CHAPTER TEN
“Anong magandang background song para sa Laguna Province?” tanong ni Rui kay Jemarra nang puntahan niya ito sa IT Department. Seryosong-seryoso ito sa inaayos na bahagi ng website. Ni hindi nito napansin na sila na lang ang tao sa opisina at alas siyete y medya na nang gabi.
Rui was a very dedicated man when work is concerned. Hangga’t hindi pa tapos ang isang trabaho, hindi nito titigilan. Hindi siya nagtataka kung bakit gustong-gusto itong kunin ng boss nila bilang webmaster. Hindi lang ito basta magaling at matalino. Nakapa-devoted pa pagdating sa trabaho. Isang buwan pa lang ito sa trabaho pero marami na itong na-accomplish.
“Laguna by Asin?” pabiro niyang sagot.
Lalong kumunot ang noo nito nang tumawa siya. “That’s cute.”
Magaang tinampal ng palad niya ang nakakunot nitong noo. “Because you are so damn serious.” Inilapag niya ang cd sa tabi ng keyboard. “Midi collections ng mga folk songs for background music. That is enough to fill all the provinces.”
Bawat isa kasing probinsiya na maipi-feature nila ay may kanya-kanyang design at background song. Kaya naman full force ang creative team sa pagde-design. Ilang buwan na lang ang bibilangin at launching na ng portal nila.
“Thanks.” Nag-save ito ng nagawa nito. “Bukas ko na aayusin ang iba. Overtime na tayo. Gusto mo bang kumain?”
“Ililibre mo ba ako? Gusto ko ng Thai cuisine ngayon.”
“Sige,” sabi nito at tinulungan siya sa mga gamit niya.
“Iyan ang gusto ko sa iyo. Hindi mo ako ginugutom.”
Napaka-maalalahanin nito at laging iniisip ang kapakanan niya. Nagagalit ito sa kanya kapag nasosobrahan siya sa trabaho. Daig ang nanay niyang magsermon.
Hinawakan nito ang kamay niya nang palabas na sila ng opisina. “Jem?”
“Yes?”
Nagulat siya nang kintalan siya nito ng halik sa noo. “Thanks.”
“Thanks for what?”
“Accepting my invitation.”
Pinisil niya ang pisngi nito. “Ang drama mo ngayon. Halika na nga!”
Sanay na rin siyang nabibiro ito. Hindi katulad dati na kaunting sabihin lang niya ay matalim na ang tingin nito sa kanya. Hindi na rin ito mukhang may sariling mundo dahil magaling naman itong makisama sa mga tao. Maybe this was the real Rui before the first women whom he loved betrayed him.
Paglabas ng opisina ay nagulat siya nang makitang nakahalukipkip si Roxanne habang mangiyak-ngiyak na nakatingin sa kanila. Nakita marahil nito ang paghalik sa kanya ni Rui dahil nakatayo sila malapit sa glass window.
Tiningala niya si Rui. “Rui?” untag niya dito.
Ginagap nito ang kamay niya at tuwid lang ang tingin habang naglalakad. “Don’t mind her, Jemarra. Let’s go.”
JEMARRA was bothered by Rui’s action when Roxanne was around. Nagiging sweet ito sa kanya. At kung niyayaya man ito ni Roxanne ay laging siya ang isina-sangkalan. Pakiramdam tuloy niya ay nagkakaroon sila ng gap ni Roxanne dahil dito.
“Jem, ipinapatawag ka ni Ma’am Roxanne sa office niya,” sabi ni Charity.
Kinabahan siya dahil kapag may kinalaman sa trabaho ay si Roxanne pa mismo ang pumupunta sa kanya. “Sinabi ba niya kung bakit?”
“Hindi ko alam.”
Inipon muna niya ang lakas ng loob bago pumunta sa opisina nito. Malakas ang kutob niya na may kinalaman kay Rui ang sasabihin nito. Roxanne was both her friend and her boss. Ayaw niyang magkaroon sila ng conflict dahil sa isang lalaki.
“Please sit down, Jem,” sabi nito pagpasok niya sa private office nito. May iniwan lang itong instruction sa sekretarya at pagkatapos ay hinarap na siya. Pinagmasdan siya nito nang matagal bago nagsalita. “I’ll set the record straight. May relasyon ba kayong dalawa ni Rui?”
“We are friends.” Iyon lang naman ang tingin niya sa relasyon nila.
