“Thanks for bringing my brother home,” pasasalamat ni Sapphire kay David habang namamasyal sila sa rice terraces sa Bokkong. May selebrasyon para sa pagbabalik ng kapatid niyang si Raphael. At dahil maraming tao sa villa kaya pinili niyang mamasyal muna kasama ito. Iyon din ang unang pagkakataon ni David na makarating sa Sagada at kinabukasan ay babalik na ito sa Manila.
“He is my friend. Gusto ko rin na maibalik siya sa tunay niyang pamilya dahil matagal na niyang pangarap iyon. It was like finding a piece of yourself.”
“Katulad nang kung paano mo natagpuan ang Papa mo?” tanong niya. Noong bata pa kasi ito ay hindi nito nakilala ang tunay na ama. Binata na ito nang matagpuan nito ang tunay na ama.
“Mas mahirap ang pinagdaanan ng kuya mo dahil wala siyang maalala sa nakaraan niya. Noong bata pa siya, basta na lang siya nagigising nang sumisigaw at umiiyak. As if he experienced something traumatic.”
“Baka nangyari iyon nang nakidnap siya.” Kaya nagsara ang bahaging iyon sa alaala ng kapatid ay dahil ayaw nitong maalala. It must be too painful for him.
“He looks tough but he is still vulnerable. Take care of him.”
“Hindi namin siya pababayaan.”
“Kumusta na kayo ni Arthur?”
Awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi niya. “Great!”
“Aba, mukhang inspired ka dahil sa kanya. Dapat lang para maganda ang kalabasan ng exhibit mo. Tiyak na magkakagulo na naman ang New York dahil sa artwork mo. Make me richer, Sapphire.”
“David, hindi ba matatapos na ang contract ko sa iyo?” Ang susunod niyang exhibit ang magiging huling exhibit niya sa dalawang taon niyang kontrata.
“Oo. You don’t have to worry. You are still my artist. I will have another contract ready for you. Gaano ba katagal ang gusto mo? Five years? Ten years?”
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. “I don’t think I could sign another one. I intend to keep my promise to Arthur.”
“Ayaw ba niyang magpasa ka pa ng gawa mo sa akin?”
Umiling siya. “I promised him that I will marry him after two years. At gusto kong dito na kami mag-settle sa Sagada. Desisyon kong lahat iyon. Hindi niya ako pinilit o pinagod. So my exhibit next month will be the last one.”
Saglit na natahimik si David. Nabigla marahil ito sa lahat ng sinabi niya. He worked hard to build her. Hindi madali para dito na tanggapin na basta-basta na lang mawawala ang lahat ng pinaghirapan nila. “Okay,”anito at nagpatuloy sa paglalakad.
“David, are you mad?” Minsan na niya itong nakitang nagalit nang lokohin ito ng isang artist nito. At ayaw niyang maulit iyon.
Ngumiti ito at iniyakap ang braso sa leeg niya. “I am happy for you, dummy!” anito at ginulo ang buhok niya.
“Okay lang sa iyo na last exhibit ko na sa art gallery mo?”
“As long as you are happy. Kahit na tumira pa kayong dalawa sa Antartica. You were miserable when he was gone. Akala mo siguro hindi ko iyon nararamdaman sa mga paintings mo. Matutuwa siguro ako para sa iyo. But I will surely miss you, baby.”
Niyakap niya ito. “Thank you, David! You are really the best! Don’t worry, you will find another artist. Iyong mas makulit sa akin.”
“Bumalik na nga tayo sa villa. Baka mapaiyak mo pa ako.”
“Ikaw nga ang nagpapaiyak,” aniya at nanunuksong tumawa. “Magaling kang magpaiyak ng babae.”
Pinanlakihan siya nito ng mata. “Humihirit ka dahil matatapos na ang kontrata mo. Hindi pa tayo magkakalayo, Sapphire. I am planning to put up an art gallery in Manila. So I might still be your boss.”
“That’s great!” bulalas niya. Malulungkot siya kung hindi na sila magkaka-trabaho pa. Ito na yata ang pinaka-generous na art gallery manager na nakilala niya. Isa pa, parang kapatid na rin ang turing niya dito.
“Tell Arthur that I am interested in his pottery and clay sculptures. Nakitaan ko rin ng potential ang mga estudyante niya.”
“I will discuss this with him,” aniya. Sana lang ay pumayag si Arthur. Tiyak na mas sisikat ito kung sa gallery ni David iso-showcase ang mga gawa nito.
“Sapphire, nagkita ba kayo ni Arthur?” tanong ni Rayanne nang makasalubong nila. “Hinahanap ka niya kanina pa.”
Nagkatinginan sila ni David. “Nakita mo ba siya?” tanong niya.
