CHAPTER EIGHT
“Are you ready to face them? Baka naman nabibigla ka lang dahil napasubo ka?” tanong ni Sapphire kay James habang inaayos ang necktie nito. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang press conference para dito. Nasa hotel sila kung saan gaganapin din ang press conference.
“I’m ready,” confident nitong sabi. “You told me that I should face this like a man. Iyon na ang gagawin ko ngayon. I won’t run away anymore.”
Ginagap ni Arthur ang kamay niya nang palabas na sila ng suite upang tumuloy sa conference hall. Ito ang naghatid kay James sa Manila. “Let him handle this. Desisyon niya ito. Suportahan mo na lang siya.”
“Sorry for the bother, Arthur. Dahil kay James, iniwan mo si Maggie.”
“She’s in Banaue right now. And Maggie is very independent. Hindi ko na siya kailangan pang intindihin.”
Buong-buo talaga ang tiwala nito kay Maggie. Samantalang noong ito ang nobyo niya, kaunting galaw lang niya ay nakaalalay na ito. Lagi siya nitong binabantayan. Kung buo rin ang tiwala nito sa kanya, hindi siya nito iiwan.
“Hey, mukhang malalim ang iniisip nito,” bulong nito sa kanya habang nakatayo sila di kalayuan sa kinauupuan ni James.
“I’m just worried. He is my baby brother after all.”
“He is also like a brother to me. Kaya niya iyan. If he gets through this, magse-celebrate tayo sa Sagada. My treat.”
“That’s cool!” usal niya. At hindi na nito binitiwan ang kamay niya sa buong conference. Naging masaya siya sa ilang sandali na iyon. Na inalala siya nito. Pero matapos iyon, babalik na naman ito kay Maggie.
BUONG Sagada ay nagsasaya sa gabing iyon. It was a night of all-out music and party. Bumabaha ng pagkain at inumin sa Sanctuary. Lahat ay nagdiriwang dahil kay James. Maganda ang kinalabasan ng press conference. Ipagpapatuloy na nito ang paglalaro ng taekwondo. He was offered with shows and commercials right after the press conference. At tinututukan na rin ang pagte-training nito. He was the country’s bet for the next Olympics.
“Nakaka-in love ang boses ni Alex, hindi ba?” tanong ni Rayanne habang nakatulala sa lalaking may hawak ng gitara sa maliit na stage at kumakanta. Si Alex ang manager ng pinakasikat na banda sa Sagada. “I think I am in love!”
“Good for you,” nausal lang niya. Dahil hindi niya maialis ang tingin kina Maggie at Arthur. Hindi halos maghiwalay ang mga ito. Asikasong-asikaso ni Arthur si Maggie habang nagkakantahan ang mga ito. Kaya masaya ang lahat maliban sa kanya. Hindi niya magawang magsaya kahit para sa kapatid niya.
Mula sa acoustic ay napalitan ng ethnic ang tugtog. Nagpuntahan sa gitna ang lahat. Ayon sa pagkakaalam niya, ang tugtog ay para sa courtship dance. Hinatak ni Maggie si Arthur at nagsayaw ang mga ito sa gitna.
That was too much. Hindi na niya kayang magkunwaring masaya sa harap ng ibang tao habang nagdurugo ang puso niya. “Excuse me,” aniya kay Rayanne.
“Saan ka pupunta?”
“Sa labas,” sabi niya at nagtungo sa terrace. Gaya ng inaasahan niya ay walang tao doon. Mahigpit siyang humawak sa railing at pinakawalan ang luha.
Dati ay lagi niyang pinipigil ang pag-iyak. Sabi niya sa sarili niya, matatag siya kaya hindi siya magsasayang ng luha. Pero hindi siya ganoon katatag. May limitasyon din siya. At hindi siya gawa sa bato.
“Sapphire?” narinig niyang tawag sa kanya ni Arthur at bumukas ang pinto. “Anong ginagawa mo dito?” Nang hindi siya sumagot ay nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Hindi ka nag-e-enjoy?”
“I want to be alone,” aniya sa nanginginig na boses.
“Umiiyak ka?” bulalas nito at tumabi sa kanya.
Pilit siyang ihinarap nito ngunit iniwas niya ang tingin. “Bumalik ka na sa loob,” utos niya. “I told you that I want to be alone.”
“Hindi kita iiwan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin kung bakit ka umiiyak.”
“What for?”
“Baka makatulong ako.” Puno ng pag-aalala ang boses nito.
Matalim niya itong tiningnan. “Wala kang maitutulong sa akin, Arthur. Ikaw ang kahuli-hulihang taong hihingan ko ng tulong.”
Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “Ano ba talaga ang problema mo? Kahit na ayaw mong sabihin sa akin, malalaman ko pa rin iyon sa iba. Maybe I can ask Rayanne about it.”
Pinigilan niya ito sa braso. “Why are you tormenting me, Arthur?” naghihinanakit niyang tanong at muling bumalong ang luha sa mga mata niya.
Puno ng pagtataka siya nitong pinagmasdan. “I am not tormenting you. I don’t want to see you cry. Gusto ko lang na I-share mo sa akin ang mga problema mo para matulungan kita.”
“Gusto mo talagang malaman? Ikaw ang problema ko!”
Bumakas ang sakit sa mga mata nito. “Why? Does the sight of me repulse you? Kung ganoon, lalayo ako sa iyo. Kung ayaw mong kausapin kita, hindi tayo mag-uusap. I won’t bother you anymore.”
Mariin siyang pumikit at umiling. “I love you, Arthur. And it is killing me every time I see you with another girl. For two years, I wish that you’d tell me that you still love me. Kahit nang makita kitang kasama si Maggie, umasa pa rin ako na ako ang mahal mo. Pero kalokohan lang na umasa ako at hintayin ka, hindi ba?”
“Sapphire.” Tinitigan siya nito at hinaplos ang mukha niya. “Kung ganoon, totoo ang lahat ng sinabi mo sa akin noong lasing ka.”
“Oo! Totoo ang lahat ng iyon. But you never really cared.”
“I do!”
“Because you pity me? Hinalikan mo lang ako dati dahil naaawa ka sa akin. Because you feel sorry for me. I don’t need your pity, Arthur. Kung hindi mo maibabalik ang pagmamahal mo sa akin, huwag mo akong kaawaan.”
She felt his lips touching hers and it was like electricity. He had always been gentle but his kiss was ferocious this time. Kinabig nito palapit ang kanyang katawan. His hands were molding her body as if she was a work of art.
Nagmistulang tubig ang mga binti niya. She had never felt that intensity before. He handled her as if she belonged to him; she was cherished by him, as if she was precious to him. It was too much she wanted to cry. Kung hindi lang sana siya dinadaya ng nararamdaman niya.
“Pakiramdam mo ba naaawa lang ako sa iyo?” tanong nito habang habol ang hininga nang maghiwalay ang mga labi nila.
“I-I don’t know.” Natural lang sa isang tao ang malito sa nararamdaman lalo na’t nagmamahal. “Hindi ka nga siguro naawa sa akin pero baka physical attraction lang ang nararamdaman mo.”
Tumawa ito nang malakas. “For an artist who is very sensitive with people’s emotions, how could you be so clueless?”
“For one thing, I am an artist not a psychiatrist. I don’t know how to psychoanalyze people.”
Kinintalan siya nito ng halik sa labi. “I love you,” bulong nito. “Hindi lang ikaw ang nasaktan nang maghiwalay tayo. I was a fool to let you go. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na masaya ako sa Sagada kahit na wala ka. Sure, I made it to the top without you. Pero hindi masaya sa taas.”
“I feel the same. Nasa New York nga ako. Pinupuri ako ng lahat ng tao dahil napapasaya ko sila sa pamamagitan ng paintings ko. Iyon ang gusto kong ipakita, na masaya ako. Pero sa bawat exhibit ko, may isa akong malungkot na painting. Naroon ang lahat ng totoo kong nararamdaman dahil wala ka.”
Niyakap siya nito. “I miss you, Sapphire. Hindi na tayo maghihiwalay.”
“How about Maggie? Mahal mo rin ba siya tulad ng pagmamahal mo sa akin?”
“Kaibigan ko lang si Maggie. Hindi ako nagpunta sa New York para makipagkita sa kanya. I was there because I wanted to see you. Siya lang ang nagsabi sa akin na may exhibit ka at kailangan niya ng escort. So I came. And besides, alam niya na ikaw ang nag-iisang babaeng mahal ko.”
“Pero parang napaka-sweet ninyong dalawa. Lagi pa kayong magkasama.”
Ginagap nito ang kamay niya. “Gusto mo bang sayangin natin ang oras natin sa pagpapaliwanagan? I don’t want to spoil this night. What’s important is that we share something special. Hindi iyon naglaho sa paglipas ng panahon. Maybe I love you more when I lost you but I don’t want to lose you anymore. Will you trust me?”
“May tiwala naman ako sa iyo, ah!” Hinila niya ito. “Pasok na tayo sa loob.”
“Let’s stay here. Nami-miss kong panoorin ang buwan kasama ka.”
