Skylander Series Chapter 37

“James!” tawag ni Jenna dito. Nang gumising siya ay wala ito sa tabi niya kaya nag-alala siya. Ni hindi man lang ito nag-iwan ng note kung saan ito pumunta.

Bumangon siya at pinilit na ilakad ang bahagyang namamagang paa. Nang sumilip siya sa bintana ay maganda na ang panahon. Hindi nagtagal ay pumasok na ito sa gate na may dalang basket.

“James, nandito ako!” sigaw niya at nakangiti itong kinawayan.

Subalit hindi nito nagawang sagutin ang pagbati niya. “Huwag kang aalis diyan. Hintayin mo ako,” anito at dali-daling pumasok sa loob ng bahay. Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto. Halos mabitawan na nito ang basket na hawak at humahangos siya nitong nilapitan. “Bakit tumayo ka agad? Hindi mo pa pwedeng basta-basta igalaw ang paa mo. Paano ka gagaling niyan?”

“Wala ka kasi sa tabi ko paggising ko. Kaya hinanap kita.”

“Halika, bumalik ka sa kama,” anito at binuhat siya.

“James, hindi mo na ako kailangang buhatin. Kaya ko namang maglakad,” protesta niya.

“Saka ka na makipagtalo sa akin kapag magaling ka na,” anito at marahan siyang inilapag sa kama.

“Saan ka ba nanggaling?” tanong niya.

“Galing ako sa orange farm. Ikinuha kita ng orange,” anito at ipinakita ang basket na puno ng oranges.

“Wow! Sa akin lahat iyan?” excited niyang sabi.

“Oo. Ikinuha talaga kita para gumaling ka agad,” sabi nito. “Gusto mo bang ipag-squeeze kita ng orange?”

Kumuha siya ng isa. “Hindi na. Ngayon ko na lang kakainin.”

Kinuha nito ang orange mula sa kanya. “Ako na ang magbabalat.”

“Ang sweet mo naman. Sa orange farm ka pa kumuha. Bakit hindi ka na lang sa bayan bumili? Nagpakahirap ka pang sa farm kumuha. Di ba mas malayo iyon?”

“Doon ako galing kahapon. Pumupunta ako doon kapag gusto kong mag-relax at mag-isip. Saka gusto ko talagang ipitas ka ng orange. I want to apologize for being such a brute.”

“Brute? Kailan ka naging brusko sa akin?”

“Una, dahil napagbagsakan kita ng pinto noong unang beses tayong nagkita. Pangalawa, kapag nasusungitan kita dahil nagtatanong ka. At dahil pinigilan kitang pumunta sa cave noong nakaraan. Gusto kong ako mismo ang pumitas ng orange para maipakita ko ang sincerity ko.”

“A simple sorry is enough, James. Hindi mo na kailangang gawin ito. But I really appreciate it.”

Mas gusto pa niya ang hand-picked orange na bigay nito kaysa sa mamahaling regalo na natanggap niya mula sa ex-boyfriend niyang si Iñigo at sa ibang naligaw sa kanya.

“Am I forgiven, Jenna?” tanong nito at iniumang sa bibig niya ang orange.

Tumango siya at isinubo ang orange. “Wala kang kasalanan sa akin. Kung tutuusin, ako ang dapat na mag-apologize sa iyo. Marami kasi akong inuurirat sa buhay mo. I should have kept my mouth shut.”

Hinaplos ng hintuturo nito ang gilid ng labi niya. “Natural lang naman sa mga tao ang maging curious at magtanong. I am just oversensitive. Siguro na-trauma din ako dahil hindi ako makatakas sa media nang mga panahong gusto kong magluksa kay Joann. That’s why I hate being interrogated.”

“Hindi na kita pipiliting magsalita next time. Mas magiging sensitive na ako sa emotions ng ibang tao. Mas importante iyon kaysa ma-appease ang curiosity ko.”

