“Breakfast is all set,” satisfied na sabi ni Jemarra nang ilapag ang plato ng fried egg sa mesa. Nang gumising siya ay alas singko pa lang ng umaga. Tikatik na lang ang ulan. Palipas na ang bagyo. At dahil wala siyang magawa ay naghalungkat ng mailuluto para sa agahan nila.
Humupa na ang lagnat niya dahil sa pagbabantay sa kanya ni Rui. Inalagaan siya nito at matiyaga siyang pinainom ng gamot. Kaya naman iniwan niya itong natutulog pa sa couch. Nagluto siya para makabawi siya dito.
Nang matiyak na maayos na ang lahat para sa agahan ay pinuntahan niya si Rui sa kuwarto nito para gisingin. Nakabaluktot ito sa couch. Nang pagmasdan niyang mabuti ang mukha nito ay bakas doon ang pagod at puyat. Natatandaan niya nang painumin siya nito ng gamot bandang alas tres ng madaling-araw.
Dapat ay gisingin na niya ito pero hindi niya maialis ang tingin sa mukha nito. Mukha itong anghel kapag tulog. Hindi nakaangil at hindi nagsusuplado. Well, he was indeed an angel. Dahil hindi siya nito iniwanan hanggang gumaling siya.
Hindi siguro masama kung halikan niya ito bilang pasasalamat. Hindi naman siguro ito magigising. After all, it would only be a peck on the lips.
Kinabahan siya. Hindi pa niya naranasang mag-initiate ng halik sa isang lalaki. Lalo na sa isang Sleeping Handsome. Wala naman sigurong epekto dito dahil hindi naman nito mararamdaman. Mahimbing pa ang tulog nito.
Dahan-dahan niyang inilapit ang labi dito. Napapikit siya nang maglapat ang labi nila. It was supposed to be a quick kiss but she wasn’t quick enough. Bago pa siya tuluyang makalayo ay bumuka ang labi nito. His arm wounded around her waist. While the fingers of his other hand sift through her hair. Umikot ang pakiramdam niya nang magsanib ang mga labi nila. His mouth was hot and wild. She had never been kissed. And she was awed by the power that Rui’s mouth could generate.
It was magic. She longed to touch him but she cling to the bed sheet instead. He left her breathless. She let something build up inside her.
“Baby, you feel so good,” usal nito kasabay ng pagdilat. Natigagal ito nang mapagmasdan ang mukha niya. Then passion turned in daze. “Jem, what the…”
Nagkukumahog siyang tumayo at lumayo dito. That was not part of the plan. Ang palalimin ang halik at magising ito. Now that he was fully awake, hindi niya alam kung paano ito haharapin. “G-Gisingin sana kita para mag-agahan pero…”
Umupo ito at halos sabunutan ang sarili. “Damn! I’m sorry. I was dreaming that someone was kissing me and I kissed back. Then there was you.” Guilty itong tumingin sa kanya. “Walang excuse sa ginawa mo.”
Nakagat niya ang labi dahil nakakaawa ang itsura nito. Na parang kung kailangan nitong maglaslas ng pulso sa harapan niya ay gagawin nito mapatawad lang niya. “Rui, don’t make a fuzz about that kiss,” aniya sa magaang boses. “It was my fault. I was just giving you a thank you kiss when…”
“You gave me a what?” tanong nito sa mataas na boses.
Natakot siya nang makitang para itong toro na handang sumugod dahil nakakita ito ng red flag. Ika nga, mas mabuti nang galitin ang lasing kaysa ang bagong gising. “It was supposed to be a quick kiss, really,” depensa niya.
“Are you still sick?” Itinaas nito ang kamay nang mapagmasdan siya. “Oh, I think you are okay now.” Padarag nitong tinanggal ang kumot at tumayo. “Pwede mo namang sabihin sa akin ang simpleng salamat. You don’t have to kiss me. Hindi mo alam ang epekto ng ginawa mo.”
