“Hi, Jenna!” bati ni Sapphire kasabay niyang narinig ang nakabibinging tunog ng nag-take off na eroplano. “Sorry. Nandito ako sa airport. Ngayon kasi ang dating ng friend ko from New York.”
“Sorry. Ayokong abalahin ka pero importante lang ito.”
“Why did you call? May problema ba?” concern nitong tanong.
“May kilala ka bang Joann San Agustin?”
“Yes, I know her. She was friend. Dati siyang guide diyan sa Sagada.”
“Ano ang kinalaman niya kay James?”
“Why the sudden interest?” naalarma nitong wika. “At paano mo nalaman ang tungkol sa kanya?”
“Please answer my question, Sapphire,” pakiusap niya.
Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na hiningi. “Joann is James’ ex-girlfriend. And she died a year ago.”
“Siya ba ang dahilan kung bakit nagtago si James sa publiko? Dahil ba sa pagkamatay ng girlfriend niya?”
“I am sorry, Jenna. Itinuturing kitang kaibigan. At alam ko na concern ka kay James. Pero si James lang ang makakasagot ng mga tanong mo.”
“Thanks for telling me anyway, Sapphire. Bye!”
“Jenna, wait!” anito ngunit nai-off na niya ang cellphone.
“Hey, Jenna!” anang si Maarteen nang lapitan siya. Dumating na ang mga makakasama nilang papasok sa kuweba. “Are you ready?”
“I am sorry, Maarteen. I can’t go.”
“Why? Because of what I told you? Are you scared?”
Umiling siya. “No. I have to see someone. This is really important.”
Matagal siya nitong tinitigan subalit sa huli ay tumango rin. “Okay. If you really have to go. Too bad, I really want you to come with us.”
Ginagap niya ang kamay nito at bahagyang pinisil. “Everything will be okay, Maarteen. I know you can face your ghosts.”
“Will I see you again?” malungkot nitong tanong.
“Of course. I will see you at the Sanctuary tonight. I promise,” aniya at kumaway dito at sa iba pang mga naging kaibigan niya habang naglalakad ang mga ito patungo sa kuweba.
Nagmamadali siyang tumakbo sa bahay at ibinaba ang mga gamit. Saka siya tumakbo sa bahay ni James. Katok siya nang katok ngunit walang tao.
“Ate, wala pong tao diyan,” sabi ng batang kapitbahay ni James.
Nilapitan niya ito. “Nasaan siya? Nakita mong umalis?”
Tumango ito. “Opo. Doon siya pumunta,” at itinuro ang direksiyon na nakita niyang pinuntahan ni James kaninang umaga nang mag-jogging ito.
“Doon? Sa falls?”
“Opo. Madalas naman po siya doon, eh!”
Ginulo niya ang buhok nito. “Salamat.”
Bumaba siya ng trail papuntang falls. Mula sa taas ng bundok ay kita niya ang maliit na falls na nasa gitna ng berdeng rice terraces. Maingat siyang bumaba. Mukha lang malapit pero malayo pa pala ang lalakarin niya. Maingat siyang tumawid sa pilapil at sa ilog. Subalit laking dismaya niya nang pagdating sa falls ay wala naman doon si James. Walang ibang tao doon na maari niyang pagtanungan.
“James! Nasaan ka?” sigaw niya.
Nagbabaka-sakali siyang nasa paligid lang ito at marring siya. Pero alingawngaw lang at ang ihip ng hangin ang sumagot sa kanya.
Umupo siya sa hagdang bato. Baka dadating din ito. May iba lang pinuntahan. Subalit nagsimula nang umihip ang malamig na hangin at bumaba ang ulap ay hindi pa rin ito dumadating. Nang pumatak ang ulan ay saka lang siya tumayo sa kinauupuan at nagdesisyong bumalik sa bahay.
Tinatawid na niya ang pilapil sa gilid ng ilog nang magkabisala ang paa niya at dumulas ang paa niya sa pilapil. Napatili siya nang muntik na siyang malaglag sa bangin. At ilog na ang babagsakan niya. Mabuti at nakakapit siya sa gilid ng pilapil. Matagumpay siyang nakasampa. Kailangan niyang makaalis agad doon. Kailangan pa rin niyang makausap si James.
Subalit nang tangkain niyang tumayo ay napaupo ulit siya. Masakit ang binti niya. Sa palagay niya ay may naipit na ugat dahil sa pagkakadulas niya. Hindi siya makakatawid sa pilapil nang ganoon ang sitwasyon niya. Malamang ay tuluyan na siyang mahulog sa ilog kapag nadulas ulit siya.