“No. Kailangan kong sagutin ang lahat ng mga tanong mo. Pilit ko silang iniwasan sa loob ng mahabang panahon. Itinago ko kung ano ang nararamdaman ko. Nagtago ako sa mga tao dahil ayokong usigin nila ako,” anitong bakas ang sakit sa mga mata.

Ginagap niya ang kamay nito. “James, hindi mo kasalanan kung namatay man si Joann.”

Maang itong napatingin sa kanya. “Paano mo nalaman ang tungkol sa kanya? Sinabi sa iyo ni Ate Sapphire?”

Umiling siya. “Maarten told me. Siya ang foreigner na nai-guide ni Joann palabas ng cave. Nandito siya sa Sagada para dalawin si Joann.”

Bumuntong-hininga ito at tumayo. “Nakaraan na iyon.”

“Pero kinalimutan mo ang mga pangarap mo dahil sa kanya.”

“Dahil ako ang dahilan kung bakit naglaho ang mga pangarap niya. Ang mga pangarap namin,” he said in anguish.

“Aksidente ang nangyari, James. You didn’t push her to go.”

“I did. Dalawang taon ko na siyang girlfriend at gusto niyang magpakasal na kami. Gusto rin niyang mag-quit ako sa taekwondo at magtayo na lang kami ng business dito. Pero hindi pa ako handang mag-settle down. I love taekwondo. Hindi ko pwedeng basta-basta iwan ang career ko. I have big dreams, Jenna. At hindi niya maintindihan iyon.”

“Nagseselos ba siya sa pagta-taekwondo mo?”

“Yes. Hindi siya sanay na makita ako sa TV at pinagkakaguluhan ng ibang babae. She hated the idea that the press mobbed me. Wala daw akong oras sa kanya. Kung ordinaryong tao daw ako, hindi mangyayari iyon.”

Naiintidihan niya ito dahil pareho sila ng naranasan. She was also considered as a celebrity. At pinagkaguluhan ng media nang maging girlfriend siya ni Iñigo. Pero hindi siya naging insecure sa ibang babae o sa fans. Lahat ay inintindi niya at tinanggap. Kahit pa nga masasama ang sinasabi sa kanya ng ibang tao. Pero kahit kailan, hindi umabot sa punto na kailangan niyang papiliin si Iñigo sa kanya at sa career nito.

“Mahirap nga sigurong intindihin iyon lalo na’t simpleng tao siya. But at least she loved you as you are at hindi bilang celebrity.”

“Pero iyon din ang dahilan kung bakit gusto niyang makipaghiwalay sa akin. Pinapili niya ako kung ano ang mas mahalaga sa akin. Kung career ko o siya. Magkikita kami dapat nang araw na iyon. She gave me an ultimatum. Kung dadating daw ako, ibig sabihin siya ang pinili ko. At kung hindi, career ko ang pinili ko. Dapat pupunta ako pero may taekwondo exhibition game kami noon. I tried to call her. Pero hindi ko siya ma-contact. Hintay pala siya nang hintay sa akin. Hanggang napilitan nga siyang magtrabaho dahil hindi ako dumating.”

“Pero dumating ka pa rin?” tanong niya.

“The next day. Gusto ko pa ring isalba ang relasyon namin. Only to find her dead,” anito sa nanginginig na boses. Isinubsob nito ang mukha sa palad. “Na-retrieve na kasi ng mga rescuers ang katawan niya. I was mad. Galit ako sa sarili ko. Kung dumating lang sana ako. Kung iniwan ko sana ang exhibition game at dumating ako sa oras, baka nasagip ko pa siya.”

It must be hard losing everything. Dahil sa pagkawala ni Joann, pati ang career nito at binalewala na rin nito. No wonder ayaw na nitong babanggitin pa ang anuman tungkol sa pagta-taekwondo. Masakit din marahil para dito ang iwan ang isang propesyong minahal nito mula pagkabata. Pero pinangatawanan pa rin nito dahil gusto nitong parusahan ang sarili para mabawasan ang guilt.