“Ano nga ba?” inosente niyang tanong. “Hindi ko naman kasi alam na magigising ka. Saka…”
“Damn innocent virgins!” bulalas nito at mariin siyang hinawakan sa magkabilang balikat. “You are so curious about things you haven’t tried. Hindi kayo titigil hangga’t hindi ninyo nalalaman. Wala ka pa kasing first kiss kaya ako napagbubuhusan mo ng curiosity mo.”
“How did you know?”
Direkta siya nitong tiningnan sa mga mata. “I am not as innocent as you are.”
“Oh,” usal niya at napayuko. “I’m sorry.” Saka niya mas naintindihan kung ano ang epekto dito ng halik niya.
Padarag siya nitong binitiwan. “Damn! Can you limit your curiosity? At pwede, huwag mo akong idadamay.”
Nagsalubong ang kilay niya. Hindi niya alam kung bakit galit na galit ito “Ano ba ang problema mo? Hindi naman kita ni-rape. Nag-sorry na ako. Huwag ka nang magalit, please?” pakiusap niya.
“Huwag magalit?” Matalim siya nitong tiningnan. “You are like a moth, Jemarra. You won’t stop until you get burned. Don’t do this again. Dahil baka sa susunod, tuluyan ka nang masunog sa apoy.”
“Don’t play with fire because you will get burned. Iyon ba ang moral lesson ng story?” tanong niya.
“You are intelligent,” makahulugan nitong sabi at kinuha ang tuwalya sa bag.
Papasok na ito sa bathroom nang magsalita pa siya. “Rui, I learned a different lesson from that story.”
Nilingon siya nito. “What?”
“The moth might have died at the end of the story because he got burned. But he died a happy moth.” She smiled sheepishly. “I’ll see you later.”
“Damn the moth!” sigaw nito saka pabagsak na isinara ang pinto.
Humagalpak siya ng tawa nang marring ang sigaw nito kasabay ng pagbuhos ng tubig. The water was icy cold. Mukhang hindi nito nai-on ang heater sa inis sa kanya. Well, he definitely needed a cold shower.
“JEMARRA, IS it really safe for you to travel alone?” tanong ni Rui nang nasa terminal na sila ng bus. Hinihintay pa niya ang bus na sasakyan niya pa-Manila. At mula nang halikan siya nito kanina sa kuwarto ay ngayon lang siya nito kinausap.
“May magaling akong doktor. Thank you.” Ngumiti siya. Hindi siya gagaling kung hindi dahil dito. Dahil kung hindi sila nagkasama sa bus, hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Baka hanggang ngayon ay inaapoy pa rin siya ng lagnat. And she never felt better after the kiss. Kahit pa nga hindi ito natuwa sa ginawa niya. “Ikumusta mo na lang ako kay Lola Inez.”
Tumango ito. “Sasabihin ko sa kanya.”
Nakadama siya ng lungkot. Ilang minuto na lang ay magkakahiwalay na sila. “Rui, magkikita pa tayo?”
“Do you like me?” straightforward nitong tanong. Iniwas niya ang tingin bilang sagot sa tanong nito. Bumuntong-hininga ito. “Kalimutan mo na ako.”
“Galit ka ba sa akin?”
Umiling ito. “No. It has nothing to do with you. I have demons to face. At alam mo na wala akong maio-offer na kahit ano sa isang babae ngayon. Kaya kung may nararamdaman ka sa akin, patayin mo na habang maaga pa.”
“I like you, Rui. Pero hindi ko ipipilit ang sarili ko sa iyo. Pero sana, maging matapang ka para sa babaeng mamahalin mo. Magiging miserable siya kapag nilayuan mo siya dahil lang natatakot ka na maulit ang nakaraan mo. Face your ghosts, Rui,” mariin niyang sabi.
Subalit wala siyang anumang nakitang reaksiyon sa mukha nito. Tumayo ito at binuhat ang mga gamit niya. “Nandito na ang bus mo,” sabi nito at pumarada di kalayuan sa kinauupuan nila ang bus na sasakyan niya.
