Skylander Series Chapter 47

Anong klaseng torture na naman ito? tanong niya at tumingala sa langit. Tingin niya ay dumilim iyon at napuno ng itim na ulap.

“Hi, Sapphire!” bati ni Arthur at kumaway. Matabang niya itong nginitian.

“Mukhang seryoso ka diyan,” sabi ni Maggie. “You are not in the mood?”

“No. Just a bit bored. I thought you’d be back to Paris.”

Binitbit ni Maggie ang sneakers at tumawid ng ilog. Inalalayan ito ni Arthur. Lumala ang panibughong nararamdaman niya. Dahil ganoon din sila ni Arthur dati.

“Arthur told me that there are fine wood sculptures in Banaue. I want to look for new ideas. Since malapit lang dito, I decided to drop by.”

“How long will you stay?” Sana ay sandali lang ito. Para kapag nakaalis na ito, baka bumalik na ang mood niya sa pagpipinta.

Nagkibit-balikat ito. “Dunno. Maybe forever! I love it here.” Ibinuka nito ang dalawang kamay at tumingala. “This is paradise! Alam ko na kung bakit ipinagpalit ni Arthur ang career niya sa Amerika dito sa Sagada.”

Forever? Gusto nitong habambuhay na makasama si Arthur sa Sagada? May plano na bang magpakasal ang mga ito kaya ito sumunod doon? Paano na siya?

“What is your masterpiece this time?” tanong ni Arthur at tinangkang tingnan ang painting niya.

Mabilis niyang tinakpan ng puting tela ang painting niya na nasa easel. “Nothing. I don’t really like it. I might have to paint it again.”

“You are not really into landscapes,” anito at pilit inaaninag ang natakpan nang painting. “Mas magaling kang mag-capture ng emotion ng tao.”

“Gusto ko lang maiba ang theme ng exhibit ko.”

“Who knows? Maybe she could capture an emotion in landscapes too. Magaling naman siyang artist, di ba?” sabi ni Maggie.

“Pwede ko bang makita?” tanong ni Arthur sa kanya.

Hindi siya nakapagsalita. Whatever she felt reflected on her paintings. She was miserable so does her art. At tiyak niyang mararamdaman din iyon ni Arthur.

Tinapik ito ni Maggie sa braso. “Come on. Huwag na lang. Baka lalong masira ang mood niya. Sa exhibit mo na lang tingnan.”

“Kailangan ko pang maghintay ng ilang buwan bago makita iyon,” angal ni Arthur. As if he was really excited to see her artwork.

“Ayaw ng mga artist na ipakita sa iba ang gawa nila hangga’t di pa tapos,” sabi ni Maggie. “Ayokong ipakita sa iba ang sculpture ko hangga’t di pa siya tapos.”

“Sapphire usually shows her paintings to me. Minsan nga kahit puro linya pa lang, hinihingi na niya ang opinion ko,” anang si Arthur at ngumiti sa kanya.

“Not anymore,” walang kangiti-ngiti niyang sabi. “I don’t want to show my painting unless it is finished. Even David respects that.”

Bumadha ang pagkagulat at sakit sa mukha ni Arthur. Siguro ay dahil napahiya ito. Walang kwenta ang pagkapahiya nito sa nararamdaman niyang sakit.

“I’m sorry,” mahinang usal ni Arthur. “Nasanay kasi ako dati.”

“Nasanay na ako ngayon na hindi ipakita ang gawa ko sa iba. I’m sorry, Arthur,” aniya at isinimulang iligpit ang mga gamit. Hindi na siya makakatagal. Habang sinasaktan niya si Arthur ay lalo siyang nasasaktan.

“It’s okay,” anito at tumango.

Itinaas ni Maggie ang isang palad. “Umaambon na. Balik na tayo, Arthur.”

“Ikaw, Sapphire? Hindi ka ba sasabay sa amin?” tanong ni Arthur.

“Susunod na ako. Ililigpit ko pa ito.”

“Tutulungan ka na namin,” sabi ni Arthur at inagaw ang brush sa kanya. Ito na ang naglinis niyon.

