“NO!” sigaw ni Kimberly kasabay ng pagbalikwas ng bangon. Nanginginig niyang niyakap ang sarili kasabay ng pag-iyak.
She was back in her bedroom. At hindi sa abandonadong bodega. This was the present. Not twelve years ago. Subalit hindi pa rin nabubura ang panaginip niya. Dahil paulit-ulit niyang nakikita ang duguan at walang buhay na katawan ni Rohann na yakap-yakap niya. Subalit paggising niya, walang Rohann siyang nakikita. Nananatili siya sa madilim at malamig na silid na iyon.
“Kim!” tawag sa kanya ng pinsan niyang si Atasha kasabay ng pagbukas ng pinto. “What happened?”
“Si Rohann. Si Rohann,” paulit-ulit niyang usal.
Mabilis nitong binuksan ang lampshade sa tabi ng kama. “Oh, no!” bulalas nito nang makita ang ayos niya. Gulo-gulo ang buhok niya pati ang suot na pantulog. Tigmak din ng luha ang mukha niya at pawis na pawis. Ipinagsalin siya nito ng tubig sa baso. Lagi na kasing may nakahandang pitsel ng tubig at baso sa bedside table niya. “Here. Drink it.”
Nanginginig ang kamay niyang ininom ang tubig at bahagyang nabawasan ang paghikbi niya. Subalit naroon pa rin ang matinding takot. Hindi pa rin nawawala ang imahe ni Rohann sa isip niya.
Kinuha ni Atasha ang baso sa kanya at tinabihan siya. “Tell me. Is it the same dream again?”
Pinunasan niya ang pawis ng likod ng palad niya habang nakatulala pa rin. “N-Nakita ko si Rohann. He was falling on a cliff. Inabot ko ang kamay niya pero hindi niya hinawakan ang kamay ko. Nakatitig lang siya sa akin na galit na galit ang mga mata. Then I heard his scream again. The same scream I heard that night.” Isinubsob niya ang mukha sa palad at muling napaiyak. “Tapos naroon na kami sa bodega. Yakap ko siya pero wala na siya. He is dead.”
“Tahan na,” malumanay nitong usal at hinaplos ang likod niya. “Matagal nang patay si Rohann. It has been twelve years. He can’t harm you anymore.”
Umiling siya. “How can you say that? Rohann will never harm me. It was me who harmed him. Ako ang nagtulak sa kanya sa kamatayan. Pinatay ko ang lalaking mahal ko.”
Panaginip lang talaga ang lahat. Dahil hindi na niya aktuwal na nakita ang pagkamatay ni Rohann o ang bangkay nito. Mula sa Baguio ay itinuloy na siya ng tauhan ni Jeff sa mismong mansion ng mga magulang niya sa Manila. Mula noon ay hindi na siya pinalabas ng mga ito. Ni wala siyang nabalitaang anuman tungkol kay Rohann. Bumiyahe ang buong pamilya niya sa Amerika at doon lang sinabi ng mga magulang niya na patay na si Rohann.
She nearly went crazy. Muntik nang hindi matuloy ang pag-aaral niya ng Medicine sa Germany dahil mas pinili niyang magkulong sa kuwarto. Pero naisip niya na dapat ipagpatuloy ang bahay. Kahit na wala na iyong silbi para sa kanya.
“You should really see a psychiatrist,” suhestiyon nito. “Panahon na para makalimutan mo si Rohann.”
“No!” aniya at tinakpan ng palad ang mga tainga. “I don’t want to forget Rohann. How could you ask me to forget the man I love?”
Ang panaginip na iyon ang isang patunay na hindi niya maaring kalimutan si Rohann. Mula nang malaman niyang patay na ito ay paulit-ulit siyang dinadalaw ng masamang panaginip. Ilang beses niyang tinangkang alamin kung saan ito nakalibing ngunit mahabang panahon siyang nanatili sa ibang bansa. At sa pagbalik niya sa Pilipinas, guwardiyado naman ang kilos niya. Alam niyang ginagawa ng Papa niya ang lahat para ilayo siya sa alaala ni Rohann.