Sumunod siya nito nang iakyat nito ang mga gamit niya sa bus. Nang matiyak na maayos na ang pwesto niya ay nagpaalam na ito. “Goodbye, Jemarra.”
Pinigilan niya ang kamay nito bago pa ito nakalayo sa kanya. “Rui, promise me that you will see me once you faced your ghosts. O kaya sabihin mo sa akin kapag natagpuan mo na ang babaeng mamahalin at magpapasaya sa iyo.”
Sinulyapan siya nito at tumango. She loosened her grip as he walked away. Pakiramdam niya, walang laman ang lugar kung saan naroon ang puso niya. Isinama iyon ni Rui sa pag-alis nito. Hindi niya alam kung mababawi pa niya ang puso niya dito. At hindi siya maaring magmahal ng iba hangga’t hindi niya natitiyak na matatagpuan nito ang kaligayahan nito.
RUI. Isinulat ni Jemarra ang pangalan nito sa windshield ng sasakyan. It was rainy Monday. Isang bagyo na naman ang dumating. At kahit na malakas ang ulan at naiipit siya sa traffic, pumasok pa rin siya sa trabaho. Dalawang araw na ang nakakaraan mula nang manggaling siya sa Baguio at nakasama si Rui.
Pumikit siya upang kahit sandali ay mawala ito sa isip niya. Nakabalik na siya sa mundo niya. Dapat ay kalimutan na niya ito. Patuloy pa rin ang buhay niya kahit wala si Rui. Dahil magpapatuloy rin ang buhay nito nang wala siya.
“Ma’am, dito na po tayo,” untag sa kanya ng taxi driver.
Nang imulat niya ang mata ay nasa tapat na siya ng building ng Asia-Surf Communication. Naglabas siya ng isandaang piso mula sa wallet. “Heto po,” aniya at inabot dito ang pera. Hindi na siya nag-abala pang kunin ang sukli dahil nakarating naman siya sa trabaho nang maaga kahit traffic at malakas ang ulan.
“Welcome back, Jem!” bati ng boss niyang si Roxanne na nakasabay niyang papasok ng building. “How was your trip? Nag-enjoy ka ba?”
“With the typhoon and all, it was quite an adventure.”
“Sorry, hindi kita nasabihan agad,” nagi-guilty nitong sabi. “Sure ka na wala ka nang lagnat? Baka may sakit ka pa. Magpahinga ka pa.”
“I never felt better. Ready na akong bumalik sa trabaho.” Kahit kailan ay hindi niya isinama ang trabaho at problema sa puso.
“Good. Since marami kang alam sa computers, ikaw ang bahalang makipag-coordinate sa webmaster ng travel portal para ayusin ang site ng Luzon. Doon muna tayo magpo-focus. Saka ko na ii-schedule ang ibang biyahe mo sa Visayas.”
Hindi lang basta writer-photographer-researcher ang trabaho niya. Responsibilidad din niyang I-organize ang mga nakuhang files at mag-approve sa mga designs na ilalagay sa website.
“We have a new webmaster?” Nag-resign kasi ang dating webmaster nila at lumipad ng America dahil may isang foreign companya na kumuha dito.
“I don’t know yet. Si William kasi ang nagde-decide sa pagha-hire sa mga tao para sa Infotech Department. Sana may mapili na siya.”
Binati sila ng receptionist pagpasok nila ng lobby. Pumipirma siya sa logbook nang mapansin ang isang lalaki na nakaupo sa sofa sa lobby at nagbabasa ng diyaryo. Napansin marahil nito na may nakatingin dito kaya ibinaba nito ang diyaryo at sinalubong ang tingin niya.
Nabitiwan niya ang ballpen nang salubungin ng misteryosong mata na hindi ngumingiti. “R-Rui,” usal niya.
Ibinaba ni Rui ang hawak na diyaryo na parang narinig nito ang pagtawag niya. She wanted to run to him. Pinuntahan siya nito. Kahit na sinabi pa nitong kalimutan na niya ito at maaring hindi na sila magkita, sumunod pa rin ito sa kanya.
