“Hello.”
Kahit pabulong lamang iyon ay hindi pa rin naiwasan ni Margaux na magulat nang mula sa likuran niya ay sumulpot si Jaiden. Napasigaw pa rin siya na mabilis naman niyang pinigilan nang itapik niya ang kanyang kamay sa bibig niya.
Nasa library siya at kasalukuyang nagbabasa ng isang history book. Jaiden grabbed her waist and seized her while laughing in control.
“Magugulatin ka talaga.” Bulong nito sa kanya sabay nakaw ng halik sa sentido niya. Gustuhin man niyang sawayin si Jaiden sa ginagawa nito ay ayaw namang kumilos ng katawan niya. She would admit. Gusto niya ang ganoong gestures ni Jaiden sa kanya. He has his own way to make her feel good and special.
Mabilis na gumanda ang samahan nila ni Jaiden matapos siya nitong ipagtanggol kay Kevin. Napagpasyahan na lang niya na huwag nang mag-report tungkol sa ginawa ni Kevin sa kanya dahil sa labas ng school nangyari at tapos na rin ang school hours. Ayaw na niya sa mahabang paliwanagan. Na kailangan pa niyang patunayan ang sarili gayong wala namang maniniwala sa kanya. Hindi iyon sinang-ayunan ni Jaiden. Sinubukan siyang kumbinsihin ng binata ngunit siya na ang nanindigan. She had been in too many troubles. At ayaw na niyang idagdag sa listahan niya si Kevin.
“Baka pwedeng ‘wag kang manggulat. Baka maihampas ko sa’yo ‘tong libro.” Kunwa’y paghihimutok niya. Ngunit ang totoo ay para lamang pasimple pigilan ang kakaibang init na kanyang nararamdaman dahil yakap ay ng binata. Pasimple rin siyang lumayo sa binata. Kunwari’y ibinalik niya ang libro sa shelf nito. Saka niya hinarap ito.
“I’m sorry. Can’t help it. Engrossed na engrossed ka kasi kapag nagbabasa. And I’m still wondering. Anong meron ang library na wala sa’kin para mahumaling ka nang ganyan?”
Margaux knew Jaiden joked. At ayaw niyang bigyan ng ibang kahulugan ang birong iyon. Baka iligaw siya ng mali niyang akala.
“Stories.” Maiksi niyang sagot. Tinalikuran niya ang binata at naupo sa mahabang reading area. Sinundan siya ni Jaiden.
“Marami ako n’yan. Gusto mong marinig?” Saad nito sa kanya.
Napangiti siya. “Anong klaseng kwento? ‘Yong mga panliligaw mo at kung ilang na ang naging girlfriend mo? O ‘yong mga chicks na nakukuha mo sa pagmomodel mo?”
“Ouch, ang morbid naman. Eh, ano bang kwento ang gusto mong marinig tungkol sa’kin?” Anito habang ginaya kung paano siya maupo. Binuklat niya ang libro kinuha niya kanina nang dumating siya.
“Wala naman. Alam kong may mga kwento ka na ayaw mong malaman ng iba. Karapatan mo ‘yon. Gano’n din naman ako.” Sabi niya habang ini-scan ang libro. Ngunit wala naman doon ang concentration niya dahil naaagaw iyon ng scent ni Jaiden.
“May klase ka pa ba?” Tanong ni Jaiden at inagaw ang libro mula sa kanya. Inirapan niya ito at nagbuklat ng isa pang libro.
“Meron. Bakit?”
“Isa lang naman di’ba?” Bigla niya itong nilingon. “Inalam ko ang schedule mo this sem. Isa na lang ang klase mo ngayon kaya maaga kang makakauwi. Pero…sasama ka sa’kin after class.”
Ngumiwi siya. “Bakit ako sasama sa’yo? Anong meron?”
“Birthday ko.” Mabilis nitong sagot sabay lapag ng libro sa mesa.
Kunot-noo niya itong nilingon. “Weh? Eh bakit parang hindi naman alam ni Ivan. Epal ka lang eh.”
