Matapos bayaran ang taxi driver ay bumaba na ng taxi si Marymae. Hindi niya dinala ang sasakyan niya pagpunta sa opisina ng publishing house niya dahil coding siya. Hindi naman siya maihatid ni Cinda dahil may lakad rin ito. Bitbit ang paper bag na naglalaman ng lata ng fruit cocktail na binili niya sa supermarket na humakbang siya patungo sa bahay ni Cinda. Sa bahay ng binata naman sila magha-hapunan mamaya kaya doon na niya dadalhin ang fruit cocktail na gagawin niyang fruit salad. Sarado ang garahe kaya hindi niya alam kung naroon na si Cinda. Ayaw naman niyang maggising si Baby Rocco sakaling natutulog ang sanggol kaya imbes na mag-doorbell pa kay Yaya Macing ay ginamit na lang niya ang susi niya para buksan ang pinto ng bahay.
Hahakbang na sana siya patungo sa kusina nang mapatda siya paglingon niya sa direksyon ng dining room. Magkatabing nakatayo sa harapan ng dining table sina Cinda at ang babaeng kahit siguro magka-amnesia siya ay hindi na mabubura ang hitsura sa isip niya. ang babaeng naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Cinda noon. Si Jody! Karga-karga ng babae si Baby Rocco.
At bigla ang dating ng realisasyon sa kanya ng katotohanang hindi niya alam kung bakit hindi man lang sumagi sa isip niya. How many times had she thought that Baby Rocco’s eyes were the exact replica of Cinda’s eyes? Hindi na rin niya mabilang kung ilang beses niyang naisip na parang higit pa sa pamangkin lang ang pagpapahalaga at pag-aaruga ni Cinda sa sanggol? Hindi ba’t nagtataka na rin siya na hindi man lang ito nababahala sa tagal ng pagkawala ni Jelly? Ilang beses na niyang inusisa ang binata tungkol sa kawalan ng responsibilidad ni Jelly para iwanan nang ganoon katagal ang sanggol nito kay Cinda.
Lahat ng pagtataka niya ay narito na sa harapan niya ang sagot. Hindi pamangkin ni Cinda ang sanggol kung hindi anak! Anak nito at ni Jody!
Parang biglang nawalan ng lakas ang braso niya. Kusang lumaylay iyon at nabitawan niya ang hawak na paper bag na may fruit cocktail. Bumagsak sa kanang paa niya ang mabigat na lata. Alam niyang dapat ay nasaktan siya kahit pa nakasapatos siya. Pero parang manhind ang paa niya. wala siyang naramdamang sakit doon. Dahil lahat ng sakit, lahat ng kirot ay nakasentro sa dibdib niya.
Gulat na napalingon sa gawin niya sina Cinda at Jody.
And the pained look and guilt on Cinda’s face was enough to tell her the truth.
“Mae!”
Pumihit siya at patakbong lumabas ng bahay nito. Pero hindi siya agad nakalayo. Dahil tila nilundag nito ang distansya sa pagitan nila kaya maagap nitong nahagip ang braso niya bago pa siya makalayo ng husto rito.
“I was going to tell you tonight, Mae. Kaya siya nandito, sasabihin namin ang totoo sa iyo---“
Kusang umigkas ang palad niya sa pisngi nito. Lahat ng sakit na nararamdaman niya gusto niyang ipadama rin dito.
“Hindi ka pa ba nakuntentong saktan ako noon kaya inulit mo pa ngayon?! Wala naman akong kasalanan sa iyo! Hindi ko ipinilit ang sarili ko sa iyo! Pati anak mo itinatwa mo para lang mabilog mo ang ulo ko?!” galit na galit na hiyaw niya rito.
Sa mga oras na iyon, pakiramdam niya ay kaya niyang pumatay ng tao.
“Please, listen to me. Humahanap pa lang ako ng tamang oras para sabihin sa iyo ang totoo. Hindi kita niloko. Ikaw ang mahal ko!”
Nagpumiglas siya mula sa mahigpit na pagkakahawak nito. Nang hindi siya pakawalan nito ay pinagsusuntok niya ito saanmang bahagi ng katawan nito na maabot niya ito. And when even that didn’t work, she kicked his shin. Sapat na iyon para lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya. Sinamantala niya iyon. Pumiglas siya at nakakawala sa kamay nito. Ayaw niyang umuwi sa bahay niya kaya imbes na tumakbo roon ay sa kalye siya tumakbo. Ni hindi niya nakita ang paparating na sasakyan. Pero narinig niya ang malakas at hindik na hindik na sigaw ni Cinda.
“Mae!!!”
~~~~
“Marymae, kapag tumatawid tumingin sa magkabilang lane. Ano’ng feeling mo, susulpot si Edward Cullen para itulak palayo sa iyo ang sasakyang bubunggo sa iyo? Sino ka si Bella? Hot drummer boy lang ang jowa mo, hindi hot vampire!” pang-aasar ni Jing-jing kay Marymae habang dinudutdot ng kamay nito ang naka-cast niyang kanang braso.