Malungkot itong ngumiti at tiningnan ang picture nito at ni Rui na nasa table nito. Mga bata pa marahil ang mga ito noon. “Alam mo na siguro ang relasyon namin ni Rui noon. We didn’t break up in a nice way. And it was my fault. Siya lang ang nag-iisang lakaki na nagpahalaga sa akin. And I left him for someone richer. I was so idealistic then. Akala ko, mas tamang lalaki si Zaldy dahil mas mayaman siya kay Rui. But I love Rui. And now that he is back, I was hoping that we could patch things up. At hindi iyon mangyayari kung lagi kang nakaharang sa pagitan namin.”
“You want me to stay away?” tanong niya. Mahirap gawin ang bagay na iyon. Noon nga lang unang paglalayo nila ni Rui, nahirapan na siyang isipin na makakalimutan niya ito, lalo na ngayong lagi silang magkasama.
“No. Stay with him. Hindi ko alam kung bakit siya malapit sa iyo. Kung gusto ka ba talaga niya o ginagamit ka niya para pasakitan ako.”
Matapang niyang sinalubong ang mga mata nito. Ayaw niyang ipakita na nasasaktan siya. Malinaw sa kanya noon na imposibleng magustuhan siya ni Rui. And she was so in love to realize that he was only using her to hurt Roxanne.
“Para saan ba ang pag-uusapan natin, Ma’am?” Concern ba ito sa kanya o gusto nitong ma-discourage siya at siya na mismo ang lumayo kay Rui?
“If you love Rui, heal his broken heart and soul. All I wanted is to see him happy. Pero kung hindi mo siya mahal, lumayo ka na sa kanya. Dahil baka mahalin ka rin niya at masaktan lang siya sa huli. I don’t want to see him broken again.”
“KAILAN mo ba ibabalita sa akin na boyfriend mo na si Rui? Sagutin mo na agad para naman dalawa tayong masaya ang lovelife,” sulsol ni Charity habang pinapanood sina Rui at Jet na naglalaro ng billiards. Every Friday ay naggu-group date sila. Subalit ang partikular na gabing iyon ang hindi niya
na-enjoy.
“Rui is not courting me. And he will not court me ever,” mariin niyang sabi at inalis ang tingin sa nakangiting mukha ni Rui.
“Ano bang hindi? Rui likes you. He doesn’t even smile the first time we met him. But look at him now. Lagi na siyang nakangiti. It is all because of you.”
Sakrastiko siyang ngumiti. “Baka pinipilit lang niyang ngumiti para ipakita sa lahat na masaya siya. Ginagamit lang niya ako para saktan si Ma’am Roxanne.”
“Iyon ba ang sinabi ni Ma’am Roxanne sa iyo kaninang ipinatawag ka niya?”
Ikinuwento pa niya dito ang iba pang napag-usapan nila ni Roxanne. “Alam mo, gusto ko na nga lang mag-pretend na hindi ko talaga siya mahal. I hate to be in love. It is killing me, Chari,” she said in anguish.
Ang alam niya, masaya dapat ang pakiramdam ng taong nagmamahal. Iyong laging nasa cloud nine tulad ni Charity. Hindi miserableng tulad niya.
“Ano ba ang sinabi sa iyo ni Ma’am Roxanne? If you love him, heal his heart. Ito lang ang paraan ni Rui para buuin ang sarili niya at kailangan niya ang tulong mo. It doesn’t matter if he loves you or not. Kapag nagmahal ka, nagiging unselfish ka. Magiging masaya ka lang kapag nakita mo siyang masaya,” paliwanag nito.
Tinitigan niya ang masayang ngiti sa labi ni Rui. He looks more handsome when he smiles. Hindi iyon isang pagkukunwari lang. Mas gusto niya ang Rui na nakikita niya ngayon kaysa dati.
“Okay. I’ll try to help him face his ghosts. Ayoko nang mawala ang saya na nakikita ko sa kanya ngayon. But I also have to know where I stand.”
STARS were shining brightly that night. Nasa rooftop ng building ng Asia-Surf Communication si Jemarra at pinagmamasdan ang mga iyon. Maganda talaga ang mga bituin matapos ang ilang nagdaang bagyo. Pero hindi iyon sapat para aliwin siya. Dahil patuloy pa rin ang pagbagyo ng lungkot sa puso niya.
“Jem, bakit hindi mo sinabi na nandito ka lang? Akala ko tuloy umalis ka na,” sabi ni Rui at nilapitan siya. “Buti na lang sinabi ni Charity na nandito ka.”
“Gusto ko lang mag-relax kahit sandali,” usal niya at hindi nito nilingon. Ito ang dahilan kung bakit halu-halo ang emosyong nararamdaman niya. At hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang lahat nang iyon nang hindi siya masasaktan.