“Totoo, birthday ko. Nag-celebrate na kami ni Ivan kahapon.”
Hindi pa rin siya naniwala. “Pa’no mga friends mo?”
Narinig niya ang pagtawa nito. “Taon-taon na lang may party ako. This year gusto ko namang medyo chill lang. Gusto ko i-celebrate kasama ‘yong mga taong special sa’kin. Eh wala na rin naman ang mga parents ko. Si Kuya nasa New York. Kaya si Ivan, kahapon. Ngayon…ikaw.”
Natigilan si Margaux. Kailangan niyang i-absorb ang sinabi ni Jaiden. Bigla kasing nagbago ang tibok ng puso niya.
“W-wala ka bang girlfriend?” Pilit patay-malisya si Margaux.
“Wala. Magkakaroon pa lang kung sakaling positive ang plano ko.” Saad nito.
Muling kumunot ang noo niya. “May nililigawan ka?”
“Kung magpapaligaw s’ya.”
“Eh ‘di yayain mo ngayon tutal birthday mo.” Saad niya. Kailangan niyang itaboy si Jaiden dahil nagsisimula nang sumibol ang isang nakakakabang katotohanan sa kanya.
“Niyayaya ko na nga eh.” Ani Jaiden na nakaiwas ng tingin sa kanya.
Pakiramdam ni Margaux ay tumigil ang oras dahil sa sinabi ni Jaiden. Her heart pumped so hard kaya parang nanigas siya bigla. Hindi rin kumikilos si Jaiden kaya lalo siyang naging tensyonado. At hindi siya slow upang hindi maintindihan ang ibig nitong sabihin. Nahiling na lamang niya na nagbibiro ito.
“Wala ba akong happy birthday d’yan?” Sabi ni Jaiden kalaunan. Alam niyang lumingon ito sa kanya ngunit hindi niya magawang tingnan din ito. Natatakot siyang mapansin nito ang pamumula ng pisngi niya dahil naramdama niya ang pangingit niyon.
“H-Happy birthday.” Lihim na napangiwi si Margaux. Hindi naman niya kailangan mag-stutter sa harap nito.
“Pwede mo ba akong samahan? It will really make me happy kung ikaw ang kasama ko.” Sabi nito na nakatingin pa rin sa kanya. “Please?”
Ang isang segundo ay nauwi dawala hanggang tatlo. Hindi kaagad nakatugon si Margaux. But she had to face him in real.
“S-Sige, after class.” Sagot niya saka ito tiningnan. Saka niya napansin ang isang stem ng red rose na nasa harap nito. Hawak nito iyon na nasa ilalim ng mesa ang kamay at tila pasimpleng iniaabot sa kanya. Bigla tuloy niyang naalala ang ibinigay ng waiter sa kanya noon magpunta sila sa restaurant. Hindi niya napansin iyon kanina. Napapaisip tuloy siya kung paano nito naitago nang hindi niya napansin.
“I-Ikaw ‘tong may birthday pero ako ang bibigyan mo n’yan.” Sabi niya sa gitna nang matinding kabang kumakain sa kanya.
Ayaw niyang palinlang. Baka sa umpisa lamang maganda ang ipinapakita ni Jaiden sa kanya. Hindi pa nito lubos na alam ang kwenton tungkol sa kanya. Ang buong katotohanan tungkol sa kanila ni Paul. Kung bakit at paano siya sinaktan ng dati niyang nobyo.
“This is to welcome my special guest for my birthday.” He said softly.
“Salamat.” Mababang ang tinig niyang sabi habang kinuha ang bulaklak. Hindi niya napigilan ang sariling amuyin iyon.
“Iwan muna kita. May klase pa kasi ako. Tatawagan kita kapag aalis na tayo.” Sabi nito habang tumatayo.
Gustuhin man ni Margaux na sumagot ay wala namang mahagilap na salita ang isip niya. She was too blanked. Kaya nagpasya na lamang siyang tumango.