“Kung nakita ko siya, sinabi ko na sana sa iyo,” sabi ni David.
“Saan kaya iyon nagpunta?” tanong niya. “Papasok na ako sa loob.”
“Me too,” sabi ni David at sumunod sa kanya.
“David, can we talk?” tanong ni Rayanne.
Napaawang ang labi ni David. “A-Ako?”
Tumango si Rayanne. “Don’t worry, I won’t rape you. We will just talk.”
“Talk to him, David,” aniya at iniwan ang mga ito. Alam na niya kung ano ang sasabihin dito ni Rayanne. That she was in love and she was over David.
NAG-PARK si Sapphire sa harap ng villa ni Arthur na malapit lang sa pottery center. Nasa mataas na lugar iyo at tanaw ang buong Poblacion ng Sagada. Naabutan niya si Arthur na nakaupo sa tabi ng puno. Ni hindi ito lumingon nang lumapit siya.
“Hi!” Ginawaran niya ito ng halik sa pisngi at tumayo sa tabi nito. “Busy ka daw sabi ni Maggie kaya hindi ka sumamang mag-dinner sa amin. Siguro katatapos mo lang magtrabaho. Sabay na tayong kumain.”
“Iwan mo na lang diyan,” matabang nitong sabi at nanatiling nakatitig sa malamlam na ilaw sa bayan.
Hinila niya ang kamay nito at pilit itinayo. “Gutom na ako. Hindi ako kumain sa bahay dahil gusto ko makita rin kitang kumain.”
Tiningala siya nito. “Why don’t you go home? David is surely waiting for you. Siya na lang ang sabayan mong mag-dinner.”
“David is old enough to take care of his self. Di niya ako yaya. Matitiis ko siya kahit hindi siya kumain. Pero ikaw…”
“I said go home!” he said firmly.
Pinamaywangan niya ito dahil hindi niya gusto ang tono nito. “Arthur Hawk, what the hell is your problem?”
“That man!” anito at binayo ng nakakuyom na palad ang katawan ng puno.
“David?” Ano na naman ang problema nito kay David samantalang hangga’t maari ay hindi niya pinagsasama ang dalawa sa isang lugar?
Ngumisi ito nang sarkastiko. “Hindi talaga siya nag-aksaya ng oras na agawin ka sa akin. Nalingat lang ako sandali, he already accomplished a lot.”
“Bakit naman ako aagawin ni David sa iyo?”
“How can you be so naïve, Sapphire? O akala mo siguro hindi ko nakita kanina na magkasama kayo. You were in his arms and you were so happy to stay that way. How could you allow him to do that to you?” naghihinanakit nitong sabi. “Pumapayag ka na lang na basta-basta malaglag sa patibong niya.”
“Kanina?” Mahina siyang natawa nang maalala kung ano ang tinutukoy nito. “Binabati lang niya ako dahil…”
“Nakabalik na ang kuya mo?” Napailing ito. “And he was the hero, of course. Because he delivered your brother safe and sound.”
“Ngayon?” nakataas ang kilay niyang tanong.
“I can’t compete with that,” he said in anguish, hurt was visible in his eyes.
“Sino ang may sabi sa iyong makipagkompitensiya sa kanya?” Hindi niya alam kung bakit nito pinapahirapan ang sarili nang ganoon. Nagsesentimyento ito sa isang bagay na simula pa lang ay hindi naman nito kontrol. “Hindi ko alam kung ano ang problema mo kay David. Dahil hindi ko makita ang koneksiyon ng pagbabalik ng kapatid ko at sa pang-aagaw niya sa akin. It doesn’t make sense at all.”
“He wants to take you away from me! You surely didn’t miss that smile on his face. Masaya siya dahil malapit na niyang magawa iyon.”
“David was happy because he found out that we are getting married. At huling exhibit ko na sa kanya. I told him that I wouldn’t sign another contract. Because I want to spend the rest of my days with you.”
Bahagya itong kumalma ngunit matindi pa rin ang intensidad sa mga mata nito. “If you really want to marry me… if you are really serious… you will cancel your exhibit. I don’t want to see you work for David anymore.”
“What? Paano ang mga gawa ko?” Kumpleto na ang mga paintings niya. Kailangan na lang iyong I-frame at handa na para sa exhibit. She even showed them to David and he approved everything.
“I will buy them.”
“It’s not just about the money. It’s still breach of contract!” Nasapo niya ang ulo. Parang biglang nayanig ang mundo niya. How could Arthur suggest ridiculous things at a time like thi? “Ayoko ng eskandalo at ayokong makulong.”
“I will buy you out from David and that damn contract.”
