“Happy New Year, ‘Ma! Pakisabi kina Papa at kina Kuya sa five pa ako makakauwi!” malakas na wika ni Santi sa hawak na cellphone. Sa lakas kasi ng ng sounds sa loob ng kinaroroonan niyang concert arena kung saan katatapos lang mag-perform ng bagong banda niya ay nahihirapan ang ina niya na marinig siya.
Kasali ang banda niya sa mga performers sa New Year’s Eve countdown party ng isang TV station. At kasalukuyan na silang nagpa-party sa backstage. Bagamat nanghihinayang siyang hindi niya nakasama ang pamilya niya sa bisperas ng Bagong Taon, sanay na siya. Dahil noong nakaraang Bagong Taon din ay hindi rin niya nakasama ang mga iyon dahil din sa New Year’s Eve party kung saan nag-perform ang bagong bandang kinabibilangan niya.
His new band’s name was still Silver Belles. Pero siya na lamang ang natira sa orihinal na mga miyembro ng banda nila. Matapos kasi ang huling gig ng banda nila nina Lucibelle, Chrisma, Jing-jing at Cinda sa Bonzour Bar noong isang taon, nagpasya silang lima na maghiwa-hiwalay na. Pero pumayag naman ang apat na dati niyang kabanda na gamitin niya pa rin ang pangalan ng banda nila. At kahit puros lalaki na silang mga miyembro ng Silver Belles ngayon, walang angal naman ang mga bagong kabanda niya.
“I’ll tell them, iho. Siyanga pala, natatandaan mo pa ba si Nikki? Iyong kaibigan mo noong highschool? Nakita namin siya ng Papa mo sa supermarket kanina. Mas gumanda siya ngayon, iho. Kinukumusta ka nga niya.”
Saglit na napakunot-noo si Santi. Hinagilap niya sa alaala ang pangalang binanggit ng ina. At nang sa wakas ay maalala niya kung sino sa dami ng mga pangalan ng babaeng nasa memorya niya ang tinutukoy ng ina ay awtomatikong napangiwi siya. Lahat kasi ng may kinalaman sa kabataan niya at sa pagiging dating lampa, nerd at payatot niya ay matagal na niyang binura sa isipan.
He was no longer that awkward, geeky freak who was afraid of his own shadow. He was now a freakin’ rockstar! At bahagi niyon ay dahil sa kabiguang tinamo niya mula sa kamay ng babaeng masasabi niyang first at last love niya. Si Nikki.
Matapos ang palpak na pagtatangka niyang magtapat ng pag-ibig kay Nikki noon ay nanatili naman silang magkaibigan. Hindi na nga lang sila kasing lapit tulad ng dati. Siya na kasi ang kusang nagdistansya sa sarili niya kay Nikki para protektahan ang sarili niyang damdamin na mas gustong maging nobya si Nikki sa halip na matalik na kaibigan lang. Alam niyang nagtampo si Nikki sa unti-unting paglayo niya rito. Pero wala siyang maggagawa. Mas masasaktan siya kung patuloy siyang makikipaglapit sa dalagita noon. Lalo na noong malaman niyang may nagugustuhan na si Nikki sa isa sa mga manliligaw nito. At kaysa naman maging saksi pa siya sa young love, sweet love ni Nikki at ng hinayupak na Romeo na iyon, lumayo na siya sa dalaga.
At nang grumadweyt sila at pumasok sa magkaibang kolehiyo, tuluyan nang naputol ang ugnayan nila ni Nikki. Lumipat pa ng ibang lugar ang dalaga at si Lola Ima kaya nawalan na talaga siya ng balita sa dalaga.
“I see,” tipid na tugon niya sa balita ng ina.
“Sadly though, kamamatay lang pala ni Lola Ima last month.”
