Silver Belles-Santi, Baby Chapter 8

~~~~

Inilapag ni Santi sa sofa ang hawak niyang gitara at ballpen. Hindi siya makapag-concetrate sa ginagawang kanta. Pero iyon ay hidni dahil maingay ang paligid niya. kung hindi dahil nadid-stract siya ng presensya ng dalagang nasa loob ng kusina ng bahay niya.

Tumayo siya at nagtungo sa kusina upang mag-request ng merienda sa bagong personal asisstant niya. Pero natigilan siya sa may pinto ng kusina nang mamataan niya ang personal asisstant niya na tutok na tutok ang atensyon sa laptop niya na iniwan niya sa ibabaw ng kitchen table. Hiniram ng dalaga ang laptop niya para daw i-search ang recipe ng ini-request niyang tamarind roast chicken para sa hapunan nila mamaya. Pero napangiwi siya nang marinig niyang malakas na binabasa ng dalaga ang mga nilalaman ng isang site na paborito niyang puntahan.

“Are you a magician? Because whenever I look at you, everyone else disappears! I'm not a photographer, but I can picture me and you together. Are you an interior decorator? Because when I saw you, the entire room became beautiful. Are you religious? Because you're the answer to all my prayers. Are you a camera? Because---“

“Every time I look at you, I smile,” putol niya sa sasabihin ni Nikki.

Napaigtad sa gulat si Nikki nang lingunin siya. Pero imbes na kakitaan niya ng guilt ito dahil sa pagsilip sa nilalaman ng laptop niya, isang nang-aasar na ngisi ang pinukol nito sa kanya.

“Talaga bang ginagamit mo ang mga pick-up lines galing sa site na ito? Tsk, tsk, tsk, Santiago. Malala ka na sa sakit mong pagka-babaero,” anito.

“Akala ko ba ire-research mo ‘yung recipe ng tamarind roast chicken?”

“Na-research ko na po, sir.”

Inarkuhan niya ng kilay ang dalaga. Ilang linggo na mula nang magsimula si Nikki bilang personal asisstant niya. Trabahong sa totoo lang ay inimbento lang niya para sa dalaga. May maids naman kasi mula sa bahay ng mga magulang niya na pumupunta dalawang beses dito sa bahay niya para maglinis, maglaba at mag-grocery para sa kanya. And he didn’t really need a personal asisstant since he prefers to take care of himself kahit na kapag may shows ang banda niya. May band manager din naman ang banda niya na siyang nag-aasikaso sa lahat ng may kinalaman sa banda niya.

But he really wanted to help Nikki without stepping on her pride. Lalo na nang malaman niya na hanggat hindi pa naibebenta ang bahay na pinagkagastusan nito at ng ex-fiance nito ay wala itong magagamit na cash kahit man lang para sa pang-upa ng matitirahan nito. Hindi rin niya nagustuhan ang kaalamang pinaparinggan na ito para umalis ng pamilya ng kaibigan nitong tinutuluyan nito. Kaya pinalabas niyang kailangang-kailangan niya ng personal asisstant para tanggapin nito ang tulong niya.

“I told you---“

“Hindi kita kailangang tawaging sir. Oo, alam ko. Siyanga pala, nag-confirm ka na ba na aattend sa highschool reunion natin sa December 15? Ilang beses na akong tinatawagan ni Romia at kinukulit na um-attend kahit ilang beses ko na ring sinabi sa kanyang ayoko.”

Ang Romia na tinutukoy nito ay ang organizer ng highschool reunion nila. Kumuha si Santi ng dalawang baso at inilabas ang pitsel ng itinimpla ni Nikki kanina na dalandan juice. Sinalinan niya ang dalawang baso at iniabot ang isa sa dalaga.

“Bakit ayaw mong um-attend?”

Nalukot ang ilong ni Nikka. Tumayo ito at kinuha mula sa loob ng microwave oven ang platong kinalalagyan ng bread slices na ginawa nitong pizza. Ihinain nito iyon sa harap niya.

“Para ano? Para kaawaan lang ng mga dtaing kaklase natin? Para sabihang ako ang dakilang palpak? Ang yabang-yabang ko pa noon sa pagsasabing pagtuntong ko ng thirty ay tiyak na successful na ako, may magandang bahay, may magandang trabaho, may rich and ubod ng gwpaong asawa at may cute na mga anak. Tapos malalaman nila na ni isa sa mga sinabi kong mangyayari sa akin pagsapit ko sa edad na ito ay wala namang nagkatotoo? Never mind.”

“So what? You can come with me. I’m going. At kung ayaw mong malaman nila ang tungkol sa nangyari sa buhay mo, huwag kang magkwento. Kunwari pa-mysterious effect ka,” biro niya rito.

Pabuntung-hiningang ipinatong ni Nikki ang siko sa mesa at nangalumbaba habang pinagmamasdan siyang kumakain ng pizza na gawa nito.

“O kaya pwede kong sabihin sa kanila na ikaw ang fiance ko. Kung gagawin ko iyon tiyak hindi na nila iisiping palpak ako. Plus, hindi rin sila magdududa kasi noon pa man nakikita na nila na malapit tayo sa isa’t isa.”

Nasamid si Santi sa nginunguya. Maagap na iniabot naman ni Nikki sa kanya ang baso ng dalandan juice. Uminom siya at tinitigan ito. Nakausap ba ni Nikki si Romia? Dala ng eksasperasyon niya sa lantarang pang-aakit ni Romia sa kanya noong magpunta ang babae sa Bonzour Bar upang personal na iabot sa kanya ang imbitasyon para sa reunion nila ay napa-imbento siya ng fiancee. Para tigilan na siya ng babae sa maya’t mayang pagtawag sa kanya at walang abisong paglitaw sa Bonzour Bar at sa backstage ng mga lugar kung saan tumutugtog ang banda niya, sinabi niya sa babae na may fiancee na siya. Aniya pa, hindi pa lang nila ipinagsasabi ang tungkol roon dahil pinoprotektahan niya ang privacy ng fiancee niya.

If Romia had been any other woman, he probably would’ve been flattered by her blatant seduction. Pero real life black widow ang babae. Wala pang thirty pero dalawang asawa na ang inililibing nito. At wala siyang balak maging ikatlong biktima nito. Hanggang sa matapos lang naman ang reunion nila niya balak makipag-communicate sa babae. Isa kasi siya sa sponsors ng reunion nila. At dahil ito ang organizer, hindi maiwasang kailangang kausapin niya ito kahit ayaw niya.

“Relax, Santiago. Joke lang po iyon. Sobra ka naman. Ganoon ba ka-imposibleng mangyari ang sinabi ko? Para namang hindi ka na-in love sa akin noong highschool pa tayo,” irap ni Nikki sa kanya.

Pinandilatan niya ang dalaga. Ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya sa pagka-alala sa masalimuot na eksenang iyon.

“Hindi ako na-in love sa iyo. Biro nga lang ang sinabi ko sa iyo noon,” tanggi niya.

“Ows?” halatang hindi naniniwala sa kanya ang dalaga.

“Biro nga lang iyon. Gumanti lang ako sa pang-aasar mo noon. Si Rachelle ang totoong crush ko noon!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.