Kimberly’s heart burst with pride when she saw the plaques and medals hanging on the wall. Lahat iyon ay nakapangalan kay Rohann. May mga picture din ito habang binibigyan ng award sa martial arts competition na sinalihan nito. He was so lithe in those pictures. She saw him practiced in karate before. Pero mas mukha itong graceful na tingnan sa wu shu.
“Your tea,” anito at inabot sa kanya ang tasa ng umuusok na tsaa. Tumayo ito sa tabi niya at pinagmasdan siya. “Why are you smiling?”
“I can’t believe that you had gone this far. Not that I don’t believe in your talent. Alam ko naman na malayo ang mararating mo,” puri niya dito.
“Hindi talaga ako makapaniwala na hindi mo ako nakilala. I was all over the news for sometime.” Tumanaw ito sa bintana. “Medyo illusive lang ako sa press. Wala naman akong hilig sa publicity.”
“Kahit sikat na sikat ka, wala pa rin akong malalaman tungkol sa iyo. They kept all the news from me. Nang maka-graduate ako sa Medicine school, sumama ako sa volunteer doctors sa mga depressed area. I went to Africa and Latin America. Mas gusto ni Papa na sa ganoong klaseng bansa ako pumunta kaysa sa Pilipinas. Kung hindi nagka-problema sa properties ng lolo ko, hindi pa kami babalik dito.
“And I don’t want to hear anything about sports. It is painful to see people who excel in them, especially in martial arts. Naiisip ko na kung hindi ka namatay, baka isa ka na sa kanila.”
“You have no reason to feel guilty now,” anito at nilingon siya. “I am alive. I am sure mas matagal ka nang naka-recover kung nabalitaan mo ang tungkol sa akin. Sayang. Napakatagal na panahon kang kinain ng guilt mo.”
“We are back to zero,” aniya at huminga nang malalim. He was right. One night can’t make everything right. Daig pa niya ang binaril sa sinabi nito. He made love to her to exorcise the nightmare. But he was honest. He didn’t lure her with false promises. If only he made love to her out of love.
“We made love to chase away the nightmares, remember? But it doesn’t take away the years of pent-up anger and pain.”
“Tama ka. Hindi ganoon kasimple ang lahat. Are you happy with your life, Rohann? Natupad mo na ang mga pangarap mo.”
Pinagmasdan nito ang mga award at ngumiti nang mapait. “I don’t really know what happiness means. Hindi ko rin pangarap ang mga medals na iyan. Humiram lang ako ng pangarap kay Kuya Jet. Wala talaga akong pangarap.”
“You told me that you have dreams for me then.”
“Ilusyon lang ang lahat ng iyon. Bahagi ng isang bangungot na pilit kong kinakalimutan.” Nasaktan siya dahil buhay pa rin sa kanya ang mga pangarap nila para sa isa’t isa. Dahil alam niyang hindi matutupad ang mga pangarap na iyon sa piling ng iba. Tanging kay Rohann lang.
“I can see it in your eyes, Rohann. Hindi pa rin nawawala ang bangungot. I wonder if it would really go away.”
“What if one night with me won’t totally end the nightmare? Do you regret giving yourself to me?” he asked while he eyed her intently.
“No,” sagot niya at sinalubong ang mata nito. Paano niya pagsisihan ang isang bagay na ginawa niya dahil sa pagmamahal niya dito? “Do you regret making love to me, Rohann?”
“Oo. Dahil sinamantala ko ang kahinaan mo. I did the most improper thing. I am not used to one-night stand,” he said harshly.
“So do I.”
“I don’t usually bed someone who is engaged to be married.”
“I won’t marry Kurt anymore.”
“Don’t complicate things, Kim. Hindi dahil may nangyari sa atin, ibig sabihin babalik na tayo sa dati. Sisirain mo ba ang lahat ng plano ng magulang mo sa iyo dahil lang sa akin?”
“This is my life, Rohann. Desisyon ko na ibigay ang sarili sa iyo. Desisyon ko rin na huwag pakasalan si Kurt. Whatever the reason is. Whether I did it out of guilt or love, I won’t oblige you. Ako ang responsible sa lahat ng galaw ko.”
Siya ang bahalang humarap sa galit ni Kurt at ng mga magulang niya. At kahit hindi na siya mahalin pa ni Rohann, hindi pa rin siya magpapakasal kay Kurt. It would be unfair for both of them. Kahit pa nga sabihing marriage for convenience lang ang magiging relasyon nila.
