Skylander Series Chapter 22

Hindi makagalaw si Kim habang pinapanood si Rohann na ilapag ang tray ng pagkain sa mesa niya. “Ipinadala lang sa akin ni Aki ang pagkain mo. Hindi ka daw pwedeng bumaba dahil sa injury mo.”

Akala niya noong una ay nanaginip lang siya. Subalit nang marinig niya ang boses nito at naramdaman niya ang pagpatak ng luha sa pisngi niya, saka niya naramdamang gising siya. Kusang gumalaw ang paa niya palapit dito at hindi na niya napigil ang sarili na yakapin ito nang mahigpit.

She wanted to know if he was real o kung tatagos lang siya sa hangin kapag hinawakan niya ito. “Rohann, I thought you were just a dream. Akala ko hindi ka na ulit magpapakita sa akin.”

She froze when she made contact in a solid and warm body. Gulat siyang napatingin dito. He was Rohann. Mas nag-mature lang ito ng ilang taon pero alam niyang ito si Rohann. May kahabaan ang buhok nito na lagpas tainga. At mas lalo lang naging tan ang balat nito. But he still has a face of an angel and those same black eyes. But those eyes were devoid of emotions. As if he doesn’t know her.

“Rohann?” usal niya at lumayo dito.

Imposibleng ito si Rohann. Patay na si Rohann. While the guy in front of her was made of flesh and blood. But the resemblance was so startling. Dahil kamukhang-kamukha ito ni Rohann.

“Sabi sa akin ni Randy, ipaalala ko daw na uminom ka ng gamot. At tumawag ka daw agad sa baba o kahit sa cellphone nila kapag may nararamdaman kang hindi maganda para mapuntahan ka nila agad. Dapat maging maingat ka sa pagbaba ng hagdan. Madulas talaga ang hagdan dito dahil kahoy at alaga sa bunot.”

Natigagal siya. He also has Rohann’s voice. “I-Ikaw ba ang nakita ko sa terrace kagabi?” paniniyak niya. Gusto muna niyang tiyakin kung multo nga ang nakita niya o tao.

“Yes.”

“Ikaw ang kapatid ni Mikhaila na tumulong sa kina Randy na dalhin ako sa ospital? Ikaw ang bumuhat sa akin?”

Tumango ito. “I was there when you fell down.”

Kung ganoon ay tao nga ang nakita niya. Tinitigan niya ito at huminga nang malalim. It might sound crazy but she still has the need to know. “A-Are you Rohann Madrigal?” tanong niya sa nanginginig na boses.

Alam niyang kabaliwan iyon dahil patay na si Rohann. At imposible rin na magkaroon ng dalawang Rohann Madrigal na magkamukha at magkaboses.

Humalakhak ito na parang nakaka-insulto. Kumunot ang noo niya. Hindi siya sanay nang pinagtatawanan nang ganoon samantalang seryoso naman ang tanong niya. “What’s funny?” tanong niya.

“I am Rohann Madrigal. Ano ba namang klaseng tanong iyan, Kim?”

Humakbang siya paurong at nanlalambot na napaupo sa kama. “B-Buhay ka pa?” hindi makapaniwala niyang tanong.

“Matagal mamatay ang masamang damo.” She shuddered when he touched her face. “Too bad, hindi natuloy ang plano ninyo ni Rory na patayin ako.”

Saglit na tumigil sa pagtibok ang puso niya habang nakatitig sa mga mata nito. Buhay na buhay iyon sa matinding galit. “P-Pero sinabi nila Papa sa akin na patay ka na,” aniya sa nanginig na boses.

“As you can see, I am very much alive.”

Napaiyak siya sa sobrang tuwa. Sa loob ng labindalawang taon, pinaniwala siya ng mga tao sa paligid niya na patay na si Rohann. She wanted to touch him but the blazing storm in his eyes stopped her. Hindi siya makakalusot sa galit nito ngayong alam niyang buhay ito. She couldn’t touch him like she did before.

“H-Hindi ko talaga alam ang tungkol sa plano nila Rory, Rohann. I’m really sorry if they hurt you…”

“Too bad. Hindi naitatama ng sorry ang mga pagkakamali sa mundong ito.”

Lalo siyang napaiyak sa sinismo sa boses nito. Malayong-malayo ito sa Rohann na nagmahal sa kanya noon.

“Shhh…” Magaang pinahid ng daliri nito ang luha sa mata niya. “Don’t cry, Kim. I promise, hindi kita sasaktan. Hindi ako bayolenteng tao lalo na sa isang babae. Kahit pa sa isang traidor.”

“I didn’t betray you, Rohann.”

“Stop it, Kim!” mariin nitong sabi at tumuwid nang tayo.

“How did you manage to survive?” pabulong niyang tanong.