“I intend to keep my promise!” matigas niyang wika. “Dahil hindi lang si David ang bibiguin ko kapag hindi natuloy ang exhibit. There are also people who are expecting my artworks. People whom I inspired and will inspire. At kaibigan ni David si Kuya Raphael. I’m sure he won’t tolerate it. Ano na lang ang sasabihin niya? Na walang isang salita ang kapatid niya? Ito ba ang pamilyang babalikan niya?”
“He will understand.”
“He will never understand. Dahil ako mismo, hindi kita maintindihan.” Hinawakan niya ito sa braso at pilit na hinuli ang tingin nito. “It is my last exhibit. Hindi mo ba ako mapagbibigyan?”
“You promised that you would marry me.”
“I still intend to keep that promise. Pero hindi kasama doon na sirain ko pati ang kontrata namin ni David. It is unnecessary. Don’t make things complicated.”
Ginagap nito ang kamay niya. “Marry me now. Forget about David.”
Napapikit siya nang mariin. Nakikita na naman niya ang nangyari dalawang taon ang nakakaraan. At wala siyang balak na pagbigyan ito. Will she lose him for the second time when they lost so much the first time?
“I’m sorry, Arthur. Wala sa lugar ang hinihingi mo. You know what? You are being unreasonable, acting like a selfish brat!”
Mariin siya nitong hinawakan sa magkabilang balikat. “I am doing this because I love you. I don’t want to lose you.”
“If this persists, you will lose me big time.” Hinawi niya ang mga kamay nitong nakahawak sa balikat niya. Her face was masked with determination. “We’ve been through this before. And it looks like you haven’t learned your lesson yet. I guess you are not matured enough to get married.”
“What?” namumutla nitong bulalas.
Tinalikuran niya ito at naglakad palayo. “I won’t take you back unless you learn your lesson. And I mean it this time. I won’t regret it even if I lose you.”
Masakit para sa kanya ang sinabi. Dahil hindi rin siya sigurado kung kaya nga niyang mabuhay nang wala ito. Pero hindi rin sila mabubuhay nang magkasama kung hindi ito magbabago. He didn’t love her enough to trust her.
SAPPHIRE started whisking paints on the canvas. Wala siyang hilig sa canvas pero iyon lang ang paraan niya para mailabas ang galit niya. She never showed anger in her paintings. It was always happiness, longing and fear. But she was really, really mad this time. Magdamag siyang nagkulong sa kuwarto at ibinuhos niya ang lahat ng galit sa pagpipinta. Ayaw na ayaw niyang magpaabala. Dahil baka kapag may nakita siyang ibang tao ay dito niya maibunton ang galit niya.
Nagsisimula na siyang mapagod nang may kumatok sa pinto. “Sapphire, hinahanap ka ni Maggie,” anang boses ng Kuya Raphael niya.
“Papasukin mo after two minutes, Kuya,” aniya at tiningnan ang sarili sa salamin. She looked like a mess. Ayaw niyang humarap sa bisita nang ganoon ang itsura but it couldn’t be helped.
“I apologize for the bother,” sabi ni Maggie nang pumasok sa art room niya.
“It is okay. Come in,” yaya niya dito. “Pasensiya na kung medyo magulo.”
“Mukhang busy ka,” anito at sinulyapan ang painting. “Is that an abstract?”
“Yeah! My first painting for my next exhibit. It is about men’s stupidity.”
Alanganing natawa si Maggie. “Nasabi sa akin ni Arthur na nag-away kayo kagabi. Katulad mo, ayaw din niyang lumabas ng bahay at ayaw niyang kumain.”
“Eh di huwag siyang kumain. He could do it for forty days. Baka sakaling ma-enlighten siya sa mga katangahang ginawa niya,” humihingal sa galit niyang sabi.
“What happened? He refused to talk about it.”
“The same old problem. Iniisip niya na interesado sa akin si David. Just because he saw us hug. It was a brotherly embrace. Pati ang pagbabalik ni Kuya Raphael, inisip niya na pakana lahat ni David para maagaw ako sa kanya.” Sinabunutan niya ang sarili. She didn’t mind if there was paint in her hand. “How could your friend be so stupid?”
“Intindihin mo na lang si Arthur.”
“Hindi ko siya maintindihan!” Huminga siya nang malalim para bahagyang kumalma. “He did this to me two years ago. Because of his baseless jealousy. Mukha bang ako ang tipo ng babae na nagpapaakit sa ibang lalaki? Sa loob ng mahabang panahon, siya lang ang minahal ko. Bakit ba hindi niya iyon makita?”
“He was jealous, alright. He has a valid reason to feel so.”
“Hindi ako aagawin ni David sa kanya,” mariin niyang sabi.
“Pero inisip niya na ibang babae ang inagaw ni David sa kanya.”
“What?” bulalas niya. “Hindi ko yata maintindihan. Sinong babae?”