Skylander Series Chapter 39

“Bruha ka! Mabuti na na-contact kita. Buhay ka pa pala.”

“Sally?” usal ni Jenna nang makilala ang kaibigang entertainment columnist sa isang broadsheet. Nagulat siya nang tawagan siya nito sa cellphone dahil sinadya niyang magpalit ng number para hindi siya ma-contact ng media.

Nasa terrace siya noon at nag-aagahan habang pinapanood ang pagte-training nina James at Rohann sa kabilang bakuran. Kahit paano ay nasasanay na siyang makita kung paano magkapasa si James. Pero hindi nasasaktan pa rin siya. Subalit kung gusto niyang maging bahagi ng buhay nito, kailangan niyang tanggapin kung ano ito at akapin ang isang bagay na mahal na mahal nito.

“Sino pa bang reporter sa palagay mo ang may kakayahang ma-contact ka? Ako yata ang pinaka-resourceful sa amin. Saang lupalop ka ba naglulungga?”

“Somewhere na hindi mo ako makikita. Kailangan mo pang umakyat ng maraming bundok bago mo marating ang kinaroroonan ko,” pabiro niyang sabi.

“Ibig sabihin, wala kang planong lumabas at magsalita. Girl, marami nang speculations ang lumalabas sa iyo. Na kesyo naka-confine ka daw sa isang ospital sa sobrang depression. Mayroon naman na nagpakamatay ka o kaya ay nalulong na sa drugs. Gusto ko mang ipagtanggol ka, wala naman akong impormasyong maibibigay sa kanila. Dahil ako mismo, hindi ko alam kung nasaan ka.”

Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis sa mga tsismis na lumalabas. The world of showbiz can be vicious and cruel. Walang patawad. Ayaw talagang patahimikin ang mga taong gusto ng katahimikan.

“I am sorry, Sally. Pero bakit pa ako lalabas? They will twist my own words. Hindi pa ba sila masaya na ikakasal na sina Iñigo at Henrietta?”

“Hindi sila masaya. Kaya bago pa maging buto-buto na lang ang aabutan mong fashion career dito, magsalita ka na. Speak up. Saka nangako ka sa akin na bibigyan mo ako ng exclusive interview,” paalala nito.

“I know. Pero ayokong dito sa phone magpa-interview. At kakausapin lang kita kung pupuntahan mo ako dito.”

“Teka, nasaan ka ba? Naka-international roaming ba ang phone mo? Nasa Bahamas ka ba? Cayman Islands? Miami? Lalangoy pa ba ako ng dagat?”

Tumawa siya. “Aakyat ka nga ng bundok. Walang dagat dito.”

“Whatever! Sabihin mo na sa akin kung nasaan ka.”

“Sagada.”

“NO WONDER hindi ka namin mahagilap. Lahat ng TV networks at mga showbiz columnist, hinalughog ka sa kung saan-saang sosyal na tourist spot sa Pilipinas. Iyong iba nga, pinakalat na ang galamay sa Europe at States. Pero hindi ka talaga namin makita. Nandito ka lang pala sa bundok. Alam mo bang ito ang kahuli-hulihang lugar na hahanapin ka namin?” sabi ni Sally habang umiinom ng orange juice at nagmimiryenda ng cream tart sa verandah.

Kadarating lang nito sa Sagada. Sa Igorot Inn ito tumutuloy. Mas komportable daw ito sa hotel kaysa makituloy sa kanya. Dahil in a way ay iginagalang pa rin nito ang privacy niya.

“Yeah. Nobody would think na dito ako mapapadpad.”

Dahil ang dating Jenascia Almayda ay walang alam sa buhay kundi magpasarap. Parang hihimatayin na siya kapag nakakita ng baku-bakong kalsada at maalikabok na daan. Ayaw din niyang sumakay sa walang aircon. Pero heto at mahal na mahal na niya ang Sagada at ang mga tao doon lalo na si James.

“Pero ito talaga ang pinaka-ideal na place para mag-recuperate. Marami sigurong guwapo dito kaya nakakatagal ka. Kanina ngang nag-check in ako sa Igorot Inn, madaming guwapong foreigner sa lobby.”

“Hindi foreigner ang type ko.”

“Ibig sabihin, may kapalit na si Iñigo sa puso mo?”

“Shhh…” saway niya dito. “Baka maunsiyami pa ang lovelife ko.”

“Pwede ko namang isekreto iyon sa public. At least titiyakin ko lang sa mga tao na hindi ka uminom ng muriatic acid or naglaslas ng pulso. At wala ka rin sa rehabilitation center.”

