Mula sa bintana sa loob ng kusina ng bahay ni Cinda ay tanaw na tanaw niya ang bakuran ni Marymae. Mababang hilera ng santan lang kasi ang nagsisilbing hangganan ng bakuran niya sa bakuran ng dalaga.
At kung laser lang ang mga mata ni Cinda, tiyak nabutas na niya ang front door ng bahay ni Marymae sa talim ng titig niya roon. May usapan sila ng dalaga na iiwan niya rito saglit si Baby Rocco dahil pupunta siya sa bagong itinatayong branch ng bar niyang Silverinos. Pero bago pa siya makatawid sa bahay ni Marymae ay nakita niya ang pagparada ng isang kotse sa harap ng bahay nito at pagbaba roon ng ex-boyfriend nitong si Harrison. And to make matters worse, kitang-kita niya rin kung paanong malugod na binati at bineso-beso pa ni Marymae ang lalaki bago pinatuloy sa bahay nito.
Ano’ng ginagawa ng lalaking iyon sa bahay ng dalaga? Hindi ba’t dalawang buwan nang hiwalay ang dalawa?! Walang nababanggit sa kanya si Jing-jing na nagkabalikan na ang dalawa.
“Um, Cinda?”
“Bakit?!” paangil na aniya sa kaibigan at kabandang si Chrisma na nakaupo sa harap ng kitchen counter sa loob ng kitchen niya. Hindi niya inaasahan ang pagdating ni Chrisma at ng nobyo nitong si Wayne dito sa bahay niya. Apparently, the two were planning to get married. At isa siya sa gustong kuning groomsmen ni Wayne.
“Hindi ka naman umiinom ng kape, hindi ba?”
“Oo.”
“Eh bakit iniinom mo iyang kapeng para kay Wayne?”
“Huh?!”
Gulat na niyuko niya ang hawka na mug ng kape na dapat sana ay iaabot niya kay Wayne. Pero sa inis niya sa nasaksihang tagpo sa bakuran ni Marymae, wala sa loob na nalagok na pala niya ang hawak na mug.
“Dammit!” bulalas niya na inilapag sa counter ang mug. Humingi siya ng paumanhin kay Wayne at lumapit muli sa coffee maker na binili lang naman niya para kay Marymae. Adik kasi sa kape ang dalaga. At gusto niya kapag narito sa bahay niya ang dalaga ay makakapagkape ito anumang oras nito gusto.
Natatawang tinapik-tapik ni Chrisma ang balikat niya sabay abot sa kanya ng canister na pinaglalagyan ng asin niya. ang alam niya ay puno pa iyon kanina pero ngayon ay wala nang laman iyon.
“What---“
“Dalhin mo ito at pumunta ka na sa bahay ni Marymae. Kunwari naubusan ka ng asin,” anito sabay turo sa asin na ibinuhos nito lahat sa isang plato.
Natatawang napailing siya sa kaibigan. Pero kinuha niya ang canister at hindi na nagdalawang-isip pa na lumakad patungo sa pinto.
“Pakitignan muna si Baby Rocco,” bilin niya rito dahil wala pa si Yaya Macing na inutusan niyang bumili ng gatas ng sanggol.
Pagkuwan ay tinawid niya ang hilera ng santan na pumapagitna sa mga bakuran nila ni Marymae.
~~~~
“Salamat pero sana hindi ka na nag-abala pang ihatid ito dito, Harrison,” ani Marymae sa lalaki.
Hindi niya inaasahan ang pagdating nito. Oo nga at maayos naman silang naghiwalay. Pero hindi niya pa rin inaasahan na bigla na lang itong susulpot dito sa bahay niya dala ang mga DVD at librong hiniram nito sa kanya dati. Ang totoo ay wala na siyang balak bawiin pa ang mga iyon mula rito.
“Baka kasi hinahanap mo na ang mga iyan kaya naisip kong isauli na sa iyo. Saka gusto ko rin sanang---“
Naputol ang anumang sasabihin nito nang biglang bumukas ang pinto ng bahay niya at kaswal na kaswal na pumasok na lang basta si Cinda. These past few week ay nasanay na siya na ituring na extension ng bahay niya ang bahay ni Cinda. Binigyan pa nga siya ng binata ng susi sa bahay nito. At malaya siyang maglabas-masok doon nang hindi na kumakatok. Pero hindi ganoon si Cinda dito sa bahay niya. Hanggang ngayon kasi ay ugali pa rin nitong kumatok bago pumasok. Kaya naman labis niyang ikinagulat ang iginawi nito ngayon.
Pero saglit lang ang pagkagulat at pagtatakang iyon dahil agad niyang nahulaan ang rason kung bakit ginawa nito iyon nang pukulin nito ng kunot-noong sulayapan nito si Harrison.
“Hey, babe! Naubusan ng asin sa bahay,” kaswal na ani Cinda sa kanya. Itinaas pa nito ang canister na kagabi lang ay lampas kalahati pa ang laman na asin.
Kinailangan tuloy niyang kagatin ang mga labi para mapigilan ang pag-alpas ng naaaliw niyang ngiti. Malamang nakita ni Cinda ang pagdating ni Harrison. At dali-daling sumugod dito sa bahay niya si Cinda para alamin kung bakit narito si Harrison. Hindi na kumatok si Cinda para ipakita kay Harrison na malaya itong nakakalabas-masok sa bahay niya.
