Skylander Series Chapter 35

“This place is cool!” bulalas ni Maarten, ang Hollander na nakilala niya nang magpunta siya sa Sanctuary. Katatapos lang nitong magsayaw kasama ang iba pang foreign na turista sa saliw ng etnikong musika ng bandang Pinikpikan.

Mag-isa lang siyang pumunta doon. Pero hindi na siya nailang nang makilala niya ang iba pang mga bisita at mga miyembro ng iba’t ibang banda. Pakiramdam niay ay mas at home siya sa Sanctuary kaysa sa ibang class na bar at disco. Kakaiba kasi ang experience niya. Nakaupo sila sa nilalang abaca. Umiinom sila ng local wine at tea sa bao. At sulo lang ang gamit nilang ilawan.

“And this place is not even open yet,” sabi niya. Iniisip niya kung ano pa ang maio-offer ng Sagada at ng Sanctuary kapag tuluyan na iyong nagbukas. “I would really love to go back and bring my friends from Manila.”

“Me too. Is this your first time here?” tanong ni Maarten.

“Yes. My sister’s boyfriend lives here. And when I decided to take a break, they offered their house. How about you?”

“This is my second and I am staying at Sagada Guesthouse,” anito at nagsalin ng Degway o wild berry wine sa baso na gawa sa kawayan. Saka bahagyang inindayog ang katawan sa saliw ng etnikong tugtog.

“It looks like you are enjoying your stay here.”

“I was not able to stay here for long during my first visit. And I promised myself that I would stay longer when I come back. Have you seen the caves?”

Umiling siya. “Not yet.”

Takot siya sa dilim. At mukhang hindi ideal sa kanya ang spelunking o caving. At isa rin sa kinatatakutan niya ang paniki. Kaya naman kahit na anong kwento sa kanya ng Ate Jemarra niya kung gaano ka-exciting pumasok sa kuweba, hindi talaga niya gusto. Pero nang nakita niya ang mga shots ng ate niya sa kuweba pati na rin ang mga postcard sa souvenir shops, unti-unting nagbabago ang isip niya.

“It would be exciting, I promise.”

“Is it okay if we visit the caves after lunch?”

Natigilan sila sa pag-uusap nang tumigil ang musika at pumalakpak si Tocks. “I am sorry guys! We have to call it a night because of the curfew.”

Tiningnan niya ang relo at nanlumo nang makitang alas nuwebe na. “Time flies fast here,” puno ng panghihinayang niyang sabi. Nabitin siya dahil gusto pa ulit niyang magsayaw at makinig ng tugtog.

“Pwede ka pa namang bumalik bukas, Jenna,” sabi ni Ana.

“Hey, Maarten! Do you want to come back here after we visit the caves?”

“I’d love to!” excited na sabi nito.

“Nandito ulit kami bukas, Ate Ana,” sabi niya.

“THANKS for the nice evening, Maarten,” sabi ni Jenna nang ihatid siya nito hanggang sa baba ng hagdan ng bakuran ng bahay. Gabi na noon at bahagyang malamig. Kitang kita niya ang pagbaba ng fog. Mangilan-ngilang tao na lang rin ang nasalubong niya sa daan. Kahit na anak siya ng gabi, nagsisimula na rin siyang antukin. Ganoon yata ang epekto sa kanya ng malamig na klima.

“I’ll meet you tomorrow at the tourist information center after lunch,” nakangiti nitong paalala sa kanya. “It’s a date.”

“It is a date!” aniya at kumaway dito habang paakyat sa hagdang bato.

Palapit na siya sa bahay nang mapansin niyang may pigura ng tao na nakasandal sa tabi ng pinto. “Looks like you enjoyed your night.”

“Hello, James!” aniya nang makilala ang boses nito. Binuksan niya ang ilaw sa porch at nasilayan ang guwapo nitong mukha. Hindi niya inaasahang makikita ito doon dahil ang pakiramdam niya ay iiwasan din siya nito. “May kailangan ka?”

“Umalis ka nang hindi nagpapaalam sa akin.”

“Ayoko nang abalahin ka pa,” aniya sa malamig na boses.