Hindi naman siya nagtagal sa ospital na pinagdalhan sa kanya nina Cinda at ng nakasagasa sa kanya. Nakapagpreno agad ang driver kaya hindi ganoon kalakas ang impact ng pagkakabundol sa kanya. Pero pagbagsak niya ay ang kanang braso niya ang sumalo sa lahat ng bigat niya kaya nagkaroon ng fracture iyon. Black and blue rin ang balakang at hita niya ng tumama sa hood ng kotse. Buti na lang at hindi tumama sa semento ang ulo niya.
Kasalukuyan siyang nakaupo sa gitna ng kama niya sa dating silid niya sa bahay ng pamilya niya. Solong kwarto na ni Rebecca ang kwartong iyon pero hindi pa rin nito ipinapaalis ang kama niya roon. Kahit na nagprisinta ang kapatid niyang si Rebecca na samahan muna siya sa bahay niya para may aalalay sa kanya ay maspinili niyang umuwi na lang muna dito sa bahay ng pamilya niya. Hanggat maaari ay ayaw niyang makita o makausap si Cinda. at kung doon siya uuwi sa bahay niya, mas mahihirapan siyang iwasan ang lalaki.
Halos hindi ito umalis noong nasa ospital siya. Pero bingi at bulag siya sa lahat ng may kinalaman dito. Hanggang sa huli ay maawa na rito ang mga magulang niya at ang mga iyon na ang kumumbinsi sa lalaki na umuwi na muna ito at saka na lang ulit subukang kausapin siya.
Gayunpaman, kahit hindi niya nakikita ang binata, may mga delegado naman itong ipinapadala para iparating sa kanya ang mga mensahe nito. Lahat ng mga kabanda nito ay bumisita na sa kanya at ipinarating sa kanya ang nais nitong sabihin. Pero sadyang ayaw niya pang buksan ang isip sa paliwanag nito. Nginangatngat pa rin ng galit, selos at hinanakit ang puso niya.
Pakiramdam niya ang tanga-tanga niya. Nagpauto pa ulti siya sa lalaki gayong minsan na nga siya nitong niloko.
“So, kailan mo haharapin si Drummer boy? Kung hindi ka naaawa doon sa tao, maawa ka naman sa aming mga kabanda niya. Wala nang ginawa yun kundi kulitin at pakiusapan at takutin kami na tulungan namin siyang mapapayag kang kausapin siya.”
Tumiim ang mga bagang niya at inirapan si Jing-jing. Napabuga ng hininga si Jing-jing.
“Marymae, alam ko sawang-sawa ka na sa sinasabi ko. Pero hindi ako titigil hanggat hindi mo ako pinapakinggan. Wala silang relasyon ni Jody, okay? At hindi niya alam na buntis si Jody. Maniwala ka doon sa tao. Hindi niya gustong magsinungaling sa iyo tungkol kay Baby Rocco pero wala na siyang ibang maisip na paraan para makalapit sa iyo nang hindi mo siya itinataboy. Natakot lang siya na kapag nalaman mong may anak na pala sila ni Jody ay lalong hindi mo na siya tanggapin.”
“Pwes dapat sinabi niya na agad ang totoo sa akin noong una pa lang! Hindi na sana siya nagsinungaling pa at nag-imbento ng kung ano-anong kwento!” singhal niya.
“I know.”
Marahas na napalingon siya sa pinto ng silid. Nakatayo roon si Cinda. Larawan ito ng taong desperado at nilalamon ng lungkot, pagsisisi at galit sa sarili. Sa kapal ng balbas nito, malinaw na ilang araw na itong hindi nag-aahit. At sa panlalalim ng mga mata nito, malinaw na ilang gabi na rin itong walang tulog. Mistula itong nagluluksa gayong wala namang namatay. Hindi, mali. May namatay nga. Ang tiwala at respeto niya rito.
“Believe me, I know I’m an asshole for doing that but I panicked that day,” dugtong pa ng binata sa sinabi nito.
“Excuse me, exit na muna ako,” maagap na paalam ni Jing-jing bago pa ito madamay sa galit niya sa binata.
Tuluyan nang pumasok sa silid si Cinda paglabas ni Jing-jing. Pero sa halip na ipinid pasara ang pinto upang masabi nito ang anumang sasabihin nito nang walang ibang nakakarinig, hinayaan lang ni Cinda na nakabukas ang pinto. Tila nabasa naman ni Cinda ang tanong sa mga mata niya kaya inunahan na siya nitong sagutin.
“Pinapasok ako ni Mama. Pero ibinilin niyang huwag kong isasara ang pinto. At kung paaalisin mo pa rin ako pagkatapos kong magpaliwanag sa iyo, aalis ako.”
Hindi siya sumagot. Tila ingat na ingat naman na hindi siya masagi na naupo ito sa gilid ng kama niya.