“Wala na si Lola Ima?! Ano raw nangyari?” kunot-noong pag-uusisa niya. Bagamat matagal na niyang hindi nakikita si Lola Ima, ikinalungkot pa rin niya ang kaalamang wala na pala ito. Naging napakabait ng matandang babae sa kanya. At hanggang ngayon, hinahanap-hanap ng panlasa niya ang lumpiang shanghai at macaroons nito.
“Cervical cancer raw. Kaya mag-isa na lang daw ngayon si Nikki. Wala naman nang malapit na kamag-anak ang mag-lola, ‘di ba? Saka---“
“’Ma, pag-uwi ko na lang tayo magkwentuhan. Tinatawag na ako ng mga kasama ko rito,” putol ni Santi sa pagkukwento ng ina nang makita niya ang pagsenyas sa kanya ng mga kabanda.
“Okay. Agahan mo ang uwi sa five ha. Bye, iho!”
“Bye, ‘Ma!”
Isinuksok ni Santi sa bulsa ang cellphone niya at sumunod sa mga kabanda. A few hours later, Nikki’s name and memory were relegated back into that space he called ‘better off forgotten’. Not because he was still bitter or hurting for the pain she caused in his young, gullible and stupid heart. Pero dahil mas gusto niyang ituon ang oras at atensyon niya sa mga babaeng nagpapaligsahan sa atensyon ni Santi Silverino, the rockstar. Santi Silverino, the nerd was long gone. Kaya mas mabuting pati mga alaala niyon ay mawala na rin.
~~~~
After four Christmases...
Lumabas ng convenience store si Santi bitbit ang paper bag na may lamang cheeseburger pizza bars at four seasons juice drink. Malapit na siya sa bahay ng pinsang si Cinda nang mag-text ito sa kanya at sabihing dumaan muna siya sa naturang convenience store. Gusto raw kasi ng naglilihing asawa nitong si Marymae ng pizza bar at juice drink.
Hinatak niya pababa ang suot na baseball cap upang maitago ang mukha niya sa babae at lalaking nakatayo malapit sa pinagparadahan niya ng sasakyan niya sa parking lot ng convenience store. Mukhang nagtatalo ang dalawa base sa ekspresyon sa mukha ng mga ito. Pakumpas-kumpas pa ang kamay ng babae sa ere habang bakas naman na nagpipigil ng galit ang lalaki.
Hindi na sana papansinin ni Santi ang dalawa. Binuksan na niya ang pinto ng sasakyan niya nang matigilan siya pagkarinig sa papataas nang papataas na boses ng babae. Parang pamilyar sa kanya ang boses ng babae. Puno ng kuryusidad na muli siyang napalingon sa direksyon ng dalawa. At nang dumapo ang tingin niya sa mukha ng babae ay biglang nanlaki ang mga mata niya. Pamilyar nga sa kanya ang boses ng babae dahil kilala niya ito.
Maliit lang ang babae. Bahagya lang sigurong umabot sa five-four o five-five ang taas nito at hula ni Santi. At iyon ay dahil lang sa three-inch heels ng suot na white wedges ng babae. Lampas balikat ang mahaba at unat na unat na buhok nitong kinulayan nito ng blond. Bumagay naman rito ang kulay ng buhok nito dahil mestisa ito. Pero dahil sa Asian features nito, hindi maikakailang wala itong laging Kanluranin. Hugis puso ang mukha, maninipis ang mga kilay, kulay kape ang mga mata, makipot at mapupula ng mga labi at higit sa lahat mistulang ilong ng rabbit ang ilong nito. Ilong na hilig niyang pindutin na para bang busina noong nasa highschool pa sila.
Dahil ang babae ay walang iba kung hindi si Mariel Nikki Lirag, ang kaeskwela at kaibigan niya noon sa highschool na siyang tanging babaeng hindi natakot mapadikit sa kanya kahit na panay ang pambu-bully sa kanya ng iba nilang ka-schoolmates. Ang babaeng unang nagpatibok sa puso niya. At siya ring bukod tanging bumigo sa kanya.