CHAPTER SIXTEEN
“Why did you do that? Bakit kinalaban mo ang sarili mong pamilya?” tanong ni Kimberly kay Rohann nang ipasok nito ang mga gamit niya sa loob ng guestroom na dati niyang tinuluyan noon.
“I am protecting you,” anito at hinawi ang kurtina.
“Sa kapatid mo?”
“Alam mo kung bakit nakakulong si Arwen sa kuwarto na iyon kanina? Dahil galit na galit siya nang malaman niyang nandito ka. At kung hindi siya naikulong ni Mikhaila sa kuwarto, baka nasira na niya ang lahat ng gamit dito. Lahat ng mahawakan niya, kaya niyang gawing weapon.”
“Pero hindi mo naman ako kailangang patuluyin dito sa bahay mo.”
Naiiling itong humarap sa kanya. “You don’t know Arwen. She will do everything with her power to throw you out of this place. I am telling you, sa kalsada ka matutulog kapag nagkataon.”
“Thank you for protecting me then,” pasasalamat niya. Kahit alam niyang humanitarian reasons lang ang dahilan kung bakit idinala siya nito sa bahay nito.
“Don’t thank me. Kung ako ang tatanungin, dapat isinakay na kita sa anumang sasakyan na maaring maglayo sa iyo dito. But you insisted to stay. At alam ko naman na ako ang dahilan kung bakit gusto mong manatili dito. So mas mabuti pang gawin mo na ang gusto mong gawin,” anito at ibinuka ang mga kamay. Na parang wala itong pakialam sa gusto niyang gawin.
“I just want to see you happy. Gusto kong tuluyan nang mawala ang galit sa puso mo.”
“You can’t help me,” anito at umuklo sa harap niya. “Nagsasayang ka lang ng panahon. Saka masaya na ako sa kung ano ako ngayon.”
“I will still try. Hindi pa rin ako aalis hangga’t hindi kita nakikitang masaya.”
Kahit na sinasabi ni Arwen na may mahal na itong iba, gusto muna niyang matiyak kung totoo iyon. At kung kaya nga ng babaeng iyon na paghilumin ang sugat sa puso ni Rohann. Saka siya aalis.
Nagsalubong ang mga kilay nito. “At paano mo gagawin iyon?”
Lumapit siya dito. “By loving you.”
Naglakad ito palayo sa kanya at ngumiti nang sarkastiko. “I can’t love you back. Hindi ko alam kung kaya ko pang magmahal katulad noon. All I feel is hate for you right now. At kung tatanggalin mo ang galit ko, hindi ko alam kung may iba pa akong purpose sa mundong ito.”
“I am not asking for anything in return. Just let me stay here. At hindi ka dapat matakot kung ano ang naghihintay sa iyo kapag tuluyan nang nabura ang pagkamuhi mo. Dahil doon mo lang tuluyang makikita na marami ka pang magagawa para sa mundo. Na may iba ka pang dahilan para mabuhay.”
“How long are you staying here?”
“Hangga’t may galit sa dibdib mo. Hangga’t hindi pa nawawala ang lahat ng bangungot sa buhay mo. Hangga’t hindi ka ulit nagmamahal. Kapag natuto ka na, pwede na akong umalis sa buhay mo.”
Bumuntong-hininga ito at tinungo ang pinto. “Mukhang matagal kitang magiging bisita. If you intend to accomplish those, it might take you forever and you’ll still find yourself stuck here. Baka magsawa ka,” sabi nito at lumabas.
I really want to stay forever with you, Rohann. Sana hindi ka matutong magmahal ng iba para may dahilan ako para manatili sa tabi mo.
KINAWAYAN ni Kimberly ang batang si Doughlas habang palayo sila ni Rohann sa bahay nito. Nakatayo sa likod ng bata ang lola nito na nakamasid sa kanila. Hapon na at madilim ang langit. Malakas ang buhos ng ulan.
“Hindi ka ba napapagod? Habang nagte-training ako kanina, naglinis at nagluto ka pala sa bahay. Tapos nag-home visit ka pa dito. Bakit hindi mo na lang sila ini-recommend sa hospital?” tanong ni Rohann.
“Nangako kasi ako kay Douglas na titingnan ko ang kapatid niya. Ilang araw na kasing nilalagnat pero hindi naman madala ng lola niya sa ospital dahil walang pera pampagamot.”
Isa si Doughlas sa mga bata na sumasama sa kanila kapag pumupunta sila sa malalayong lugar. Kadalasan ay sumasama ito sa mga tourist para mag-guide sa malalapit na tourist spots sa Sagada. Ulilang lubos na ang magkapatid at lola na lang ng mga ito ang nag-aalalaga sa mga ito.
“Ang sugat mo, hindi na ba kumikirot?” tanong ni Rohann. Pauwi na siya nang sunduin siya nito. Nag-aalala daw ito sa kanya dahil wala siyang dalang payong.
Umiling siya kahit nakaramdam siya ng bahagyang sakit dahil sa lamig. “Hindi. Saka halos pagaling na rin siya.”