“Abalahin?” he said in an amused voice. “Ilang oras na akong naghihintay dito. Sabi ni Ate Sapphire, magpapasama ka sa akin. Pero hindi mo ako in-approach at hindi mo ako in-inform kung saan ka man nagpunta. Sa akin ka ibinilin ni Kuya Rui. Tumawag sila ng Ate Jemarra mo kanina at hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanila. Hindi ka nila ma-contact sa cellphone mo.”

“I turned it off. Wala kasing signal sa Sanctuary kanina. Ako na lang ang magsasabi sa kanila na safe ako. I am sorry for bothering you. Don’t worry. Hindi na kita aabalahin kahit kailan.”

Akmang isusuot niya ang susi sa keyhole nang pigilan siya nito sa braso. “Galit ka ba sa akin, Jenna?”

A chill ran down her spine. Hindi dahil sa malamig na hangin. Kundi dahil naramamdan niya ang mainit nitong kamay sa braso niya. “Hindi,” tanggi niya. “Bakit naman ako magagalit sa iyo?”

“Kung hindi ka galit sa akin, anong problema? Bakit iniiwasan mo ako?”

Pilit siyang ngumiti. “You got it all wrong, James. Ayoko lang kasi na gawin kang baby sitter ko. I appreciate your concern. But I am old enough to look after myself. Siyempre, may iba ka ring bagay na pinagkakaabalahan.”

He wanted peace and solitude. At sa palagay niya, nagugulo lang niya ito kung lagi silang magsasama. He has his own secrets to keep. And she’d rather stay away from him than unravel those secrets.

Lumambot ang anyo nito. “I understand. At least sabihin mo sa akin kung saan ka pupunta. Huwag ka ring aalis mag-isa at sabihin mo sa akin kung sino ang mga kasama mo.”

Tumango siya. Ayaw na kasi niya itong pag-alalahanin sa kanya. “Sure! At kung hindi ka busy, isasama kita sa mga pupuntahan ko. Para tiyakin mo na wala akong ginagawang kalokohan.”

The back of his hand caressed her cheek. “You look cold. Pumasok ka na sa loob. Mukhang mas malamig ngayong gabi.”

Napasinghap siya. Ni hindi siya makagalaw nang kunin nito sa kanya ang susi at ipagbukas siya ng pinto. Her heart skipped a beat. Ilang saglit siyang naparalisa sa pagkakatayo doon. She didn’t mind the cold night or the cold gusty wind enveloping them. All she cared was the two of them together. Mas gugustuhin niyang tumayo sa labas ng bahay kung kasama niya ito. Kaysa pumasok sa loob ng bahay nang mag-isa lang siya.

“Jenna, may problema ba?” nag-aalalang tanong ni James. “May sasabihin ka ba sa akin?”

Napakurap siya at umiling. Biglang naputol ang pangangarap niya nang gising. “I-I just want to say goodnight.”

“Basta lapitan mo lang ako kung kailangan mo ako,” sabi nito at bahagyang ngumiti. “Good night, Jenna.”

Nanginginig ang tuhod niya nang makapasok ng bahay. Simpleng ngiti lang nito ay kaya nang panginigin ang tuhod niya. Paano kung hahalikan at yayakapin pa siya nito? Pasimple niya itong sinilip sa bintana at napabuntong-hininga.

Paano pa siya makakalayo dito? Kung tuwing sinusubukan niyang humakbang palayo ay gumagawa naman ito ng paraan para ilapit ang sarili sa kanya?

She doesn’t want to run away from him.

KANINA pa takbo nang takbo si Jenna. Nagbabaka-sakali siyang makita si James. Kung hindi kasi ito nagsisibak ng kahoy sa umaga ay nagdya-jogging ito. Pero alas otso na ng umaga ay hindi pa rin niya nakikita ang anino nito. Yayayain pa mandin niya itong sumama sa spelunking nila ni Maarten.

Tumatagaktak ang pawis niya sa katawan. Paakyat na siya sa hagdan paakyat sa bahay nang makita niyang tumatakbo si James mula sa kabilang direksiyon. Kinawayan niya ito. “James! Saan ka galing?”