Humugot ng malalim na hininga si Atasha. “Hindi na talaga normal ang behavior mo. You are a doctor and you should know that.”
Isinuklay niya ang mga daliri sa magulong buhok. “I know myself, Ash. Alam ko kung ang tama at makabubuti sa akin.”
“Hindi ko alam kung puso mo nga ang ginagamit mo or you are simply insane. Hindi naman pagmamahal mo kay Rohann ang umiiral kaya ayaw mo siyang kalimutan. You are punishing yourself because you thought you should be blamed for his death. Pero hindi mo iyon kasalanan.”
Nilingon niya ito. “So what if I am punishing myself? I deserve this!”
Kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang mamatay na lang. Isang malupit na parusa sa kanya ang habambuhay na pagmamahal niya sa isang lalaki na siya mismo ang nagpahamak. Hindi man siya inusig ng batas ng tao ngunit inuusig naman siya ng langit at ng konsensiya niya.
“Shhh…” saway nito sa kanya. “Enough of Rohann. May lunch pa kayo ng future groom mo tomorrow. Sabi nga ni Uncle Horacio, you have to look beautiful. Hindi siya matutuwa kapag nalaman niyang iniyakan mo na naman si Rohann. Mahahalata ang pamumugto ng mata mo kapag hindi ka pa natulog.”
“When Kurt marries me, he will always see me like this.”
Dapat masanay na ang mapapangasawa niya sa kanya. He will never forget Rohann. Kahit pa siguro magpa-brain surgery siya.
Ngumiwi si Atasha. “Kung ako si Kurt, tatakbuhan kita kapag nakita kong mukha kang bangkay.”
Humiga siya at ipinikit ang mga mata nang makaalis na si Atasha upang bumalik sa sariling kuwarto. “Matagal na akong patay,” usal niya.
Mula nang mamatay si Rohann, parang binawian na rin siya ng buhay. Daig pa niya ang nabiyuda. Dahil sa hanggang huling hininga nito, hindi nito pinaniwalaan ang pagmamahal niya dito.
I know you still hate me, Rohann. But I love you. I really do.
TAHIMIK si Kimberly habang nagla-lunch. Wala kasi siyang interes sa pinag-uusapan ng Papa niyang si Horacio at ng fiancé na si Kurt. Puro negosyo at politika kasi ang pinag-uusapan ng mga ito. Maging ang Mama niyang si Bettina at ang pinsan niyang si Atasha ay pawang tahimik rin habang kumakain.
“Invited kayong lahat sa Kadayawan Festival two weeks from now,” anunsiyo ni Kurt pagkuwan. “Para makita na rin ninyo ang resort ng family namin sa Davao. Nandoon din ang mga miyembro ng partido. Pag-uusapan kasi namin kung ano ang gagawin naming pag-o-organize sa kampanya.”
“I am sorry, I can’t come,” walang gatol niyang sabi. She didn’t even bother to look sorry.
“Of course, Kim is coming,” mariing sabi ng Papa niya kahit na nakangiti. Parang sinasabi nito na wala siyang karapatang tumutol.
Kay Kurt niya itinuon ang paningin. “May charity medical mission ako sa Cordillera kasama ang ibang mga volunteer doctors.”
“Sabihin mo sa mga kasamahan mo na hindi ka makakasama,” singit ng Papa niya. “Kailangan ka ni Kurt sa tabi niya. Ano na lang ang sasabihin ng kapartido at kapamilya niya? Na ikaw mismong girlfriend niya ang wala doon.”
“Nag-back out ang ibang mga kasamahan ko kaya hindi ako pwedeng mawala. Importante ang medical mission na iyon dahil marami ang nag-e-expect ng tulong namin lalo na ang mga cultural minorities,” paliwanag niya.