Inakabayan siya nito at hinapit siya nito palapit nang umihip ang malamig na hangin. “Nilalamig ka ba? Ni hindi ka man lang nagdala ng jacket mo,” anitong may himig ng sermon.
“Mainit kasi kanina. Hindi ko alam na uulan.” Pero ngayong magkalapit ang katawan nila, hindi na siya makaramdam ng lamig.
Nag-ring ang cellphone nito. Inalis nito ang pagkaka-akbay sa kanya at sinagot ang tawag. “Hello, Aki!” Kumunot ang noo nito habang nakikinig. “Ha? Okay, pupunta na ako diyan.”
“Anong nangyari?” tanong niya dahil bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
“Biglang nag-overflow ang underground river sa cave. May mga tao daw na na-trap sa cave. Kasama ang girlfriend ng pinsan ko. Wala pa mandin si James ngayon. Tiyak na mag-aalala iyon.”
“Can I do anything to help?”
“Huwag na. Ihahatid na lang kita sa bahay at magpahinga ka doon. Titingnan ko kung may maitutulong ako sa mga rescuers.”
“I can’t just sit down and wait. Doon na lang ako sa hospital. Isa lang ang doktor doon dahil um-attend ng conference ang iba sa Baguio. At least doon, makakapag-assist ako.”
“Pero wala ka pang pahinga mula kanina. Hindi ko naman kasi sinabi sa iyo na gumawa ka ng gawaing-bahay…”
“Sanay ako sa pagod. Noong nasa Africa ako, halos wala kaming pahinga pero kailangan pa rin naming tumanggap ng pasyente. Hindi rin ako mapapahinga kapag alam kong may humihingi naman ng tulong pero di ko natulungan.”
Alam niya ang pakiramdam kung paano mawalan ng mahal sa buhay. Although death was inevitable, mas mabuti pa rin kung may nagawa siya para makatulong at makapagsalba ng buhay.
“Okay. Ihahatid na kita sa hospital.” Madadaanan nila ang ospital pauwi sa bahay nito. “Sa isang kondisyon.”
Tiningala niya ito. “Ano iyon?”
“Hindi ka na masyadong magpapagod. Titigil ka sa trabaho kapag hindi mo na kaya. Hindi ka rin dapat malilipasan ng gutom at iinumin mo ang gamot mo.”
“Yes, Doc!”
WALANG kibuan sina Rohann at Kimberly habang pabalik sa bahay nito. It has been a long night. Siya, sa pagbabantay sa ospital at ito sa pag-a-assist sa mga rescuers. Nang sunduin siya nito sa ospital ay nagtinginan lang sila. Tinanguan siya nito na ibig sabihin ay aalis na sila.
Tulala pa ito nang umupo sa sofa habang magkasalikop ang palad. Pinisil niya ang balikat nito at tinabihan ito. “I’m sorry,” basag niya sa katahimikan.
Nakaligtas ang foreign tourist na kasama sa mga na-trap. Ito ang ginamot nila sa ospital at binantayan. But everything didn’t fare well. Hindi nakaligtas ang kasama nitong Filipino at ang tourist guide na si Joann, ang girlfriend ng pinsan nito.
Habang idinala naman agad sa Baguio ang nakaligtas nang bumuti ang panahon. Histerikal pa ito nang dalhin sa ospital. They even have to sedate him. Matindi ang naging trauma nito.
Tiningnan lang siya ni Rohann. Bakas niya ang matinding pagod at pagkalungkot sa mga mata nito. “Kung bakit kasi matitigas ang ulo ng ibang tourist. They can’t take the word no. If they only listened to Joann…” anito at nagtagis ang bagang. Ayaw na kasing tumuloy noon ng tourist guide na si Joann pero namilit ang dalawang igina-guide nito kahit nang sabihin nitong delikado na ang kuweba.
“How did your cousin take it?” tukoy niya kay James, ang boyfriend ni Joann.
Rohann’s cousin was a celebrity. Sikat din ito sa martial arts at representative ng Pilipinas sa iba’t ibang international taekwondo competition. Nang dumating ito kanina, hindi pa nito alam ang malagim na sinapit ng nobya.
“I am worried about him. He doesn’t have any reactions at all. Ni wala siyang kinausap kahit isa. Ni ayaw niyang tingnan ang katawan ni Joann.”
“Baka gusto lang niyang mag-isa. Maybe it is his own way of grieving. Pabayaan na lang ninyo siya.”
“That’s not James! Kilala ko siya. Bukod sa pinsan ko siya, he is also my sparring partner. He was unusually quiet.”
Magaan niyang tinapik ang pisngi nito. “Magpahinga ka muna. We had a long night. Saka mo na isipin ang problema paggising mo.”
Akmang tatayo siya sa sofa nang hilahin siya nito paupo. “Don’t leave me, Kim. Dito ka lang sa tabi ko,” pakiusap nito. Parang isa itong bata na natatakot na mawalan ng kasama.
“Don’t you want to go to your room and take a nap?” Nanlalalim na ang mga mata nito. Mahirap ang ginawa nitong pagsama sa rescue operation.