“Taekwondo is your life, James. Hindi mo dapat isisi sa pagmamahal mo sa sports na iyon ang pagkawala ni Joann.”

“But Joann is also my life. Kung naghintay lang sana siya nang kaunti, iiwan ko naman ang career ko para sa kanya. Pero iniwan niya ako. Siguro iyon ang ganti niya sa akin dahil mas minahal ko ang career ko sa kaysa sa kanya.”

Ikinulong niya ang mukha nito sa palad niya. “Buhay ka pa, James. Hindi pwedeng habambuhay kang magtago dito. Punishing yourself won’t wash away the guilt. Binigyan ka ng Diyos ng talento. Natural lang na gamitin mo iyon. Isa pa, may dahilan ang Diyos kung bakit nawala sa iyo si Joann. Pero sa palagay ko, hindi ito ang gusto niyang mangyari. Binibigyan ka Niya ng pagsubok para mas maging matatag. Pero ano ang ginagawa mo sa sarili mo?”

“I ruined it.” Mapait itong ngumiti. “Pero naliwanagan na ako. Alam mo bang ikaw ang unang taong nagkalakas-loob na magsabi sa akin niyan?”

“How about your family?” tanong niya. Hindi naman siguro ito pinababayaan lang ni Sapphire na magpaka-mongha. Hindi ito ganoong klase ng kapatid.

“They don’t really know how I feel. Na sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni Joann. Hindi naman kasi ako nagsasalita. At hindi si Ate Sapphire ang tipo ng tao na namimilit. Alam niyang nasasaktan ako kaya hinahayaan niya ako na mapag-isa. Akala kasi niya iyon ang makakabuti sa akin,” paliwanag ni James.

Pinisil niya ang pisngi nito. “At least natauhan ka na. It is time to get out of your shell. Marami pang naghihintay sa iyo.”

“Masyado nang matagal ang isang taon. Parang nakalimutan ko na kung paanong gumalaw sa dating mundong ginalawan ko. But I want to move on.”

Tinapik niya ang balikat nito. “That is right, James. Move on.”

“Thanks for making me realize things, Jenna.”

Umiling siya. Pareho lang silang nagtatago sa lugar na iyon at umiiwas sa mga tanong at mapanuring mata ng publiko. Pero wala namang mangyayari sa buhay nila kung patuloy silang magtatago. Dapat sigurong sundin din niya ang sarili niyang advice. Maybe it was also time to get out of her shell.

“Ako ang dapat magpasalamat, James. Thank you for trusting me. Na kahit na naiinis ka na sa kakulitan ko, nagtapat ka pa rin sa akin.” And she would be willing to help him forget the past and heal all wounds if only he would let her.

“I AM leaving now, Jenna. I must go back to Manila,” sabi ni Maarten nang dalawin siya nito sa bahay. Pangatlong araw na niyang nakalakad at noon na lang ulit sila nagkita. “I just want to see you before I go.”

“Did you already bid Joann goodbye?” tanong niya.

Tumango ito. “Yes. Now I am over my past. And thanks for being such a good listener, Jenna. I wish we could see each other again.”

“Of course. And I have your e-mail. I will keep in touch.”

Ginagap nito ang kamay niya at kinintalan ng halik ang likod ng palad niya. “Take care of yourself.”

“I will.” She gave him a bear hug. “Thank you for being a nice friend.”

Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman niya nang umalis si Maarten. Malungkot siya dahil hindi niya ito makakasama ng matagal o maihahatid man lang. Wala na ang pamamaga ng paa niya pero hindi pa niya iyon maaring ilakad nang malayo. Masaya naman siya dahil tulad ni James, nagawa na nitong harapin ang multo sa buhay nito. Like James, he will move on with his life.

Nagulat siya nang may kumatok sa pinto. “Pwedeng pumasok?”

“James! Bakit hindi ka na lang basta pumasok? Kanina pa bukas iyan.”

