Ginabi nang araw na iyon si Margaux. Galing siya sa isang computer shop sa may labasan ng unibersidad. Tinapos kasi niya ang book review para isang minor subject niya. Dumaan pa siya ng ilang kliyente ng kanyang ina upang maningil. Ngunit kinailangan pa niyang bumalik sa computer shop dahil naiwan niya ang kanyang flash drive. Mabuti na lang at hindi pa nawawala iyon.
Naglalakad siya sa eskenita sa university belt ng biglang may umakbay sa kanya. Nagulat siya at nilingon ang pangahas.
“Kevin?” Aniya at mabilis inalis ang kamay nito ngunit biglang humigpit ang pag-akbay nito sa kanya. Binalot ng takot si Margaux.
“Lakad ka lang. ‘Wag kang gagawa ng eskandalo kung ayaw mong masaktan.” Bulong nito sa kanyang punong-tainga. Kinilabutan si Margaux nang dumaloy ang hininga nito sa may batok. Bigla siyang nakaramdam ng pandidiri. Pinaghalong alak at sigarilyo ang hininga nito. At parang babaligtad ang sikmura niya nang lumapat ang labi nito sa tainga niya.
Wala siyang nagawa nang igiya siya ni Kevin sa madilim na parte ng kalye. Nakaakbay pa rin ito sa kanya at hawaka ang isa pa niyang kamay kaya mahihirapan talaga siyang makawala dito.
Narating nila ang isang makipot na eskenita at mabilis siyang hinila ni Kevin doon. Saka siya padarang na itinulak sa pader. May dead end ang eskenita na nagsisilbi ring tapunan ng basura. Nanginig ang katawan ni Margaux sa takot. Bumabalik ang pamilyar na takot sa kanya kapag nakikita si Kevin. At ayaw na niyang balikan ang eksenang iyon sa buhay niya.
“Tigilan mo ‘ko, Kevin. Pwede ba?” Pilit nagtatapang-tapangan na sabi ni Margaux. Hindi siya dapat mawala sa tamang pag-iisip. Kailangan niyang makaisip ng paraan upang makatakas kay Kevin.
“Mamaya na.” Sabi nito sa kakatwang tinig at bigla na lang siyang niyakap nito. His lips landed on her neck. Mabilis niyang ikinilos ang mga kamay niya upang maitulak ito. Mukhang hindi napaghandaan ni Kevin iyon kaya nabitawan siya nito. Tumakbo siya palayo.
“Sa’n ka pupunta?” galit na sabi ni Kevin nang mahagip nito ang buhok niya at muli siyang niyakap. Sinubukan niyang pigilan ito sa pagsabunot sa kanya. Tuluyan nang binalot ng galit at takot si Margaux. Mapangahas nito ipinasok ang isang kamay sa loob ng suot niyang loose blouse. He touched her clothed breast. Noon siya sumigaw. Ngunit tinakpan ni Kevin ang bibig niya.
Pinilit niyang niyang tanggalin ang kamay nito sa bibig niya upang may makarinig sa kanya ngunit mas mahigpit ang kamay nito. Napaiyak na si Margaux. Buong lakas niyang nilabanan si Kevin. Pilit niyang iniiwas ang mukha sa tuwing tatangkain nitong halikan siya. Kevin will rape her. At hindi siya makakapayag.
“Tul─” tinangka niyang sumigaw nang minsan makawala ang bibig niya ngunit muling nahagip ni Kevin iyon.
Hanggang sa itulak siya ni Kevin paluhod sa semento. Hawak pa rin nito ang buhok niya at marahas na iniangat ang ulo niya. Mariin siyang pumikit at napadaing. Masakit ang ginagawa sa kanya ni Kevin.
“You asshole! Bitawan mo s’ya!” nakarinig siya ng tinig at bigla na lang may dumulog kay Kevin. Nabitawan siya nito at kaagad siyang nagmulat. Nakita niya si Ivan na papalapit sa kanya. Maingat siya nitong tinulungan na makatayo. Lumingon siya at hinanap si Kevin at nakitang may kasuntukan.
“J-Jaiden?” Nanginginig ang tinig niyang sambit nang mapagtanto kung sino ang sumusuntok kay Kevin. Duguan na ang bibig ni Kevin.
“Pigilan mo s’ya.” Sabi niya kay Ivan at mabilis namang kumilos ito. Lumapit ito kina Jaiden at mabilis na pumagitna. Siya naman ay hirap na sumandal sa pader. Masaki ang ulo. Pati ang tuhod niya.
“P’re tama na.” saway ni Ivan at niyakap si Jaiden.
