Silang, The Fierce Warrior (Filipino) Chapter 20

Natigagal si Aiesha nang makita ang hubad na katawan ni Silang. Malapad ang balikat nito. His torso was long and beautiful. His buttocks were taut and narrow, gracefully swelling out the small of his back. Pantay ang kayumangging kulay ng balat nito na parang buong katawan nito ay madalas masikatan ng araw.

Ilang beses nang nagtatanghal ng nude painting at sculpture ng mga modelong lalaki ang art gallery niya. Naaakit siya sa artistic interpretation pero hindi sa mismong modelo. Ngayon pa lang siyang napahanga ng totoong tao.

No. Parang hindi ito totoong tao. He was like a Pagan warrior god in his naked splendor. Bumaba ang tingin niya sa gitna ng katawan nito. He could also pass off as a fertility god. Isang perpektong iskultura na gawa ng isang batikang iskultor. She couldn’t find a single flaw. And he left her breathless.

Nagulat ito nang makita siya at tumigil sa pagtakbo. Saka biglang nagtago sa likod ng halamanan. “Anong ginagawa mo dito?” galit nitong tanong.

“Kanina pa kita hinahanap. Ikaw ang bantay ko pero iniiwan mo ako,” sabi niya at napatingin sa damit na hawak niya. “Ikaw, anong ginagawa mo dito sa kakahuyan at nakikipaghabulan ka sa mga bata nang nakahubad?”

Kahit hindi niya ito nakikita, alam niyang namumula ito sa hiya. Pero wala naman itong dapat na ikahiya sa kanya. Sanay ba itong magtatakbo ng nakahubad na parang pag-aari nito ang mundo? Well, she wouldn’t mind. Naa-appreciate niya ang likha ng kalikasan.

Kahit pa nga nadaig na nito si Aldrich dahil hindi pa niya nakikitang nakahubad ang kasintahan. Patas na sila ni Aldrich. May iba nang babaeng nakakita ditong nakahubad at may ibang lalaki na siyang nakitang nakahubad.

Nag-init ang pisngi niya nang maalala ang sentro ng katawan nito. Baka akala nito ay wild siyang babae na sanay na makakita ng lalaking nakahubad. Siya tuloy ang nahihiya dahil liberated ang magiging impresyon nito sa kanya.

“Napagkatuwaan nilang kuhanin ang mga damit ko habang naliligo ako sa bukal. Hindi ko alam na ako ang puntirya nilang biktimahin ngayong araw.”

Bumungisngis siya. “Kawawa ka naman. Inapi ka nila.”

“Huwag ka nang mang-inis.” Inilabas nito ang kamay. “Pwede mo na bang ibalik ang damit ko? Gusto ko nang magbihis.”

Ngumisi siya. “Habulin mo muna ako. Kapag naabutan mo ako, ibibigay ko sa iyo ang damit mo,” hamon niya.

“Tigilan mo na ang kalokohan mo!” galit nitong saway. “Ano na lang ang iisipin nila kapag nakita nilang ganito ang ayos ko at dala mo ang damit ko?”

Umingos siya. “Kasalanan mo iyan. Naligo ka kasi nang nakahubad. Sana hindi nila mapagdidiskitahan ang damit mo,” paninisi niya dito.

“Ibigay mo na lang sa akin ang damit ko, please?”

Tiningnan niya ang damit at pagkatapos ay tumingin sa pinagtataguan nito. “You have a beautiful body. Why not flaunt it?” tukso niya.

“Hindi ko ugaling pumarada nang nakahubad. Hindi ako exhibitionist. Kung may makakakita sa akin katulad nang nakita mo ako kanina, iyon lang ay ang babaeng pakakasalan ko.”

Natameme siya. Conservative nga pala ito. Conservative din naman siya dahil hindi siya sanay makakita ng lalaking nakahubad. Hindi niya alam kung bakit naaaliw siyang tuksuhin ito. Ibig sabihin ay virgin pa ito. Wala pa itong babaeng pakakasalan kaya wala pang nakakakita dito nang nakahubad. Siya pa lang.

Napilitan siyang ibalik ang damit dito. “Iyan na. Baka mamaya pikutin mo pa ako dahil lang nakita kitang hubad.”

Bumuntong-hininga ito. “Hindi ko talaga maintindihan ang isip ninyong mga tagapatag,” sabi nito. “Lalo na ang mga babae.”

“Ikaw na nga ang pinupuri, ikaw pa ang galit,” pabulong niyang sabi.

