Skylander Series Chapter 49

“Siguro kung hindi ako tumuloy sa New York, may anak na tayo ngayon. At kasama natin siya ngayong namamasyal dito sa lake,” sabi ni Sapphire habang nakaupo sa damuhan sa gilid ng Lake Danom, ang lawa na matatagpuan sa boundary ng Sagada at Besao. Sinamahan siya ni Arthur na magpinta doon. Pero wala siyang naipinta kahit isa dahil wala silang ginawa kundi magkwentuhan.

“Pero pagsisisihan ko iyon kung hindi ka tumuloy. Hindi mo matutupad ang lahat ng mga pangarap mo. I was too selfish then. Hindi ko nai-consider ang mga pangarap mo na nauna pang dumating sa buhay mo kaysa sa akin.”

“I was too ambitious then,” sabi niya at pinagmasdan ang pagdaan ng ulap sa bughaw na langit. “It was not easy being a Lizardo. Hindi mo siguro alam na hindi pa ako tanggap ng mga lolo ko noon. Lalo na nang mamatay si Kuya Raphael. My brother was considered as the heir. The most talented and intelligent. Kaya gusto kong patunayan sa kanila na kahit hindi sila boto sa mama ko at hindi ako kasing-galing ni Kuya Raphael, may mararating din ako.”

“Ganoon din ba si James kaya pareho kayong achiever?”

Tumango siya. “Hindi lang namin iyon ginawa para sa sarili namin kundi para rin kay Mama. Dahil gusto naming ma-recognize ng ibang tao na maayos niya kaming napalaki. Na kahit hindi siya galing sa elitistang pamilya, naitaguyod nila kaming magkakapatid kahit na wala si Papa.”

“Nawala iyon sa isip ko. Kasi para sa akin, napatunayan ko na ang lahat ng dapat kong patunayan. And I just want to settle down. Dahil iyon na lang ang kulang sa buhay ko. Hindi pa siguro iyon ang tamang panahon para sa atin. When I saw how great you are, how people adore you, naisip ko na sana pumayag na lang akong hintayin ka at manatili sa New York kasama ka.”

“Kung sumama ka sa akin, wala kang pottery ngayon. Wala kang estudyante na susunod sa mga yapak mo. No room for regrets now.Things are meant to happen. And the times we were apart made us realize more how much we love each other.”

“Pero pareho naman tayong nasaktan. I wish I never made you cry. I wish I was able to spare you from pain.”

“We can’t turn back time, can we?” Nakayapak siyang naglakad sa gilid ng lake na parang bata. “Let’s just make up for the lost time. Marami pa tayong pagkakataon para makabawi.”

He lowered his head and settled his mouth firmly against hers. He sealed their mouths together. Hindi na siya nakakadama ng lungkot o panghihinayang tuwing naiisip niya ang nakaraan nila ni Arthur. Dahil ang bawat sakit at pangungulila ay naglalaho kapag magkasama silang dalawa. Her love grew more and more and more each day.

“Arthur, I want to keep my promise.”

“What promise?”

“That after two years, I will leave New York and live with you in Sagada. I want to marry you and have kids.”

He was surprised. “Are you sure? You still have a career in New York. Sasayangin mo ba ang lahat ng pinaghirapan mo para sa akin?”

“We won’t starve if I quit, do we? Marami na akong naipon. At maganda rin ang career mo dito. Pwede pa rin naman akong mag-paint at may mga galleries pa rin na kukuha sa akin. I don’t want to be alone in New York anymore. I want to spend the rest of my days with you.”

Kinapa nito ang bulsa ng pantalon. “Wala dito.” Nasapo nito ang noo. “I am so stupid.”

“Anong problema?”

“I was not able to bring the ring. This is the perfect place and time to ask you to marry me. Ngayon ko pa nakalimutan.”

Niyakap niya ito. “Pwede ka namang mag-propose ngayon, di ba? You don’t really need a ring. That is, if you are really willing to marry me.”

“Boring kapag walang ring.” Luminga ito sa paligid. “Alam ko na.”

“Hey, anong ginagawa mo?” bulalas niya nang pilasin nito ang walang sulat niyang sketch pad.

“Basta. Maghintay ka lang.” She was fascinated as she watched him do an origami. Maya maya pa ay rose origami na iyon. Iniluhod nito ang isang tuhod at inabot sa kanya ang bulaklak. “My love will remain until this flower wither. Will you marry me, Sapphire?”