“Mukhang sanay na sanay,” komento ni Maggie.

“I used to do this for her. Mabagal kasi siyang kumilos,” kwento ni Arthur.

“Not anymore,” kontra niya ito. “Mabilis na akong magligpit.” Napatunayan niya iyon dahil matapos ang ilang minuto ay nakaligpit na siya.

“You changed a lot,” gulat na sabi ni Arthur.

“If people don’t change, this would be a boring world to live in. Nothing is constant except change,” katwiran niya. Mula nang iwan niya ito, kailangan niyang mag-adjust sa maraming bagay. To at least make her life more bearable to live by.

“Let’s go!” sabi ni Maggie na excited na maglakad sa palayan at nauuna.

“Ako na ang magbibibitbit ng ibang dala mo,” anang si Arthur at inabot ang kamay sa kanya. “Mahihirapan kang magbitbit.”

“No, thanks. Kaya ko na ito,” sabi niya at di pinansin ang alok nito. “Mag-isa ko ngang nabitbit lahat ng gamit ko kanina.”

“Hindi ka tinulungan ni James?”

Umiling siya. “Hindi na ako sanay nang tinutulungan. Nang nasa New York ako, lahat ng bagay kailangan kong gawin nang mag-isa.”

“It doesn’t matter. Hindi ko pa rin kayang hayaang magbitbit mag-isa ang isang babae kahit gaano pa siya ka-independent,” anito at kinuha ang easel dahil iyon ang pinakamalaki sa dala niya at pinakamabigat.

Lalo niyang binilisan ang lakad. Hindi na siya lumingon kahit naririnig niya ang masayang tawanan ng dalawa. Parang nginangatngat ang puso niya. Nagsisisi siya kung bakit pa siya sumabay sa mga ito. Sana ay nagpaiwan na lang siya.

Nagulat siya nang may tumaklob sa ulo niya. “Huh?” aniya at tiningala si Arthur na halos kaagapay na niyang maglakad. “Bakit?”

“Lumalakas na ang ulan. Sa iyo muna ang jacket ko.”

“Pero si Maggie?”

“Ayaw niyang mag-jacket. At mas gusto niyang magpakabasa sa ulan.” Napailing si Arthur. “Parang bata pa rin siya hanggang ngayon.” Nilingon niya ang dalaga. Nakangiti lang si Maggie habang nakatingin sa langit at naglalakad. Parang wala itong pakialam sa ulan. “Saka mas kailangan mo ang jacket dahil sakitin ka.”

Hindi na niya magawang kumontra dahil naramdaman niya ang pag-aalala nito. “Thank you!” At least naiisip pa rin siya nito kahit kasama nito si Maggie.

Maya maya pa ay nakarating na sila sa villa nila. May kalakasan na ang ulan. “Pasok muna kayo,” yaya niya sa mga ito.

“Hinihintay kami nila Tocks sa Sanctuary. May importante kasi kaming pag-uusapan habang tanghalian,” sabi ni Arthur. “Next time na lang.”

“Okay. Jacket mo,” aniya at inabot ang jacket dito.

“Next time, huwag ka nang maglalakad nang walang dala nito. Mas madalas na umulan dito kaysa umaraw.” Hinalikan siya nito sa pisngi. “Aalis na kami.”

“Dadalaw na lang kami sa susunod!” sabi ni Maggie at kumaway.

Lalo siyang naguluhan sa inakto nito. Di kaya nagseselos si Maggie nang halikan siya ni Arthur sa pisngi? Baka naman hindi ito selosa.

Bakit ba niya binibigyan ng kahulugan ang isang bagay na wala namang kwenta kay Arthur? Di na siya natuto. Umaasa pa rin siya sa wala.

