Was it just a dream? Na muntik na siyang halikan ni Arthur?
Bumangon si Sapphire. Nasapo agad niya ang ulo nang sumigid ang kirot. Parang sasabog iyon sa sakit. It was pure nightmare. Totoo ang lahat ng nangyari at hindi panaginip lang.
“Mabuti at gising ka na,” anang boses ni Arthur. Hindi niya alam kung nananaginip pa rin siya o talagang gising na siya nang makita itong nakaupo sa tabi ng kama niya. Anong ginagawa nito doon?
Umungol siya nang haplusin nito ang noo niya. That was nightmare part two. “Anong oras na?” tanong niya kaysa kumpirmahin dito ang totoong nangyari.
“Eight o’clock. Uminom ka ng tsaa para mawala ang sakit ng ulo mo.”
“My head aches. I want to go back to sleep,” usal niya at humiga ulit.
Someone give me a hammer and poke my head. Gusto niyang matulog ulit dahil ayaw pa niyang harapin si Arthur. Pagkatapos ng mga pinagsasabi niya nang nakaraang gabi, wala na siyang mukhang maihaharap dito.
“Hindi ka na dapat umiinom. Di mo kaya ang sarili mo,” sermon nito sa kanya. “Naalala mo ba ang mga ginawa mo kagabi?”
Umiling siya. “Ang alam ko lang, masakit ang ulo ko.” Hinding-hindi niya aaminin dito na natandaan niya ang mga iyon. Nakakahiya siya kapag nagkataon.
“I’ll massage your head,” malambing nitong sabi.
Sinimulang nitong hilutin ang sentido niya. She closed her eyes. That was pure heaven. Kung aalagaan siya nito at hindi siya sesermunan ay walang problema. Makakalimutan na siguro nito ang mga pinagsasabi niya nang nakaraang gabi.
“Masakit pa ba? Sapphire?” Hindi siya sumagot at nanatiling nakapikit. “Sapphire? Gising ka pa ba?”
Pumikit siya at nagkunwaring tulog. Maya maya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. “Nandito na ang tsaa,” anang si James.
“Nagising na siya kanina pero natulog ulit siya. Ipainom mo na lang ang tsaa paggising niya at ang Tylenol. Para tiyak na tanggal ang hang-over niya.”
“Thanks, bro!” Narinig niya ang pagtapik ni James kay Arthur sa balikat gaya ng nakagawian ng mga ito. “Baka hinihintay ka na ng mga estudyante mo. Ako na ang bahala kay Ate.”
“Dadalawin ko siya kapag maluwag ang schedule ko,” pangako ni Arthur.
Nakadama siya ng panghihinayang nang marinig ang papalayo nitong yabag at ang pagsara ng pinto. Akala niya ay babantayan pa rin siya nito.
Tinapik siya ni James sa pisngi. “Ate, gising na. Huwag ka nang magkunwaring natutulog.”
Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. Buko na nito ang modus-operandi niya. “Umalis na si Arthur?”
Tumango ito. “Hindi mo siya kayang harapin dahil sa kahihiyan?”
“Nasaan na ang tsaa?” sa halip ay tanong niya at bumangon.
“Mainit pa iyan. Baka mapaso ka. Si Kuya Arthur mismo ang nagdala ng tsaa para sa iyo. Kung ako ang masusunod, gusto ko na sanang ipaligo sa iyo para magising ka,” anito at humalukipkip.
“That’s cruel, James!”
Pumalatak ito. “No wonder ipinadala ka ni Mama dito. New York doesn’t suit you. Where is my prim and proper eccentric sister? You had gone wild!”
“Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito. Gusto ni Mama na bantayan kita. You need someone to look after you.”
“Mukhang ikaw ang nangangailangan niyon.”
Napaungol siya. Ngayon lang kasi siya nasermunan ng nakababatang kapatid. “Nakakahiya ba talaga ako kagabi?”
Inilapit nito sa kanya ang mangkok ng chicken soup. “Hindi namin alam ang ginawa mo. Pero alam ni Kuya Arthur ang lahat dahil kayong dalawa ang magkasama, hindi ba?”
Sa halip na pansinin ang soup ay isinubsob niya ang mukha sa unan. “This is too much! It was suicide, James! I can’t live in shame.”
“You’ll live,” anito at tinapik siya sa balikat.
Napatingin siya sa nakangiti nitong mukha. It was the first time she saw him smile since his girlfriend died. “Ikaw, sasabihin mo ba sa akin kung ano ang nararamdaman mo? It is okay to mourn for Joann but you have to live your life. Nakalimutan mo na ba ang mga pangarap mo?”