“You looked at me as if I am a sex object,” sabi nito at lumabas mula sa halamanan nang nakabihis na.

Nakataas ang kilay niyang pinagala ang mata sa katawan nito. Nakikita pa rin niya ang kahubdan nito at iniwas niya ang tingin. “Hindi ko iniisip na sex object ka. You were like a naked Pagan warrior. That is a high form of artistic appreciation for me,” katwiran niya. “Anong sinabi ni Machete sa iyo?”

Tumingkad ang kulay ng pisngi nito. “Hindi ako sanay nang tinitingnan nang ganoon ng babae,” sabi nito at sinuklay ng daliri ang basang buhok. “Saka huwag mo nga akong ikumpara kay Machete. Tao ako, hindi sculpture na nagiging tao.”

Naramdaman niya ang frustration nito. Disappointed ito dahil naunahan niya ang mapapangasawa nito. “Huwag ka nang magalit. Magpasalamat ka na lang sa akin dahil kung hindi dahil sa akin, baka nagtatakbo ka nang nakahubad hanggang sa mga bahayan dahil sa mga batang iyon. Tiyak na mabubulabog ang tribo ninyo.”

“Bakit mo ako hinahanap?”

“Sabi ni Inang Negay, may hot spring dito. Samahan mo ako. Saan ba iyon?” tanong niya at nagsimulang maglakad papunta sa pinagliguan nito kanina. “Ikaw kasi, naligo ka pero hindi mo ako isinasama.”

“Aiesha, sandali!” anito at pinigilan siya sa braso.

“Bakit?” inosente niyang tanong. Hindi sinasadyang napatingin siya dito at tuluyang sinuyod ng mata niya ang katawan nito. Kahit na magbalot pa ito ng damit, parang tuksong bumabalik sa isip niya ang hubad nitong itsura kanina.

Binitiwan siya nito na parang napaso. Nabasa marahil ang iniisip niya. “Hindi basta-basta nakakaligo sa bukal dito.”

“May kailangan pa ba akong ritwal na gawin bago maligo?” Ilang sandali itong natahimik na parang pinag-iisipan pa kung sasabihin sa kanya. “Ano ba?” inis niyang sabi. “Naiinip na ako. At gusto ko nang maligo dahil nanlalagkit na ako.”

Tinitigan siya nito. “Bawal maligo doon nang may damit.”

LUMINGA-LINGA si Aiesha sa paligid upang tingnan kung may tao bago siya nakatapis ng tuwalya na lumabas sa sawaling bihisan sa tabi ng hot spring para sa mga kababaihan. Nang makitang siya lang ang naroon ay excited niyang idinawdaw ang paa sa tubig ng bukal. Mainit nga.

Tatanggalin na sana niya ang buhol ng tuwalya nang maalalang hindi siya nag-iisa. Nilingon niya ang makapal na halamanan kung saan nagtatago si Silang.

“Silang, nandiyan ka ba?” tanong niya. Ito ang bantay niya sakaling may dumating na ibang tao o hayop. Ayaw niyang mag-isa lang doon.

“Oo, dito lang ako,” sabi nito subalit hindi inilabas ang ulo. Nang iwan niya ito kanina ay nakasandal ito sa isang matandang puno sa kabila ng makapal na halamanan na nagsisilbing tabing ng mainit na bukal. Baka naroon pa rin ito.

“Huwag kang titingin, ha?” aniya at pilit itong inabot ng tingin upang tiyaking hindi nga ito titingin sa kanya. “Huwag kang maninilip.”

“Bakit naman kita sisilipan?” pasupladong tanong nito.

“Malay ko kung bantay-salakay ka. O kaya gusto mo akong gantihan. Nakita ko na ang lahat sa iyo at baka isipin mo na dapat maging patas tayo.”

“Hindi ako interesado sa katawan mo kaya maligo ka na!” sigaw nito.

Nakasimangot niyang kinalas ang tuwalya at inilapag sa batuhan. Wala na siyang saplot. Kailangan niyang igalang ang patakaran ng tribo. Ayaw man niyang maligo nang walang damit, she couldn’t refuse the hot bubbling water of the spring.

Ibig niyang mainsulto sa sinabi nito. Kung magsalita ito, parang hindi interesante ang katawan niya. She was well proportioned. Katawan na pinagpapaka-matayang makuha ng ilan. Habang ang ilan ay kailangan pa ng tulong siyensya para makuha. Makinis din ang mala-gatas niyang balat. At pakiramdam niya ay isa siyang diyosa ng kalangitan na bumaba sa mundo upang maligo sa bukal na iyon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.