“Sa may falls,” sabi nito. “Mas gusto ko kasing mag-jogging sa pilapil ng rice terraces kaysa sa sementadong kalsada.”

“Weird,” natatawa niyang sabi. “Anyway, may gagawin ka ba after lunch?”

“May gusto ka bang puntahan?” tanong nito at uminom ng mineral water.

“Papasok kami sa cave mamaya. Gusto mong sumama?”

Natigilan ito sa pag-inom. “Cave? Sinong kasama mo?”

“I met new friends last night. Sila ang nagyaya sa akin. Sumama ka na para marami tayo. Para mas masaya, hindi ba? Mas komportable ako kapag kasama ka.”

Pilit itong ngumiti subalit hindi umabot sa mga mata. “Why don’t you go someplace else? How about the Big Falls?”

“Ayoko. First time ko pa lang papasok ng cave. Saka iyon na ang napag-usapan namin. Sa tingin ko doon talaga nila gustong pumunta. Nakita ko ang postcards. Kakaiba ang mga stalagmites at stalactites doon.”

“Huwag kang pumunta doon,” anito sa seryosong boses.

“Bakit naman hindi ako pupunta? Hindi ka ba nagagandahan sa cave?” Naniningkit ang mata niya itong tinitigan. “Takot ka siguro sa paniki at sa dilim.” Mahina siyang tumawa. “James Lizardo, taekwondo champion na takot sa paniki,” tukso niya dito.

“Hindi ako takot sa paniki at hindi rin ako takot sa dilim,” kontra nito.

“Bakit parang takot ka? Okay lang na aminin mo sa akin na natatakot ka. Naiintindihan kita. Hindi ko naman ipagsasabi.”

Ginagap nito ang kamay niya. At nakita niya ang takot sa mga mata nito. At sa palagay niya ay hindi iyon dahil sa takot sa paniki o sa dilim. May mas matinding pinagmumulan ang takot na iyon. Takot na nagmumula sa puso nito.

“Delikado iyon para sa isang katulad mo.”

Natawa siya. “Hindi ako lampa. I know I am not the adventurous type. But I think I will survive this one.”

Mariin itong umiling. “Hindi ako pupunta at hindi ka rin pupunta.”

“Hindi talaga kita maintindihan, James.” Hindi niya inaakalang dominating type ito. At ayaw niya sa lahat ay dino-domina at inuutusan siya. “Sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit takot na takot kang papuntahin ako sa kuwebang iyon. May mga engkanto ba doon at natatakot kang kunin ako?”

“Walang engkanto doon.”

“Kung ganoon, bakit ayaw mo akong papuntahin?”

Natahimik ito ngunit nananatiling mahigpit ang hawak sa braso niya. “Jenna…”

Nagsisimula nang uminit ang ulo niya dahil napaka-unreasonable nito. Pipigil-pigilan siya pero wala namang masabi. “See? Wala kang masabi. I don’t understand you at all. Galit ka lang yata dahil sa pagiging mausisa ko sa buhay mo. Dahil ba sa pagtatanong ko sa pagta-taekwondo mo? Dahil ba kay Joann…”

“It has nothing to do with those, Jenna!”

“Pero ayaw mo naman akong bigyan ng valid reason.” Huminga siya ng malalim nang muli itong tumahimik. She couldn’t stand it. “Pupunta ako sa cave and you can’t stop me.”

Tinalikuran niya ito at nagmamadaling pumasok ng bahay. Nang sulyapan niya ito ay nananatili itong nakatayo sa baba ng hagdan habang nakayuko ang ulo at kuyom ang palad. Nakadama siya ng kirot sa puso. Kahit hindi niya makita ang mukha nito, alam niyang nasasaktan ito.

Nangako siya sa sarili na hindi na niya ito sasaktan. Kaya nga pilit siyang lumalayo dito noon. Pero paano niya maiiwasan iyon kung hindi niya ito maintindihan at hindi niya alam ang mga bagay na maaring makapanakit dito.

I don’t want to hurt you. I wish I could know you better, James. I wish I know what’s inside your head and what’s inside your heart.

