Skylander Series Chapter 51

“Three years ago, pareho pa kaming naka-base ni Arthur sa New York. Both of us work for David. He and David were bestfriends. Halos hindi nga mapaghiwalay ang dalawang iyan. Until Arthur fell in love with Alice,” kwento ni Maggie at umupo sa stool na gamit niya sa pagpipinta.

Natigil siya sa pagbukas ng bintana. “Alice who?”

“A tall blonde with blue eyes. Na-in love agad si Arthur sa kanya nang magkita sila sa isang exhibit. She was a neophyte artist. Nagkaroon sila ng relasyon. Pero lumabas din ang totoong kulay ni Alice sa huli. Ginamit lang siya nito para mapalapit kay David. Si David ang totoong gusto ni Alice. Because David was richer of course. Pero nang tanggihan ni David si Alice, pinalabas ni Alice kay Arthur na inakit lang siya ni David. Na iyon ang paraan para kunin siyang artist ni David.”

“Iyon ba ang dahilan kung bakit lumipat sa Los Angeles si Arthur?”

“At noon lang ulit siya naging masaya. Nakalimutan niya si Alice dahil sa iyo.”

But the nightmare returned. Dahil sa muling pagsulpot ni David ay na-threaten ulit ito. Lalo na nang tumanggi siyang sumama dito sa Sagada. Sa halip ay nagmatigas siya na pumunta sa New York. Nakikita nito sa kanya si Alice.

Nakuyom niya ang palad sa labis na galit. “How dare him! I am not Alice! Di ako kasingbabaw ng babaeng iyon! At kahit kailan, hindi ako naging interesado kay David. Siya lang ang lalaking minahal ko.”

Parang nasayang lang ang ilang taong paghihintay niya dito. Dahil sa huli, wala pa rin itong tiwala sa kanya. Sa palagay ba nito ay madaling makuha ng ibang lalaki ang atensiyon niya? Siya ang tipo ng babae na minsan lang magmahal sa buhay niya. Gugustuhin pa niyang mamatay kaysa ibigay sa iba ang puso niya.

“Tell that to him, Sapphire,” sabi ni Maggie. “Masyadong vulnerable si Arthur ngayon. He is a very sensitive man. Sana noon ko pa sinabi ang tungkol kay Alice. Pero tuwing io-open ko ang topic, di siya nakikinig.”

“Nag-usap na kami kagabi pero hindi siya nakinig sa akin,” nanlulumo niyang sabi. “Kahit anong paliwanag ko, ayaw niyang maniwala.”

“Then do something to make him listen!” she said firmly. “Mahal ka niya pero natatakot siya na mawala ka rin sa kanya. Hindi si David ang kalaban niya kundi ang sarili niyang takot. He needs your support now.”

“That stupid man!” angil niya at lumabas ng art room.

“Where are you going?” nag-aalalang tanong ni Maggie. Sa halip kasi na huminahon siya ay lalo pang nagatungan ang galit niya.

“I will do something to make him listen.”

“I hope you won’t do anything harsh. Be easy on him.”

“I will be as calm as possible. I won’t hurt him,” paniniguro niya.

“Sapphire, bakit parang susugod ka sa giyera?” tanong ni David nang makasalubong siya sa pathway. Naghahanda ito pabalik sa Manila.

Hinila niya ang kamay nito. “You are exactly whom I needed.”

“Teka, saan tayo pupunta?”

“May isang lalaki lang akong tuturuan ng leksiyon.” Nakasandal sa Toyota Prado si Rohann. Ito ang maghahatid kay David. “Hey, cousin! Will you drive us to Arthur’s villa?”

“Sure. Magkaaway ba kayong dalawa?” tanong ni Rohann.

“Hindi. Ang totoo niyan, makikipagbati ako.”

WALANG-HABAS na pumasok ng bakuran ni Arthur sina David at Sapphire. Naabutan nila itong may kausap na ilang estudyante. Wala kasi itong klase nang araw na ito pero malaya ang mga estudyante na gamitin ang pottery.

“Excuse me, pwede kang makausap?” tanong niya sa mahinahong boses.

Nagtinginan sa kanila ang mga estudyante. “Good morning po!” magalang na bati ng mga ito. Tinanguan niya ang mga ito subalit nanatiling naka-focus ang mga mata niya kay Arthur.

