September Cross The Line Chapter 21

Nakatulala at para bang nakalutang sa gitna ng hardin. Maraming bulaklak ang nakakalat sa paligid na kasing bango ng mga pabango na nanunuot sa aming mga damit. Malinaw ang nasa aking paligid ngunit malabong mangyare ang ninanais ng isip. Ilang oras na ba ako nakatulala sa mahabang kahong kahoy na may kakaibang disenyong iyon mula rito? Tila ba hindi manlang ako nangangalay sa panonood sa bagay na iyon.

"Adeline?"

Narinig ko ang boses ng isang pamilyar na tao ngunit hindi ko ginawang pagtuunan iyon ng pansin. Wala namang palabas sa gawing iyon ngunit hindi ko man lang magawang kilalanin man lang ang taong tumatawag sa akin.

"Ako na pong bahala sa kaniya." Rinig kong  sabi ng isa pang lalaki.

'Ano bang nangyayare?'

"Babe."

Hindi ko magawang lumingon sa kaniyang gawi. Ilang sandali pa ng maramdaman kong basa na ang aking pisngi at mabilis kinapa upang kumpirmahin iyon.

"Babe."

Iniharap niya ako sa kaniyang gawi at nang nagtama ang aming mga mata hindi ko na namalayang humahagulgol na pala ako sa kaniyang dibdib.

Ang kaninang para bang nakalutang ay napalitan ng pagkakalunod sa sakit.

"Ssshh" rinig kong pagpapatahan niya pa sa akin.

"N-no. Prank ito di ba? Is there hidden cameras here? Wag naman ngayon Roge." hagulgol kong sabi habang yakap yakap niya pa rin ako.

Ilang minuto pa ang nagdaan hanggang sa tumahan ako. Hindi ko magawang maialis ang tingin ko sa unahan habang nakaupo sa aking tabi si Doc Rogen.

"The maid said you haven't eat anything. Wait me here I'll brought something you'll eat," rinig ko pang paalam niya bago tumayo.

Pagod ako dahil sa mahabang duty bilang intern at nagawa ko pang ngumiti dahil ang aking akala ay may surpresa akong matatanggap para sa araw na ito. Mukhang na-surpresa nga ako. Sino ba namang hindi aasa kung ang araw na ito ay espesyal para sa akin.

Bakit walang nagsabi? Bakit hindi ko alam? Anong nangyari? Bakit nakahiga na siya riyan? Kahapon lamang ay nagtanong pa siya sa akin kung anong gusto ko para sa aking kaarawan pero bakit ito ang natanggap ko?

Maraming tanong ang bumabagabag sa akin ngunit hindi ko maisatinig iyon.

"Here. You need to eat this." pagbalik niya sa aking tabi, agad niyang inilahad ang pagkain ngunit hindi ko kayang kumain niyon. Ang handang iyan ay hindi para sa aking kaarawan, dahil para iyon sa kaniyang pagpanaw.

I hope I can still find ways to talk to you, Mom.

"Babe." Nangangamba ako na muling tumulo ang luha sa aking mga mata dahil tuloy tuloy na dumadaloy sa aking isipan ang mga magagandang alaala niya.

"W-what happened to her?" Hindi ko namalayan na naisatinig ko na iyon ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya naman agad ko siyang napakatitigan.

"W-what happened to her? Why is she there?" Tanging pag iwas lamang ang kaniyang nagawa kaya hindi ko na napigilang tumayo upang humanap ng sagot sa ibang naririto. Kanina pa tahimik ang nasa paligid na para bang pinapanood nila ang aking pagkilos. Hindi pa ganoon karami ang mga tao dahil sigurado akong ngayong araw lamang isinaayos iyon.

"Y-your d-dad -" napatigil ako sa pag alis dahil sa kaniyang sinabi. Agad akong napatingin sa kaniyang gawi ngunit agad din niya iniiwas ang kaniyang mga titig.

Naghihintay ako ng kasunod ngunit hindi niya maituloy ang sasabihin.

'Mali naman siguro ang aking iniisip?'

"Rogen."

Nakatitig pa rin ako sa kaniyang gawi at naguguluhan sa nais niyang sabihin.

"What about my dad?" muling pagtatanong ko pa sa kaniya.

