Skylander Series Chapter 3

"Alam mo ang problema mo, Chari? Lagi ka na lang nag-iisip. Nakakabaliw iyan, alam mo ba?" may himig ng pagsaway na sabi ni Jemarra dito.

Inuurirat nito sa kanya ang lalaking nag-aasikaso sa kanila sa guesthouse. Matapos maligo kanina naabutan niya itong inaaway ang lalaki samantalang wala namang ginagawang masama dito. Iyon kasi ang hirap dito kapag naiiwang mag-isa. Kung anu-anong katopakan ang pumapasok sa utak. Kaya isinama na lang niya itong mamasyal para mapigil ang kililing sa utak nito.

"Alam ko. Hindi ba't kaya ka nga sira-ulo ngayon?"

"Halika na at magpakaligaw na tayo. Tapos kapag may nakita tayong mga biyaya ng Diyos sa kababaihan, let's rate them." Iyon lang kasi ang naiisip niyang paraan para malibang ito.

"According to what?"

"Bishounen and kawaii. Para walang makahalata sa ginagawa natin."

Bishounen is Japanese word for handsome while kawaii is for cute. Natutunan niya iyon sa kaibigan niyang nag-aral sa Japan. At kapag gusto nitong mag-rate ng lalaki ay iyon ang sinasabi nila para hindi obvious.

“Doon tayo sa Internet shop,” sabi niya. Ayon sa lalaki sa guesthouse ay doon daw sila makakabili ng load sa cellphone at makakatawag.

“Pwede na ba nating simulan ang pagre-rate?” tanong nito.

Tinanguan niya ito at nakangiting pumasok sa shop. Tumayo agad ang binatilyong nasa harap ng computer server. “Good afternoon, Ma’am. Mag-I-internet po kayo?” magalang nitong tanong.

“I would like to place a call to Manila,” nakangiti niyang sabi.

“Kawaii!” bulong ni Charity.

“He’s just a kid,” nakatirik ang mata niyang sabi. Humagikgik ito. Maya maya pa ay nasa kabilang linya na ang boss niya. “Hi, Ma’am Roxanne! We are here in Sagada. Tapos na po ang research ko sa Bontoc. I even have an anthropologist contact in Manila kung gusto pa po nating makukuha ng ibang information about them. Pupuntahan ko po ang mga tourist spots ng Sagada tomorrow.”

“Good, Jem! This Sagada coverage is important. It is one of the top tourist destinations in the country right now. When is your interview with the tribe?”

“Dadaan po kami ng tourist information center mamaya.” Iyon ay kung bukas pa dahil Sabado na noon. Kung wala silang mapagtatanungan ay plano niyang magtanong na lang sa mga locals.

“I am counting on you, Jem,” anito at nagpaalam na. Mas lalo siyang ginanahang magtrabaho dahil malaki ang tiwala ng boss niya sa kanya.“How much?”

“One minute and a half. Thirty pesos po, Ma’am,” sabi ng binatilyo at humarap mula sa computer.

“Thirty?” bulalas niya. Nang mag-compute siya sa isip ay mas mura pa rin kung sa cellphone na lang siya tumawag. “Bakit mahal?”

“Satellite po kasi ang ginagamit namin dito,” paliwanag nito. “Kaya po may extra charge per call.”

Malambing siyang ngumiti. “Baka naman pwedeng twenty five na lang. Tutal mag-I-internet naman kami dito dahil mag-e-email ako sa boss ko.”

Napakamot ang binatilyo sa ulo. “Kasi po…” Tinitigan siya nito at pagkatapos ay namula. “Sige, Ma’am. Twenty five na lang po.”

“Talaga? Payag ka na?” tuwang-tuwa niyang sabi.

“Ang kuripot mo talaga. Pati bata nauto mo,” sabi ni Charity.

Natigilan siya nang may marring na pumalatak sa pinto. “Paul, kaya pala nalulugi itong computer shop. Isang ngiti lang nagbibigay ka na ng discount.”

Nadismaya siya nang makitang nakasandal sa hamba ng pinto ng shop si Mr. Chinito at walang kangiti-ngiting nakatingin sa kanila.

“Kuya, kasi…” anang si Paul na di makatingin nang diretso.

“Ano naman sa iyo ngayon kung bigyan niya kami ng discount? Malulugi ba ang computer shop sa halagang limang piso?” inis niyang tanong. Hindi niya alam kung bakit ito nakikialam sa pagbibigay ng discount sa kanya.