Hinawakan siya nito sa magkabilang-balikat mula sa likuran niya. “Stargazing pala ang paraan mo para mag-relax. It has been a long time since I watched the dark sky scattered with stars. Kung gusto mong mag-stargazing, pwede kong tanungin si Jet kung saan ang magandang restaurant sa Antipolo. Doon, mas okay na mag-stargazing.”
“Aalis tayo kasama nila Jet?” tanong niya. May date ito at si Charity. Pero hindi niya nabanggit na kasama pala sila.
“Nag-offer sila kung gusto nating sumama. Naghihintay sila sa baba. Pero kung ayaw mong may kasama, hihiwalay na lang tayo sa kanila. Hindi naman kita aabalahin kung gusto mong mag-stargaze nang mag-isa.” Hinawakan siya nito. “Halika na! Biyernes ngayon kaya tiyak na mata-traffic tayo.”
Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. “Stop this, Rui!”
Naguguluhan itong lumingon sa kanya. “Anong problema?”
“Nasa baba na naman ba si Ma’am Roxanne at naghihintay sa iyo? O baka nandiyan lang siya sa kabilang pinto at nakikinig sa usapan natin?”
Nagsalubong ang kilay nito. “Bakit napasok si Roxanne dito?”
“Because I want you to stop pretending being so nice and sweet to me just to spite her!” Huminga siya nang malalim. “Stop acting as if you really like me.”
“Ano ba ang sinasabi mo?” anitong hindi alam kung tatawa o magagalit sa kanya. “Of course I like you. Sabihin mo lang kung ayaw mo sa akin.”
Nag-init ang mga mata niya nang bumakas ang sakit sa mga mata nito. Kailangan na niyang magdesisyon ngayon. Sasabihin ba niya na hindi nga niya ito gusto para hindi na siya masyadong masaktan at tigilan na nito ang panggagamit sa kanya o sasabihin niya ang totoo?
“Jemarra, if you despise my company, I’ll stay away from you,” malumanay nitong sabi. Tumalikod ito. “Gusto mo bang sabihin ko kay Jet na ikaw na lang ang sasama sa kanila o ihahatid ka na nila pauwi?”
Inikom niya ang palad at inipon ang lahat ng lakas ng loob para sabihin dito ang totoo. “I love you, Rui! And I am falling for you more and more each day. Pero gusto kong malaman kung ano ang role ko sa buhay mo. Ginagamit mo lang ba ako para maka-recover ka sa nakaraan mo? Or is there a possibility that you’ll love me back?” Mariin niyang pinagdikit ang mga labi para pigilan ang sarili na mapaiyak. Binalewala na niya ang lahat ng pride para dito. Even her own feelings doesn’t matter. Basta malaman lang niya ang totoo mula dito.
Humarap ito sa kanya at tumigil sa harap niya. “Jemarra, where did you get the idea that I am only using you to spite Roxanne?”
Yumuko siya para hindi nito makita ang namumuong luha sa mata niya. “Hindi ka naman kasi dating mabait. Napakasuplado mo dati. Pero nang nasa Manila ka na bigla kang nag-iba. Napapansin ko rin na nagiging malambing ka sa akin kapag lumalapit si Ma’am Roxanne. At mukhang masaya ka kapag nasasaktan mo siya. Alam ko naman na gusto mong maka-recover sa lahat ng sakit na ibinigay niya sa iyo. Naiintindihan ko kung kakailanganin mo ang tulong ko. I promised to help you and I will.”
He nudged her chin up and caressed her face. “My sweet, innocent Jemarra. Kahit kailan, hindi kita gagamitin para manakit ng ibang tao. Hindi ako manggagamit at lalong hindi peke ang lahat ng ipinapakita ko sa iyo. Maybe it is time for you know that I went back to Manila to face my past because of you.”
“B-Because of me?” hindi makapaniwala niyang usal habang nakatitig sa nakangiti nitong mga mata.
Ginagap nito ang kamay niya at inilapit sa labi nito. “Naalala mo ang tanong mo sa akin noon? If I will fall in love again, will I stop myself and let her get away or will I take the chance?”
“Oo, naalala ko pa siya. Pero nag-pretend ka na hindi mo narinig. Hindi mo sinagot ang tanong ko.”
“I want to take the chance…with you. I love you, Jemarra.”