“Sis, I can handle this. You don’t have to worry about me,” anito at iniwas ang tingin sa kanya. Hindi pa rin ito nakaka-recover.
Hinakawan niya ang kamay nito. “It was tough losing a love one. But you have to face the truth. Be strong, James. Ayoko nang mag-alala pa si Mama. She is too old for that. Will you try to face this like a man?”
Bumuntong-hininga ito. “Gagawin ko para sa inyo ni Mama.”
“You’ll go out and meet other girls?”
“I am not yet ready for that one. Sa ngayon, pipilitin ko munang ibalik sa normal ang buhay ko. I’ll try to talk to people and go out.”
“How about taekwondo?”
Bumakas ang lungkot sa mukha nito. “Your soup,” paalala nito at sinubuan siya. Pareho lang silang may tinatakasan ng kapatid at pareho silang takot na humarap sa katotohanan. Pero hindi siya dapat tumakas. Anumang oras, kailangan niyang harapin ang lahat ng sinabi niya kay Arthur.
PARANG may sariling buhay ang charcoal na hawak ni Sapphire. Mabilis kasi niyang nagawa ang sketch niya. Bago kasi niya I-paint sa canvas ay sa sketchpad muna siya para malaman niya kung ano ang kalalabasan ng painting. Iba’t ibang anggulo rin ang ginagawa niya. Magandang lugar ang Sagada at gusto niyang I-capture sa canvas ang magagandang tanawin at ang etnikong kultura niyon.
Hindi siya nagsisisi sa pagpunta doon. Tama ang mama niya. Makakakuha nga siya ng inspirasyon doon. The place, the culture and the people. At dahil malapit lang ang villa nila sa Bokong Falls ay iyon ang una niyang binisita.
Napaangat ang tingin niya nang lumubusaw ang tubig. Parang namalikmata siya habang pinagmamasdan si Arthur patawid ng maliit na ilog.
“Hi!” nakangiti nitong bati sa kanya. Naiinis talaga siya kapag ngumingiti ito dahil nagmumukha siyang tanga. Nawawala siya sa katinuan. “Galing ako sa bahay ninyo. Pero sabi ni James nandito ka daw. I want to check if you are okay.”
She nodded. “I am okay.”
Umupo ito sa batuhan sa tabi niya. “Masyado ka yatang nag-enjoy noong nakaraang gabi. Nagdala pa ako ng tsaa. Iniwan ko kay James. Lemon grass tea.”
“Thank you for the concern and for helping me the other night.”
“Nag-panic ako.” Naging seryoso ang mukha nito. “Huwag mo na akong tatakutin ulit. I thought you are critical.”
Alanganin siyang tumawa. “Nakakahiya ba talaga ang mga ginawa at sinabi ko noong nakaraan?”
“Not really. I was just wondering if they were real or you were just drunk.” Binantayan nitong mabuti ang magiging reaksiyon siya ngunit wala siyang sinabi. “Mukha namang wala kang natatandaan.”
“A-ano ba ang sinabi ko noong nakaraang gabi?” inosente niyang tanong.
“Since you don’t remember a thing, there is no reason to discuss it.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Forget about it, okay?”
“Are you sure that it didn’t bother you?” paniniyak niya.
“Gaya nga ng sinabi ko, baka nasabi mo lang iyon dahil lasing ka.”
“But does it mean that what I said isn’t real?”
Natigilan ito at matagal na sandali siyang pinagmasdan. Pagkuwan ay umiling ito. “Bumalik ka na lang sa trabaho mo. David will surely fret if you don’t beat your deadline.” Tumayo ito. “I have to go.”
Tumayo rin siya. “Pero sinabi mo sa akin na kapag malinaw na ang isip ko, pag-uusapan natin iyon. Well, I am not drunk anymore. Kaya sabihin mo na sa akin kung ano iyon.”
Ayaw pa niyang umalis ito. Gusto pa niyang linawin dito ang lahat. After all, siya lang ang makakapag-confirm kung totoo ang mga sinabi niya o hindi. Ide-deny kaya niya o aamin siya? At kung aamin man siya, may maganda kayang patutunguhan ang dati nilang relasyon?
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “Pag-uusapan lang natin iyon kung may naalala ka pa. It would be embarrassing for both of us if I will tell everything. Hindi naman iyon masyadong importante.”
“Hindi importante?” pabulong niyang usal.
Nakadama siya ng mumunting kirot sa dibdib. How dare him? Kahit lasing siya, ibinuhos niya ang buong puso dito. He might think that she was insane but what she said was real. Pagkatapos ay sasabihin lang nito na hindi iyon importante?