Hindi siya maaring manatili sa ganoong ayos. Unti-unti na rin siyang nanghihina dahil sa lamig ng tubig-ulang tumatama sa katawan niya na sinamahan pa ng malamig na ihip ng hangin. Hindi man siya mamamatay sa pagkakalaglag sa ilog ay mamamatay naman siya sa hypothermia.
Dahan-dahang pumipikit ang mata niya sa sobrang pagod. Kanina pa siya lakad nang lakad at takbo nang takbo. Subalit pilit niyang pinaglabanan ang pagod. Mas gugustuhin niyang sumabit doon kaysa mahulog sa ilog.
“Saklolo!” sigaw niya.
Nahiling niya na sana ay may taong maligaw at tulungan siya. Kahit na parang imposible dahil walang taong pupunta doon lalo na’t malakas ang ulan.
“Jenna!”
Nawala ang pagod niya nang maulinigan ang boses ni James. Totoo nga kayang si James iyon at hindi siya dinadaya ng pandinig niya. Baka alingawngaw lang iyon o hangin.
“James! Ikaw ba iyan?” sigaw din niya.
“Jenna, where are you?”
“Malapit ako sa ilog! Tulungan mo ako!”
Maya maya pa ay natunton na nito ang kinalalagyan niya. Dinaluhan agad siya nito. “Jenna, are you okay?”
Umiling siya. “Naipitan yata ng ugat ang paa ko. Kapag iginagalaw ko, masakit siya. Hindi ako makalakad.”
Tinanggal nito ang sapatos niya at in-examine ang nasaktan niyang paa. “Na-sprain ka. Pero hindi ko ito pwedeng galawin ngayon. Baka may iba pang na-damage na tissue sa muscles mo.” Kinuha nito ang cellphone at nag-dial. “Hello, Ate Kim. Pwede bang pumunta kayo ni Ate Kim sa bahay nila Lola Inez. Na-sprain kasi ang kapatid ni Ate Jemarra. Nandito pa kami sa falls. Magkita na lang tayo doon. Bye!” anito at ibinalik ang cellphone sa bulsa. “Everything will be okay, Jenna. Ang importante, maibalik kita sa bahay.”
“Paano?” tanong niya.
Tumalikod ito sa kanya. “Kaya mo bang kumapit sa likod ko?”
“Sasalabay ako sa iyo?”
“Yes. Mas okay ang piggy back dahil hindi masyadong magagalaw ang paa mo at hindi rin tayo mahihirapang tumawid sa pilapil,” paliwanag nito. “Can you do it? Wala na akong ibang naiisip na paraan para maialis kita dito.”
“I’ll do it,” aniya at kumapit sa balikat nito.
“Hold on. Huwag kang bibitiw hangga’t hindi tayo nakakabalik.”
The feel of his warm and powerful body comforted her. Pumikit siya at ihinilig ang pisngi sa leeg nito. He was carrying her as if she doesn’t have any weight at all. But he was treating her like Dresden china. Maingat ito sa bawat kilos. Hindi nito hinahayaang masaktan siya.
Unti-unting nawala ang takot niya. Inaagos sa buhos ng ulan. Kahit na nakakadama siya ng sakit, hindi niya iyon iniintindi. Wala na rin siyang maramdamang lamig dahil sapat na ang init ng katawan nito para pahupain ang lamig. And his scent comforted her. It complimented the rain. She wondered how many men smelled good under the rain. Maybe only James.
“Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong niya.
“Sinabi sa akin ng mga bata na dito ka daw nagpunta. Akala kasi nila dito ako nagpunta sa falls.”
“Saan ka ba nanggaling?” tanong niya at ihinilig ang ulo sa likod nito.
“Sa orange farm ng lolo ko. Pareho kasi ang trail pero instead na bumaba papunta sa mga terraces, sa may papuntang bundok ang daan niya. Ikaw, bakit mo naman ako hinahanap?”
“Gusto kong mag-sorry.”
Bahagya siya nitong nilingon. “Mag-sorry saan?”
“Dahil sinaktan kita.”
“Jenna, wala ka namang ginawa para masaktan ako. Ikaw nga ang nasaktan dahil sa kahahanap mo sa akin.”
“No. Nasaktan kita dahil…”
“Hush now,” malumanay nitong sabi. “Saka na tayo magkwentuhan kapag magaling ka na. Ang importante ngayon, maibalik kita sa bahay at matingnan ka ng doktor. May gusto rin akong sabihin sa iyo.”
“Anong sasabihin mo sa akin?”
“Don’t be impatient. Malalaman mo rin.”