Nagulat siya nang yakapin siya nito nang mahigpit. “I just want to hold you.”
She had never seen him this vulnerable. And she doesn’t know why his vulnerability was suddenly triggered. Sanay siya dito bilang lalaki na walang inaatrasang pagsubok. Na madalang magpakita ng kahinaan.
But he was just human. And the tragedy was too much for him.
Being in his arms felt so good, so right. At gusto niya ang pakiramdam na kailangan siya nito. Kung pwede lang na manatili siya sa mga bisig nito habambuhay. But forever was too much for asking. Dahil alam niyang anumang oras, maari na siyang mawala sa buhay nito. Until he fall in love again.
EVERYBODY was grieving when Kimberly went to Joann’s wake. Halos lahat ng tagabayan ay nakikiramay. Bagamat moderno na ang panahon, may ilang lumang kaugalian pa rin sa Sagada na isinasagawa sa ganoong mga okasyon.
Katabi niya si Rohann na kausap ang ilan sa mga kababata nito nang lapitan sila ni Arwen. “Kuya, pwede ka bang kausapin sandali?” tanong nito at hindi man lang siya sinulyapan kahit minsan. Alam niyang galit pa rin sa kanya si Arwen.
Tinapik ni Rohann ang kamay niya. “Aalis lang ako sandali.”
Bahagya siyang ngumiti at tinanguan ito. Pag-alis ni Rohann, nakaramdam siya ng pag-iisa. Bagamat palakaibigan ang mga tao doon, mga estranghero pa rin ang kasama niya. Naiilang din siyang makiumpok at makipagkwentuhan.
Lumabas siya upang makasagap ng sariwang hangin. Marami nang tao sa loob ng compound ng lamayan at parami pa nang parami ang dumarating upang makiramay. Pakiramdam niya ay kalabisan na siya doon.
Umupo siya sa bangkito sa labas at pumikit. Saglit lang siyang natulog. Kailangan kasi nilang bumalik sa bahay ng pamilya ni Joann para makiramay.
Napadilat siya nang may lumapit sa kanyang isang babae. “Excuse me, are you Kimberly?” tanong nito. She has an exotic beauty. Ngunit may kaliitan ito.
“Yes,” sagot niya.
“I am Patricia,” pagpapakilala nito sa sarili.
Bahagya niya itong nginitian. “Nabanggit ka na sa akin ni Arwen. Can I do anything for you?” tanong niya sa palakaibigang tono.
She was sure she didn’t come to her for a friendly chat. No matter how much civil she looked like, there was hostility in her glare. Karibal ang tingin nito sa kanya.
Nanatili itong nakatayo. “Do you know that Rohann likes me?
“Arwen told me,” kaswal niyang sabi.
“That we used to date when he was still based in Manila and I worked for his brother’s store? We are starting to get serious, you know.”
“Good for you,” usal niya at lalong tinamisan ang ngiti.
She doesn’t feel any hostility towards her. She doesn’t even feel a bit jealous. Kung ito nga ang totoong gusto ni Rohann, walang problema sa kanya. As long as she could make Rohann happy.
Humalukipkip ito at tinaasan siya ng kilay. “Nakakasagabal ka sa amin.”
“Kung gusto ka talaga ni Rohann, bakit ako magiging sagabal?”
“Inaakit mo siya!”
Tumayo rin siya pero nanatili pa rin siyang kalmado kahit nag-aalimpuyo na sa galit ang kaharap. “Hindi ko inaakit si Rohann. I am just repairing the damage I did. Malaki ang kasalanan ko sa kanya at bumabawi lang ako.”
“You don’t have to do anything for him. Dahil mamahalin ko naman si Rohann kahit ano pa ang galit niya. Kahit ano pa ang nakaraan niya. Kung hindi ka niya mapatawad, problema mo na iyon. Leave him alone!”
“I love Rohann, too. Kaya alam ko na hindi siya tuluyang magiging masaya hangga’t nananatili ang galit sa puso niya. He can’t love you fully with his ghosts behind him.”
Tiningala siya nito dahil matangkad siya dito nang ilang pulgada. “Kapag ba sinabi sa iyo ni Rohann na mahal niya ako, aalis ka na?”
“Gladly. But till then, I’m staying,” mariin niyang sabi. Hangga’t alam niyang kailangan pa siya ni Rohann, hindi siya aalis.
“I can’t wait for that long. May iba pa namang paraan para umalis ka dito. Ibang paraan para ilayo sa iyo si Rohann,” sabi nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang kakaibang ngiti sa labi nito. And it gave her chills.
Binalewala niya ang nararamdamang pangamba. Napansin niya si Rohann na palinga-linga. Hinahanap na marahil siya nito. “Good luck,” sabi niya kay Patricia at nilapitan si Rohann.
Ngunit kailangan niyang mag-ingat. Hindi niya alam kung ano ang plano ni Patricia. Natitiyak niyang hindi ito susuko hangga’t di siya lumalayo kay Rohann.