September Cross The Line Chapter 22

" It is a secret. You should be sleeping right now. Masama sa iyong nagpupuyat, hindi na sana kayo nag abala pa." sabi ko na agad naman nilang ikina-tahimik. Nang matapos at malinis na ang lahat ng kalat agad ko ding pinatulog si Calvin dahil madaling araw na. Hindi ko na napansin na ang tagal ko na palang nanatili roon sa itaas.

"Lets just celebrate later. For now I think we should sleep." sabi pa ni Roge habang isinasaayos ang mga gamit sa mesa na nasa gilid ng silid.

"Sige matulog na kayo, marami pa akong gagawin." sabi ko pa na ikinatigil naman niya sa ginagawa.

"Saan ka na naman pupunta? Take a nap before doing it. You haven't sleep since yesterday. Hindi ko na lamang binanggit sa iyo kanina dahil alam kong maraming problema ang hospital ganoon di ang iyong ginagawa." saad niya pa.

"Im fine. Naroon lang ako sa may taas sa opisina. Just stay here. Lets just talk later." sabi ko pa bago umalis. Wala akong panahon para maging masaya. I even forgot that It's my birthday today. Matagal ko nang kinalimutan na magcelebrate kapag dumadaan ang araw na ito.

Nang makaalis, bumaba muna ako sa ground floor para bumili ng coffee at napagpasiyahang pumunta sa parking lot handa na upang umalis. Hindi ko na sinayang pa ang akin oras at isinaayos ang pagkakahawak sa coffee na nakabalot at mabilis umalis.

Napadpad ako sa madilim, malamig at tahimik na lugar. Itinabi ko sa isang gilid ang motor ko at kalmadong naglakad sa madamong bahagi.

'Ang sabi ko ay hindi na akong muli pang dadalaw sa iyo ngunit heto ako nasa tapat na ng lapida mo.'

Binuksan ko ang hindi na kainitang kape at dahan dahang uminom roon bago pa maisipang umupo kaharap ang lapidang iyon.

"Hindi mo ba ako babatiin ng happy birthday?" natatawa kong sabi habang nakatitig sa lapidang iyon.

"Kung ganoon ako na lamang ang babati sa iyo. Happy Death Anniversary, Ma. Hindi mo ba iisipin kung bakit happy? Kase habang ikaw masaya na diyan ang kaisa isang unika-iha mo naghihirap rito. " Seryoso ko iyong sinabi habang lumalagok ng kapeng binili ko.

"Siguro kung wala lang si Calvin, hindi ko makikita ang sarili ko rito? Baka nga magkaroon pa kame ng family reunion ng asawa mo. Tch. Pakinggan mo na lamang ang sinasabi ko at huwag ng mag-react riyan dahil alam mo naman takot ako sa multo." Nilinis ko ang lapida niya gamit ang sariling palad habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig roon.

Maraming nagsasabi na kung hindi lamang ako masikreto at umaakto ng ayos ay para lamang kaming nananalaming dalawa ng aking ina.

"Alam kong nakikita mo lahat ng ginagawa ko ngunit pagbigyan mo na lamang muna akong magdrama dahil hindi ko alam kung last na ito. Malapit ng maubos ang limitasyon ko. Siguro nga kung nabubuhay ka pa ngayon isusumpa mo na ako eh. I'm sorry that I need to live like this. Is just that, I won't survive kung papairalin ko ang mga tinuro mo sakin. Hindi ko nakakalimutan iyon. I'm sorry, I need to cross over to those things na ikakapahamak ko. I know my boundaries but I guess I can't do that in this life time. Siguro sa susunod ko na lang na buhay ako magpapakabait. Tch. Bakit ba mukha akong tangang kinakausap ka? By the way, about my brother, hindi ko nakakalimutan ang ipinangako ko sayo. Mabubuhay siya at makakawala sa pagkakakulong sa sakit niyang iyon. Hinihiling ko lang na sana may patunguhan ang buhay niya dahil hindi ko na nagawa iyon," parang tanga ko pang pagpapaalala sa kaniya.

I need to release everything dahil ayoko ng kimkimin lahat ng iyon dahil sigurado akong mag iiba na ako sa mga susunod pang araw. She's watching me or lets just say that they are watching me. Kung ano man ang kasalanan ko sa mga taong iyon gusto ko na agad tapusin. Ngunit dahil alam ko na ang ganoon ugali sigurado akong hindi pa sila lalabas dahil hindi pa nagniningas ang apoy.

Madilim ang paligid ngunit sanay na ako. Mas kalamado ang isip ko dahil sa kadiliman nito at liwanag na nagmumula sa buwan.

'Last ko na ito.'

Paulit ulit ko iyong minarka sa aking isip dahil nagmumukha na akong mahina sa paningin ko at paningin ng iba. Hindi ako magkakaganito kung hindi lamang bumalik si Roge at muling ipaalala sa akin ang mga bagay na inamag na ng panahon.

Nakakatuwa sapagkat naaalala ko pa noon ang hindi makabasag pinggang si September at kakaibang September naman sa katauhan ko ngayon.

"Hey you should come with us. We are going to celebrate dahil nakapasa tayo sa mga pangarap nating universities." one of my classmate told me while picking up my things and ready to leave.

"Kayo na lang, hindi ako umiinom." mabilis na sabi ko pa at isinabit na sa balikat ang backpack ko.