Yakap-yakap siya nito habang pinapanood nila ang buwan na unti-unting nagtatago sa ulap. At least she had something blissful to share to the moon this time. “Alam mo bang kung may nakakaalam kung gaano kita kamahal, ang buwan iyon?” sabi niya at humilig sa dibdib ni Arthur. “Alam niya ang lahat ng sekreto ko.”
“Ganoon din ang ginagawa ko. Siya rin ang confidant ko. Mabuti nga hindi ako pinagkakamalang aswang or lunatic dahil lagi akong nakatitig sa buwan. Sayang, hindi ko naitanong sa kanya kung ano ang sekreto mo.”
“The moon doesn’t tell secrets.”
“Then let him witness another secret.”
He ardently claimed her lips once more. Iyon na ang pangalawang pagkakataon niya na mahalin ito. Hindi na siya papayag na mawala pa ito sa kanya.
MAINGAT na pumasok sa pottery si Sapphire. Wala siyang makitang tao doon. Nag-uwian na ang mga estudyante ni Arthur. Habang naghahakot naman ang binata ng clay na gagamitin. Tanging si Maggie lang ang naabutan niya habang nakaupo sa harap ng molding wheel. Seryosong-seryoso ito sa ginagawa kaya hindi niya alam kung paano ito aabalahin.
Umangat ang tingin nito nang maramdaman ang presensiya niya. “Hi, Sapphire! Pasensiya na kung hindi kita napansin. Wala dito si Arthur.”
“Ikaw ang gusto kong makausap. Can I bother you for a while?”
“Sure. Tutal nagpa-practice lang ako. Unfortunately, I really suck!” Naghugas ito ng kamay at tinuyo ng towel. “Ano ang sasabihin mo sa akin?”
“It’s about me and Arthur,” nag-aalangan niyang sabi.
“May problema ba kayo?” tanong nito sa kaswal na boses. “Can I help?”
Pinagsugpong niya ang mga daliri at bumuntong hininga. She was not really good in confronting a rival. “I don’t know how to explain it but I want to set the record straight. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo para sa kanya.”
“You are asking if I am in love with him?”
Tumango siya. “Yes.”
“Does my presence bother you? Boyfriend mo na si Arthur. Kung noong hindi pa kayo nagkakabalikan, hindi siya naagaw sa iyo, lalo na siguro ngayon. Gusto mo bang layuan ko na siya?”
Napayuko siya. “Ang totoo, hindi ko alam ang dapat kong gawin. I am afraid that you are hurting. At hindi ako magiging masaya sa isang relasyon kung alam kong may masasaktan.”
Bahagya nitong ikiniling ang ulo. “Would you give Arthur up if I tell you that I am hurting?”
Umiling siya. “No way! Mahal na mahal ko si Arthur.” Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kay Arthur kapag nawala pa siya dito sa pangalawang pagkakataon o kung ano ang mangyayari sa kanya. Baka mabaliw na siya.
Humalakhak ito at pumalakpak. “Wow! Ang tapang mo pala. At ang drama nating dalawa.”
Nagtaka siya. “Ano ang nakakatawa?” Hindi ba dapat ay umiiyak ito at nagmamakaawang iwan niya si Arthur. O kaya ay magwawala at ipagtatabuyan siya.
“Ikaw. Paniwalang-paniwala ka na threat ako sa inyo ni Arthur, no?”
“Wait. You are not in love with him?”
Nakangiti itong umiling. “Never. He is like a brother to me. Hindi siya ang type ko at ikaw lang ang mahal niya. So he is safe with me.”
Hindi niya alam ang dapat maramdaman. Naguguluhan pa rin siya. Naniwala kasi siya na may relasyon ang dalawa at hindi niya alam kung paano basta-basta tatanggalin iyon sa isip. Masyado kasing sweet ang mga ito.
“Hey, don’t you believe me? Hindi ba pwede namang maging sweet ang magkaibigan?” tanong nito nang hindi siya kumibo.
Tumango siya. Dahil sweet din silang dalawa ni David. Pero hindi niya magawang magsalita dahil naluluha siya. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niya, ang gusto lang niyang gawin ay umiyak. She was relieved.
“Oh, no! Huwag kang iiyak. Arthur will kill me.”
Tumawa siya at niyakap ito nang mahigpit. “You made me so happy, Maggie! Akala ko aagawin mo siya nang tuluyan sa akin.”
“Ikaw lang ang babaeng minahal niya,” anito at tinapik ang likod niya. “At ako mismo ang sasakal sa sinumang hahadlang sa relasyon ninyong dalawa.”
“Thank God!” usal niya. Sa wakas ay nabunutan na rin siya ng tinik sa dibdib. Akala niya ay magiging madugo ang magiging eksena. Wala naman pala siyang dapat na ipag-alala.
“Just take care of Arthur, will you?”
“I will.”