NANG magising si Jenna ay madilim pa sa labas. Alas tres pa lang ng madaling araw nang sulyapan niya ang wall clock. Naririnig pa rin niya ang malakas na hangin sa labas. Ilang oras na siyang nakatulog. Nang tumingin siya sa gilid ng kama ay nakita niya si James na nakayukyok sa tabi niya habang hawak ang kamay niya. Kung hindi siya nagkakamali ng hinala ay binantayan siya nito magdamag.
Napakaamo ng mukha nito kapag natutulog. He looks like a slumbering angel. Napakasarap nitong pagmasdan. Akmang hahaplusin niya ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa noo nito nang umungol ito. “Joann,” usal nito.
A big hand tugged at her heart. Nakuyom niya ang palad. It must be painful for James to loose Joann. Hanggang ngayon dala pa rin nito ang sakit ng pagkawala ng kasintahan. Kung may magagawa lang sana siya para maghilom ang sugat sa puso nito.
Binawi niya ang kamay nang dumilat ito at kinusot ang mata. Tumuwid ito ng upo nang makitang gising na siya. “Gising ka na pala. Okay na ba ang pakiramdam mo? Wala kang nararamdamang masakit?”
“I feel better,” sabi niya at ngumiti.
Sinalat nito ang noo niya. “Hindi ka na mainit.”
“Umepekto na ang gamot na ipinainom mo sa akin,” sabi niya habang nakatitig sa mukha nito na ilang pulgada na lang ang layo sa kanya. Parang gusto niyang haplusin iyon at sabihin dito ang lahat ng gusto niyang sabihin. She wanted to comfort him and tell him that everything will be okay.
“Mamamaga pa ang paa mo. Pero natural lang iyon sabi ni Ate Kim.” Asawa ng pinsan nito ang doktor na gumamot sa kanya. “Babalik siya bukas para I-check ang kondisyon mo. Kaya kailangang uminom ka na ng gamot.”
Hinawakan niya ang kamay nito nang tangka pa nitong isusubo sa kanya ang gamot. “You don’t have to do this.”
“Ano? Ang painumin ka ng gamot?”
“Yeah,” aniya at kinuha dito ang tabletas na gamot. “And playing nurse and guarding me. Inaabala na naman kita.”
“Tinutulungan lang kita.”
“But I can do it myself.” Isinubo niya ang gamot at uminom ng tubig. “Saka hindi ka dapat dito natutulog. You should be in bed. Mas komportable doon.”
Inayos nito ang kumot niya. “Jenna, mag-isa ka lang dito. Hindi mo pa kayang kumilos lalo na’t namamaga pa ang paa mo. Sabi ni Ate Kim, kailangan mo ng mag-a-assist sa iyo.”
“At ikaw na ang nag-prisintang mag-alaga sa akin?”
“Wala ka namang makukuhang personal nurse dito. Kailangan sila sa ospital. O mas gusto mong tumawag ako sa Ate Jemarra mo para sabihin ang nangyari sa iyo at siya na mismo ang kukuha ng nurse para sa iyo?”
Umiling siya. “Ayokong ipaalam sa kanya dahil sesermunan niya ako.”
“See? Wala kang choice. You are stuck with me. Saka kung sa akin rin naman mangyayari ito, tutulungan mo rin ako, hindi ba?”
“Siyempre. Pero kung babantayan mo ako, doon ka sa guestroom matulog.”
Inilapit nito ang mukha sa kanya at tinitigan siya. “Why, Jenna? Do I make you feel uncomfortable?”
Umiling siya. “No,” sagot agad niya. He doesn’t make her a bit uncomfortable. He actually made her feel good. “It doesn’t trouble me. Walang problema sa akin kung ikaw ang nagbabantay sa akin. Concern lang ako sa iyo at gusto kong maging komportable ka.”
Hinaplos nito ang buhok niya at ngumiti. “Huwag mo akong isipin. Kailangang isipin mo ang sarili mo dahil may sakit ka. You are somewhat incapacitated.”
“Of course not,” tanggi niya.
“Yes, you are. Ni hindi ka makakapaglakad nang mag-isa. Ang totoo, hindi mo pwedeng basta-basta igalaw ang binti mo hangga’t hindi nawawala ang pamamaga. Masasaktan ka lang kapag nagpilit ka.”
“Pero nahihirapan kang matulog nang nakaupo.”
“You don’t have to worry about me. I am tough.”
Naging seryoso ang anyo niya. “No, you are not.”
Kumunot ang noo nito. “Bakit mo naman nasabi iyan?”
“Hindi ako makikipagtalo ngayon, James. Sa ngayon, pumapayag na akong maging personal nurse ka.”
He patted her head. “Good girl.”
Pilit siyang bumangon at kinintalan ng halik ang pisngi nito. “Thank you, James,” usal niya saka nakangiting ipinikit ang mga mata.