“Hindi ako sumusugod sa isang lugar nang walang kasiguraduhan. I have friends who can pull me out of trouble. Hindi ako papayag na mawalan din ng pangarap katulad ng ginawa ng kapatid mo kay Kuya Jet. Too bad, ang taong isinama ko pa sa mismong pangarap ko ang sumira ng lahat ng iyon.”

“I grieved for twelve years,” pagpapatuloy niya at hindi pinansin ang panunumbat nito. “Kung pwede lang na ako ang tumanggap ng lahat ng pananakit nila sa iyo. Kung pwedeng ako na lang sana ang namatay noong sinabi nila Papa sa akin na wala ka na…”

“You don’t look like you are in grief. You actually look great. Isa ka nang doktor, Kim. Iyon ang pangarap mo noon, hindi ba?”

“I have to go on living. I want to feel normal kahit alam kong hindi normal ang lahat. Pero ngayong buhay ka na…”

“I doesn’t make any difference if I am alive,” he said as he shrugged his shoulders. “May sari-sarili na tayong buhay. Let’s pretend that we don’t know each other. Na ngayon lang tayo nagkita. Sa tingin ko, iyon din ang gusto mo, di ba?”

“Pero Rohann…”

“Daddy! Daddy!” putol ng boses ng isang bata sa sasabihin niya.

Binuksan ni Rohann ang pinto. “Ayeka, I am here. What do you want, sweetheart?” tanong nito sa batang babae na sa tingin niya ay nasa tatlong gulang.

“Mama is looking for you. Sabi po niya, kulang ng tao sa kitchen.”

Natulala siya habang pinapanood ang pag-uusap ng dalawa. Hindi siya makapaniwala. Tinawag ng bata na Daddy si Rohann.

“Bababa na po ako,” malambing na sabi ni Rohann. “And next time, don’t use the stairs without someone old with you. Kundi, baka malaglag ka sa hagdan.”

Napatingin sa kanya si Ayeka. “Bakit po siya? She’s old like you but she fell down the stairs,” anito at itinuro siya.

Hindi niya maiwasang mapangiti sa pagiging bibo ng bata. “Because I am not careful, pumpkin. So you should take a lesson from me.” Umuklo siya sa harap nito. “What is your name?”

“I am Ayeka Madrigal. And your name, Ma’am?”

Inilahad niya ang palad. “I am Doctor Kim.”

Nakangiwi nitong hinaplos ang benda sa noo niya. “Masakit po ba ang sugat ninyo? Kaya kayo umiiyak?”

Nawala ang ngiti niya at napatingin kay Rohann. Wala siyang mabasa sa mukha nito habang pinagmamasdan sila ni Ayeka. Muli niyang ibinalik atensiyon sa bata. “Yeah. Masakit ang sugat ko.” Pero isa iyong sugat na hindi nakikita. Dahil lalo lang nadagdagan ang sakit sa puso niya dahil sa batang ito na anak ni Rohann.

Kinintalan siya ni Ayeka ng halik sa noo. “Iyan! Na-kiss na po kita. I also want to be a doctor like you. Gusto ko ring gumamot ng mga taong nalalaglag sa hagdan.”

“That is good. I know you will be a great doctor someday.”

“Babalik na po ako sa kitchen, Doctor Kim.” Tumingin ito sa tray ng pagkain niya na hindi pa nababawasan. “Eat your breakfast and drink your medicine.”

Kumunot ang noo ni Rohann. “And where did you learn that, sweetheart?”

“I heard it from Doctor Randy. I must know the ways of the doctor because I will be a great one someday. Am I right, Doctor Kim?”

“Yes, Doctor Ayeka.”

“Pwede po akong manood kapag ginamot ka mamaya? Gusto ko pong makita kung paano pinapalitan ang bandage at…”

Nanlaki ang mata ni Rohann. “Ayeka, no! Huwag mo silang guguluhin or I will lock you in your room.”

“Ayoko po!” anang si Ayeka at nagtatakbo sa hagdan.

“Ayeka, be careful!” anang si Rohann nang hindi na ito mahabol.

“She’s a smart kid,” komento niya habang pinagmamasdan si Rohann na inalalayan ng tingin ang pababang si Ayeka.

Seryoso na ulit ang mukha nito nang humarap sa kanya. “How long are you staying here?”

“Three more days. We will be leaving on Thursday.”

May iba pang mga lugar na gustong puntahan si Randy. Ilang araw rin kasing bakasyon ang ipinagpaalam ng mga ito sa ospital.

“Enjoy your stay here, Kim. But after your medical mission, I would really love to see you go. At sana, tumupad ka sa pinag-usapan natin.”

“Anong pinag-usapan?”

“Pretend you don’t know me. At mas mabuti pang hindi rin tayo masyadong maglalapit. Mag-iwasan na lang tayo. Mas makakabuti iyon sa ating dalawa.”