Nagseselos ang loko!
“Cinda, si Harrison. Harrison, si Cinda,” pagpapakilala niya sa dalawang lalaki.
“Hey, man!” tango ni Cinda kay Harrison bago ito tumayo sa tabi niya at kaswal na inakbayan siya. Malinaw ang mensaheng nais nitong iparating kay Harrison. He was staking his claim on her.
Sa ibang pagkakataon, tiyak na nasiko na niya si Cinda. Pero dahil nararamdaman niyang hindi lang basta pagsasauli ng mga DVD at mga libro niya ang pakay ni Harrison sa pagpunta rito ngayon sa bahay niya, hinayaan niya lang si Cinda.
Habang minamasdan niya ang dalawang lalaki ay noon lang niya napansin ang laki ng pagkakaiba ng dalawa. Harrison was an English teacher. Disenteng manamit, magsalita, maingat ang bawat kilos at lahat ng gagawin kailangan nakaplano. Samantalang si Cinda ay ekskatong larawan ng isang rocker. Sa pananamit, sa pananalita at sa kilos. They were both handsome men but only Cinda makes her heart beat like one of his drums.
And it was at that moment that she realized she had never been over Cinda. Sinagot niya si Harrison noon dahil eksaktong kabaligtaran ito ni Cinda. Akala niya kapag ginawa niya iyon, mas madali niyang mabubura si Cinda sa puso niya. Na matutulungan siya ng pagkakaiba ni Harriosn kay Cinda para makondisyon niya ang sariling damdamin na huminto na sa pagmamahal kay Cinda. Pero nabigo lang siya. At ang mas masaklap pa, nasaktan din niya si Harrison.
Nagsalubong ang tingin nila ni Harrison. And he must’ve read what’s on her mind because he winced in pain and quickly looked away. Pagkuwan ay malakas na tumikhim ito.
“Marymae, mauuna na ako,” wika ni Harrison bago ito tumingin kay Cinda. “Pare, mauuna na ako. Alagaan mo si Marymae.”
“Of course,” tango naman ni Cinda.
Tumalikod na si Harrison at lumabas ng bahay niya. Kumilos si Marymae para sana ihatid hanggang sa sasakyan nito ang lalaki pero humigpit ang pagkakakapit ng kamay ni Cinda sa balikat niya.
“Cinda---“
Hindi na niya naipaalam ang nais ipaalam dito. Sapagkat pagbaling niya sa binata ay kumawit naman ang isa pang kamay nito sa likod ng ulo niya. His head swooped down to hers and he claimed her lips in a deep and passionate kiss. Yumakap ang mga braso nito sa likod niya at hinapit siya nito palapit sa katawan nito. Mula sa mga labi niya hanggang sa mga hita niya ay nakadikit sa binata. Parang ipo-ipo na tinatangay siya ng mga damdaming saglit lang palang natulog sa kaibuturan niya at ngayon ay muling ginigising ng pamilyar na halik nito.
Maalab, mapusok at nakakadarang ang mga labi nitong nananaliksik sa bawat sulok ng bibig niya. Walang sulok na pinalampas ang pangahas na dila nitong sumusuyod at humahagod sa loob ng mga labi niya. Para itong isandaang taong nauhaw at tanging halik lang niya ang makakapawi sa pagka-uhaw nito.
Idiniin nito ang pagkalalaki sa puson niya. Lantarang ipinapaalam sa kanya ang kahandaan at pagnanasa nito para sa kanya. Naglandas pababa sa gilid ng baba niya ang mga labi nito. Tumaas sa likod ng tainga niya bago muling bumaba at nagtungo sa leeg niya.
“I missed you, Mae,” anas nito sa tapat ng tainga niya.
“Cin!” bulalas niya nang magaang na kagatin nito ang dulo ng tainga niya. Natatandaan pa rin nito na tuwing ginagawa nito iyon noon ay mistulang libo-libong boltahe ng kuryente ang gumagapang sa buong katawan niya. Humagod sa likod at balakang niya ang mga palad nito.
“I missed your taste, your scent, the feel of holding you in my arms,” anito nang isubsob ang mukha sa buhok niya. Bumunot ito ng malalim na paghinga. Sinasamyo ang amoy ng buhok niya.
Mahigpit na ipinulupot niya ang mga braso sa balikat nito. Kinalas niya ang pagkakapusod ng buhok nito. Masuyong sinuklay niya ng mga daliri ang buhok nito. Bagay na hilig niyang gawin noon. Isa iyon sa mga bagay na labis niyang pinananabikang maggawa muli. Ang malayang mahaplos ang malambot nitong buhok.
“You’re mine, you’ve never been his. Mine!” mariing pahayag ni Cinda bago muling sinakop ng mga labi ang mga labi niya.
Hindi niya alam kung gaano katagal naghugpong ang mga labi nila, naghiwalay para saglit silang sumagap ng hangin at pagkatapos ay muling maghugpong muli. At siguro kung hindi pa sila ginambala ng malakas na pagkatok sa pinto at pasigaw na pagtawag ni Chrisma sa pangalan nilang dalawa, hindi pa sila bibitaw ni Cinda sa isa’t isa.
It was as if all the pent-up emotions and passion they had for the past year that they’ve been apart just exploded.