“Oh! I will!” Naluluha niyang tinanggap ang bulaklak at niyakap ito. This was better than the first time he proposed to her. There was no dinner, no candlelight, no expensive champagne and no ring. But they have the nature as their witness. Ngayon, wala na siyang pag-aalinlangan sa isa’t isa.

“You made the same promise two years ago, remember? Binigyan mo rin ako ng flower origami,” paalala niya.

“Where is that flower?”

“I kept it. Ipina-frame ko pa nga. Kaya matagal na panahon akong umasa na mahal mo pa rin ako dahil hindi ko nakikitang nalanta ang bulaklak na iyon.”

“Ipapa-frame mo rin ang isang ito?”

She nodded and smelled the rose as if it was real. “Oo. At ipupukok ko sa ulo mo ang frame kapag hindi mo tinupad ang pangako mo.”

“I intend to keep my promise.” He passionately kissed her lips. “Promise me that you won’t leave me, Sapphire.”

“Never.”

NAPASUGOD si Sapphire sa Manila nang may matanggap na tawag mula sa Mama niya. Uuwi daw ito sa Pilipinas at may importanteng sasabihin sa kanya. She refused to discuss it on the phone. Nag-set ito ng dinner sa La Pavilion. Naabutan niya ito doon at ang kapatid na si James. “Tungkol saan ito?” tanong niya.

Nagkibit-balikat si James. “I don’t know either. Pareho lang tayong clueless. May taping nga dapat ako ngayon pero kinausap ni Mama ang producer namin. Pati date namin ni Jenna di natuloy. Mukhang importante talaga ang sasabihin ni Mama.”

“Ma, hindi pa ba natin sisimulan?” tanong niya sa tahimik na ina.

“Hindi pa dumadating ang hinihintay natin.” Lumingon ito entrance at ngumiti. “Oh, they are here.”

Pareho silang napalingon nang kumaway ang Mama niya. Patungo sa direksyon nila si David kasama ang isa pang lalaki.

“Ma, what is this all about? Bakit nandito si David?”

“Patience, darling,” sabi nito at sinalubong ang mga bagong dating. Lalo siyang naguluhan dahil hindi sinabi ni David na dadating ito. May kinalaman ba sa trabaho niya kung bakit ito nandoon?

“Good evening,” bati nito sa kanila.

“Hello, David!” aniya subalit nakatutok ang tingin niya sa lalaking kasama nito. He was so tall, almost as tall as James. He was wearing a casual brown polo and jeans. He must be out of place in the elegant room but he carried it with grace. Halatang alaga sa ehersisyo ang katawan nito. May pagkasingkit ang itim nitong mata. His jet-black hair almost reached his shoulder. Every inch a bad boy.

Hindi niya alam kung ano ang ginagawa nito doon. Hindi naman kumuha ng bagong bodyguard si David. Odd. Natitiyak niya na noon lang sila nagkita ng lalaki. Pero parang matagal na niya itong kilala.

“James, Sapphire, meet Raphael, your long lost brother.”

Pareho silang natigagal ni James. “I-I thought he was dead,” she said in half whisper. Wala na siyang nabalitaan pa tungkol dito noon. Ang alam nila ay pinatay na rin ito ng mga kidnapper tulad ng Papa nila. Ito ba talaga ang kapatid niya?

“Your brother is alive!” tuwang-tuwang sabi ng Mama niya.

“The resemblance is astounding, sis,” sabi ni James habang hindi inaalis ang tingin kay Raphael. “Parang nakatingin ako sa portrait ni Papa. Or maybe I will look exactly like that a few years from now.”

“Paano iyon mangyayari?” tanong niya. “He was kidnapped when he was nine. Wala na tayong nalaman pa tungkol sa kanya.”

“Nabundol siya ng sasakyan namin ng Mommy ko,” kwento ni David. “Itinakas niya ako noon sa malupit kong lola. Eksakto namang tumawid ang kapatid mo. Dahil di namin alam kung sino ang kamag-anak niya at nagtatago din kami ni Mommy, kinupkop namin siya at itinuring na kapamilya.”

“Wala akong maalala ultimo ang pangalan ko. Epekto rin siguro iyon ng pagkakabundol sa akin,” sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita si Raphael. “Lander ang ipinangalan nila sa akin.”

“Paano mo kami na-trace?” tanong ni James.

“I saw your commercial. I look exactly like that years ago.”

“He is a retrieval expert. Kung saan-saang bansa siya nakakapunta,” sabi ni David. “Nanonood lang kami ng Filipino channel sa Paris nang makita niya ang commercial mo. At sinabi ko na magkahawig kayong dalawa. Sabi niya baka nagkataon lang. Saka ko naalala na may nawawala kayong kapatid.”