"I-im sorry. I t-tried to save her. P-pero huli na," Sabi pa niya habang nakatungo.

"You're not answering my question. What he did again?"  nanatiling kunot noo at nagtitimpi sa gusto niyang iparating sa akin. Ngunit dahil narinig ko ang pangalan ng aking ama ay unting unti nang nag iinit ang aking ulo.

"I think this is not the right time for that. You need to eat and rest first." mahinahon niyang sinabi iyon nang iaangat niya ang kaniyang ulo at seryoso akong tinitigan.

"Rogen." Nagmamakaawang tinig ko pa at nagsusumamong sabihin na niya ang naudlot na patungkol sa taong iyon.

"Please?" muli ko pang pagmamakaawa sa kaniya habang tumutulo na ang luha na nagpapaalala sa nasasaksihan ko sa aking paligid.

"Your dad killed your mom."

Tila ba tumigil ang oras at paggalaw ng tao sa aking paligid dahil sa aking narinig. Nakatitig lamang ako sa kaniyang gawi at agad muling naupo dahil sa pagkabigla. Ginawa niya pa akong alalayan, biglang namanhid ang aking buong katawan habang nakatitig sa kawalan.

Hinahapo ako sa paghinga habang patuloy na tumutulo ang aking luha kasabay ng pag usbong ng hindi mapangalanang galit na namumuo sa aking dibdib.

Nangingig ang aking kalamnan at hindi makagalaw dahil sa init na aking nararamdaman. Isang apoy na nagliliyab ang unti unting umuusbong kasabay ng panlalambot ng buong katawan ko.

Nang makarecover ay agad kong sinuportahan ang sarili upang makatayo ng ayos. Yumukom ang aking kamao dahil sa galit na bumubulusok na ngayon sa aking dibdib.

"Where is he?" nakikinita ko na sa aking tinig ang galit dahil sa pagkakadiin ng bawat salita niyon.

"Nahuli na siya. Calm down first. Please kailangan mong kumain at magpahinga bago mo siya harapin. Please?" Tinanggal ko ang kaniyang pagkakahawak sa aking kamay at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi kasabay ng pagmamadaling pumunta sa lugar kung saan ko siya matatagpuan.

"Babe sandali!"

Rinig ko pang sigaw niya ngunit lalabas na sana ako sa gate ng makita ko kung sino ang nasa harap ko ngayon.

"Anong ginagawa ninyo rito?" salubong ko sa kanila na ikinatigil naman nila.

"Babe!"

"Anong ginagawa ninyo rito?!" muling tanong ko pa.

"Iha. We are here for your mother. We are sorry." sabi pa niya ng may malungkot na tinig.

Hindi ko na napigilang matawa dahil sa kaniyang sinabi.

"You are sorry? Ha! Hindi namin kayo kailanga rito. Mabuti pa umalis na lang kayo." sabi ko pa ngunit mukhang nabastusan sila sa aking sinabi.

"Adeline. Just let us to see our daughter in law." Pag awat pa ng may katandaang edad  sa asawa nitong may edad na rin.

"Hindi ninyo anak ang nanay ko. I think you should go with me too? Papunta na ako sa anak ninyo ngayon gusto ba ninyong samahan ako?" bastos na pakikitungo ko sa kanila.

"Adeline!"

"Baket LOLO?" may bahid ng galit at walang galang kong sabi.

"Ganiyan ka ba pinalaki ng nanay mo ha?!" lolo said.

" Rafael! Please? Tama na iyon. Masyado lamang nasaktan ang bata sa nangyare kaya hayaan mo na siya. Iha patawarin mo sana kame." napaiwas nalamang ako ng tingin dahil sa sinabi ni lola. She has a good heart too pero hindi siya nakinig sa nanay ko. Mas pinaniwalaan niya ang sinasabi ng anak niya sa kaniya at binubunton ang sisi sa nanay ko.