Bahagyang nginitian ni Arthur ang mga estudyante. “Kayo na ang bahala sa pottery. Bukas ko itse-check ang mga gawa ninyo.”

“Thank you, Sir,” anang mga mga ito nagpaalam na.

“Anong ginagawa ninyo dito?” tanong ni Arthur at isa-isang ini-inspect ang mga naipasa nang pottery ng mga estudyante.

“Arthur, let’s talk…”

“Let me speak up, Sapphire,” putol nito David sa sasabihin niya. Wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito nang harapin si Arthur. Madalang niya itong nakitang seryoso. Mas sanay siyang makita itong nakangiti. “I am on a hurry, Arthur. So you have two options. Either you listen or I will make you listen.”

Iwinaksi ni Arthur ang kamay at tinalikuran sila. “I don’t really care! Wala akong dapat paniwalaan sa kahit anong sasabihin mo!”

“I guess that is option two. If you don’t want to listen, I will make you listen.”

Napasigaw siya nang hawakan ni David sa balikat at bigyan si Arthur ng isang malakas na suntok sa mukha. Dahil sa pagkabigla ay hindi nagawang makailag ni Arthur at sumadsad sa lupa.

“Arthur!” nag-aalala niyang sabi at mabilis na dinaluhan. Parang gusto niyang umiyak nang makita ang sugat sa gilid ng labi nito.

“Bastard!” usal ni Arthur at matalim ang matang tiningnan si David.

“Ano? Lalaban ka pa?” hamon ni David dito at isinuntok ang kamao sa palad.

“Stop it, David!” saway niya dito. “Wala ito sa usapan natin.”

Arthur was never a violent person. Ito ang tipo ng tao na mas gustong idaan sa usapan ang lahat. Kaya naman nitong pantayan sa pakikipaglaban si David dahil magkasingtangkad at magkasing-katawan ang dalawa. Pero hindi siya papayag na saktan pa ulit ni David si Arthur kahit para sa kapakanan niya.

“That man is stubborn. He deserves it!” Hinawakan ni David si Arthur sa baba. “Ano? Gusto mo bang makinig o dadagdagan ko pa ang pasa mo?”

Pumiksi lang si Arthur subalit hindi ito nagsalita. Sa palagay niya ay handa na rin itong makinig. Hindi rin nito lalabanan si David dahil naroon siya.

Nakuha ni David ang mensahe at tumayo nang tuwid. “Alice lied to you.”

“Alice?” nanlalaki ang matang sabi ni Arthur. Mukhang matagal nang walang nagbukas ng usaping iyon sa dalawa. “Why would Alice lie to me? She’s innocent…”

“She’s not innocent, Arthur! Napaikot ka lang niya. She’s a first class bitch. I never bedded her nor seduced her. She made everything up.”

“Liar!” sigaw ni Arthur at tinangkang suntukin si David. Subalit hindi gumalaw si David sa kinatatayuan at nanatili lang nakatitig dito.

“I am a self-confess bastard. I can get any woman I want. Pero hinding-hindi ako mang-aakit ng babae at pangangakuang magiging artist sa gallery ko. I don’t mix business with pleasure. Hindi ako ganoon kababaw.”

Napayuko si Arthur subalit bakas pa rin ang pagkalito sa mukha. “Hindi iyon magagawa ni Alice sa akin,” nanlulumo nitong sabi.

Binitbit ni David sa kuwelyo si Arthur at itinayo. “Nagawa na niya. Alice was very ambitious. She wanted to trade her body para lang maging artist sa gallery ko. But I refused. Dahil hindi naman siya pumasa sa standard ko. She has a talent but it was not enough. So she went out to get even. Hindi ka lang niya minsang niloko. Una, ginamit ka niya para makalapit sa akin. At pangalawa, sinabi niyang inakit ko siya. Why would I do that? There are other women who are prettier than her and are more willing without asking anything in return. Dapat nalaman mo na kahit kailan, hindi ako tumatalo ng kaibigan,” wika nito at pasalyang binitawan si Arthur.

“Are you interested with Sapphire?”

“Just in her talent,” he stated bluntly. “She’s very good.”