“Gago ka!” Galit na galit si Jaiden habang pilit na kumakawala kay Ivan. Noon niya napansin ang isang brass knuckles na suot nito sa kanang kamay. Lalo siyang kinabahan. Noon niya tiningnan si Kevin. Panay dugo ang mukha nito at tila nanginginig na.
“Jaiden.” Sa hirap na tinig ay inagaw niya ang pansin ng binata. Narinig siya nito at nilingon siya.
Para namang biglang kinain ng takot si Kevin at panay ang sangga ng kamay sa sarili. Inundayan pa ito ng isang upper cut ni Ivan. Napasigaw ito sa sakit.
Lumapit siya Jaiden sa kanya at mabilis na tinanggal ang suot na knuckles. Saka walang pasubali siyang niyakap. Mahigpit na mahigpit.
“You’re safe.” Sabi ni Jaiden at iyon lamang ay napaiyak na siya. Tinugon niya ng mas mahigpit na yakap si Jaiden. She was crying loud like a baby. Marahil dala ng galit, takot at gulat kaya hindi na niya napigilan ang sarili.
“Tahan na.” Sambit ni Jaiden sa kanya habang hinihagod ang likod. Hindi na niya napansin ang pagtakbo ni Kevin na hinayaan na lang ni Ivan.
Parang bangungot kay Margaux ang eksenang nangyari. Isang pangyayari na minsan na rin tumakot sa kanya. Ang dahilan kung bakit naging magulo ang buhay niya. Isa iyon sa pinakamadilim na araw ng buhay niya. Ang mga araw na nasa buhay niya si Paul at ginawang miserable ang akala niya’y pag-ibig noon.
“Magtatanda na siguro ‘yon, P’re.” Sabi ni Ivan habang siya ay panay pa rin ang iyak sa dibdib ni Jaiden.
“Dapat lang.” Tugon ni Jaiden. “Tutuluyan ko na talaga s’ya kung hindi pa.”
Niyuko siya ng binata. “Anong masakit sa’yo?”
Hindi siya nakatugon at ipinagpatuloy lang ang pag-iyak. Nanginginig pa rin siya. Ang buong akala niya ay hindi na mauulit na may manakit sa kanya. Na hindi na siya babalutin ng ganoong katinding takot.
“Tara na.” Ani Ivan.
Maingat siyang inakay ni Jaiden habang yakap-yakap pa rin siya. Hindi niya magawang kumalas sa binata. Nangangatog ang tuhod niya at nahihirapan siyang maglakad. Tila naman napansin ni Jaiden ang panghihina niya kaya binuhat siya nito. Kaagad na pumulupot ang mga braso niya sa batok nito at itinago ang kanyang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ng binata. Nakaramdam ng payapa ang kalooban ni Margaux. Humina na rin ang pag-iyak niya.
Hindi na niya natantiya kung gaano sila katagal na naglakad. Naramdaman na lang niya ang ibinaba siya ni Jaiden sa loob ng isang sasakyan. Saka siya binalutan ng jacket nito. Napapikit siya at nagpayakap sa jacket ni Jaiden. Nalanghap niya ang bango noon kaya lalong gumaan ang pakiramdam niya.
“Gusto mo dalhin kita sa hospital?” Malambing tanong ni Jaiden habang hinahaplos ang buhok niya. Kumikirot pa ang ulo niya ngunit dahil sa ginawa nito ay tila nawawala niyon ang sakit.
Umiling siya. “Hindi na. Gusto ko na lang umuwi.”
Hinarap ni Jaiden si Ivan. “Ako nang bahala sa kanya. Salamat, P’re.”
“No probs. Sige, ingat kayo. Baka rumesbak si Kevin.” Sagot ni Ivan at tumingin sa kanya. “Relax ka na. Wala na si Kevin. Kaming bahala sa’yo, okay?”
Muling namuo ang luha ni Margaux. Hindi niya akalain na sina Ivan pa ang tutulong sa kanya. “Salamat.”
“La ‘yon. Basta para sa kaibigan ko. Malakas ‘to sa’kin eh.” Pagbibiro pa ni Ivan at tinapik ang balikat ni Jaiden. Tumango si Jaiden at lumapit na si Ivan patungo sa sarili nitong sasakyan.
“Balitaan mo ‘ko, P’re.” Sabi pa ni Ivan habang dahan-dahang umaandar na ang sasakyan. Nakita niyang tumango si Jaiden.
Napasandal si Margaux sa upuan. Ipinilig niya ang kumikirot na ulo sa at saka pumikit. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari kani-kanina lang.
“Sigurado ka bang okay ka na? Dadalhin kita sa hospital. Dumudugo ang tuhod mo.” Sabi ni Jaiden at napamulat siya.