Subalit kay Paul lang nakatuon ang paningin nito na parang wala siya doon. Hindi man ito nagsasalita ngunit parang nagbababala na ito. Napayuko ang binatilyo at hindi makatingin sa kanila. “Pasensiya na po, Ma’am.”

Sa init ng ulo niya ay inilabas niya ang fifty peso bill at padabog na inilapag sa counter. “Keep the change!” aniya at taas-noong lumabas ng Internet shop bitbit si Charity. Kumukulo talaga ang dugo niya sa kumag na lalaking singkit na iyon.

“Jeje, are you mad?” nag-aalangang tanong ni Charity.

“No, I’m not! Ang yabang-yabang niya. Akala niya kung sino siya. Customer naman ako doon. Hindi ba ako entitled sa discount?” nagpupuyos niyang sabi. Umiinit ang ulo niya kapag hindi siya nakakahingi ng tawad. At nadoble ang init ng ulo niya dahil sa antipatikong mukhang Intsik na Hapon na lalaki. Intrimitido!

“Right. You are not mad. You are raging mad. Talagang ibinigay mo ang fifty pesos mo nang walang sukli. Sayang din iyon.”

Sayang talaga. Pero wala na siyang magagawa. Kaysa naman patuloy siyang lait-laitin ng lalaking kumag. Parang ikamamatay nito ang limang pisong discount.

“How do we rate your Mr. Chinito?” tanong nito.

“Monster! He is a monster!” Suddenly, the heavenly and cool place of Sagada became so hot. Dahil sa presensiya ng impaktong lalaking iyon.

“HI!” bati ni Jemarra sa lalaking namamahala ng guesthouse nang pumasok siya sa kusina. “I’ll use the kitchen. Okay lang?”

“Yeah,” sagot ng lalaki. “Magpatulong ka na lang sa cook namin na si Mang Tomas. He will be here any minute. Nasaan ang kaibigan mo?”

“Si Charity? Nasa kuwarto namin. Nahihirapan kasi siyang huminga.” Sa sobrang taas ng altitude at sa kapal ng bumababang ulap ay sumama ang pakiramdam nito nang matapos silang kumuha ng pictures sa hanging coffin at sa iba pang mga kuweba. Naiwan niya itong nakahilata sa kama. “Favor naman. Pwede bang ikaw na ang mag-akyat ng hot water sa kanya? Gusto kasi niyang uminom ng kape. Magluluto na ako ng dinner namin para makakain siya.”

“Okay,” anito at sinalinan ng mainit na tubig ng mug ni Charity. “And please call me Jet. Tutal ilang araw din kayong mag-I-stay dito.”

“Pasensiya ka na pala kung medyo masungit siya,” sabi niya habang isinasalang ang kaserola ng tubig para sa noodles.

“Manhater ba siya?” curious na tanong ng lalaki.

“Not really. Brokenhearted lang,” mahina niyang sabi. Ayaw man niyang ipagsabi ang nangyari sa kaibigan pero kailangan. Dahil mukhang si Jet ang pinagbubuhusan ng galit ng kaibigan sa hindi niya malamang dahilan.

Bumakas ang lungkot sa mata nito. “Ganoon ba? Iaakyat ko na sa kanya ang tubig dahil baka kailangan na niya.”

“Thanks, Jet,” sabi niya at hinarap ulit ang niluluto.

Naghuhugas siya ng lettuce na siyang hapunan niya nang maramdaman niya ang paggalaw sa likuran niya. Nagsasalin ng tubig si Mr.Chinito mula sa thermos. Hindi niya alam kung hindi siya nito nakita o nang-iinis lang ito.

“What are you doing here?” nakataas ang kilay niyang tanong at inilapag ang hinuhugasang letsugas sa plato. “Sinusundan mo ba ako? Parang sumusulpot ka na lang kasi kahit saan ako pumunta. Sa Banaue, sa Internet shop at pati dito!”

Walang ekspresyon siya nitong tiningnan at ibinuhos ang pakete ng kape sa mug nito. Akala niya ay hindi na ito sasagot. “Yes and no,” mahina nitong sabi.

“Let’s start with the no,” nakahalukipkip niyang sabi.

“Nandito ako para magkape,” kaswal nitong sabi.

“How about the yes?” iritado niyang tanong. Baka naman stalker ito. O engkanto na basta na lang parang kabute na susulpot kahit nasaan siya. And it was his mission to annoy her on every opportunity he got.

Dumukot ito sa bulsa at inilapag ang twenty peso bill sa mesa. “Your change,” anito at umalis na bitbit ang kape.

Halos magpang-abot ang kilay niya sa sobrang inis. Ni wala man lang itong sinabi. Ni hindi nag-sorry sa ginawa. Ibinulsa niya ang beinte pesos. At least marunong itong magbalik ng sukli.

