Evaine was broken hearted and wanted to start anew. Magandang lugar ang Sagada para kalimutan si KC, ang nag-iisang lalaking minahal niya.
But on the night at the eve of May, she asked the mirror to show her the man whom she would marry. Sa halip na ang lalaking pakakasalan ay isang demonyo ang lumabas mula doon. Demonyo na kamukha ni KC.
Ginagap nito ang kamay niyang may hawak na kandila. “I am not KC, Evaine. I am the devil.”
And the devil kissed her.
Tinanggal ni Evaine ang shades at taas-noong naglakad sa lobby ng La Mode Modeling Agency and Productions. Halos lahat ng tao ay napapalingon sa kanya na puno ng paghanga. She really loved the attention. Iyon naman talaga ang gusto niya, ang makakuha ng atensiyon ang kanyang kagandahan.
“Miss, bagong model ka?” pabirong tanong sa kanya ni Tanya na nasa reception. “Hindi ka naman masyadong bihis na bihis ngayon. Birthday mo?”
“Why? Am I pretty?” tanong niya at nag-sway habang hawak ang ruffled skirt. Saka siya umikot na parang modelo. “Gosh! Huwag mo nang sabihin. I know that I am so pretty.”
Lumabi ito. “Wala naman akong sinabing maganda ka.”
Inirapan niya ito. “Ipapasesante kita! Lagot ka kay Tita Rose!”
Tumawa ito nang malakas. “Sus! Hindi ka na mabiro. Maganda ka na!”
Ang Tita Rose niya ang may-ari ng modeling agency. At madalas niya iyong ipanakot nang pabiro sa mga kasamahan kapag iniinis niya. Isa siya sa mga nasa public relations office at namamahala sa mga events na dinadaluhan ng mga modelo nila. They also promote shows and parties. That was what she wanted. The world of fashion and glamour.
“Wow! Bongga ka ngayon!” salubong sa kanya ng model na si Giselle. “Saang ukay-ukay mo naman nabili iyan?”
Pinaningkitan niya ito ng mata. “Excuse me? This is Jenascia Almayda’s creation. She made it just for me. Lovely, isn’t it?”
Confident siya na bagay sa kanya ang fuchsia pink tube top na may katernong fuchsia rin na ruffled skirt. She loved fuchsia because for her, it signifies femininity and women’s power. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit niya iyon ipinagawa. Gusto niyang mapansin ni Kristoffer Carlo ang kagandahan niya. Kababata niya si KC at isa sa mga top models ng agency.
“Hindi ba mahal iyan?”
“But of course! Jenna is one of top young designers in the country.” Muntik na ngang maubos ang sweldo niya kung pagbabasehan ang original na price ng damit. “May discount ako. Jenna and I are family after all.”
Girlfriend si Jenna ni James na pinsan ni KC. Kaya malapit silang dalawa sa isa’t isa. Bukod pa doon, madalas niya itong I-promote sa mga kamag-anak at kaibigan niya. So she definitely deserved a discount.
“Parang may nag-iba sa iyo,” sabi ni Tanya at tinitigan siya.
Lumiyad siya at ngumiti. “Ano?”
Tanya tapped her forefinger on her chin. “I don’t know.”
“This dress is perfect. It was made to accentuate my boobs. Para hindi ko na kailangan ng wonder bra.”
Nalaman niya sa isang model na ang type ni KC sa babae ay malaki ang hinaharap. She was a bit short-handed in that department. Kasalanan ba niya kung hindi siya nabiyayaan? Ayaw naman niyang magpa-breast augmentation. May iba namang paraan na ma-enhance ang dibdib niya nang di nagpapa-opera.
Nanlaki ang mata ni Tanya. “Gosh! Nagwa-wonder bra ka?”
“Oo naman, no?”
“Hindi ko nahalata, eh!”
Napapadyak siya. “Ay, shame! Nakakainis ka!”
Kung walang nakakapansin na naka-wonder bra siya, parang sinabi na rin nito na walang nagbago sa size ng dibdib niya. Paano pa lalong mapapansin ni KC ang alindog niya kung wala naman palang epekto iyon?
“Joke lang!”
“Dear, talagang gagawin mo ang lahat para kay KC!” sabi ni Melody. “I really admire your determination. Faithful ka pa rin kahit kung sino-sinong babae ang kasama niya.”
“Naiintindihan ko. It is part of his job.”
KC was one of the top male models in the country. Idagdag pa na bahagi ito ng tinitingalang clan ng mga Lizardo at Ang. Natural lang dito na pagkaguluhan ng mga babae. Mapa-mayaman o mapamahirap ay nagkakagusto dito. Pero alam niyang siya lang ang babaeng mamahalin nito at pakakasalan. Bata pa lang ay sila na ang itinakda ng mga magulang nila na magpakasal. Pero mas gusto niya kung pakakasalan siya ni KC dahil mahal nila ang isa’t isa.
“Naku, part pa ba ng trabaho niya na halikan ang ibang babae?”
Natigilan siya at biglang umakyat ang temperatura ng dugo niya sa boiling point. “What? Shit! Who’s the bitch who kissed my KC?”
“Look at this.” Ibinigay sa kanya ni Melody ang diyaryo. Pati ang ibang modelo ay nakatingin na rin at naki-usyoso.
Parang mababaliw siya nang makitang nakikipaghalikan si KC sa socialite na si Divine Cosas. Mabuti sana kung sa pisngi lang iyon o smack. It was a torrid kiss. Samantalang siya, hanggang sa pisngi lang hinalikan ni KC. Gusto sana niyang itong nakawan ng halik sa labi minsan pero hindi siya makatiyempo.
Gigil niyang nilamukos ang diyaryo. “That bitch! How dare her kiss my KC? Makikita niya kung sino ang kinakalaban niya!”
