Hindi ko alam kung saan ako patungo hanggang sa mapadpad ako sa isang saradong palapag ng hospital.
Nakalutang ang aking isip dahil sa pagbubukas ng daan ng Director para muli kong maalala ang nakaraan na matagal ko nang nabaon sa limot.
Maluwag ang paligid at kapansin pansin na hindi nalalampasuhan ang sahig. I want to take this moment to be alone and process everything's happening around me. I want to clarify things I've done until I reach this moment where exactly I am.
Siguro nga nabagok na ang ulo ko't pati sarili ko ay hindi ko na maintindihan.
Minsan ay talagang padalos dalos ako sa aking desisyon na nagiging dahilan ng paglala ng sitwasyon. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang pagpapatakbo ng buhay ko sa pagkakataong ito. Para akong isang batang nawawala sa gitna ng malawak na gubat kung saan may mga nakahandang sikretong bitag na aking ikakapahamak kung maaapakan ko iyon.
Pinagpag ko ang isang maayos na lamesang puti na nakadikit malapit sa isang pinto at umupo sa taas noon.
Nagsimula ang lahat sa isang batang paslit na laging nabu-bully, naging isang intern doctor hanggang sa nabago ang isip at naging isang Lawyer na kaka-resigned lang sa trabaho.
Tch.
How the hell do those things happen?
Ano pa bang hindi ko alam na dapat ipaalam ni Mom sa amin sa pamamagitan ng Director? Is it another responsibilities? I want to know but this is not the right time.
Someone's trying to take revenge on things that I even don't know. Calvin's health is not yet good. Roge is a comeback for the commitment, although he didn't insist on anything 'yet'. And Attorney Hector Santos sees the woman we're looking for.
Everything is a mess, even my life.
"Hayss," napabuntong hininga na lamang ako sa dami ng mga namumuong emosyon sa aking isip.
Bukod riyan ang hospital pa na ito, alam kong sabit ito sa maaaring maging dahilan ng mas malaking problema. I don't want to lose this not just because this is my mom's but the chances to cure people.
"What should I do?" hindi ko na naiwasang isa-tinig iyon dahil sa umiiral na kalituhan ng aking isip.
Nanatili ako roon ng ilang oras upang isaayos ang linya ng isip ngunit kulang na kulang iyon. Natigilan lamang ako ng marinig ko ang pagtawag ni Attorney Santos upang sabihin na pwede ko na siyang puntahan at kausapin.
Napatingin pa akong muli sa paligid upang usisain at ipag-bigay alam kay Director Park kung bakit okyupado na ang lugar na ito. Gusto ko pa sanang tingnan ang bawat pinto ngunit natigilan akong muli dahil sa isa pang tawag mula sa aking phone.
Agad ko namang sinagot iyon ng si Roge ang tumawag.
"Why?" pambungad ko pa sa kaniya.
"Where are you? Hinanap kita kita sa buong hospital ngunit wala ka naman. Nakita ko rin ang motor mo sa parking kaya naman nagtataka ako kung nasaan ka." Agad napakunot ang aking noo dahil sa pagtataka rin kung bakit niya naman akong muling hinahanap.
Tch. Dapat ba na masanay na muli akong may taong ganiyan sa paligid ko?
"Well, I am on my way to talk with a patient. Is there some happened?" I ask knowing Calvin would be in a good state.
"Yeah, is just that your brother wants to talk to you. We are worried because of what happened earlier." He said in a concerned tone.
"Don't worry after this I'm going back there. I have to end this."I ended the call then continue walking until I reached the elevator then go to Hector's room.
"Tell me everything that happened," I said after I open the door seeing him talking with his phone.
Agad naman siyang nagpaalam sa kausap niya sa phone bago ako maupo sa tabi niya.
" I guess this is really a serious matter. Why would she tried to let this all things happen in her own hands. Muntik na akong mamatay dahil sa paghahabol sa kaniya. Ano ba ang kailangan niya sa atin?" nagugulahang sabi niya.
"I told you to be careful. Everything is already planned. I mean from the start until you are in this hospital bed. She's acted like a cool human trying to trick the game. Tch. I told you, hindi ikaw ang kailangan nila. Dahil ako ang kailangan nila. They just used you dahil isa ka sa malapit sa akin." I said not looking at him.