“Nasaan na iyong lalaki dito?” tanong ng cook na si Mang Tomas. “Nakakuha na ba siya ng kape?”

“Iyon po bang lalaking singkit na halos hindi nagsasalita? Kaaalis lang po. Sino po ba iyon?” sarkastiko niyang tanong. Kung makaasta kasi ito ay parang pag-aari nito ang mundo. Mula sa computer shop hanggang sa guesthouse. Gumagalaw ito nang malaya na parang walang magbabawal dito sa anumang gagawin.

“Si Rui iyon. Kaibigang matalik ni Jet. Siya ang may-ari ng Internet shop diyan. At kapag gusto niya ng kape, dito siya pumupunta,” paliwanag nito. Kaya pala ayaw niyang pumayag na magbigay ng discount at takot dito ang binatilyong si Paul. Ito pala ang amo.

“Malas ko naman,” bulong niya. Ibig sabihin ay madalas niya itong makikita. Bukod pa sa hindi na talaga siya makakahingi ng discount kapag nag-Internet siya o mag-long distance siya doon.

“May problema ba kay Rui?”

Umiling siya at pilit na ngumiti. “Wala po. Luto na po yata ang noodles ko. Aakyat na po ako sa taas,” sabi niya. Hindi niya alam kung bakit napakasikip ng mundo para sa kanila ng Rui na iyon.

“ATE, ibili mo naman ako ng woven clothes ng mga Igorot. Kailangan ko sa design na gagawin ko. Please,” pakiusap ng kapatid ni Jemarra na si Jenascia. Nasa terrace siya dahil mas malakas ang signal sa labas. Naka-pajama lang siya at maluwag na t-shirt. Wala siyang suot na jacket kaya nanunuot ang lamig sa katawan niya.

Nagpaalam si Charity na lalabas para kumain. Nang makaramdam ito ng ginhawa sa katawan ay gumala na rin ito. Ayaw daw nitong titigan siya habang nagtatrabaho dahil parang luluwag daw ang turnilyo nito.

“At bakit ka nagpapabili? May ibinigay ka ba sa aking pera?” Fashion designing ang course ng kapatid niya. Kaya sa bawat lugar na pinupuntahan niya ay gusto nitong local costume sa lugar na iyon ang ipapasalubong niya.

“Ate, iyon na lang ang pasalubong mo.”

“Mahal iyon,” angal niya. “Bibilhan na lang kita ng beaded necklace para accessories mo sa model sa fashion show ninyo.”

“Pwede na rin. Pero mas maganda kung…”

“Papasok na ako sa loob, Jenna,” aniya at lumingon nang may marring siyang papaakyat na yabag. Nakita niya ang pagsilip ng ulo ni Jet. “May ibang gagamit ng terrace. Basta pasasalubungan kita. Bye!”

Papasok na siya sa loob nang masalubong niya si Jet kasama si Rui. “Good evening, Jem!” nakangiting bati nito.

“H-Hi!” alanganin niyang bati. Hindi niya alam kung paanong ngiti ang gagawin ngayong kaharap niya pati si Rui.

“Rui, this is Jem. Researcher siya from Manila,” pakilala ni Jet sa kanila. “Jem, si Rui, bestfriend ko.”

Pareho silang atubili nang magkamay. Ni walang sinuman sa kanila ang nagsalita. Nagtanguan lang sila dahil napaka-awkward ng pakikitungo nila sa isa’t isa. Ginalugad niya sa henyong utak kung iyon ang tamang gawin kapag ipinakilala siya sa isang taong ayaw na ayaw niya.

Nang saglit na sumayad ang balat nito sa kanya ay nakaramdam siyang malakas na boltahe ng kuryente. Mabilis niyang binawi ang kamay habang hindi makapaniwalang nakatingin dito. Pero ganoon pa rin ang tingin ni Rui sa kanya. Walang buhay sa mga mata nito. Di tulad ng ibang lalaking nakikipagkilala sa kanya na todo agad ang ngiti at nagpapapansin. Mabuti na rin iyon dahil masosopla lang niya ito sa harap ni Jet dahil hindi niya ito type.

“Nagkita na kayo sa kusina kanina, hindi ba?” sabi ni Jet.

“Y-Yeah,” aniya at dito na lang itinuon ang atensiyon. Saka niya ito matamis na nginitian. “I have to go back to my room. Marami pa kasi akong ire-review sa research ko. Good night.”