Natawa siya. Ni hindi nga siya marunong manigarilyo, magda-drugs pa kaya. At hindi siya baliw na magpapakamatay para sa isang walang kwentang lalaki.

“Aside sa bakasyon, nag-iisip lang ako ng bagong designs para sa next fashion show ko. Kung ako nga ang masusunod, ayokong sa isang hotel ganapin ang show. Mas gusto ko dito. At least mas feel na feel ang nature.”

“Kaso, sino naman ang makakatagal sa pagpunta dito? Mga malalakas lang ang loob ang makakapunta dito.”

“Kaya nga Sagada na lang ang dadalhin ko sa Manila.”

“Iimbitahan mo ba sina Henrietta at Iñigo?” nang-iintrigang tanong nito.

“Bakit hindi?” walang halong kaplastikan niyang sabi.

Wala na siyang nararamdamang bitterness para sa mga ito. Dahil kung hindi siya sinaktan ng mga ito, hindi sana sila magkakakilala ni James.

“Could you tell me the guy who made you smile again?” nanunuksong tanong nito. “Mas guwapo ba siya kay Iñigo? Naku-curious.”

“Bakit hindi mismo ikaw ang mag-judge?”

“May tao yata,” sabi ni Sally nang may marring na kumatok.

Tumayo siya. “Sa palagay ko siya na iyan.” Gaya ng inaasahan niya ay si James nga ang napagbuksan niya ng pinto. “Hi! Pasok ka muna.”

“Hindi na. Dumaan lang ako dito dahil idinala ko ang mga orange.” Napatingin ito kay Sally na nasa may baba ng hagdan. “May bisita ka pala.”

“James, Sally Andrade. Kaibigan ko siya na galing sa Manila. Sally, Michael James Lizardo,” pagpapakilala niya.

“I am pleased to meet you, Mr. Lizardo,” nakangiting sabi ni Sally nang kamayan ito. Hindi ito makapaniwala na nasa harap ang isa sa pinakasikat na martial artist ng bansa. O hindi rin siguro nito mapaniwalaan na doon ito matatagpuan.

Kumunot ang noo ni James habang nakatitig kay Sally. “Have we met before, Miss Andrade?” tanong nito.

“I am sure ngayon mo lang siya nakita. Galing ng Europe si Sally,” salo agad niya. Naipagdasal na lang niya na hindi nagbabasa ng entertainment section si James para hindi nito makilala si Sally.

Pagkuwan ay ngumiti rin si James. “Bakit hindi ka sumama sa amin ni Jenna bukas? Magpi-picnic kami sa may Bokkong Falls,” yaya ni James kay Sally.

“Kaso plano ko nang umalis bukas.” Natigilan ito at nagkibit-balikat. “Sabagay, pwede akong mag-extend dito kahit isang araw. Sayang naman kung hindi ko masyadong makikita ang lugar samantalang napakalayo ng ibiniyahe ko.”

“Good. See you tomorrow,” anito at pinisil siya sa baba. “Ako na ang magto-toss ng salad bukas. Sasama rin sila Kuya Rohann.”

Nakatayo pa rin siya sa may pinto habang hindi mawala ang ngiti sa labi kahit na wala na sa harap niya si James. Kung hindi pa nagsalita si Sally ay hindi niya maalalang may kasama pala siya.

“Gosh! I can’t believe it. Dito lang pala nagtatago ang sports icon na si James Lizardo. Isang taon din siyang nawala at hanggang ngayon, nagtatanong pa rin ang mga tao kung nasaan siya. Napakaswerte ko talaga. Sa palagay mo ba, makakakuha ako interview sa kanya? Excited na talaga ako na makausap siya. Ang dami-dami kong tanong. This is the best story of my life!”

Naalarma siya. Hindi lang pala siya ang celebrity sa lugar na iyon kundi maging si James. Hamak na mas sikat pa nga ito sa kanya. At kahit sinong reporter ay hindi palalagpasin ang pagkakataon na makapanayam ito.

“Sally, pwede bang huwag na lang si James?”

Nagtaka ito. “Bakit? He is a public figure. Sikat na sikat pa rin siya. This is a once in a lifetime opportunity. Nandito na ako, bakit ko pa palalagpasin?”

“I know. Pero importante din ito sa akin, Sally. Gusto ni James ng katahimikan. Umiiwas nga siya sa media. Kung napansin mo, hindi kita ipinakilalang reporter dahil tiyak na hindi lang ikaw ang iiwasan niya kundi maging ako.” At tiyak na masasaktan siya kapag lumayo sa kanya si James. “After all, ako lang naman ang ipinunta mo dito. Nakuha mo na ang istorya mo. Pabayaan mo na siya.”