Ngumiti si Kurt. Isa sa mga madadalang na pagkakataon na nakikita niya ang ngiti nito. “Sasabihin ko sa mga kapartido ko na hindi ka makakasama. Mas gusto kong ipagmalaki sa kanila na hindi makakarating ang future wife ko dahil abala ka sa pagtulong sa ibang tao. Kaysa naman tinalikuran mo ang mga nangangailangan dahil lang gusto mong magsaya. Matutuwa ang mga constituents ko.”
Muntik na siyang matawa habang pinagmamasdan ang pagtirik ng mga mata ni Atasha. Di ito pabor sa kasal nila ni Kurt. Isa itong sikat na businessman na naka-concentrate ang negosyo sa timog na bahagi ng bansa. Malaki ang utang ng pamilya niya dito lalo na nang mamatay ang lolo niya. Bilang kapalit, ipinagkasundo sila nito dahil tatakbo itong congressman sa balwarte ng angkan nila sa Davao. Kailangan nito ng isang galing sa angkan ng mga pulitiko doon. And she was the perfect candidate. Kaya kahit na nagme-medical mission siya sa Kenya, Africa ay pinilit siya ng Papa niya na umuwi sa Pilipinas upang ipakasal dito.
“Thank you for understanding, Kurt. I am sure the festival can survive without me. Ihingi mo na lang ako ng sorry sa Mama mo.”
“No problem. Basta makakabuti sa pangalan at reputasyon mo ang ginagawa mo, okay lang. Next time, doon naman kayo sa province namin mag-medical mission. Maraming mga kababayan natin ang nangangailangan ng medical attention doon lalo na sa mga liblib na lugar.”
“Sure. I will tell my colleagues.”
Tumikhim ang Papa niya. “Hindi yata ninyo napag-uusapan kung kailan ang engagement party ninyo. Naiinip na ako.”
Hindi pa official ang engagement nila. Sa dami ng inaasikaso, wala nang oras para mag-prepare. Muli kasing inaayos ng Papa niya ang negosyo nito. Si Kurt naman ay abala sa negosyo at sa pagtakbo nito sa pulitika. Habang siya ay laging nasa mga medical mission.
“Gusto pa po naming makilala ni Kim ang isa’t isa,” sagot ni Kurt.
“Paano ninyo makikilala ang isa’t isa kung hindi naman kayo nagkakasama?” tanong ng Mama niya.
“Mas nakikilala ko si Kim kapag nakikita ko kung paano siya tumulong sa ibang tao. Madali na lang ang ibang bagay kapag kasal na kami.”
“Tama si Kurt, Ma,” sang-ayon niya. After all, iyon naman ang dahilan kung bakit siya pakakasalan nito. The perfect politician’s wife. Iyong malapit sa masa at tumutulong sa nangangailangan. Their personal relationship is almost nonexistent.
Tumayo si Kurt. “Paano, aalis na po ako. May imi-meet pa akong Chinese clients sa Manila Hotel.”
Kinamayan ito ng Papa niya. “Magkita tayo bago ka pumunta sa Singapore bukas. And expect us to be at the Kadayawan. Gusto ko ring makita ang resort mo.”
“Siguro naman sasama si Tita Bettina at si Atasha,” magalang na sabi ni Kurt.
“Of course,” nakangiting sabi ng Mama niya.
“Kim, ihatid mo na si Kurt sa labas,” utos sa kanya ng Papa niya.
“Thank you for joining us for lunch, Kurt,” sabi niya nang ihatid niya ito sa Jaguar nito. “I know you are busy.”
Tumango ito. “Take care of yourself. If you need my bodyguards to assist you on your trip, don’t hesitate to tell me.”
Mabilis siyang tumanggi. “No. I don’t need guards. Mas kailangan mo sila. Isa pa, may mga kasama naman ako na mga doktor. Sanay na silang mag-travel sa lugar na iyon. And they guarantee me that it is a safe place.”
Nang umuwi siya sa Pilipinas, balik na naman siya sa pagiging preso. Overprotective masyado ang papa niya. At nawawalan lang siya ng bantay kapag sumasama siya sa charity medical mission.