“I can’t do that, Rohann!” tutol niya. Paano niya masasabi dito ang lahat ng gusto niyang sabihin kung magkukunwari silang hindi magkakilala? At paano siya lalayo dito kung ito ang hinahanap-hanap niya sa loob ng labindalawang taon?

“Forget about our past, Kim. Forget about me,” sabi nito at naglakad pababa ng hagdan.

Parang mauubusan siya ng lakas nang isara ang pinto ng kuwarto niya. Why is life so unfair? Paano niya kalilimutan ang lalaking mahal niya? Ang lalaking pinagbuhusan niya ng halos kalahati ng buhay niya?

But maybe she must forget him. He already has Ayeka. May pamilya na ito. Kinalimutan na siya nito.

NAKAUPO sa lounging chair sa terrace si Kimberly habang pinapanood ang paglalaro nina Ayeka at Rohann. Tanghali na noon ngunit hindi mainit ang araw. Hindi kasi niya matiis na hindi ito makita kahit na nasasaktan siya.

Inilapag ni Evelyn sa center table ang vegetable salad. Vegetable salad kasi ang hiningi niyang tanghalian para magaan sa katawan. “Pwede ka na ba talagang bumangon? Hindi ka ba nahihilo?”

“Ha?” tanong niya dahil hindi niya naintindihan ang sinabi nito.

“Ano ka ba? Kanina pa ako salita nang salita dito, hindi mo naman ako pinapansin,” anito at ipinagsalin na siya ng salad sa plato.

“Sorry, hindi talaga kita narinig.” Masyado siyang na-focus sa panonood kina Rohann at Ayeka.

“Hindi ko alam kung dahil sa sugat mo sa ulo kaya ka tulala o dahil sa magandang tanawin. Cute siya, no?”

“Si Ayeka?” tanong niya.

“Si Rohann,” anito at sumubo ng pipino. “Type mo?”

“Hindi,” kaila niya at itinuon ang atensiyon sa pagkain. “May asawa’t anak na siya. It is a grave sin!” Kahit naman mahal niya si Rohann, hindi niya ipagsisiksikan ang sarili sa isang taong pamilyado na.

“Gaga! Binata pa iyan. Kaso…”

“Binatang-ama siya?”

“Ano ka ba? Pamangkin lang niya si Ayeka. Anak iyan ni Mikhaila na kapatid niya. Kaso masyado siyang suplado.”

“Pero crush mo pa rin?” kunwa’y tukso niya dito. Subalit nakahinga siya nang maluwag nang malamang wala pa itong pananagutan.

“Kahit naman siguro sinong babae, mai-in love sa kanya. May sarili na siyang bahay dito at sa Manila. Nakikita mo iyong white na villa sa taas ng daan na may satellite dish?” Tumango siya. “Sa kanya iyon.”

“Ano ba ang trabaho niya?”

Nasapo nito ang noo. “Hindi mo ba alam na siya ang wu shu gold medalist na lumaban sa China last year? Sikat na sikat siya noon. Saka marami pa siyang ibang wu shu competition na napanalunan. Lahi sila ng martial artist. At ang usap-usapan, siya ang magre-represent sa Pilipinas sa wu shu kapag nagkaroon sa Olympics.”

Nakadama siya ng panghihinayang dahil wala siya para malaman ang malaking tagumpay nito. Pangarap nito na maging sikat na international martial artist. Sayang. Wala siya noon. Wala na siyang interes noon sa mga malalaking balita sa Pilipinas dahil volunteer doctor siya noon sa ibang bansa.

“Malayo na pala ang narating niya,” mahina niyang usal. Kung nalaman agad niya na buhay ito, siya sana ang nasa tabi nito sa tagumpay nito.

“Pero nagpapahinga muna siya ngayon. Sobrang dami kasi ng trabaho. Saka mas masarap daw magpalakas ng katawan dito sa Sagada.”

“Marami ka yatang alam tungkol kay Rohann.”

“Siyempre. Close yata kami ni Mikhaila,” pagmamalaki nito. “Para naman maging boto siya sa akin kapag niligawan ko ang kapatid niya.”

“Professional ka, Eve. Hindi mo kailangang manligaw ng lalaki.”

“Pwede. Ayoko yatang maging old maid. Kaya kung type mo si Rohann, sorry ka na lang,” anito at umingos. “Dahil malaki ang problema mo.”

“Dahil hindi ka magpapatalo pagdating kay Rohann?”

“Dahil ikakasal ka na,” paalala nito. “Kaya huwag mo nang pag-interesan si Rohann. Doon ka na lang sa Kurt mo.”

Tahimik siyang kumain habang iniisip ang sinabi nito. Kurt doesn’t matter anymore. She would give up everything for Rohann. Pero hindi niya alam kung kaya pa siyang patawarin nito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.