PATAKBONG nagtungo si Jenna sa Tourist Information Center. Nilapitan niya si Maarten na kasalukuyang nakikipag-usap sa isang lalaki doon. “Hello, Maarten!” pasigaw niyang bati dito at habol ang hininga nang tumigil. “Am I late?”

“Not really. I am just a bit early,” sabi nito nang magpaalam dito ang kausap. “I just talked to our guide. The others are not even here yet.”

“Hey, nice flowers!” puna niya sa bulaklak na hawak nito. “Are those mine?”

Biro lang ang tanong niyang iyon. Hindi naman kasi ito nagpakita nang kahit katiting na interes sa kanya. Sa palagay nga niya ay safe ito. At walang mabubuong relasyon sa kanila kundi platonic lang.

“Oh, these?” anito at mahinang humalakhak. “I’d love to give you one. But these flowers are meant for someone else.”

Sinapo niya ang dibdib at nagkunwang nasaktan. “You broke my heart, Maarten. You are a bad boy. Is she special?”

Tumango ito. “Very special.”

“Do I know her?” mahina niyang tanong dito na parang may pinagsasaluhan silang sekreto. “Is she coming with us?”

“No to both questions. You don’t know her and she’s not coming with us. Actually, we’ll go to her.”

Napatingala siya sa kisame at napaisip. “You mean we’ll pass by her place.”

Umiling ito. “I’ll bring these flowers to the cave.”

“We’ll find her at the cave?” Lalo siyang nawirduhan. “Is she a guide or a fairy?” Saka niya naalala ang biro niya kay James na baka may engkanto sa kuweba kaya ayaw siya nitong papuntahin. Now that’s insane.

His face became solemn. “She was a guide. Now she is an angel.”

Nagsalubong ang kilay niya. “What do you mean?”

“I met her the first time I came here with my buddy, Rocky, who is a Filipino. She was our guide. At first, she was hesitant to be our guide. But Rocky and I kept on blabbering. We want to see the cave because we would be leaving the next day. Guides were scarce at that time. She doesn’t want to disappoint us so she accepted the job. She went with us. We were at the middle of the cave when it started to rain. First, it was only a drizzle. But she insisted that we should return. I refused because I felt cheated. I thought that she wanted to earn big money by working a little. We want to see the whole cave. So Rocky and I decided to continue entering the other chambers of the cave even if our guide refused. She was forced to follow us while begging. We didn’t listen. Until we heard the roaring water from the river. The next thing we know, the river ate us up. We swam and run for our life.”

Natigil ito sa pagsasalita. Subalit alam niyang hindi pa tapos ang istorya. “Then, what happened?” pigil ang hininga niyang tanong.

Naging isang manipis ang linya ang labi nito at halos masira ang bulaklak sa higpit ng pagkakahawak nito. “I was able to get out alive. But she and Rocky were not as lucky as I am. They died. The river took their lives.”

Nahigit niya ang hininga. “I am sorry,” pabulong niyang sabi.

“I was the only one who got out alive. I was almost breathless when I informed the people here about what happened in the cave. If not for Joann, I might be also dead by now.”

“Did you say Joann?” bulalas niya.

“Yes. Joann San Agustin. She is a heroine. I was not able to pay respects during her wake because they took me to the city right away. And when I was fully recovered, they flew me to Amsterdam. It was not easy. For so many nights, I dream about that tragedy. Therapy helped me a little. But the wound inside me hasn’t healed yet. That’s why I told myself that I will come back here. I want to seal the ghosts that were haunting me.”

Nanlulumo siyang napaupo sa bench. Mahigit isang taon na ang nakakaraan mula nang malunod si Joann. Mahigit isang taon na ring nawala at hindi nagpakita sa publiko si James.

Pinisil ni Maarten ang balikat niya. “Are you okay, Jenna?”

Tumango siya. “I am okay.”

“You are ghostly pale. Wait, I’ll get you some water.”

Pinigil niya ito. “You don’t have to, Maarten. I’ll just make a call.”

“Are you sure?”

Pilit siyang ngumiti. “Pinky-sure.”

Tumuwid ito nang tayo. “But I’ll get you water anyway.”

Nang tumakbo ito sa tindahan ay kinuha niya ang cellphone. “Hello, Sapphire!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.