Matagal na sandali siya nitong pinagmasdan. “Importante siya sa iyo?”

Tumango siya. “Siya ang pinaka-importanteng tao sa akin sa mga oras na ito. At kahit kaibigan pa kita, aawayin kita kapag ipinilit mo ang gusto mo.”

“Aha! Siya ang special guy sa buhay mo. Siya ang ipinalit mo kay Iñigo. At mukhang in love na in love sa kanya.”

“Yes. I love him and I won’t do anything to hurt him,” pagtatapat niya. “Simple lang naman ang hinihingi ko sa iyo, hindi ba? James needs time. Maraming nangyari sa buhay niya na gusto niyang manatiling sekreto. Dadating naman ang panahon na magsasalita siya at lalabas. Hintayin mo na lang ang time na iyon.”

Napabuntong-hininga at nakatulalang dumungaw sa bintana. “Ay! Ang sweet naman! Nakakaiinggit! Alam mo bang muntik na kitang kalbuhin nang maging girlfriend ka ni Iñigo dahil crush na crush ko iyon? Tapos ngayon, isa na namang guwapo ang nasilo mo. Bakit ba masyado kang maswerte sa lovelife?”

“Ibig sabihin, hindi ka na mamimilit na kumuha ng interview kay James?”

“Hindi na. Naiintindihan naman kita. Dahil kung mai-in love ako sa kasing guwapo niya, poprotektahan ko rin siya ng buhay ko.”

Niyakap niya ito. “Thank you, Sally.”

James needed all the protection he could get. Sinisimulan pa lang nitong buuin ang nasirang bahagi ng pagkatao nito. Hindi pa nito kailangan ng maraming exposure. Hindi pa ito handang sumagot sa tanong ng mga tao. Darating din ang panahon na magiging handa na itong humarap sa mundo. At gusto niyang nasa tabi siya nito kapag humarap ito sa mga bagong pagsubok at sa bago nitong buhay.

SATISFIED na isinubo ni Jenna ang huling kagat ng cream tart. Galing siya sa palengke. Mas masarap mamili kapag Sabado dahil market day. Dalawang linggo na siya sa Sagada at sanay na siya sa takbo ng buhay doon. Ni hindi na niya maalala ang buhay niya sa Manila.

Paano pa niya maiisip ang magulong lungsod? Samantalang sa Sagada ay walang polusyon, walang traffic, walang tsismis, walang press na nangungulit at mababa ang crime rate at cost of living. Lagi pa niyang kasama si James.

Malaki na ang progress nito. Gusto na siguro talaga nitong bumalik sa mundo ng taekwondo. At malaki ang tsansa na ito ang ipanlaban sa susunod na Olympics.

Napabilis ang lakad niya nang makita si James na nakasandal sa tabi ng pinto. “Hi, James! Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat mamaya ka pa babalik galing sa orange farm?”

Subalit hindi ito kumibo at nananatili lang nakatitig sa kanya. Mukhang wala ito sa mood. Pero hindi niya alam kung ano ang makakapagpasira ng araw nito.

“Hey, anong problema?” aniya at ikinaway pa ang palad sa mukha nito. Hindi na siya sanay na nakikita itong nakasimangot. “Mukhang may sapi ka ngayon.”

“Anong ibig sabihin nito?” tanong nito at inabot sa kanya ang diyaryo.

Lumantad sa kanya ang article na isinulat ni Sally tungkol sa kanya. “Are you mad because I didn’t tell you that my ex-boyfriend is a celebrity?”

Walang salita nitong inilipat ang diyaryo sa nakatuping lower page. Sa pagkakataong ito ay alam na niya kung bakit ito galit. Dahil naka-publish ang mga picture nila ni James na kinunan ni Sally nang mag-picnic sila sa Bokong Falls.

“Kaya mo bang ipaliwanag ang pictures na iyan?”

Sa pagkakataong ito ay siya ang napipilan. Dahil siya rin mismo ay nagtataka. Nangako sa kanya si Sally na itatago nito ang tungkol kay James. She always confided in her because Sally has a word of honor. At ngayon pa lang nangyari na sinira nito ang napag-usapan nila.

“H-Hindi ko alam kung paano nangyari ito,” kaila niya.

Nang hindi pa rin siya nagsalita ay inagaw nito sa kanya ang diyaryo at galit na ihinagis. “Nangyari iyan dahil nagsinungaling ka sa akin. Marami kang itinago sa akin. I don’t know that you are a celebrity. That your boyfriend is a star…”

“Ex-boyfriend,” pagtatama niya. “At alam mo na rin siguro na nandito ako para makaiwas sa gulo. Just like you. Itinago ko iyon pero sasabihin ko rin naman sa iyo. Humahanap lang ako ng tamang pagkakataon.”