Lalapitan sana niya ito nang marring niya ang malakas na pagtawag ni Roxanne sa pangalan nito. “Rui!” tuwang-tuwang sabi ni Roxanne at sinalubong ito ng yakap. “I’m glad that you are finally back. I thought I will never see you again.”
Parang napagkit siya sa kinatatayuan sa nakita. Kilala ni Roxanne si Rui. At sa reaksiyon ni Roxanne, mukhang hindi nga siya ang sinundan ni Rui. Tinalikuran niya ang masayang reunion ng dalawa dahil pakiramdam niya ay tinapak-tapakan ang puso niya. He got her heart and he ripped it into shreds.
Tama ang sinabi ni Rui. Dapat niya itong kalimutan. Dahil kahit maka-recover ito mula sa nakaraan nito, imposibleng siya ang babaeng mamahalin nito.
“MASARAP talagang ma-in love. Parang nasa cloud nine ako!” Charity said in a thrilled voice. Nai-imagine na ito ni Jemarra na kumikislap ang mata at hanggang tainga ang ngiti habang nakikipag-usap sa kanya sa telepono. Breaktime niya sa opisina nang tumawag ito. Nasa Sagada pa rin ito at kasama si Jet.
“Mabuti naman at okay na kayo ng Jet na iyan. Akala ko hindi ka pa rin niya tatanggapin kahit bumalik ka para sa kanya. Talagang babalik ako sa Sagada at ibibitin siya sa bangin hanggang matauhan siya.”
“Maiba pala ako. Alam mo bang ilang araw nang wala si Rui sa Internet shop niya? Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Ayaw ding sabihin sa akin ni Jet.”
Itinapik niya ang ballpen habang nakatitig sa mga pictures na kuha niya Sa Bontoc at Sagada. Idina-download niya sa computer ang mga pictures mula sa memory card ng digital camera. “Mukhang alam ko kung nasaan siya.”
“Ikaw, ha! Hindi mo sinabi sa aking nagtanan na kayo,” tukso nito.
“Hindi kami nagtanan. But I am sure you will be surprised to find out that he is our new webmaster.”
“Sino? Si Rui? As in si Rui Lorenzo na bestfriend ni Jet at apo ni Lola Inez? The same Rui with chinky eyes?” hindi makapaniwalang usal nito.
Tumango siya. “You heard it right, girl. Nandito siya sa office. At ngayon rin ang first day of work niya. Buddies sila ni Sir William during college.” At hindi lang mukhang si William kundi maging ang iba pang boss niya sa kompanya. Lalo na si Roxanne na sinalubong ito ng yakap.
“Teka, alam ba niyang diyan ka nagtatrabaho?”
“I don’t think so. After all, hindi naman siya interesado sa akin.” Ang alam lang nito ay isa siyang researcher mula sa Manila.
“You sound dreaded, friend,” nakikisimpatyang sabi nito.
“Kagagaling ko lang sa sakit. Natural lang na hindi masyadong okay ang boses ko,” palusot niya. Pero ang totoo, parang may isang malaking kamay na sumasakal sa leeg niya tuwing maaalala ang pagyakap ni Roxanne kay Rui.
“You better take a rest. May two weeks pang natitira sa bakasyon ko. Baka dito muna ako sa Sagada. Pagbalik namin ni Jet, labas tayo.”
“Okay. Enjoy yourself!” aniya at nagpaalam dito. Wala talaga siyang suwerte sa pag-ibig. Noong una, hindi siya interesado sa mga lalaki. Ngayon namang may nagustuhan na siya, malabo namang magka-interes sa kanya. Mukhang habambuhay na lang siyang matatali sa trabaho niya.
“Kagagaling mo lang sa sakit pero pinapagod mo na ang sarili mo,” sabi ni Rui at inilapag sa harap niya ang canned juice at vegetable salad na madalas niyang orderin sa canteen. “Take a break.”
“Rui.” Saka niya naalalang isa na ito sa may mataas na posisyon sa kompanya. “I mean Sir Rui.”