"Kahit na kailan hindi ko tatanggapin ang sorry ninyo. I told you. Pero baket hindi man lang kayo naniwala? Pamilya kayo ng pulitiko at dapat ang hinaing ng tao sa paligid ninyo ay kinokonsidera ninyo. Sarili ninyong anak kinukunsinte ninyo! My mom didn't manipulate me for telling you whats happening around! Baket? Is it because I am still young? Mas nagtiwala kayo sa anak ninyo kumpara sa nanay kong nakahiga na sa kabaong na iyon?!! Don't come near us anymore even with my brother. Sisiguradhin kong mabubulok sa kulungan ang anak ninyo!" pagkatapos ng mahabang saad ko agad akong sumakay sa aking sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon. Tuloy lamang ako sa pagluha at pinapahid iyon paminsan minsan dahil sa nanlalabo ko nang paningin.

Ganoon na lamang ako kabilis nakarating sa presinto na para bang siga na nagtungo upang maghanap ng away roon. May mga nakita pa akong mga media ngunit hindi ko na sila pinagkaabalahan ng pansin hanggang sa harangin ako ng isa sa mga pulis.

"Teka miss saan ka pupunta?"

"I am the daughter of Doctor Saphire Adelin De Luna."

Agad naman nila akong pinadaan ng ipakita ko sa kanila ang id ko.

Nang makapasok ako bumungad sa akin ang ilan sa mga body guards, dalawang pamilyar na tao at kasama na rin ang lalaking nakaposas sa isang gilid na kinakausap ng mga abogado't pulis.

Ang matinding galit ay bigla kumawala sa akin na naging hudyat ng paghablot ko ng baril sa body guard na malapit sa akin. Agad ko iyong itinutok sa kaniyang gawi na  agad namang ikinagulo ng lahat. Ramdam ko rin ang pagkakatutok ng ilang baril sa aking gawi ngunit wala akong pakialam.

"Ibaba ninyo ang baril." narinig ko pang utos niya sa mga body gurad niya sa paligid.

"Sabi ng ibaba ninyo ng baril!" muling utos niya pa sa kanila.

"Ade-"

"I told you I can do everything I can just for her. Hindi na ako bata pa para tanggapin na lang lahat ng ginawa mo sa nanay ko!" sigaw ko pa sa kaniya. Ramdam ko ang pagiging tahimik ng lahat ngunit wala akong pakialam sa lahat ng mga taong naririto ngayon. I want him to suffer. Gusto kong pagbayaran niya lahat ng mga ginawa niya.

"Im sorry. Nakainom ako. Hindi ko napigilan ang sarili ko. I-im sorry. I loved your mother. Patawarin mo ako." napapailing pa niyang sabi ngunit hindi ko man lang ramdam ang sinseridad niyang iyon. Kung mayroon man ngunit kulang na kulang iyon.

"You know she's trying her best just to save my brother! You know that she's trying her best para sumunod sayo kahit hindi niya gusto! You know she loves you that much na kahit siya ay hindi ka man lang magawang iwanan! But what did you do? You killed her! Alam mo bang gusto kitang patayin ngayon?!" patuloy lamang ako sa pagluha habang bakas na bakas ang matinding galit sa aking mga mata.

"Adeline wag!" agad namang pagsulpot ni Rogen sa tabi ko at pagbaba ng baril na hawak ko.

"Hey please look at me! Hey. Hey." pag aalo pa sa akin ni Rogen at mabilis na ibinigay sa body guard ang baril na kanina lang ay hawak ko. Hinila ko siya paalis sa harap ko at muling tinitigan ang taong iyon.

"Tandaan mo, sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan. Sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay mo. Sisiguraduhin kong wala ng taong maniniwala sa lahat ng sasabihin mo. Sisiguraduhin kong sa kulungan ka babawian ng buhay. Wag kang mag alala dahil para sa aming magkapatid patay ka na. Sisiguraduhin kong wala ng De Luna na tatapak sa batas ng may maduming pamamaraan. " Madiin kong sabi bago nangunang umalis at maabutan sa labas ang mga media na nagkukumpulan sa bawat gilid. Agad silang nahawi ng ako ang dumaan at mabilis kong pinatakbo ang sasakyan pabalik ng mansion.

"Ate, tell us what you wish." Agad akong napatigil sa pag iisip ng biglang magsalita si Calvin.

I wish, I can go back there and save my mother.

I wish, I can still heard her soft laughs while listening to my rants.

I wish, she can still hug me on my bad days.

I wish, she can still tell me what is bad and good decision I made.

I wish, my birthday isn't the day of her death.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.