“At idinala siya ni David sa akin,” pagpapatuloy ng Mama niya. “Noong unang beses ko pa lang siyang makita, hindi ako nagdalawang-isip. Alam ko na siya si Raphael.” Pinunasan nito ng panyo ang naluluhang mata. “Kahit noong sinabi ng lahat ng tao na patay na siya, umaasa pa rin ako na babalik siya sa atin.”

“Ang totoo, hindi pa rin ako kumbinsido kung ako nga ang nawawala ninyong kapatid,” maingat na sabi ni Raphael dahil ayaw sila nitong ma-disappoint.

“Hindi ka ba naniniwala sa kwento ni Mama? Na kahawig ka ni James at ni Papa?” tanong niya. “We have DNA tests to prove it if you want to be sure.”

Naghirap din siya sa pagkawala nito. Noong bata pa sila, nasanay siya nang may kuya. Bigla-bigla ay siya ang pumalit sa pwesto nito. Mas malaking hirap ang dinanas niya dahil kailangan niya itong pantayan sa paningin ng lolo at lola nila. He was the Lizardo heir. Ang unang apo.

Umiling ito at sinapo ang ulo. “Hindi iyon. Matagal ko nang pinangarap na matagpuan ang pamilya ko. Pero wala pa rin akong maalala hanggang ngayon. Kung babalik lang sana ang ala-ala ko, hindi ako mag-aalangan sa sarili ko.”

Pinisil ng Mama niya ang balikat nito. “Hindi ka namin pababayaan, anak. Tutulungan ka naming makaalala. At kahit na wala ka pang maalala, pwede ka namang gumawa ng bagong alaala kasama namin, hindi ba?”

Niyakap ito ni Raphael. “Salamat po.”

“Hanggang ngayon, hindi ka pa rin sanay na tinatawag akong Mama.”

“Salamat po, Mama,” sabi ni Raphael. Nakita niya ang pagkasabik nito sa ina. Lumaki siguro ito nang nagtatanong kung bakit wala itong ina at kung nasaan ang totoong pamilya nito. Tapos na ang paghahanap nito. Dahil ibibigay nilang lahat ang pagmamahal na hinahanap nito noon.

“Hindi mo siguro naalala, Kuya. Pero ikaw ang nagturo sa akin kung paano maglaro ng jackstone.”

“Jackstone?” nakakunot ang noong tanong nito.

“Oo. Wala ngang makatalo sa iyo sa jackstone noong elementary ka. Daig mo pa ang babae maglaro.”

“Napapalo ka pa nga ng Papa mo kapag nahuhuli kayo ni Sapphire. Lalo na’t pati si James gustong magpaturo sa iyo. Sabi niya, pambabae lang ang larong iyon. Natatakot siya na maging binabae ang mga anak niyang lalaki.”

“Ma, bola ang gusto kong laruin noon,” tanggi ni James. Mukhang ikinakahiya nito na minsan sa buhay nito ay pinangarap nitong maglaro ng jackstone.

“Oo. Bola ng jackstone,” aniya at humagalpak ng tawa.

“Kaya naman pala champion sa jackstone itong si Lander,” tukso ni David at tinapik sa balikat si Raphael.

“Huwag mo na ngang ipaalala iyon,” namumulang angil ni Raphael.

“Do you know anything about martial arts or self defense?” tanong ni James.

“Marunong ako sa street fighting at sa aikido.”

“Noong nakuha namin siya, walang nananalo sa kanya kapag nakikipagbabag. Parang natural na iyon sa kanya,” kwento ni David.

“His father taught him,” sabi ni Augusta.

“Kahit ako, hindi ko ginustong makalaban siya. Tiyak na matutulog ako. Kasama rin kasi sa training niya bilang retrieval expert ang martial arts.” Lumipad ang tingin ni David kay James. “Lahi pala kayo ng martial artist.”

Tumango si James at sumubo ng steak. “So it means I could use you as my sparring partner.”

“Don’t be so confident, James. Even if you are an international taekwondo champion, you can’t easily defeat him.”

“Of course, he is my brother,” sabi ni James. There was pride in his voice.

Na-touch siya sa sinabi ni James. Noon lang ulit nagkita ang mga ito pero tanggap na agad si Raphael sa pamilya.

Niyakap niya si Raphael. “Welcome home, Kuya!”

“Hindi ko maalala ang paglalaro natin ng jackstone. But I am glad to be home, sis.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.