“I thought you wanted her and…”

“You doubted her?” tanong ni David sa mataas na boses. “She loves you so much, Arthur. She doesn’t deserve a stupid man like you. She’s not Alice, dammit!”

“I know that!” giit ni Arthur.

“But you believed that she’s like Alice.” Hindi nakakibo si Arthur dahil iyon ang totoo. “You are rotten! You have a misplaced trust. Hindi si Alice ang dapat mong pinagkatiwalaan kundi si Sapphire. Alice should never be trusted in the first place. Alice never loved you. Si Sapphire lang ang nagmahal sa iyo kahit na ikaw pa ang pinaka-istupidong lalaki sa mundo. You are stupid, man!”

“I know! You don’t have to rub it in,” papahina ang boses na sabi ni Arthur. Nahihiya na marahil ito nang maisip kung gaano karaming pagkakamali ang nagawa nito. “But you never told me about Alice.”

“Because you refused to listen.” Tinapik ito ni David sa balikat. “Don’t commit the same mistake again. Hindi lang ako ang makakalaban mo. She came from a family of martial arts experts.” Iniisa-isa nito ang mga kamag-anak niya na marunong mag-martial arts. “Raphael, James, Jett, Rohann, even Aki and Arwen. Isama mo pa si Klein sa father side na magaling sa kickboxing. Hindi mo na makikilala ang sarili mo pagkatapos ka nilang gulpihin.”

Tama. Marami nang dedepensa sa kanya. Pero hindi rin naman siya papayag na saktan ng mga ito si Arthur. Even if he was the most stupid guy in the world.

“I’m sorry, David. Kung nakinig lang sana ako mula sa simula, hindi sana nasira pati ang pagkakaibigan natin. Hindi rin sana nawala sa akin si Sapphire sa simula pa lang. Hindi na talaga ako natuto. Thank you for telling me about Alice’s lies and making me listen.”

“Masakit pa ba?” tanong ni David at diniinan ang sugat sa gilid ng labi ni Arthur. Napasigaw sa sakit si Arthur.

“David!” saway niya dito.

“Sinusubukan ko lang kung malakas siyang sumigaw,” tatawa-tawa nitong sabi. “And don’t thank me, Arthur. Kay Sapphire ka magpasalamat. If she is not here to stop me, I will surely beat you right to the pulp.”

“MASAKIT ba?” tanong ni Sapphire habang dahan-dahang dinadampian ang bulak na may Betadine ang sugat sa gilid ng labi ni Arthur. Nang umiling ito ay lalo niyang diniinan ang pagkakadampi.

“Ouch!” sigaw nito.

Mabilis niya iyong hinipan. “Mukhang malakas ang pagkakasuntok sa iyo ni David. I hope there are no broken bones. Gusto mo bang tawagin ko si Ate Kim para siya na mismo ang tumingin sa iyo?”

“Hindi na,” anito at pinigilan ang kamay niya. “Nakakahiya kapag nalaman niya ang nangyari. Mabuti na lang hindi ako nakatulog. Nayanig ako sa suntok niya.”

“Sorry. Hindi ko alam na ganoon ang gagawin ni David. Hindi naman kasi siya bayolenteng tao noon. Ni hindi ko alam na marunong siyang makipagbabag. Kung alam ko lang na sasaktan ka niya, ako na lang sana ang kumausap sa iyo.”

Nagi-guilty siya dahil siya ang dahilan kung bakit ito nasaktan. She wanted him to see reason. Pero wala siyang planong ipagulpi ito para lang makinig sa kanya.

“I deserve it. Baka mas malala pa nga ang dapat na ginawa sa akin ni David dahil sa pananakit ko sa iyo.” Ginagap nito ang kamay niya at tinitigan siya sa mukha. “He was right. I am stupid. Hindi ako marunong makinig. Makikinig lang ako, sa maling tao pa. At kung sino pa ang nagmamahal sa akin, iyon pa ang ayaw kong pakinggan. Para akong bata.”

“That bitch!” gigil niyang tukoy kay Alice. “Hindi na siya nasiyahan na sinaktan ka niya noon. Hanggang ngayon ginugulo ka pa rin niya.”