Nginitian siya ni Jaiden. Hinawakan pa nito ang pisngi niya bago siya tuluyang iwan at nagmamadaling lumabas ng library. Siya naman ay parang pinawisan ng malamig dahil pagkabigla. Saka napapabuntong-hiningang kinuha ang isang pocket sized novel. Sarili niyang libro iyon at kasalukuyang binabasa. Iniipit niya ang bulakak sa gitnang bahagi. Gagamitin niya iyong bookmark.
Kinakabahan ngunit excited si Margaux nang marating nila ni Jaiden ang apartment nito. Maaga pa kung tutuusin ngunit palibasaha’y nasa buwan ng mahaba ang gabi ay madilim na ang paligid. Sabay na natapos ang klase nila ni Jaiden kaya sabay na silang lumabas ng eskwelahan.
Tahimik siya nang buksan ni Jaiden ang pinto. Binuksan nito ang ilaw at pinapasok siya. Inilapag niya ang dalang pizza sa center table nang marating niya ang sala. Si Jaiden naman ang may dala ng cake.
“May wine sa ref. Gusto mong uminom?” tanong ni Jaiden sa kanya.
Kuli-kuli siya Margaux sa kung anong itutugon niya. Gusto niyang tanggihan ang binata ngunit sabi nga nito ay birthday nito.
“Konti lang.” sagot niya.
Ngumiti si Jaiden. “Don’t worry hindi tayo magpapakalasing. Kailangan pa kitang ihatid sa bahay n’yo. Kakain lang tayo ‘tapos tambay nang kaunti. Then iuuwi na kita.”
Tumango siya. “Sige.”
“Upo ka muna. Feel at home. May kukunin lang ako sa kitchen.” Saglit lang ay wala na ito sa harap niya.
Naupo siya sa sofa. Sumandal siya at nagbuga ng hangin. At hindi pa man nababawi ang hininga ay bumalik na si Jaiden. Dala na nito ang wine, dalawang wine glass. Inilapag nito iyon sa center table. Tumayo naman siya upang tulungan ito.
Mabilis na inayos ni Jaiden ang center table para sa kanila. Binuksan nito ang pizza at ang cake. Siya naman ang kumuha ng kandila at inilagay ito sa ibabaw ng cake. Mula sa bag niya ay kinuha niya ang lighter na lagi niyang dala. Saka sinindihan ang kandila. Muli siyang naupo sa sofa saka napansin si Jaiden. Nakatitig ito sa kanya.
“Bakit? Hindi ko pa ba dapat sinindihan?” tanong niya.
Kumibot ang labi nito. “Hindi, hindi. May…dala kasi akong lighter galing sa kitchen. Akala ko…”
“Ah ‘yong lights. Sorry. Akala ko kasi wala kang dala. Nagulat ka ba? Mukhang oo.” Paliwanag niya.
“Hindi naman. Marami na rin naman akong kilalang girls na nagyoyosi. Hindi lang kasi ako gumagamit kaya hindi ako sanay.” Nagpaliwanag rin ito.
Nakaramdam siya ng inis. “Hindi ako naninigarilyo. Nasanay lang talaga ako na laging may lights sa bag. Pero hindi naman para sa’kin ‘to.”
Halatang nagulat si Jaiden. Ngunit mabilis din itong ngumiti na tila na-relieve sa nalaman mula sa kanya. Tumangu-tango ito. Kinuha nito ang wine at binuksan. Saka ito naupo sa carpet.
“Blow mo na ‘yong candle mo.” Aniya.
Tumawa ang binata. “Wala bang kanta?”
Napahiyang dili si Margaux. “Happy birthday to you na lang.”
“Okay.” Nagkibit-balikat ito sabay ihip sa kandila. Muli niyang inilapag ang cake.
Kumuha ng isang slice ng pizza si Jaiden at iniabot sa kanya. Kinuha niya ito at tinabihan ito sa carpet. Pareho silang nakasandal sa sofa.
Nagsalin si Jaiden ng wine. Iniabot ang isa sa kanya.