“Ginagawa mong komplikado ang lahat. Mabuti pa, bumalik na lang tayo sa guesthouse. Baka hinahanap ka na ng mga kasamahan mo.”
Tahimik silang naglakad. Nagulat siya nang gagapin nito ang kamay niya. “Masyadong malamig ngayon. I’ll fix you another cup of tea when we get there.”
“Don’t bother, Rohann.”
She doesn’t understand him at all. One minute, he almost cursed her. At kung kailan sinusubukan niyang ilayo ang loob dito, saka naman ito nagpapakita nang maganda. Hindi ito nakakatulong sa kanya.
Subalit bigla siyang bumitiw dito nang salubungin sila ng mga kasamahan. “Where have you been, Kim?” tanong ni Randy. “Kanina pa kami hanap nang hanap sa iyo. Hindi ka kasi nakita ng mga staff ng guesthouse na lumabas.”
“Nag-jogging lang ako. Maaga kasi akong nagising,” palusot niya.
“Tinakot mo kami. Hindi ka kasi nagpapaalam,” sabi ni Eve na biglang ngumiti nang makita si Rohann. “Good morning, Rohann!”
“Magkasama ba kayong dalawa,” nagsususpetsa naman na tanong ni Marivic habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Rohann.
“Nagkasabay lang kami papunta dito,” sagot naman ni Rohann. “Hindi rin kasi maganda na mag-jogging siyang mag-isa lalo na’t may sugat pa siya.”
“Thank you for assisting her, Rohann,” sabi ni Randy at iginiya siya papasok ng guesthouse. “Naabala ka tuloy namin.”
“No. Papunta talaga ako dito.”
“Mabuti pa, mag-breakfast na tayo,” sabi ni Eve at um-abrisyete kay Rohann. “Why don’t you join us for breakfast?”
“I can’t. Kailangan kong mag-assist sa kitchen. Baka nga pagalitan ako ni Mikhaila dahil late na ako. May order na ba kayo for breakfast?”
“Ikaw na lang ang breakfast ko,” malambing na sabi ni Eve at pinapungayan ito ng mata. Ngumiti lang si Rohann. Napakadali nitong ngumiti sa iba. Habang sa kanya ay napakadamot nito. Dahil kahit na naging intimate na sila, hindi pa rin nagbago ang pakikitungo nito sa kanya.
Tumikhim si Randy at hinila si Eve. “Pabayaan mo na si Rohann. Sobra-sobra na ang pang-aabala natin sa kanya.”
“Magkita na lang tayo sa restaurant,” sabi ni Rohann at sumulyap nang bahagya sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang pag-amo ng mga mata nito. O lungkot ba iyong nakita niya?
“Sayang. Dapat pala sumabay akong mag-jogging sa iyo, Kim. Sana kasabay ko rin si Rohann papunta dito. Nakakainis ka naman,” maktol ni Eve.
“Tama na iyan,” awat ni Randy sa kanila. “Mag-breakfast na tayo dahil marami pa tayong trabaho ngayong araw na ito.”
“Pwede na ba akong sumama?” tanong niya. Nasa mood na siyang magtrabaho. Sa unang pagkakataon, parang nahawi ang ulap na nakalambong sa pagkatao niya. She felt alive again.
“Hindi pa pwede. Baka hindi mo pa kaya.”
Ngumiti siya. “Sa tingin ko, kaya ko na.”
“HOW’S Davao?” tanong ni Kimberly nang tawagan si Atasha kinagabihan. Nasa terrace siya at nagpapahinga bago maghapunan. She was smiling the whole day. Siguro dahil alam niyang anumang oras ay makikita niya si Rohann.
“Oh, Tito and Tita love it here. Lalo na ang seafoods. The place is a paradise but your boyfriend is a snake!” Atasha hissed.
“What did he do this time?” Laging mainit ang ulo nito kay Kurt.
“Everybody thought that I am his girlfriend! Nakakainis!” maktol nito. Magkahawig silang dalawa at di ilang beses na napagpapalit sila ng mga tao. Malalaman lang na ito si Atasha kapag tumaas ang kilay at umirap. May pagka-suplada kasi ito at intimidating. “And he kissed me!”
She breathed sharply. “Sa lips? Torrid? French kiss?”