“Jody and I were never together again after that fucked up night, Mae. I swear to you. I haven’t seen her for months. Ni hindi ko alam ang tungkol sa pagbubuntis niya. Noong umagang pumunta ako sa iyo dala si Baby Rocco, iyon ang unang beses na nalaman ko ang tungkol sa anak ko, Mae. Sinadya ni Jody na hindi ipaalam sa akin ang tungkol sa kalagayan niya dahil hindi rin daw siya sigurado noong una kung ako nga ba o iyong ex niya ang ama ng ipinagbubuntis niya. Nagkabalikan sila ng ex niya na ang buong akala ay anak nila si Baby Rocco. Pero nang mahalata ng ex niya na hindi nila kamukha si Baby Rocco, pina-DNA test ng ex niya ang bata. Napilitan na si Jody na umamin tungkol sa nangyari noong gabing iyon.”
Tumiim ang mga bagang niya at mahigpit na kumuyom ang mga kamao. Parang punyal na muling tumarak sa puso niya ang pagpapa-alala nito sa kanya sa gabing iyon.
“You lied to me the same way Jody lied to her ex! Paano mo ako mapapaniwalang mahal mo nga ako, Cinda?! Nag-imbento ka pa ng kwento! Pinalabas mo pang anak ng iba ang anak mo!” galit na sumbat niya rito.
“I’d lie again if it means I’d have you back in my life, Mae. Losing you and letting you go because I thought that’s what will make you happy was a mistake. Huwag mong asahang uulitin ko ang pagkakamaling iyon.”
“Cinda---“
“That day when Jody came to my house and told me the truth almost made me lose my mind. Dala-dala niya si Baby Rocco. Sinabi niyang kung duda ako sa sinasabi niya ay ako na mismo ang magpa-DNA test sa bata. Then she left the baby to me. Panahon na raw para akuin ko naman ang responsibilidad ko sa bata. Babalik lang daw siya para kunin si Rocco kapag natanggap ko nang anak ko ang bata.”
“Basta na lang niyang iniwan si Rocco sa iyo nung parehong araw na inamin niya sa iyong may anak kayo?!” gilalas na bulalas ni Marymae. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Jody. Mukha bang tuta ang anak nito na basta na lang nitong iiwan kung kani-kanino? Buti na lang at disenteng tao si Cinda.
“Yeah. I was confused. I didn’t know what to do. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya o hindi. Knowing I had a kid and having to take care of the kid when I don’t know anything about babies scared me. Paano kung hindi ko naman pala anak ang bata? Paano ko sasabihin sa iyo iyon? Kaya naisip ko na hanggat wala pang DNA test ay hindi ko muna sasabihin sa iyo ang totoo. I don’t even know what I was thinking that day. Kung ano-anong bersyon na ng gago ang itinatawag sa akin ni Santi dahil siya lang ang may alam na hindi si Baby Rocco ang anak ng pinsan kong si Jelly.”
“So the part abut Jelly being a single mom was true?”
“Yeah. At iniwan niya sa kapatid niya ang anak niya para habulin at hanapin ang tatay ng anak niya. That was what gave me the idea about the lie I told you. Gusto ko lang ng konting panahon pa bago ko sabihin sa iyong posibleng anak ko si Baby Rocco.
“I didn’t know what to do that day, Mae. Nakaplantsa na lahat ng plano kong panliligaw ulit sa iyo. Pero bigla, nadiskaril lahat ng iyon dahil sa pagsulpot ni Jody. Naisip ko na kung aaminin ko agad sa iyo na nagka-anak kami, ni hindi na ako makakalapit pa sa iyo. I just wanted you back, Mae. I just wanted you back in my life.
“Itong isang taong lumipas, naghihintay lang ako. Nagdarasal na sana magkaroon pa ako ng isa pang pagkakataon sa iyo. I don’t deserve you, I know that. After everything I’ve done, I know that. But you’re the only one I love, Mae. Please, forgive me, please,” pakiusap ni Cinda.
Ginagap nito ang palad niya at dinala iyon sa mga labi nito upang hagkan. Naramdaman niya ang init ng luha nitong pumatak sa likod ng kamay niya. Hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng mga luhang kanina pa pinipigilan.
Gusto niyang magmatigas. Gusto niyang pagduduhan ang bawat salitang binitawan nito. Gusto niyang sumbatan at murahin ito dahil sa pagsisinungaling nito sa kanya. Pero paano niya gagawin iyon kung ang puso niya ay unti-unti nang nauunawaan ang dahilan at desperasyon nito?
Hindi tama ang ginawa nitong pagmamanipula sa kanya. And soon they will have an even longer talk about it. But for now, her heart just can’t take seeing his anguish and pain without trying to soothe it away.
Binawi niya ang kamay niya mula rito. Saka iniyakap ang isang braso niya sa leeg nito. Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg nito.
“I love you, Mae. Hindi na ako magsisinungaling sa iyo. Forgive me, please forgive me...”
“I love you too. I forgive you.”