“ATE, what would you like to have for lunch?” tanong ni James kay Sapphire. Alas nuwebe na nang umaga. Maaliwalas ang panahon sa labas pero hindi siya nagtrabaho. Sirang-sira ang mood niya. Namasyal si Jenna bago pa niya mayayang makipag-kwentuhan. Ayaw niyang lumabas dahil baka makita na naman niya sina Maggie at Arthur. They were almost everywhere, laughing and tormenting her. Nanood na lang siya ng National Geographic kaysa ngatngatin ng selos.

“Wala akong maisip, eh! Ikaw na lang ang bahala,” sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa TV. Tungkol iyon sa mating habit ng mga crocodile.

“Ano ba ang interesante sa pinapanood mo at pagkain lang di mo maisip?”

“Mamalengke ka na nga. Tapos ikaw na rin ang magluto. Tapos kung makikita mo si Jenna, imbitahin mo na ring mananghalian.”

Walang sali-salita itong lumabas ng bahay. Kung may topak siya, mas malala ang topak nito dahil dalawa silang inaway nito ni Jenna nang nakaraang araw. Dahil lang nag-usisa sila kung bakit ayaw na nitong maglaro ng taekwondo.

“Sungit! Magkakaroon pa yata ako ng kapatid na matandang binata.” Natapos na ang programa pero walang pumasok sa isip niya. Nagtsa-channel surfing siya nang mag-ring ang cellphone niya. “Hello!”

“Sapphire,” anang isang humihikbing babae. “Help me!”

“Rayanne, is that you? Why are you crying? What happened?”

“I am about to catch a flight to Manila. Pwede bang sunduin mo ako sa airport? Kapag nagkita tayo saka ko ipapaliwanag lahat sa iyo.”

“Okay. I’ll meet you at the airport.”

Matapos kunin ang flight number nito at oras ng dating nito ay umakyat siya ng kuwarto at halos ipaghahagis lang niya ang mga gamit niya sa kama. Hindi iyakin si Rayanne kaya tiyak na malaki ang problema nito.

Bumaba siya para maligo nang mamataan si James na papasok ng bahay. “James, I have to go to Manila. Dadating si Rayanne. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mawawala.” Tinapik niya ang pisngi nito. “Take care of yourself, okay?”

“I am not a baby. You don’t have to mind me,” asik nito.

“Then take care of Jenna. Lagot ka kay Rui kapag may nangyari sa kanya.”

Nagsalubong ang kilay nito.“She told me that she doesn’t need a baby sitter.”

“Then don’t treat her like a baby.” Ngumiti siya at kinatok ang noo nito. “At huwag kang sisimangot. Walang lalapit na babae sa iyo.”

“Ipapahatid ba kita kay Kuya Rohann?”

“Nasa Baguio siya dahil may exhibition game siya sa wu shu. Magbu-bus na lang ako. Sayang, may laro ka rin siguro sa taekwondo kung…”

“Ako na lang ang maghahatid sa iyo sa labas,” putol nito sa sasabihin niya at pumunta sa kusina para magluto. Mabuti at hindi ito nagalit katulad kahapon.

Hinihintay nila sa kanto ang last trip papuntang Baguio nang may tumigil na Toyota Prado sa harap nila. Muntik na niyang isiksik ang sarili sa maleta nang makitang si Arthur iyon. “Saan ka pupunta?” tanong ni James dito.

“Sa Banaue. May ipinapabili si Maggie sa akin. Kayo?” tanong nito sabay tingin sa traveling bag sa paanan niya.

“Pa-Manila si Ate. Hinihintay lang namin ang last trip pa-Baguio.”

“Sa akin ka na lang sumabay. Pa-Banaue naman ako,” yaya ni Arthur.

“Mas gusto kong sa Baguio dumaan,” tanggi niya. “Sige, nandito na ang bus.”

Paakyat na siya ng bus nang marinig niya ang tawag ni Arthur. “Sapphire, we’ll talk once you are back!” sigaw nito.

Seryoso ang mukha nito. Parang napaka-importante ng pag-uusapan nila. Tinanguan niya ito. Hindi niya alam kung tungkol saan iyon. Pero kung sasaktan lang siya nito, hinding-hindi niya ito mapapatawad.