“At sasabihin mo rin ba sa akin na reporter ang kaibigan mong si Sally?”

Umiling siya at iniwas ang tingin dito. “No. Dahil alam kong magagalit ka at pag-iisipan mo kami ng masama.”

He held her chin and forced her to face him. “At ano ang gusto mong isipin ko ngayon sa ginawa mo? You set me up! Why, Jenna?”

“I didn’t set you up!” aniyang hindi na matagalan ang mga paratang nito. “At hindi ako nagsisinungaling! Totoo, kaibigan kong reporter si Sally. She writes for the entertainment section. Pumunta siya dito dahil matagal na akong nangakong magpapa-interview sa kanya. But that’s all. I must admit that she planned to interview you as well. But I made her promise that she won’t bother you. Dahil alam kong hindi ka pa handang humarap sa maraming tao.”

“Pero pumayag ka pa rin na kunan niya tayo ng picture kahit alam mo na maari niyang I-publish ito?” tanong nito sa mataas na tono na parang hindi pa rin naniniwala sa sinasabi niya. “O iniisip mo na walang diyaryo dito sa Sagada? Na hindi ko malalaman ang ginawa ninyo.”

“James, pinalalabas mo ba na ginagamit kita sa publicity? I don’t really need it. May talento ako. At hindi ko kailangang sumikat at other people’s expense. Kung pumayag man akong kunan niya tayo ng picture, iyon ay dahil nagpaalam siya sa akin. She told me that it was for personal keeping. And I believed her.”

Kung may kasalanan man siya, iyon ay dahil nagtiwala siya. Pero hindi rin niya maaring basta husgahan si Sally. There must be some reason behind it. Dahil alam nitong maaring makasira sa kredibilidad nito ang ginawa nito.

Ngumiti nang sarkastiko si James at napailing. “Hindi ko alam kung maawa ako sa iyo. You were a fool and so naïve to believe your friend. And at the same time, parang ayoko ring maniwala sa iyo. Hindi ikaw ang klase ng tao na basta-basta napapaikot ng iba.”

“Pero iyon ang totoo, James. Pareho lang tayong biktima dito.”

“Whether you are a victim or an accomplice, it doesn’t change how I feel for you. I hate you, Jenna. Nananahimik ako pero ginulo mo ang buhay ko. I was such a fool to trust you. Hindi kita dapat hinayaang mapalapit sa akin.”

Parang isang babasaging kristal na bumagsak ang puso niya at nagkahiwa-hiwalay sa libu-libong piraso. Mas masakit pa iyon kaysa nang lokohin siya ni Iñigo.

“I thought you were ready to move on, James. Bakit hinahayaan mo na naman ang sarili mo na pagalawin ng galit mo?”

Hinawakan siya nito sa braso at hinapit palapit dito. “May binago ka siguro sa buhay ko, Jenna. You made me realize a thing or two. But it doesn’t mean you have to right to manipulate my life. Wala kang karapatan na pangunahan ako sa desisyon ko. Wala pa akong plano na buksan ulit ang buhay ko sa publiko katulad ng ginawa ko noon. And you surely ruined the peaceful life I want.”

“James, listen…”

“Doon ako nagkamali. Noong pinakinggan kita. Hinayaan kitang masyadong mapalapit sa akin. You taught me another lesson, Jenna. A bitter one. Hindi ako dapat basta-basta nagtitiwala sa isang katulad mo,” anito at binitiwan siya.

“SOBRA-SOBRA na ang bakasyon mo, Jenna. Kung patuloy kang magtatago sa lungga mo, made-delay ang fashion show mo. Kailangan nating samantalahin ang kasikatan mo para mas maging successful ang launching ng bago mong koleksiyon,” sabi ng producer ng fashion show niya na si Shanna.

Mula nang magtalo sila ni James kaninang umaga ay hindi pa rin niya ito nakikita. Kumukuha lang siya ng tiyempo para makausap ito. Kailangan niya itong kumbinsihin na inosente siya sa pagkaka-publish ng pictures nito.

“Shanna, alam mo namang ayokong mag-show habang maingay pa ako. Mas gusto kong manood ang mga tao ng fashion show para ma-appreciate nila ang koleksiyon ko at hindi para makisimpatya sa akin o para uriratin ang bago sa buhay ko,” sabi niya at tinanaw mula sa bintana si James na papasok ng bahay kasama sina Rohann at Kimberly.