His eyes dropped to the sensuous lines of her mouth. Her fingers slightly caressed the back of his neck as he moved nearer. She slowly parted her lips as his moved slowly and warmly upon hers. Akala niya ay imposible na mahalikan pa nito ang labi niya. Na sasabihin nitong mahal siya nito. Pero wala nang imposible ngayon.
She was aware of the heavy beating of his heart while her own throbbed a new frantic rhythm. Hanggang maging isa na lang ang tibok ng puso nila.
Hinaplos niya ang mukha nito para patunayan kung hindi lang siya nag-iilusyon. “Pero sinabi mo sa akin na dapat na kitang kalimutan.”
“Dahil hindi ko pa pwedeng sabihin sa iyo ang nararamdaman ko hangga’t hindi ko pa natatalo ang sarili kong takot. Ikaw na ang nagsabi na magiging miserable lang ang babaeng mamahalin ko kung hindi ako matapang na harapin ang nakaraan ko. It is over. Hindi na ako natatakot ngayon.”
“Rui, I really love you. Kahit hindi mo naman ako mahalin, okay lang sa akin. Basta hayaan mo lang akong mahalin kita.”
“Parang hindi ka masaya na mahal kita,” natatawa nitong sabi.
Niyakap niya ito nang mahigpit. Until she was filled with the scent of him. Kung pwede lang na hindi niya ito pakawalan pa. “I am just happy. So happy. I was at the verge of forgetting you… or I was trying to when you showed up again. Noong una, sinabi ko sa sarili ko na hindi ko aamining mahal kita dahil masasaktan lang ako. But love is unselfish. Ayoko nang bumalik ka sa nakaraan mo. Ayoko nang makita kang mag-isa at malungkot. You deserve some light in your life.”
“You are my shining star, Jemarra. You light up my dark nights. Life has been dull, boring and lonely without you. Akala ko wala nang darating na tulad mo sa buhay ko. So I just abandon myself living a spending the rest of my life alone. Naging duwag ako. Mas ginusto kong magtago sa dilim. Dahil sa iyo, hindi na ako takot magmahal. Thank you for loving me still. Kahit na nasaktan kita.”
“My heart is stubborn like me. Kahit ako na may-ari sa kanya, hindi ko pwedeng utusan. It has a mind of its own. Or maybe, hindi talaga ako ang amo niya. You have the power to command my heart. And I will always love you. Even if you still want to live through your dark skies. I am star with no night if I don’t have you.”
He lovingly caressed her face. “I will not be alone even in dark starless nights. I have a curious persistent virgin who loves me. Ikaw lang ang thank you kiss sa akin habang natutulog ako. And will ask me afterwards if why I am mad.”
“Siguro naman hindi ka na magagalit sa akin kung marami ka pang makukuhang thank you kiss sa akin sa susunod.”
“Gusto ko nang maraming-maraming thank you kiss.”
Bumukas ang pinto ng rooftop at sumilip si Jet. “Excuse me, are you going to celebrate alone o may ise-share kayo sa aming magandang balita?”
“Give us five minutes. Susunod na kami,” sabi ni Rui.
“Okay,” sabi ni Jet at isinara ang pinto.
“Bakit kailangan pa ng five minutes? Pwede naman na tayong sumunod sa kanila.” Hinatak niya ang kamay nito. “Halika na! Excited na akong ibalita kay Charity na may boyfriend na rin ako.” Alam niya na magiging masaya ang kaibigan niya para sa kanya. At ganoon din si Jet para kay Rui. After all, he deserved to be happy and in love.
“Mamaya na. May five minutes pa naman tayo.”
“Ano ang gagawin natin sa five minutes? Nasabi naman na natin ang lahat ng kailangan nating sabihin sa isa’t isa. I love and you love me. Matutuwa na si Lola Inez dahil hindi ka na niya kukuliting humanap ng girlfriend. May malabo pa ba? May nakalimutan pa ba akong sabihin?”
Umiling ito. “Every thing is clear. Pero may nakalimutan kang gawin.”
“Ano?”
He kissed her once more to show her how he really felt. His breathing was soft and warm. His mouth was gentle as he claimed hers. Pakiramdam niya ay libo-libong bituin ang sumasabog sa paligid niya.
“Iyon lang ba ang gagawin natin within five minutes?”
Tumango ito. “Ayaw mo?”
Iniyakap niya ang braso dito at ngumiti. “Sana sinabi mo agad. Hindi pa ako sanay dito pero kakayanin ko ng five minutes.”
“Aakyatin nila tayo pagkatapos ng five minutes.”
Dahan-dahan niyang inilapit ang labi dito. “Maybe they won’t mind if we ask five more minutes for extension.”