“Sa noo lang. Just to please his grandma. Kailan ka ba babalik dito? Naiinis na ako sa Kurt na iyon,” anitong parang iiyak. “Baka naman hanggang kasal ninyo, ako pa rin ang maging ikaw. Ayoko na.”
“I am sorry, Ash. I can’t go back yet. Rohann is here.”
“Sa Sagada? Minumulto ka. Oh, no!” bulalas nito. “Shall I fetch exorcists and shamans for you?”
“No! Rohann is alive!”
“Uh-oh!” usal nito. Ilang sandali itong natahimik. Akala niya ay hinimatay ito. “Is he glad to see you?”
“Well, he hates me.”
“Let him go, Kim. May future na naghihintay sa iyo dito kasama si Kurt. You can get over him. You can’t undo the past.”
“Siguro nga hindi ko mababago ang nakaraan. But I can do something for our future. I want to be with him.” Ikamamatay niya kung malalayo pa siya kay Rohann.
“Don’t tell me…Paano mo sasabihin kina Tito?” anitong medyo histerikal na.
“Ayoko muna. Lalo na kay Papa.” Gusto niyang ayusin muna ang lahat kay Rohann. She doesn’t want her father intervening with their lives again. “I intend to win him back first. He isn’t over the past. He doesn’t forget. The least I could do is heal those wounds.” She wanted to see Rohann dream again.
“At ano ang gagawin mo kay Kurt?”
“I won’t marry him anymore.”
“You are making my head ache, Kim!”
“Huwag mong pasakitin ang ulo mo. Problema ko ito. Sinabi ko lang sa iyo dahil may tiwala ako sa iyo. Will you support me?”
“Basta naman sa pag-ibig, suportado kita. Mag-ingat ka.”
“Thanks, cousin. I have to go. Magdi-dinner na kami.”
Pagdating niya sa restaurant ay siya na lang ang hinihintay ng mga kasama. Bawat isa sa mga ito ay excited nang bumalik sa Manila.
“Grabe! Miss na miss na ako ng mga pasyente ko!” bulalas ni Marivic na kanina pa ring nang ring ang cellphone.
“Ako rin,” anang si Eve na ngiti nang ngiti sa foreigner na nasa kabilang table. “Sayang. Ang dami pa manding guwapo dito.”
“Gusto kong magpaiwan dito, Randy,” sabi niya matapos ibigay ang order sa waitress. “I need a break.”
“Hmp! Wedding jitters lang iyan,” sabi ni Eve. “Kung nagdadalawang-isip ka na pakasalan si Kurt, sa akin mo na lang ibigay.”
“Palibhasa di ka lang pinansin ni Rohann,” kantiyaw ni Marivic.
“Pero sa akin ka ipinagkatiwala ng Papa mo,” protesta ni Randy. “Hindi kami pwedeng bumalik sa Manila nang wala ka.”
“Magpapaalam ako kay Papa. Saka magpapasundo naman ako sa kanya kung sakaling babalik na ako sa Manila. Believe me, I am okay alone.”
“Pero may sugat ka pa,” nag-aalalang sabi ni Randy.
“I can take care of myself. Hindi na siya masakit dahil lagi akong umiinom ng gamot. Saka tatanggalin naman na ang stitch niya tomorrow morning, di ba?”
“She wants to stay here. Pabayaan mo na siya,” sabi ni Marivic.
Nagkibit-balikat si Randy. “Sige na. Dalawa kayo at mag-isa lang ako. But make sure you are okay. At kapag nakaramdam ka nang hindi maganda, magpasundo ka na agad sa Papa mo.”
“Yes, Doc,” sagot niya. Iyon ay kung aalis pa siya ng Sagada.
“GUSTO ko rin sanang magpaiwan. Kaso maraming pasyente na nakaka-miss ng beauty ko. Kawawa naman sila. Mag-ingat ka dito, ha?” sabi ni Marivic at hinalikan siya sa pisngi.
“Ibinilin na kita kay Mikhaila,” sabi ni Randy. “Enjoy your vacation.”
“Thanks for bringing me here, Randy.” Malaki ang utang na loob niya dito. Kung hindi dahil dito, hindi niya makikita ulit si Rohann.
“Bye, Kim!” paalam ni Marivic at ihinatid niya ng tanaw ang sasakyan.
Paakyat siya sa hagdan nang mamataan niyang palapit sa kanya si Mikhaila. Hindi niya alam kung babatiin ito. Mainit kasi ang dugo nito sa kanya.