Namamanhid ang paa niya sa sobrang pagmamadali niya na makalayo kay Rui. Nasa sarili na siyang kuwarto nang matuklasan niyang habol niya ang hininga. She wasn’t sure if it was because of cold or because she could still feel the brush of his hand against her skin.

Ininom niya ang bote ng mineral water at hindi niya tinigilan hangga’t hindi bumabalik sa normal ang paghinga niya. Napangalahati na niya iyon. Pasimple niyang sinilip si Rui mula sa bintana. Nakikipag-usap ito kay Jet at mukhang seryoso ang mga ito. Sinamantala niya ang pagkakataon na pagmasdan ito. Yes, he was tall. Guwapo rin ito. And there is something about his being snob that made him more mysterious. At interesado siya sa mga lalaking misteryoso pero hindi sa snob.

Tumingala ito sa bintana ng kuwarto niya na parang alam nitong naroon siya at nakamasid dito. She shut the window down. Bago pa siya nito mahuli. Kinalma muna niya ang sarili bago ibinalik ang atensiyon sa research.

“Calm down, Jemarra Anne,” bulong niya sa sarili. “Hindi ka niya nakita. At kung magkikita man ulit kayo, pretend that you didn’t watch him. After all hindi ka naman talaga interesado sa kanya.”

Nagsisimula pa lang bumalik sa normal ang sirkulasyon ng dugo niya nang bumalik si Charity mula sa pagkain sa labas. Walang kibo itong umupo sa tapat niya at tinitigan lang siya. Kapag ganoon ang itsura nito ay may gusto itong sabihin.

"Jeje, paano mo ba malaman kung nagpi-flirt ang isang babae o hindi?"

"Malay ko,” aniyang hindi tinanggal ang tingin sa binabasa. "Bakit mo naman naitanong iyan? Did you flirt with a guy on that restaurant?" O baka tinopak na naman ito at sinubukang mag-pick up ng lalaki at isa itong bigo.

"Paano akong makikipag-flirt. Hindi ko nga alam kung paano iyon ginagawa."

Ibinaba niya ang binabasa. "Aba, at mukhang may balak talaga ang lola na makipag-flirt. Tell me, sino naman ang pinag-iinteresan mo."

"Gaga!" Niyakap nito ang unan at dumapa sa sariling kama. "May nakita kasi akong mga babaeng taga-Maynila sa restaurant kanina. I think they flirted with those foreigners."

"What do you care? At kailan ka pa nagkainteres sa buhay ng ibang tao? Akala ko ba deadma ka lang sa mga bagay at taong hindi mo mapapakinabangan?"

"Hoy, hindi naman ako ganyan kasama. Besides, I was just curious on how those women...did those flirting with so much grace. Napaisip pa nga ako kanina kung nakikipag-flirt nga ba sila o hindi. Parang disente naman kasi at walang malisya ang ginawa nilang pagngiti at pagsulyap doon sa mga lalaki."

Hindi niya maiwasang matawa sa ipinagtapat nito. "Naku, 'ne! Napaka-inosente mo naman. Hindi na ako nagtataka na sa loob ng twenty seven years na nabubuhay ka, si Victor lang ang tanging lalaking naging bahagi ng buhay mo. Who, unfortunately, also turned out to be a total jackass. It's natural for women to flirt, Chari. Flirting is in our blood. A simple smile or flipping of hair, puwede ka nang makaakit ng lalaki nun."

"Talaga?"

"Kaya ikaw, dalasan mo na ang pangiti mo." She was not a flirt but she could flirt whenever she wanted to. Nasubukan na niyang makuha ang gusto sa simpleng ngiti lang. Kaya naman madalas siyang makakuha ng discount.

"Akala ko ba hindi mo pa nagagawang makipag-flirt?"

"Oo nga."

"E, saan mo nakuha ang ideya mong iyan?"

"Where do you think?" Tinapik niya ang katabing laptop. "I'm a genius, you know." Nagbabasa siya ng libro. And besides napapakinabangan niya ang light flirting. Pero hindi pa siya nagseseryoso.

"Yeah, right. No wonder wala ka pa ring boyfriend hanggang ngayon. You're too genius for your own good," sarkastiko nitong sabi. Bumangon ito. "Makapag-toothbrush na nga lang. Ikaw?"

"Susunod na lang ako."

A mischievous thought run through her mind. Paano kaya kung subukan din niyang mag-serious flirting? Umepekto kaya? Sinulyapan niya sa bintana si Rui na mag-isa na lang sa terrace. No. She will never use him as a target. Dahil tiyak na madidismaya lang siya kapag sinubukan niyang mang-seduce ng bato.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.