“I HATE DAVID! I hate him!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Rayanne. Nasa terrace sila sa cottage nila sa Boracay at nag-aagahan. Pero sa halip na kainin ang salad na in-order nito ay si David ang inagahan nito. “He ruined my show! He knows how much I love him and how much that ballet concert means to me. Pero idinala niya ang babaeng iyon. Sinira niya ang concentration ko. And I flopped!”

“Stop it, Rayanne! Tumawag na ang manager mo. Okay naman daw ang performance mo. May repeat performance ka pa nga, di ba? Doon ka bumawi. Halos isang linggo ka nang nagsesentimyento. That’s enough.”

“Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko. Sweet ang lalaking mahal mo sa ibang babae, anong mararamdaman mo?” anito at dinampian ng panyo ang mata.

“I am wearing the same shoes,” malungkot niyang amin dito. “Nasa Sagada si Maggie kasama si Arthur.”

Natigil ito sa pag-iyak. “Ha? Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

“Dahil ayokong magdagdan ang depression mo. Mukhang may plano na silang magpakasal. Everytime na nakikita ko sila, gusto kong umiyak pero di pwede.”

“Ouch!” bulalas nito. “That looks serious.”

“Their laughter follows me even in my sleep. As if they are mocking me. Successful nga ako sa career pero malungkot naman ang lovelife ko.”

“Sorry. Puro sarili ko lang ang iniisip ko,” she said guiltily.

“Hey, it’s okay.”

Tumayo ito at humarap sa dagat. “Kung ayaw sa akin ni David, hahanap ako ng iba,” determinado nitong sabi. “I can do it! We can do it!”

“Good for you because you can do it. But I can’t!” Hindi niya kayang kalimutan si Arthur. Kahit alam niyang may mahal itong iba at nasasaktan siya.

“Then you are more hopeless than me.”

Matapos mag-breakfast ay iniwan siya ni Rayanne para mag-swimming. Habang kinukuha niya ang mga gagamitin sa pag-I-sketch ay may natanggap siyang tawag mula kay Rohann. “Sapphire, have you seen the papers?”

“Bakit? Ano ba ang bago sa Pilipinas?” tanong niya.

“Naka-publish ang picture nila James at Jenna. At James was raving mad right now. Isinisisi niya kay Jenna ang lahat. Alam mo naman na ilag siya sa press.”

“Oh, how bad is it?” tanong niya.

“Kahahatid ko lang kay Jenna sa condo niya. Akala ni James si Jenna ang nag-leak sa press kung nasaan siya. Na ginamit lang siya ni Jenna para sa publicity. You know how James is when it comes to holding a grudge.”

“That idiot!” bulalas niya at ihinagis ang sketch pad sa kama. “Hindi ba niya alam na mahal na mahal siya ni Jenna? Akala ko pa mandin magbabago na siya.”

Dahil kay Jenna ay ginusto ni James na bumalik sa pagta-taekwondo. Bumalik ang tiwala nito sa iba. Nakaya na ulit nitong magmahal. Pero ito pa ang mangyayari . Kapag nagkita sila, pipingutin niya ito habang sinesermunan.

“Tumawag din sa akin si Arthur kanina,” pagpapatuloy ni Rohann. “Nagpapahatid daw sa kanya si James sa Manila. He is planning to have a press conference tomorrow night. Gusto na niyang linawin ang lahat ng issue sa kanya.”

Naabutan siya ni Rayanne na nag-eempake ng gamit. “Hey! Are you leaving?”

“I have to go back to Manila. My brother is through with his yearlong hibernation. He will have a press conference tomorrow night. I am worried. I have to see him before he do something stupid again.”

“Sasama ako sa iyo,” sabi ni Rayanne at nagpa-book ng flight. “Fully booked na daw lahat ng flight to Manila. We are booked to the earliest flight tomorrow.”

“After this chaos, I will go back to Sagada,” sabi niya.

“Sasama ako diyan! Marami bang guwapo doon?” tanong nito.

“I don’t know.” Hindi niya napapansin. She only had her eyes on Arthur.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.