“Cheers?”
Itinaas niya ang baso niya at idinikit iyon sa baso ni Jaiden. “More birthdays to come.”
“Salamat.” Sagot ng binata at nagsimula silang kumain kasabay ng pag-inom.
“Bakit ayaw mong sumama sa kuya mo papuntang New York?” Tanong ni Margaux kay Jaiden. Tiningnan niya ang dalaga at nakitang kinuha ang bote ng papaubo nang wine. He knew Margaux was tipsy. Inalalayan niya ito.
“I’m okay.” Sabi ng dalaga nang tila mapansin ang pag-alalay niya. Hinayaan lang niya ito.
“Ahm, mas gusto ko kasi dito. At least dito andito mga kaibigan ko. Sa New York kasi wala naman akong kilala do’n kundi si Kuya.” Sagot niya sa tanong ni Margaux.
“Pero s’ya na lang pamilya mo. Sabi mo nga matagal nang wala ang parents mo. Eh, ano pang silbi kung mag-stay ka dito?”
“May business naman dito si Kuya. Pwede namang ako ang mamahala no’n para may gagawin ako dito.” Sagot niya.
“Ilan taong na ba kuya mo?” Nagtanong muli ito.
“Thirty five.” Sagot niya sabay simsim ng wine.
Narinig niya ang pagsinok ni Margaux. Nilingon niya ang dalaga. At naulit iyon saka tumawa.
“Ganito talaga ako kapag may inom. Hindi pa ba mag-aasawa ang kuya mo?
Nagkibit siya ng balikat. “Ewan ko. May girlfriend s’ya. Matagal na rin. Baka. Siguro.”
He sighed. “Puro naman ako ang topic. Ikaw. Hindi ka ba talaga nagyoyosi?”
“Hindi nga. Bakit ba hirap na hirap kang maniwala sa’kin?” Sagot at tanong nito.
Napatawa siya. “Hindi naman. ‘Yon kasi ‘yong nakikita ko sa’yo. Madalas ilalabas mo ‘yong lights tapos sisindihan mo ‘yong yosi ng mga kaibigan mo.”
“Nasanay ako sa lights dahil kay Paul. Lagi n’ya akong pinagdadala ng lights. Actually, sinabihan n’ya akong magyosi na rin pero ayoko. Nagagalit s’ya kapag kailangan n’yang manigarilyo at wala akong maibigay. Hanggang sa buong barkada niya, ako na ang nagsisindi para sa kanila.” Sagot ni Margaux. Sumimsim ito ng wine.
“Bakit palaging mga lalaki ang kasama mo? Wala ka bang friends na girls?”
Umismid ito. “Obvious answer. Ayaw nila sa’kin. Simula nang naging kami ni Paul, eh, lahat na ng babae sa school nagalit sa’kin. Inisip nila inakit ko si Paul. Iyon na ang inisip ng lahat.”
Napatango siya. “Nakita ka daw dati sa girls’ CR na tulog. Lasing ka daw no’n.”
Tumawa ito. Malakas. “Lasing? Hindi ako lasing. Nawalan ako ng malay kasi nanghina ako. Low blood pala ako no’n. Nag-aaway na kami ni Paul no’n at saka…saka.”
Tiningnan niya si Margaux. “Saka ano?”
“Sinasaktan na n’ya ‘ko no’n. No’ng araw na nakita ako sa CR, wala akong tulog no’n. Hindi n’ya kasi ako pinauwi. Pinagbantay n’ya ako sa kotse n’ya kasi nasiraan s’ya sa EDSA. Ang sabi n’ya sa’kin babalik s’ya. Hihingi lang s’ya ng back-up. Hanggang mag-umaga hindi s’ya dumating. Hindi naman ako makaalis kasi sasaktan n’ya ‘ko kapag iniwan ko ‘yon. Hindi naman n’ya iniwan ang susi at ini-lock n’ya kasi hindi ako makapasok. Iyon ang nangyari.
