Silver Belles-Santi, Baby Chapter 9

Napamulagat si Nikki kay Santi.

“Akala ko ba ako ang crush mo noon?!” napataas ang tonong untag niya sa lalaki. Hindi siya naniniwala rito. Sigurado siya, siya ang gusto ni Santi noon at hindi ang Rachelle na iyon.

“Um, sinabi ko lang iyon kasi naawa ako sa iyo.”

“Ano?! At bakit ka naman maaawa sa kain, aber?”

“Wala naman kasing nanliligaw sa iyo noon, ‘di ba?”

“Ano’ng wala?! Meron kaya!”

“Sino?” kunot-noong untag ni Santi.

“Ikaw! Nag-magic-magic ka pa nga tapos binigyan mo ako ng Hershey’s kisses! Huwag mong i-deny! Sus, Santiago, magti-treinta na tayo. Ano, ngayon ka pa na-conscious at nahiyang umamin ng tunay na damdamin mo para sa akin noon? Ubod ng babaero ka na ngayon tapos aaminin lang ang nakaraan natin, hindi mo maggawa?!” pagtatalak niya.

Dahil hindi niya talaga matanggap na itinatanggi pa rin ni Santi hanggang ngayon ang pagkakahulog ng loob nito sa kanya noon. Hindi niya maunawaan ang sarili. Pero pakiramdam niya kung hindi pa rin aaminin ni Santi ang totoo tungkol sa palpak na pagtatapat nito sa kanya noon, guguho ang lahat ng pinaniwalaan niya nitong nakalipas na mga taon.

Ngayon lang niya na-realize na hanggang ngayon, pinanghahawakan niya na minsan may Santi na nagmahal sa kanya. At kung malalaman niya ngayon na mali naman pala talaga siya ng inakala, parang eighty percent ng tiwala niya sa sarili ay mawawala.

Sa halip sumagot ay kunot-noong tumayo si Santi. Sa pag-aakalang lalayasan siya nito nang hindi umaamin ay tumayo rin siya at hinawakan ito sa braso para pigilan. Nang gawin niya iyon ay isang malawak na ngisi ang sumilay sa mga labi ni Santi. Pumihit ito paharap sa kanya. Kinabig siya sa baywang ng kanang braso nito at saka hinapit palapit dito.

“Santi!”

“Yes. I was in love with you twelve years ago. And yes, you broke my heart twelve years ago. Satisfied?” untag nito.

“Ah, h-hindi! I mean, o-oo,” nauutal na tugon ni Nikki.

Akala niya pakakawalan na siya ng binata. Pero sa halip pakawalan siya ay dahan-dahang tumungo ito. Ang mga mata nito ay nakatuon sa mga labi niya. Maagap na inilapat niya ang mga palad sa dibdib nito upang pigilan ito sa nahuhulaan niyang binabalak nito.

“No, Santi!” protesta niya saka ipinaling ang ulo paiwas dito.

Natigilan naman ang binata. Nagsalubong ang mga mata nila. Kaya kitang-kita niya ang mabilis na pagdaan ng sakit at pagkapahiya sa mga mata nito. Tumiim ang mga bagang nito. Bago siya dahan-dahang binitiwan.

Tinalikuran siya ng binata at humakbang ito palayo. Pero nasa pinto na ang binata ng kusina nang muli itong pumihit paharap sa kanya. Seryoso ang mga mata nito at mariing magkalapat ang mga labi.

“If I tell you I’m starting to fall in love with you again, will you believe me?”

Kagat ang pang-ibabang labing marahang napailing siya.

“Why?”

Nagpakawala siya ng mahabang paghinga. Ihinagod niya ang isang kamay buhok.

“You can have anyone you want now, Santi. Why would you still want me? Alam ko hindi mo naman talaga kailangan ng personal asisstant. Pero dahil mabuti kang tao at malamang dahil naaawa ka sa akin kaya nag-imbento ka ng trabaho para sa akin. At dahil ang pagtatrabaho sa iyo ang pinakamadaling trabahong alam ko, sinunggaban ko ang alok mo. What does that say about me, Santi? Na isa akong oportunista, hindi ba? Bakit gugustuhin mo ang isang oportunista?“

Halos maging isang linya na lang ang mga kilay ni Santi sa pagkakakunot ng noo nito. Bakas sa anyo nito ang labis na pagkagulumihanan.