Subalit hindi ito pumasok. Nanatili lang itong nakasandal sa hamba ng pinto habang seryosong nakatitig sa kanya. “Nanliligaw ba sa iyo iyon?”

“Si Maarten? No. He just said goodbye. Bakit mo naitanong?”

Bahagyang tumalim ang mata nito. “Mukhang sweet na sweet kayo. Hinalikan ka pa niya sa kamay at niyakap mo pa siya.”

Direkta niya itong tiningnan sa mga mata. “Ano ngayon kung yakapin ko siya? Nagseselos ka ba?”

Iniwas nito ang tingin sa kanya. “Bakit naman ako magseselos? Hindi naman kita girlfriend. Hindi rin naman kita nililigawan.”

“Pero hindi mo sinabing hindi mo ako type. Crush mo siguro ako.”

Umasim ang mukha nito. “Puro ka talaga kalokohan.”

Tumawa siya nang mapansin ang pamumula ng mukha nito. “Uy, nagba-blush siya. Crush mo nga ako!” tukso niya dito.

“Hindi kita crush.”

“Bakit pinanood mo kami ni Maaten kanina?” Hindi niya maiwasang kiligin. Hindi niya ine-expect na pagseselosan nito si Maarten.

“Wala lang,” anito at nagkibit-balikat. “Crush mo ba si Maarten?”

Lumapad ang ngiti niya. “Gusto mo bang malaman kung sino ang crush ko?”

Tumango ito. “Sino nga?”

Umupo siya sa kama. “Moreno ang crush ko. Almost six feet ang height niya at jet-black ang buhok niya.”

Nahawakan nito ang sariling buhok. “Hindi ba blonde si Maarten?”

Nangalumbaba siya at tinitigan ito. “Chocolate brown ang mata niya,” tukoy ulit niya sa crush niya.

“Blue eyes si Maarten.”

Nakagat niya ang labi at pinagmasdan ang kabubuan nito. “Nakasuot siya ng black T-shirt at stonewashed na jeans.”

Napatingin ito sa sariling damit. Naka-black t-shirt kasi ito at jeans. Saka naghihinala nitong ibinalik ang tingin sa kanya. “Jenna…”

“And he was so sexy when he is wearing a dobok. Iyong taekwondo uniform. Alam mo na ba kung sino siya?”

Namaywang ito. “Are you teasing me?”

Hindi niya sinagot ang tanong nito at tumayo siya nang naka-fighting stance. “Ganito pa nga ang ginawa niya sa una niyang commercial. Yaa!” aniya at sumipa. Pilit niyang ginaya ang roundhouse kick nito.

Subalit napaigik siya sa sakit nang ang maitapak pala niya ay ang paa niyang may pilay. Na-out of balance siya at muntik nang tumumba sa sahig.

Mabuti na lang at maagap si James. Niyakap siya nito sa baywang at inalalayan siya. Ilang saglit niyang nakalimutang huminga. Minsan nang naglapat ang katawan nila noong pasanin siya nito mula sa falls. But she was feeling a little pain then. At binabalutan din siya ng takot.

While she was well aware of his muscular body now. Dama rin niya ang magkahalong init at kuryente na nananalaytay sa buong katawan niya.

“Hindi ka pwedeng basta na lang sumipa. You need to know how to kick properly. Or else, mai-strain ang muscles mo. At hindi ka pa pwedeng magsisipa ngayon,” anito at maingat siyang inupo sa kama.

“Tuturuan mo ba akong mag-taekwondo kapag magaling na ako?”

“I…” Natigilan ito. “Hindi bagay sa iyo ang magkapasa.”

Subalit alam niyang hindi iyon ang dahilan. He said he would move on pero hindi pa ito handa. Dahil ayaw pa rin itong bumalik sa kinahiligang sports.

Hinaplos niya ang pisngi nito. “Sana bumalik ka na sa taekwondo, James. Para crush na ulit kita.”

Natigilan ito. Ngunit pagkuwan ay ngumiti rin. “I’ll think about it.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.