“Sa halos isang taon kong relasyon kay Paul? Walang araw na naging masaya ako. Lagi n’ya akong pinaghihintay, iniiwan, pinababayaan sa mga kabarkada n’ya. Ewan ko kung pa’nong napasok ako sa gano’ng relasyon. Magulo ang buhay ko no’n wala akong ibang matakbuhan kundi si Paul lang.”
Nagugulat man ay hindi magawang magsalita ni Jaiden. Kitang-kita kay Margaux ang hapdi. Lubha itong nasaktan kay Paul.
“Ano pa ba ‘yong mga bagay na alam mo tungkol sa’kin?” tanong ni Margaux.
“Tama na.” Saway niya at inagaw ang baso nito ngunit nagpumiglas ito.
“Seryoso ako. Ano pa?”
Nagbuntong-hininga siya. “May nakwento si Ivan no’ng inihatid ka n’ya. Ahm…may lumapit daw sa’yo.”
“Ah…” Agap ng dalaga. “Kapitbahay naman ‘yon. Nag-abot s’ya ng pera sa’kin bayad sa mani.”
Pagkasabi niyon ay tiningnan siya ni Margaux. “Gumagawa ng fried mani ang nanay ko. Nagpapa-order kami sa barangay namin. Ano pa?”
“Margaux-”
“Ano pa?” Makulit na si Margaux.
“Lagi ka daw may baong ‘rubber’ sa bag mo. Margaux, sabi lang naman nila ‘yon eh. Hindi mo na kailangang sagutin ‘yon. I’m sorry.”
“Totoo ‘yon. Aksidente kasi nahulog ang bag ko sa canteen. Natapon ang laman ng bag ko. Nakita nila ‘yong ‘rubber’ na sinasabi mo. Condom ‘yon. Oo. Palagi nga akong may dala.”
Hindi na nagugustuhan ni Jaiden ang itinatakbo ng usapan nila. Kung anuman ang nakaraan ni Margaux ay ayaw na niyang alamin pa. Ayaw na niyang mag-iba ang gumaganda nang pagtingin niya para sa dalaga.
“Margaux, hayaan mo na lang ang ibang tao. Ang mahalaga kilala mo ang sarili mo.” Tila nasasaktan niyang sabi sa dalaga. Inabot niya ang kamay nito.
“Ibinibigay ko ‘yon sa mga kakilala kong nakikipag-sex sa mga girlfriends nila. Gusto ko protektado sila. Kasi ayoko nang madagdagan ang case ng unwanted pregnancy. Dadami lang ang illegitimate na anak. Mga anak sa labas. Kawawa lang sila. Hindi sila mapapanindigan ng mga magulang nila. Kasi hindi silang sinasadyang mabuo eh. Madalas...bunga lang sila ng kasalanan.”
Nagbaba ng tingin si Margaux. Nilapitan niya ito. Napansin niya ang pamumuo ng luha nito. Hinawakan niya ang baba nito.
“Tama na. Nasasaktan ka lang.” Puno ng pag-aalo niyang sabi.
“Ayoko nang magdagdagan ang tulad...ko. Anak sa kasalanan. Anak sa labas. Hindi ko tunay na tatay ang asawa ng mama…ko. Anak ako ni…Marvin Montelibano. Anak n’ya ‘ko naging kasalanan n’ya sa asawa n’ya.”
Walang mahagip na salita si Jaiden sa rebelasyong kanyang narinig. Si Marvin Montelibano ay ang vice-president for student affairs ng kanilang unibersidad. At kilalang noble man ang naturang officer. Isa nga ito sa hinahangaan ang bawat estudyante ng eskwelahan.
Inabot niya si Margaux at mahigpit na niyakap. Lumakas ang pag-iyak tulad noong muntik na itong mapahamak kay Kevin. Parang sinuntok nang paulit-ulit si Jaiden. Hindi niya alam kung paano pagagaanin ang loob ni Margaux.
“Margaux…” Aniya sa basag na tinig. “I’m so sorry. I really am.”