Umupo ito sa tabi niya. “Kung ako ang makakasama mo sa trabaho, sino pa ang magpapaalala sa iyong kumain kung pareho tayong workaholic.”
“Akala ko hanggang Baguio ka lang?”
May hawak itong coffee mug habang tinitingnan ang mga pictures na idina-download niya. “Akala ko rin hanggang Baguio lang ako. Pinagbigyan ko lang naman si William na maging webmaster niya hanggang hindi pa natatapos ang travel portal. Babalik din ako sa Sagada. Iniwan ko lang ang pinsan ko para magbantay sa mga shop ko doon. At nalaman ko na ikaw pala ang makakasama ko sa project na ito.”
“Yeah,” aniya. Kung ganoon ay aalis rin pala ito.
“Rui, nagpadeliver ako ng favorite mong pizza,” sabi ni Roxanne nang lumapit sa kanila. “Gusto mo bang doon tayo mag-snack sa office mo?”
“Thanks, Roxanne. Pero okay na kami ni Jemarra dito,” he said in an even tone. Na parang hindi ito interesado sa ino-offer ni Roxanne.
“Pero paano ang in-order ko
?” nagtatampo nitong sabi.
“Dalhin mo dito para maka-share natin si Jemarra,” suhestiyon ni Rui.
“No,” tanggi agad niya. “Kayo na lang.” Ayaw niyang makita kung gaano ka-sweet ang mga ito. Magseselos lang siya.
“Sige, dadalhin ko ang pizza dito,” napipilitang sabi ni Roxanne.
“REMEMBER when we used to review for our exams? Pizza lagi ang kinakain natin. At si Stan ang pinakamatakaw. Kinukuha pa niya ang parte ko. At dahil wala na akong makain, magse-share na lang tayo sa slice mo. Sana bumalik tayo sa dati,” hiling ni Roxanne habang binabalikan ang nakaraan nito at ni Rui. Kaya tahimik lang si Jemarra habang nagngingitngit ang puso niya.
Subalit ni hindi ngumiti si Rui sa kwento nito. Sa halip ay bumaling sa kanya. “Jem, you want some more?” alok ni Rui at inilapit ang hiwa ng pizza sa bibig niya.
Umiling siya bahagyang inilayo ang mukha dito. “No, thanks.”
“Come on, take a bite,” he said in a hypnotic voice. Na parang wala siyang kakayahang tumanggi dito.
She took a bite as if on a trance. Nagulat pa siya nang nakangiti nitong pinunasan ng tissue ang gilid ng labi niya. Kinabahan siya dahil parang kakaibang Rui ang kaharap niya. Napapadalas yata ang pagngiti nito.
“Mukhang close na kayong dalawa,” maasidong komento ni Roxanne.
“Sa Sagada pa lang, magkakilala na kami,” sabi ni Rui. “Hindi ko ba nasabi sa iyo na ako ang guide ni Jemarra? Pero mas close sila ni Lola Inez.”
Umingos si Roxanne. Halatang hindi ito pabor sa pagiging close nila ni Rui. “Bakit ako, hindi mo man lang naipakilala nang pormal sa Lola Inez mo?”
Nawala ang ngiti sa mata ni Rui at naging isang linya ang labi. “You left me for Zaldy before you even got the chance to meet her.”
Namutla si Roxanne at tumayo. “Excuse me,” usal nito at umalis. Normal pa rin ang reaksiyon ni Rui nang balikan ang kinakaing pizza.
“Si Ma’am Roxanne ba ang ex-girlfriend mo?” tanong niya. Tumango ito at tahimik lang na nagpatuloy sa pagkain. “Small world, huh!”
“I came back to face her. She is my dark past. I have to do this.” Maya maya ay ngumiti ulit ito. “Gusto mo ng coffee?”
“Yes, please,” sabi niya at sinundan ito ng tingin nang lumapit ito sa percolator para magsalin ng kape.
What will happen to Rui now that he is facing his ghosts? Magagawa kaya nitong lagpasan at talunin ang mga multong humahabol dito? Ano ang mangyayari sa kanya pagkatapos niyon?