Tch. Bakit ko nga ba ito sinasabi sa kaniya. I am getting more weaker as days pass.
"Attorney this is not all about criminal cases that you already handled before right? Alam kong may mas malala pa rito. Sabihin mo nga sa akin, may itinatago ka ba?" nakakunot noo na niyang tanong. Kitang kita ko sa kaniyang mata ang pagdududa, naguguluhan at pakuwaring may isusunod pang katanungan sa akin.
May benda sa kaliwang paa, sa noo at kanang braso. Ganoon ang itsura niya ng datnan ko siya rito sa hindi gaanong kalamigang hospital bed na ito dahil sa aircon.
Sa katunayan ay wala naman siyang pakialam dahil hindi na ako parte ng lawfirm na iyon.
Halos pigil hininga akong nakatitig sa kaniya ng walang emosyon dahil sa parehong posisyon niyon sa dating alaala ko. Bakit imbes na si Hector ang nakikita ko roon, si Roge na nag aagaw buhay ang nakikita ng mata ko?
Agad akong napaiwas ng tingin dahil sa nagbabadyang emosyon ng muli kong maalala ang parehong sitwasyon noon.
"Hindi mo na kailangang malaman pa ang lahat ng nangyayari sa paligid ko." Hindi ko na sinubukan pang tingnan siya dahil alam kong iba lang din ang lalabas sa bibig niya. Tama nga ako dahil agad din naman siyang mas naguluhan sa sinambit ko.
"Paanong hindi kailangan? I need to know! What if something happens to you? Saka ano bang ginagawa mo dito sa hospital? Are you okay?"
Tch. This man.
"Tch. Sa lahat ng sinabi mo, ganoon na lang talaga ang pagtataka ko kung bakit ka nag aalala sa akin. Alam mong sa simula't simula pa na hindi na talaga maiiwasan sa isang criminal lawyer na may umaligid na kapahamakan. Bago na ba sa iyo iyon? Nakakapagtaka talaga." Nang tingnan ko siya ay ganoon na lamang ang gulat sa kaniyang mukha. Okay lang namang maging concern siya ngunit hindi naman kailangang sabihin ko pa sa kaniya ang lahat. He doesn't know things about me at hindi rin naman ako papayag na basta basta na lamang niyang malalaman lahat ng patungkol sa akin.
"By the way, I want you to draw the face of that woman. I need to know kung siya rin ang umaaligid sa paligid ko." umayos na agad ako ng pagkakatayo at handa na para lumabas ng silid. Alam kong may talento siya sa pagguhit dahil minsan na rin naming nagamit iyon sa dating mga kaso.
"Sa tingin mo ba kaya kong magdrawing ng ganito ang kamay ko?" may bahid na inis pang inangat niya ang kamay sa akin.
'Tch. Oo nga pala.'
"Gumawa ka ng paraan. I need it. Kung may maiibigay ka sa akin sa loob ng dalawang araw sasagutin ko ang mga tanong na nais mong malaman tungkol sa akin." hindi ko na narinig pa ang sinabi niya dahil umalis na agad ako tumungo sa kwarto ni Calvin.
Pagkapasok ko sa loob ay agad napakunot ang noo ko ng makita ang mga lobo sa bawat gilid. Mayroon din sa sahig ngunit hindi ganoon karami iyon. Mas napakunot pa ang aking noo ng ibigay sa akin ni Roge ang isang bungkos na bulaklak.
"Happy Birthday!" ganoon na lamang ang gulat sa aking mukha sa kaniyang sinabi. Agad akong nataranta at napatingin sa orasan imbes na sa kalendaryo dapat. Agad kong kinuha ang phone ko at tiningnan ang petsa ngayong araw.
September 1, 2035
Itatago ko pa sana ang phone ko ng mayroong nagtext na agad ko namang tinignan.
'The day has come. Enjoy your born date today because it would be your last. See you soon.'
"Tama na yan. You need a birthday wish!" Agad namang pinatago ni Roge ang phone ko habang ako ay gulat pa rin sa nangyayari at may lihim na galit na naramdaman dahil sa text na aking natanggal.