“Okay na ‘ko. Hihinga lang ako.” Sagot niya tinitingnan ito. Tinitigan din siya ni Jaiden. Nakikita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Parang hindi na ito galit sa kanya.
“Mabuti na lang...” He trailed off. “Mabuti na lang sinundan kita. Kung hindi ko ginawa ‘yon hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nahuli ako.”
Nagbuga ito ng hangin saka umangat ang kamay nito. Saka hinawakan ang pisngi niya Lumapit ito sa kanya at pinagdikit ang kanilang mga noo. He massaged her face so caressingly. Muli siyang pumikit. Being with Jaiden after her fear was a moment. Bakit tila kayang kaya ni Jaiden na tanggalin ang lahat ng takot at galit niya? Tila napakadali para sa kanya na kalimutan ang ginawa sa kanya ni Kevin dahil naroon na si Jaiden.
Bahagyang kumilos si Jaiden. Nagmulat siya ng mata at tinitigan ito. Lubos ang pasasalamat niya kay Jaiden. Hinawakan niya ang kamay nitong nasa pisngi niya. Bahagya itong ngumiti. Muling namuo ang luha niya. She can’t help it. Emosyonal siya dahil sa nangyari. She felt so weak and vulnerable. At si Jaiden ang tila lakas niya.
“Salamat talaga.” Maluha-luha niyang sabi.
“Anytime. Basta para sa’yo.” Sagot nito hinalikan ang kanyang noo. It made her feel more better. Saka lumayo sa kanya at isinara ang pinto ng kotse. Lakad takbo na pumasok sa driver seat.
“Pwede ko bang malaman kung bakit mo ‘ko sinundan?” tanong niya.
Tumingin ito sa kanya saka kumilos palapit sa kanya. Isinuot pala nito ang seatbelt. At sa pagkilos na iyon nito ay muling nagdikit ang kanilang mga mukha. Jaiden eyes never left hers. Halos magpadikit pa ang mga labi niya. At tila sinasadya pa ni Jaiden na bagalan ang pagkakabit ng seatbelt. She shivered. Ngunit iba-ibang sa naramdaman niya kanina nang si Kevin ang humawak sa kanya. Bahagya niyang ipinaling ang ulo upang umiwas dito. Naiilang kasi siya. But his lips landed on her temple.
“Nakakadalawa ka na.” kunwa’y paninita ni Margaux patungkol sa paghalik nito sa kanya.
“That is to make you feel good.” Anito at umayos na upo. “Effective naman, hindi ba?”
“H-Hindi mo naman sinagot ang tanong ko.” Paiwas niyang sabi upang hindi sagutin ang pahayag nito.
“Dahil kay Kevin.” Nilingon niya ito at hiningi ang paliwanag sa sinabi nito. “Nagkasagutan ulit kami. Nakita n’ya tayo n’ong dalhin kita sa restaurant. Nagalit s’ya sa’kin. Hindi daw n’ya ako mapapatawad dahil tinalo ko s’ya. At gaganti daw s’ya. Hindi daw s’ya papayag na maagaw ka ng iba. He was so jealous.”
“Jealous? Bakit?” puno ng pagtataka niyang tanong.
“May gusto sa’yo si Kevin. Hindi mo ba napapansin? Kahit naman no’ng kayo pa ni Paul. Napapansin na namin ‘yon. Kapag nasa practice at nagkekwento si Paul ng tungkol sa inyo, umaalis si Kevin.”
Hindi nakasagot si Margaux. Hindi niya alam kung anong iisipin sa nalaman. Una niyang nakilala si Kevin sa isang party. At ito pa ang nagpakilala sa kanya kay Paul. Ngunit wala siyang kaalam-alam na may pagtingin pala ito sa kanya. Kaya marahil nagbago ito ng pakikitungo sa kanya nang maging boyfriend niya si Paul.
Ibinaba ni Margaux ang jacket at inipon iyon sa kanyang kandungan. Unti-unti na siyang nagiging maayos at nare-relax na rin ang katawan niya.
“Wala akong gusto sa kanya. At kahit kailan ay hindi ko s’ya magugustuhan.” Saad niya habang nakababa ang tingin.
“Kaya nga s’ya nagkakaganyan. Frustrated na. Hindi n’ya matanggap na ayaw mo sa kanya.” Ani Jaiden.
Nanahimik siyang muli.
“Si Paul.” Napalingon siya kay Jaiden. “Pwede ko bang malaman kung bakit bigla bigla nag-break kayo?”
“Dahil ginawa rin n’ya ang ginawa sa’kin ni Kevin.” Sagot niya sabay pag-iwas ng tingin kay Jaiden. Nahihiya siya na isiwalat ang katotohanan sa naging relasyon niya kay Paul. Katotohanang naitago sa marami dahilan upang siya ang maging masama sa mata ang lahat.