“Don’t let it bother you. Just focus on your work.”
Nakuyom siya ang palad nang talikuran siya nito. Ganoon lang kasimple matatapos ang pinag-usapan nila. Walang kwenta ang nararamdaman niya?
“Arthur!” tawag niya dito.
Natigilan ito sa pagtawid sa ilog at nagtataka siyang nilingon. “Bakit?”
Ibinaba niya sa batuhan ang mga gamit at lakas-loob itong nilapitan. She won’t run away this time. “May naalala na ako sa mga sinabi ko sa iyo.”
“What?”
Sinalubong niya ang mga mata nito. “I asked you to kiss me.”
Namutla ito. “You were so bold that night,” he said in a light voice. Parang nakabawi na ito sa pagkabigla. “Good thing I didn’t take it seriously.”
“But I was serious that night.”
Muli na namang nawalan ng dugo sa mukha nito. “Nasabi mo lang iyon dahil lasing ka, hindi ba? You were never daring. You never do the first move. You never asked anybody to kiss you, even when I was your boyfriend.”
“I asked you the other night and I am asking you now.” Iniyakap niya ang braso sa leeg nito. “Kiss me, Arthur.”
“Sapphire…”
Tumingkayad siya upang magkalapit ang mukha nila. “I’m not drunk this time.” She wanted him to take her in his arms, tell him how much she loved and wanted him. How much she longed for him after all these years.
Nilakasan lang niya ang loob dahil baka wala nang susunod na pagkakataon. This was her only chance to take him back.
He cupped her face in one hand and brought her nearer until his lips touched hers. His chiseled mouth was more passionate than it was before. His tongue teased the sensitive curves of her lips. Ibinuka niya ang mga labi. His mouth was warm and welcoming. It was too much yet it was enough. Hindi siya natatakot na maaring may dumating na ibang tao at makakita sa kanila. Who cares? Ang alam niya ay sila lang dalawa ang magkasama sa mundong iyon. Walang dalawang mahahaba at malalamig na taong namagitan sa kanila.
“Sapphire,” anito at hinaplos ang buhok niya. “Is this real? Are you real?”
“I am always real, Arthur. At lahat ng sinabi ko sa iyo noong nakaraang gabi, natitiyak kong totoo lahat iyon. How much I miss…”
Naputol ang sasabihin niya nang may marinig siyang sumigaw. “Manong Arthur! Manong Arthur!” anang boses ng isang bata.
Parehong dumilim ang mukha nila ni Arthur. Kung kailan pa may importante silang pag-uusapan ay saka pa may istorbo. Bahagyang lumayo sa kanya si Arthur subalit hindi nito binitiwan ang kamay niya. “Ano iyon, Douglas?” tanong nito sa bata na patakbong lumapit sa kanila.
“Kanina ko pa po kayo hinahanap,” hinihingal nitong sabi.
“Bakit? May problema ba?”
“May magandang babae po sa bayan na naghahanap sa inyo. Napagtanungan po niya si Inang kaya ako ang nautusang hanapin kayo.”
Nagsalubong agad ang kilay niya nang marinig ang salitang ‘magandang babae’. Sino naman kayang istorbong magandang babae iyon at ano ang kailangan nito kay Arthur? Ngayon pa lang ay gusto na niyang kalbuhin ang babae sa selos.
“Anong pangalan ng babae?” tanong ni Arthur.
Nagkamot ng ulo si Douglas. “Parang pangalan po ng noodles. Ma…Ma…”
“Maggie!” sabi ni Arthur. “Nakalimutan ko na dadating si Maggie ngayon.”
“Nandito si Maggie?” Lalong naghurumentado sa selos ang puso niya. Pati ba naman sa Pilipinas ay nakabuntot ang babaeng iyon? At si Arthur, nakalimutan na siya nito mabanggit lang ang pangalan ni Maggie.
“Oo. Galing siyang Banaue.” Kinintalan siya nito ng halik sa pisngi. “I have to go, Sapphire.”
“Then go,” aniya at tinalikuran ito. Ni hindi man lang ito nag-alangang umalis. Talagang iniwan siya nito para kay Maggie.
Gusto niyang kutusan ang sarili. How could you be so stupid, Sapphire Lizardo? You asked him to kiss you. You gave up your pride.. Pagkatapos isang paswit lang ng Maggie na iyon ay etsa-pwede ka na sa buhay niya.
Hinding-hindi na niya uulitin ang katangahang iyon. Hinding-hindi na rin siya iinom ng alak. It was the wine’s fault in the first place.