"Wait, sige na just come kahit ilang oras lang. You know, we're friends now." sabi naman ng isa ko pang lalaking classmate.

Tch. Nakauwi na ako sa bahay dahil hindi naman nila ako mapipilit. Kahit gustuhin ko mang sumama sa kanila, sigurado akong pagkauwi ko sasamaan naman ako ng tingin ni Dad. May sanib demonyo ang isang iyon dahil nakakatakot siyang magalit. Wala naman si Mom sa bahay palagi at ang masama pa roon sinasaktan niya din si Mom. Gugustuhin ko na lamang sanang umalis sa bahay na iyon pero kahit si Mom pinili pa ring mag stay.

"Bakit ngayon ka lang?" Natigilan naman ako sa pag akyat ng sumulpot si Dad na kakarating lang.

"I am one of the student council like what you want Dad at may isinaayos pa kame roon bago umuwi." Isa iyon sa mga dahilan bukod sa pag aaya ng ibang classmate ko upang mag enjoy. I really hate him. Mas gugustuhin ko pang huwag magkaroon ng ama kesa mabuhay kasama siya.

"Then you gain friends? Go and have some friends I might use them with my businesses." pagpapaalala niya pa. Tch. Hindi ko alam kung baket ganoon pa rin ang pagkukunsinti ng grandparents ko sa anak nilang ito. Ilang ulit ko nang sinasabi sa kanilang may ginagawang kalokohan ang anak nila ngunit heto at nagbibingi bingihan pa sila.

"Calix naman, how could I'll do that? It is illegal for heaven sake! Your son still sick and you want me to pull some strings to your hidden projects huh?! Stop it kung ayaw mong mawala sa pwesto mo." pababa na ako para sana uminom ng tubig ngunit nang mapadpad ako sa kwarto ng mga magulang ko pagtatalo nila ang naririnig ko. Napailing na lamang ako at napahinga ng malalim dahil sa galit na itinatago.

Pagkauwi ko galing eskwela ay natigilan ako sa pagpasok ng mansyon nang may marinig akong mga nababasag at nagsisigawang tao sa loob kaya naman halos hikahos akong tumakbo papasok sa loob ng mansion.

"I told you!" hingal man ay agad akong natigilan ng maabutan sa gitnang sala sina Mom and Dad na nag aaway. Napatingin pa ako sa basag basag na Vase sa sahig. Wala ring mga kasambahay na pangahas na gumitna na sa kanila.

"Why did you tell him my plan?! Napurnada tuloy ang plano ko!" sigaw ni Dad.

"Calix! Alam mong siya lang ang makakatulong sa atin ngayon! Nasa gitna ng krisis ang hospital!" rinig ko ring sigaw pabalik ni Mom.

Nanlaki ang aking mata nang kumuha ng patalim si dad at nang mahinuha ko ang plano niya ay agad akong sumigaw.

"Dad!" Balak niyang saksakin ng basag na base si Mom na agad ko namang napigilan.

"What are going to do?! Don't hurt her kung ayaw mong ako mismo ang tumawag ng pulis ngayon!" pagbabantang sabi ko pa.

Naging tahimik ang paligid at kita kong gulat na gulat pa din si Mom nang makita niya akong nasaksihan mismo ang pagtatalo't pagsasakitan nila.

"Damn it!" mabilis niyang hinagis ukit kung saan ang basag na vase at tumingin pa muli sa direksyon ni Mom.

"Magsama sama kayo!" inis pang ani niya at galit pa ding umalis.

"You damn child!" nanlaki ang mata ko ng bigla akong sugurin ni Dad ng isang malakas na sampal.

"Calix! Don't hurt your daughter!"

"Hindi ko alam na sarili ko pa palang anak ang magpapahamak sa akin! How dare you! Bakit ka palihim na nakikipag usap sa NBI?!" galit na sabi niyahabang ako wala pa ring emosyong pinapakita sa kaniya.

"Sumagot ka!"

"Don't worry DAD, sinugurado kong hindi ka madadamay. Otherwise you are a senator." mahinahon ngunit pandidiin ko s kaniya. Isang sampal pa muli ang natanggap ko sa kaniya na ikinagit naman ni Mom.

"Calix tama na! Nasasaktan ang bata! She's just a child! Stop it already!"

"Pagsabihan mo yan anak mo! Alam mo ang kaya kong gawi kapag hindi pa niyan tinikom ng bibig niya!"

Napabuntong hininga na lamang ako nang umalis na siya.

"Why did you do that? You know your dad. Please anak huwag ka ng maisali sa amin ng dad mo. "

Gusto ko pa sanang magsalita ngunit umalis na rin siya at patungo na naman sa hospital.

"Ate can you bring pizza for me? Please? Mom don't let me eat everything I want here. While you, madalang ka lang pumunta dito."

I am in third year college, getting more busy as usual and this is my only time to visit my brother.

"Next time I will."

---

"What she's doing there?" I asked curiously.

"I dont know. Its kind of dark there. And I don't want to follow her again so I found my exit."

"I guess she's already planning her death. Anyways, nakakainip na maghintay rito Helga. Kamusta ang pinapagawa ko sa inyo?" kunot noo kong sabi sa kaniya.

"Malapit na master," papairap niya pang sabi na ikinangiti ko naman.

"Good. Real life Mode, play begins," I said playfully.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.