew or else you're going back to Visayas. Are we clear with that?" she said with irritation on her voice.

I gulped the lump on my throat and nodded. Inangat niya ang kaniyang palad at handa na sana akong sampalin kaya kaagad akong napapikit. I closed my eyes and step backward. Ilang segundo akong nakapikit at handa nang tanggapin ang sampal sa akin ni Rhea hanggang sa unti-unti kong imuklat ang aking mga mata.

May isang lalaki na nakahawak sa kanang braso ni Rhea na mariing nakatingin sa kaniya. I take a breath deeply and looked at them.

"Stop being cruel to your cousin, Rhea." he said coldly to my cousin but my cousin just raised her brows on him.

Tumawa nang nakakaloko si Rhea sa sinabi ni Ralph na alam kong isa rin sa mga kaklase kong lalaki. I looked at him and all I can see is his madness.

"H'wag mo sabihing may gusto ka rin sa kaniya?" natatawang tanong ni Rhea sa kaniya pero umiling lang ito at blangkong tiningnan ako saka binalik ang mga tingin sa pinsan ko.

"O pinagpupustahan niyo lang siya? Tell me, Ralph. What's with your actions towards my cousin and acting as if you really like her?" my cousin asked but he didn't say any words.

"You can go home, Sav." tugon nito sa akin kaya napatitig ako sa kaniya saglit.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Savannah." mariing tugon naman sa akin ni Rhea at tiningnan ako na para bang pinapatay na niya ako sa kaniyang isipan.

Hindi ko tuloy alam kung sino ang susundin sa kanilang dalawa. But this tims, I'll choose the latter.

I nodded at Ralph and trusted his words because he's still tightly holding Rhea's arms. Mabilis akong umalis sa lugar na 'yon at umuwi na kaagad. Mabuti na lang at hindi ko na nakasalubong si Matthew at ang mga kaklase namin kaya napanatag na ako.

Nang sumunod na araw ay kinukulit na naman ako ni Matthew at bumalik na siya sa kaniyang ugali na alam mong napakakulit. And I'm thinking that he's a heartthrob in our batch. Ewan ko ba dahil sa tuwing dumaraan kami sa first floor ng grade 10 building ay aakalain mong may dumaraan na artista na sa totoo namab ay siya lang naman.

"Hello, Sav!" he greeted me when I don't even have the guts to talk to him.

He's with Ralph and Lloyd on his back. Kaya naman ang nangyari ay napatingin sa akin ang mga babaeng nagtitilian sa kaniya.

Fuck! I didn't know that he's a heartthrob! Kung hindi ko pa siya makakasabay sa paglalakad dito sa hallway ay hindi ko malalaman!

Kaya 'ata galit na galit sa akin si Rhea?

"Are you okay now? Ginugulo ka pa rin ba ng pinsan mo?" malambing na tanong sa akin ni Ralph kaya umiling ako.

I shook my head and forced a smile. Hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid dahil kulang na lang ay media para mai-report na nakikipag-usap ang 'known heartthrob'' sa school na 'to!

"H-Hindi naman," kinakabahan kong sagot sa tanong ni Ralph.

He has still his intimidating aura just like yesterday. Aakalain mong anumang oras at masasampal, masusuntok o masisigawan ka na lang niya.

I felt a little scared of his intimidating aura and its making me feel uneasy.

"That's good," saad niya at ngumiti sa akin.

I was mesmerized the moment he smiled at me. But there's something on me that stopped my feelings because I felt like it's not right.

"Let's go?" tanong sa akin ni Matthew at inilahad pa ang kaniyang kamay sa amin.

Tiningnan ko lang 'yon at nahihiyang ngumiti sa kaniya. Nahihiya naman siyang binaei ang kaniyang kamay kaya natawa na naman ng mahina si Lloyd.

"Tara na." saad na lang ni Lloyd at natatawa pa ring tiningnan ni Matthew. "Ekis ka talaga kay Savannah, Matty. Tigilan mo na ang pag-iilusyon mo," mahina pa nitong bulong kay Matthew kaya nakita kong siniko siya nito.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa dahil sa kakulitan nilang dalawa habang si Ralph naman ay tahimik na nakisama sa aming paglalakad. He looked at me and smile, so I smiled back at him.

Ralph is handsome but I know I'm not into him. Not with anyone even witg Matthew who is known to be the campus batch heartthrob.

Nang makarating ako sa classroom ay mag-isa na lang ako dahil may pupuntahan pa raw sila Ralph. Labis ang pagkabigla ko nang may magsaboy sa akin ng tambak na mga papel. Saktong-sakto pa 'yon sa mukha ko at dahil marami at makakapal 'yong mga papel ay masakit iyon sa mukha!

Damn it!

"You bitch!" sigaw sa akin ng napakapamilyar na boses. "Lalahatin mi ba talaga ang mga lalaki sa section natin?!" sigaw sa akin ni Trisha kaya napakunot ako ng noo.

Kahapon ay muntik na akong masampal ni Rhea pero buti na lang ay napigilan siya ni Ralph. Tapos ngayon ay siya nama?!

At akala ko pa naman ay napakabait niyang kaibigan at naiiba siya sa dalawa kong pinsan pero lahat ng 'yon at akala ko lang pala. I thought we became friends since yesterday because she talked to me but I was wrong all along.

"Transferee ka tapos ang lakas ng loob mong landiin ang best of three!" sigaw niya sa akin kaya napayuko na lang ako.

She's fake.

She's a fake friend that I didn't want to be with me.

"Oh? Ngayon ay hiyang-hiya ka sa pinaggagawa mo?!" natatawa niyang saad kaya hindi ko maiwasang mapaluha.

Tears eventually escaped from my eyes because she's saying too much against me. Damn!

Muling bumalik sa aking alaala ang mga bagay na ayaw ko nang maalala pa. But I can't control myself from thinking about it.

"H'wag mo kaming aartehan nang ganiyan, Savannah!" sigaw sa akin ng pinsan kong si Ate Glez at tumawa pa ng malademonyo.

Tinakpan ko ang aking tainga dahil sa mga pinagsasabi nila. But what I did isn't effective because I could still hear them.

Ba't ganito?

Akala ko ay magiging maayos na ako rito dahil malayo na ako sa taong ikinakasuklam ko pero ito naman ang mga pinoproblema ko. Ang masama pa roon ay kasama pa ang dalawa kong pinsan.

Ba't gano'n kalupit ang tadhana sa akin?

I just want to scrutinize myself here but it seems like the people here are even more cruel.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.