“Mag-ingat ka na lang kapag nasa Cordillera ka. Maybe I’ll see you when you get home.” Kinintalan siya nito ng halik sa pisngi. “Bye!”
Pabalik na siya sa kuwarto niya para mag-empake ng gamit niya papuntang Cordillera nang masalubong niya si Atasha. “Iyon ba ang pakakasalan mo? Wala man lang kabuhay-buhay humalik. Sa pisngi!”
“Kurt knows where he stands. Marriage for convenience lang naman ang mangyayari sa amin at hindi niya kailangang maging sweet sa akin kung wala namang audience.”
Sumunod ito sa kanya papasok ng kuwarto. “Kahit na. Siya na yata ang pinakawalang-kabuhay-buhay na groom to be na nakilala ko. Wala nga yatang emosyon ang lalaking iyon. May testosterone ba siya?” Tinaasan siya ito ng kilay. “I mean male hormones.”
“Guwapo naman siya,” aniya at inilabas ang mga slacks. Mas seryoso nga lang ito at mukhang suplado at arogante.
Dumapa si Atasha sa kama niya at nakapangulambaba siyang pinanood sa pag-aayos ng gamit. “Parang hindi siya naa-attract sa babae. Hindi kaya miyembro siya ng pederasyon?” mahina nitong tanong.
“Ash!” saway niya dito na sinagot naman nito ng tawa.
Minsan, si Atasha pa ang mas matured mag-isip sa kanya. May pagkakataon pa nga na sinesermunan siya nito kahit na mas bata ito sa kanya ng tatlong taon. Nag-aaral siya Germany ng Medicine nang maulila ito sa mga magulang. In-ambush ang Papa nito na mayor noon ng isang bayan sa Davao. Kinupkop na ito ng mama at papa niya. At kahit na nagkalayo, malapit sila sa isa’t isa. Dahil mas magkalapit ang edad, mas naiintindihan siya nito kaysa sa mga magulang niya.
Umupo ito sa kama. “Sorry. Pero hindi ko ma-imagine ang sarili ko magpapakasal sa katulad niya. Wala yatang tumakbo sa isip niya kundi gumawa ng pera at ang mga plataporma niya. Matagagalan mo ba siya?”
“Magkasundo kami,” kaswal niyang sagot.
Nang pumayag siyang magpakasal dito, nag-set agad sila ng rules. There will be no consummation of marriage. Hindi rin nito pakikialaman ang mga ginagawa niya lalo na ang trabaho niya hangga’t hindi nakakasama dito. At ganoon din siya.
“You don’t love him.”
“So what? Hindi ko naman siya pakakasalan kung buhay lang si Rohann.” Isa pa, parang business deal lang ang mangyayaring kasalan. Both of them can benefit from it. At higit sa lahat, hindi rin pakikialaman ni Kurt ang mga alaala ni Rohann.
“Iyan ka na naman. Rohann na naman. Kung bakit kasi ayaw mo siyang tanggalin diyan sa isip mo. Bakit mo nililimitahan ang kaligayahan mo sa isang taong patay na? Makulay pa ang mundo. Stop wallowing in pain.”
Tumigil siya sa pagkuha ng mga toiletries sa bathroom at pinagmasdan ang sarili sa salamin. Malaki na ang ipinagbago ng anyo niya. Pero nakikita pa rin niya ang isang babaeng naghihinagpis. Ang isang babae na patuloy na dinadalaw ng kanyang madilim na nakaraan. Ng isang alaala na hindi niya mapakawalan.
“Ito siguro ang parusa sa akin dahil ipinahamak ko si Rohann.”
Tumayo si Atasha sa likuran niya at ginagap ang balikat niya. “Pero mahal mo si Rohann. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Try to love Kurt. Malay mo, mag-work out ang marriage ninyo.”
“I can’t,” aniya at iniwas ang tingin sa sariling repleksiyon. “I love Rohann.”
“Hindi na babalik si Rohann. He is dead!”
Hinarap niya si Atasha. “And I am also as good as dead.”