“Sinasaktan ka n’ya?” Tila hindi makapaniwala na tanong ni Jaiden. Nakaramdam siya ng hinanakit. Wala naman kasing naniniwalang hindi mabuting tao si Paul. He was like a prince for almost everyone. Ngunit hindi para sa kanya.
“Okay lang kung hindi ka maniniwala.” Saad niya.
“Naniniwala ako. Hindi ko rin naman kilala si Paul para paniwalaan ko ang lahat na magagandang ipinakita niya. And besides, I don’t like him. Magkasundo sila sa maraming bagay ni Kevin. Alam ko na ngayon kung bakit.” Ani Jaiden.
“Hindi ako niligawan ni Paul. Napanalunan lang n’ya ako sa isang pustahan ng barkada nila. Isang race ‘yon. Tatlo sila noon. Si Kevin ang isa. Pero hindi ko alam na seryoso si Kevin na mapanalunan ako.” Nagsimula siyang magkwento.
“Pumayag ka?” Muli, hindi mapakapaniwala si Jaiden.
She sighed. “Gusto ko na s’ya noon. Mabait kasi s’ya sa’kin. Hindi n’ya sinabi na gusto n’ya ‘ko pero sumali s’ya sa pustahan para sa’kin. Nakakauto naman talaga ‘yon di’ba? Lalo na sa tulad kong hindi nag-iisip noon.”
“Minahal mo ba s’ya?” tanong ni Jaiden.
Niyakap ni Margaux ang sarili kasama ng jacket ni Jaiden. “Hindi ko alam kung pagmamahal nga ‘yon o kinailangan ko lang ng matatakbuhan noon. Si Paul lang kasi ‘yong nagparamdam na mahalaga ako. Na nag-e-exist. Kaya madali akong naniwala sa kanya.”
“Minahal ka ba n’ya?”
Umiling siya. “Iyon ang pagkakamali ko. Sa maling tao ako nagtiwala. Akala ko sasamahan n’ya ako sa lahat ng pinagdadaanan ko. Pero nagulo lang ang lahat.”
“Bakit ka n’ya iniwan?” panay tanong si Jaiden.
“Hindi n’ya ako kayang panindigan.” Sagot niya. “Pero iba ang alam ng lahat. Kahit ikaw iba ang alam mo.”
“Nag-migrate daw s’ya sa states kasi doon na n’ya itutuloy ang pag-aaral n’ya hanggang masters.”
“Mabuti na ring ganoon ang ginawa n’ya. At least, s’ya na ang tumapos ng lahat.” Aniya nang may kibig sa lalamunan. Nahihirapan pa rin siyang pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Paul.
“Bakit hinahayaan mong masama ang tingin sa’yo ng ibang tao? Bakit ganyan ang ipinapakita mo kung hindi naman ‘yon ang totoo?” Nahimigan ni Margaux ng bahagyang inis ang tinig ni Jaiden.
“Ano ba ang alam mo tungkol sa’kin?” balik-tanong niya.
“Marami.”
She laughed bitterly. “At lahat hindi magaganda.”
“Na hinayaan mo lang.” Agap nito.
“Okay na ‘yon. Para walang expectation sa’kin.” Sabi sabay buntong-hininga. “Mas mahirap mag-please ng tao kaysa deadmahin ang paghuhusga nila. Matagal kong sinubukang mag-fit sa isang lugar. Pero hindi nila talaga ako tinanggap.”
Wala siyang narinig na sagot mula kay Jaiden.
“Ikaw.” Tanong niya habang nakaiwas pa rin ng tingin. “Bakit tinulungan mo ‘ko? Ano naman sa’yo kung guluhin ako ni Kevin. Hindi naman tayo magkaano-ano.”
“Hindi ko alam. Basta ginusto ko lang gawin. O dahil gusto ko lang ipakita sa’yo na kailangan mo pa rin ang kaibigan. Kahit ipagpilitan mong ayaw mo.”
Kumilos siya upang tingnan ito. “Yong nangyari sa restaurant…”
Tumingin ito sa kanya. ‘I’m sorry iniwan kita.”
“Hindi. Hindi naman ‘yon. Kasalanan ko rin naman eh.” Agap niya. “Naintindihan na kita.”
“Friends?” Nakangiti na ito nang tingnan niya.
“Friends.” She tried to smile.
“Sana lang okay lang na gawin ko ‘to sa isang kaibigan.” Saad ni Jaiden.
“Huh-”
Hindi na nagawang intindihin ni Margaux ang ibig sabihin ni Jaiden dahil ipinakita na lan nito nang dukwangin siya nito at walang paalam siyang halikan.