“Pwede ka bang makausap?” tanong nito sa seryosong tono. Gone was the friendly Mikhaila who always has a ready smile. She was not smiling at all.
Tumango siya. “Sure.”
“Hindi ako ang kakausap sa iyo,” anito at iginiya siya papunta sa isang kuwarto na malapit sa kitchen. Nagulat siya nang may marinig na lagabog sa loob niyon. Kinatok nito ang pinto. “Arwen, you can calm down now. She’s with me.”
Saka lang tumigil ang pagka-iingay sa loob ng kuwarto. Kinabahan siya at atubiling tumingin kay Mikhaila. Anong klaseng pagkausap ang gusto nitong gawin niya sa isang taong nagwawala? At bakit ito nakakulong? Hindi naman siguro isang baliw ang kakausap sa kanya kaya ito ikinulong.
Bahagyang ngumiti si Mikhaila. “Get in. Walang laman ang kuwarto na iyan. Walang magagamit na weapon si Arwen para ibato sa iyo. So she’s harmless. Kakausapin ka niya,” paniniyak nito. Tinanggal ni Mikhaila ang pagkakasusi ng kuwarto at binuksan iyon. “Don’t worry. You will come out alive.”
Huminga siya nang malalim at pumasok. Sinalubong siya ng matalim na tingin ng isang babae. They were as black as coal. Katulad ng mga mata ni Rohann. She was the female version of Rohann. While Mikhaila was more like Jet who has a serene face. The younger woman looks sane. Hindi naman ito mukhang baliw. Pero nakadama pa rin siya ng takot dito.
“I am sorry. I can’t ask you to take a seat. Inalis na nila ang lahat ng gamit dito. Natatakot si Ate Aki na baka ibato ko iyon sa iyo.”
Sumandal siya sa pader at humalukipkip. “Gusto mo akong makausap?”
Tumayo ito sa harap niya habang di inaalis ang tingin sa kanya. Para itong isang leon na matamang binabantayan ang hapunan. She felt like she was in a lion’s den. “Ano ba ang kailangan mo kay Kuya Rohann? Bakit ka pa bumalik?”
“I don’t even know that he is alive.”
“At ngayong alam mo na, gusto mo na naman siyang saktan.”
Tumuwid siya nang tayo. “I won’t hurt him. I love your brother, Arwen.”
“Kung mahal mo siya, patatahimikin mo na siya. Masaya na si kuya!”
“Mukha ba siyang masaya?” naghahamong tanong niya dito. “Hanggang ngayon, puro galit pa rin ang nasa puso niya. Nandito ako para alisin iyon.”
Namaywang ito. “Masaya ka! Sino ka para gawin iyon? Ikaw nga ang nanakit sa kanya. At paano mo naman gagawin iyon?” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “Free access to your body? Di ka na niya babalikan. May iba na siyang mahal. Si Patricia.”
Namutla siya. “May girlfriend na siya?”
“Malapit na. Mahal siya ni Patricia. At siya ang babaeng aalis ng lahat ng sakit na ibinigay mo kay kuya.”
Hindi siya nagpakita ng panghihina. “I won’t give up. Hangga’t hindi ko siya nakikitang masaya, I will stay here,” matigas niyang sabi.
Lalong dumilim ang anyo nito. “Then you are not welcome here anymore. I can’t stand the sight the girl who ruined my brother’s life.”
“I am leaving the guesthouse. But I am not leaving Rohann,” sabi niya at binuksan ang pinto. “I know that Rohann needs me.”
“Gusto mo bang kaladkarin pa kita?”
“Arwen!” saway ni Rohann dito. Nagulat siya dahil paglingon niya ay nasa pinto na ito. “You have no right to treat her that way.”
“She’s not a visitor here anymore. You heard her. She’s leaving. Huwag mo siyang protektahan, kuya,” may babalang sabi ni Arwen.
Hinawakan ni Rohann ang kamay niya. “If she’s leaving the guesthouse, she’s staying in my house.”
“She brings nothing but trouble. Guguluhin na naman niya ang buhay mo.”
“Don’t worry, Arwen. I can handle the trouble this time,” sabi ni Rohann at inalalayan siya palabas ng silid.
Matalim pa rin ang tingin ni Arwen sa kanila habang palayo sila. “You will pay for this!” banta nito sa kanya.