Umiling ito. “It was not Alice’s fault. It was my fault. Ako mismo ang sumira sa sarili kong buhay.”

“Arthur,” usal niya at hinaplos ang pisngi nito. Nasasaktan siya para dito. Ang pagkakamali lang nito ay nagmahal ito at nagtiwala sa maling tao.

“Hindi ako marunong makinig sa mga taong dapat ay pinagkakatiwalaan ko. Sa sarili ko lang ako naniwala. Natakot ako na mauulit ang nangyayari dati. Natatakot ako na masaktan.”

“Natural lang naman iyon, hindi ba? Pero gusto mo rin akong protektahan dahil akala mo aagawin ako sa iyo ni David tulad ng ginawa niya kay Alice. You did it because you love me,” aniya pilit itong inuunawa. Wala nga lang sa lugar ang pagmamahal nito sa kanya.

“Lagi kong iniiisip na di ko hahayaang saktan ka ni David. Pero hindi kita naprotektahan sa sarili ko. I am the monster, not David. Binulag ako ng labis na pagseselos. Natatakot ako na masaktan. Sinayang ko ang pagmamahal at pagkakataon na ibinigay mo sa akin.”

“Siguro naman magtatanda ka na? Kung hindi, mata mo lang ang walang latay,” aniya at hinipan ang sugat nito.

Mula sa drawer sa ilalim ng telephone stand ay may inilabas itong flower origami. “Will you forgive me for being dim-witted and for hurting you? I promise that I won’t do it again.”

Naniningkit ang mga mata niyang tiningnan ang papel na bulaklak. “Nakakadalawang promise ka na sa akin pero hindi mo naman tinutupad. Parang nadadala na yata akong tanggapin iyan.”

“I intend to do everything for you to forgive me this time,” sinserong wika nito. “I intend to talk to you and say sorry. Naunahan mo lang ako.”

“Bakit nagalit ka nang makita mo kami ni David?”

“Nagselos lang ako.”

“Parang bitin ang promise mo. Marami kang kasalanan sa akin,” aniya at iningusan ito. Hindi niya tinanggap ang bulaklak na ibinibigay nito.

“I will trust you completely. I won’t let the past come between us. Dahil wala namang mangyayari kung babalikan ko pa iyon. Kapag may sinabi ka, makikinig na ako. Hindi na rin ako magiging sobrang seloso. I will be more reasonable. I won’t act like a selfish brat anymore.”

Kinuha niya ang bulaklak dito at kinintalan ito ng magaang halik sa labi. “Make sure that you will keep that promise.”

“If I don’t?” naghahamong tanong nito.

“Ipapa-frame ko ulit itong flower origami. Tatlo na ang naka-frame noon at ipupukpok ko siya sa ulo mo hanggang matuto ka ng leksiyon mo.”

“Pwede bang ito na lang ang pambawi ko sa iyo?”

Love shone in his eyes as he lowered his lips to hers. His mouth was infinitely tender as he kissed her. Nakalimutan na niya ang lahat ng pinagtalunan nila kanina. She wondered if it was fair. Simpleng halik lang nito ay natutunaw na ang galit niya.

“By the way, since okay na kayo ni David, pwede bang pareho na tayong maging artist niya? He is planning to put up a branch of his art gallery in Manila.”

“After what I did, kukunin pa ba niya ako?”

“You are talented. May tiwala si David sa kakayahan mo. Siya pa nga mismo ang nagsabi sa akin kung gusto mo. Sinabi ko na idi-discuss ko sa iyo. And besides, David doesn’t hold grudges. Isang sapak lang sa iyo, okay na ulit siya.”

Nasapo nito ang pisngi. “Masyado siyang masakit makipag-ayos.” Pagkuwan ay ngumiti ito. “Paano kung magselos ulit ako kay David?”

Lumabi siya at nag-isip. “I will find a girl to suit his taste. Iyong babae na hinding-hindi niya pakakawalan. Para hindi ka na magselos.”

“Nice idea. I can help you with that.”

Magkayakap nilang pinanood ang unti-unting paglubog ng araw at ang pagsikat ng buwan. Nakangiti niyang ihinilig ang ulo sa balikat ni Arthur. Maybe the moon won’t see her cry anymore.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.