“What the hell are you talking about, Nikki? You’re not making any sense! Oo, hindi ko nga kailangan ng personal asisstant noon. Pero mula nang magsimula kang magtrabaho sa akin ay hindi ka naman nakatunganga lang buong araw. Lahat ng mga gawaing ginagawa dati ng maids nina Mama ikaw na ang gumagawa. Bago ko pa maisip na kailangan ko ang isang bagay, naihanda mo na iyon para sa akin. Kaya paano mo masasabing oportunista ka?”

“Santi---“

“I just want to know one thing, Nikki. And that is if you’ll let me love you this time?”

Hindi siya makasagot. Paano siya sasagot gayong hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Mahigit dalawnag taon niyang minahal at pinangarap maging asawa si Keith. Pero sa loob lang ng ilang linggong nakakasama niya si Santi ay biglang iba na ang pakiramdam niya? Pwede ba talagang mangyari iyon?

--------------

Hindi gusto ni Nikki ang namamagitang distansya at kalamigan sa kanila ni Santi nitong nagdaang dalawang araw. Nasanay na kasi siya na bumalik ang dating matalik na kaibigan niyang madalas niyang kaasaran, kakwentuhan at hingahan ng problema. But after their talk about his feelings for her, Santi was once again the cold, aloof and distant Santi just before they graduated highschool. At natatakot siya na baka kasunod niyon ay muli na namang maglalaho sa buhay niya ang binata.

“Hindi mo pa rin ba talaga ako kakausapin?” ungot niya sa binata habang lulan sila ng sasakyan nito patungo sa bahay nina Cinda at ng asawa niyong si Marymae.

May barbecue party raw sa bahay nina Cinda. At bagamat nagdadalawang-isip siya na paunlakan ang imbitasyon ni Cinda sa kanya, hindi naman niya mapahindian ito. itinuring din niyang kaibigan si Cinda noon. At sa totoo lang, curious na talaga siyang makilala ang unang mga naging kabanda ni Santi na ayon dito ay pawang mga babae.

“Kinakausap naman kita,” tugon naman ni Santi sa pagak na tono.

“Huwga kang pilosopo. Alam mo kung ano’ng ibig kong sabihin. Nagsasalita ka lang kapag may itinatanong ako sa iyo. Pero mas madalas iniisnab mo ako.”

Bumuntung-hininga naman ito. Akmang sasagot na ito nang biglang mag-ring ang cellphone nitong nakapatong sa dashboard.

“Pakisagot naman,” anito sa kanya.

“Hello, Romia! Nagda-drive si Santi,” sagot niya sa tawag ng dating kaeskwela nila.

“Nikki?! Ikaw ba iyan? Magkasama kayo ni Santi?” hindi makapaniwala ang boses ni Romia. At kung hindi siya nagkakamali, may bahid din ng galit at selos ang boses ng babae.

Napaarko tuloy ang mga kilay niya at napasulyap siya kay Santi. Huling-huli niya ang pagngiwi ng binata at pag-iling-iling. Pagkuwan sumenyas ito na i-loudspeaker niya ang phone.

“Oo, magkasama nga kami,” tugon niya kay Romia.

“Hey, Romia!” ani Santi sa babae.

“Oh, Santi! Iku-confirm ko lang kung mag-isa kang darating sa reunion natin. Kailangan ko na kasing i-finalize ang room reservations. Kung kasama mo ang fiancee mo at---“

“Yeah, kasama ko ang fiancee ko. You can put us together in one room.”

Nanlaki ang mga mata ni Nikki sa gulat at panggigilalas. Fiancee?! Sino’ng fiancee ang tinutukoy ni Santi? Mula nang magtrabaho siya sa binata ay wala naman itong nababanggit na meron itong fiancee!

“Oh! Okay. How about you, Nikki? May kasama ka ba sa reunion natin?”

Isang mahabang buntung-hininga ang pinakawalan niya. Bingi ba si Romia o nagbibingi-bingihan lang sa tuwing sinasabi niya rito na hindi siya pupunta?

“Romia, sabi ko naman na sa iyo---“

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.