Naramdaman marahil nito na nakatingin siya dito kaya tiningala nito ang bintanang kinalalagyan niya. Mabilis niyang ibinalik ang tabing ng kurtina. Hindi pa rin humuhupa ang galit nito sa kanya. Hindi pa sila maaring mag-usap.

“Kahit ano pang sabihin mo, kesyo ayaw mo ng gimmick o hindi, ang importante ay ang success ng show mo. May sarili kang prinsipyo, darling. I also have my own. Naniniwala man ako sa talent mo, naniniwala rin ako na kahit anong publicity ay makakabuti para sa iyo. O baka naman hindi mo maiwan ang bago mong boyfriend diyan sa Sagada,” tukoy nito kay James.

“James is just a friend, Shanna,” paglilinaw niya.

“Well, iba ang sinasabi ng pictures ninyo at ng article. Bakit hindi natin siya isama sa fashion show mo? He has a nice body after all. Mas lalong dudumugin ng mga tao ang pagbabalik niya sa spotlight.”

“Shanna, leave James out of this,” saway niya dito.

“Okay! Kung ayaw mo siyang I-share sa amin, sa iyo na siya. Basta huwag mong I-delay ang schedule namin. Bumalik ka sa Manila as soon as possible. NO! I want you in my office three days from now. So pack your things and say goodbye to the mountains and pine trees. Dahil tapos na ang bakasyon mo. No buts.”

She let out an exasperated breath. “I’ll be in your office three days from now. Goodbye, Shanna!”

Nanlulumo siyang napansandal sa pader. Kung bakit ngayon pa niya kailangang umalis kung kailan hindi pa siya handa. Ayaw niyang niyang iwan si James nang may gulo sa pagitan nila. Pero hindi pa ito handang harapin siya. Mahirap piliting paghilumin ang isang sugat na sariwa pa.

Nagdadalawang-isip pa siya kung kailangan na niyang I-empake ang mga damit o hindi pa nang may kumatok sa pinto. Binilisan niya ang pagbubukas dahil umaasa siyang si James iyon. Baka gusto rin siya nitong makausap. Subalit bahagya siyang nakadama ng dismaya nang makita si Kimberly.

“Hi! Dinalhan lang kita ng strawberries. Galing kasi sa Benguet si Rohann,” wika nito at inabot sa kanya ang maliit na woven basket na puno ng strawberries.

“Salamat.” Niluwagan niya ang bukas ng pinto. “Pasok ka,” yaya niya at ipinasok sa loob ng ref ang strawberries.

“Jenna, hindi sa nag-uurirat ako. Pero nag-away ba kayo ni James?”

Marahan siyang tumango at inabot dito ang diyaryo. “Nabasa kasi niya ang tungkol diyan. He thought I set him up. Na ginagamit ko siya sa publicity ko.”

Namutla ito. “Oh, that bad?”

“Ipinaliwanag ko sa kanya na wala akong kinalaman sa nangyari. Na hindi ko alam na gagamitin din ang pictures namin para sa article ni Sally. The reason why I didn’t tell him about Sally in the first place was because he would get mad. Dahil ito mismo ang iisipin niya. Baka gamitin ko siya sa publicity or magsusulat si Sally tungkol sa kanya nang walang permiso niya.”

Pero ganoon din naman ang nangyari. Nagdadalawang-isip tuloy siya kung tama ang paglilihim niya. Parang nai-delay lang niya ang negatibo nitong reaksiyon. Dahil sa huli, inani rin niya ang galit nito.

“Bakit hindi mo siya kausapin? Siguro galit siya ngayon pero ilang araw lang, mawawala na ang galit niya,” payo ni Kim sa kanya.

“Pero wala ako ng sinasabi mong ilang araw para palipasin ang galit niya. I am leaving tomorrow.”

“That soon? Dahil ba kay James?”

“No,” tanggi niya at pilit na ngumiti. “I would really love to stay longer. Pero kailangan ko nang bumalik sa Manila. Work as usual.” Kailangan na niyang harapin ang totoo niyang mundo.

“Ibig sabihin aalis ka nang ganito ang sitwasyon?”

Nangilid ang luha sa mata niya na mabilis niyang pinalis. “I don’t want to leave. But I have to go. Isa pa, iyon ang mas makakabuti sa amin ni James.” James wanted her to leave. Ayaw niyang ipilit ang sarili dito. “Pero kakausapin ko naman siya bago ako umalis.”

“Be careful with his feelings. He is more fragile now that he felt betrayed for the second time.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.