She was Evaine Rojo-Lim! A combination of Spanish-Chinese heritage, her family was well known in the steel industry. Kilala rin ang pamilya niya tulad ng pamilya nila KC. Gasino lang ba ang kayamanan ng mga Cosas. Ang alam nga niya ay naghihirap ang mga ito. Nakukuha pa nitong landiin si KC. Walang kahihiyan. Kung hindi pa niya alam, kung sino-sinong mayayamang personalities ang nali-link kay Divine dahil naghahanap ito ng sasalba sa paghihirap nito. Well, she won’t allow her to get her claws on KC. Dahil sa kanya lang si KC.
“It looks KC enjoyed the kiss,” komento ni Danielle. “I was at that party last night. Tawa pa nga siya nang tawa. As if he didn’t mind the reporters at all.”
“Publicity is still publicity,” sabi naman ni Tanya.
“He was just caught off guard. Alam ko na si Divine lang ang may gusto niyon para magpasikat. And of course, KC is just a gentleman,” katwiran niya.
“Mahal na mahal niya! Dinedepensahan!” tukso ni Danielle.
“Mahal ko si KC. Kailangan ko siyang intindihin.”
“Sige. Intindihin mo rin na ihinatid niya si Divine hanggang sa condo,” anang si Melody. “Sabi nga ni Mama Rica, iyong may-ari ng salon kung saan ako nagpa-ayos kanina, nakita daw niya si KC kaninang madaling-araw. Katabi lang kasi ng condo ni Divine ang condo ng boyfriend niya.”
“Iyon lang ba ang nakita ni Mama Rica? Ihinatid lang ni KC si Divine?” tanong niya sa seryosong tono. Gusto niyang malaman ang totoo.
Nakagat ni Melody ang labi. “Hinalikan daw ni Divine si KC tapos pumasok sa loob ng condo. Hindi na alam ni Mama Rica ang nangyari pagkatapos.”
Naging matiim ang anyo niya. Nakatitig lang siya isa lukot na diyaryo sa kamay. Pakiramdam niya ay dahan-dahan siyang nawawalan ng hangin sa paligid.
Ano ang ginawa nila Divine at KC sa condo? Nagkwentuhan? Hindi siya ipinanganak kahapon para hindi malaman kung ano ang ginagawa ng isang babae at isang lalaki kapag nagkukulong sa condo. Nakakahiya siya. Mukha siyang tanga sa harap ng mga kaibigan niya. Ginagawa niyang tanga ang sarili niya.
“Evaine, okay ka lang?” nag-aalangang tanong ni Tanya.
“G-Gusto mo ng tubig?” tanong ni Melody.
“Melody, nasobrahan ka yata ng kwento,” sabi ni Danielle.
“Baka himatayin ka. Umiyak ka na lang o magwala. Huwag ka lang mukhang tulala. Please?” Pinaypayan siya ng kamay nito. Mangiyak-ngiyak nitong nilingon ang mga kasamahan. “Pahingi ng tubig! Painumin natin si Evaine.”
“Hindi ko kailangan ng tubig,” aniyang matiim pa rin ang anyo at naglakad palayo sa mga ito. Kung kakailanganin niya ng tubig, para isaboy iyon sa sarili nang matauhan siya. Diretso ang tingin niya at di niya binati ang sinumang kasalubong. Parang robot siya. Wala siyang maramdaman.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Tanya at hinabol siya.
“Sa psychiatrist. Gusto kong patingnan ang utak ko,” sabi niya at sumakay ng elevator. Hindi na nagawa pang humabol ng mga ito. Kinuha niya ang cellphone sa handbag at nag-dial. “KC, meet me at Café Hermosa now!”
NANGANGALAHATI na ang mochacinno ni Evaine nang mamataan si KC na papasok ng café. He put off his sunglasses and flashed a smile when he spotted her. Iniwas niya ang tingin. Kahit na galit siya dito, isang bagay pa rin hindi nagbabago. Parang may naghahabulang daga sa dibdib niya kapag ngumingiti ito.
“Good morning, sweetheart. Mukhang maaga mo yata akong na-miss,” sabi nito. Nang tangkain siya nitong halikan sa pisngi ay iniwas niya ang mukha. “What’s wrong?” tanong nito nang mapansing masama ang mood niya.
Nakataas ang kilay niya itong pinagmasdan. She was trying to find any trace if he spent the night with that socialite bitch. But he looked so innocent. Damn him!
He looked so cute yet masculine with those Chinese eyes and cute dimples. He was also six feet tall. Kaya hindi ito naiilang sa kanya kahit na mas matangkad siya sa mga karaniwang babae.
She rendered her heart. Hindi iyon ang oras para pansinin niya ang kaguwapuhan nito. That was what got her into dilemma in the first place.
“Anong oras ka umuwi kagabi?” pormal niyang tanong.
“Why?” he asked after giving the waiter his order.
“Saan ka nagpunta pagkatapos ng party?” mas mariin niyang tanong. Para sabihin na ito ang dapat na magliwanag sa kanya.
“I went out with a friend…”
“Ihinatid mo si Divine Cosas sa condo niya. Hanggang anong oras ka doon?”
Bumakas ang pagkabigla sa mukha nito. “Kailan ka pa nakinig sa mga bali-balita tungkol sa akin, sweetheart? We never discussed it before.”
Wala siyang pakialam sa mga pictures nito dati kasama ang ibang babae. Gaya ng madalas niyang sabihin, it was part of his job. Lalo na’t isa ito sa mga paboritong sundan ng mga press. Ngayon, may pakialam na siya.
“Bigla kasi akong naging interesado dahil sa picture ninyo sa diyaryo,” aniya at ihinagis ang broadsheet dito.
Kalmado ang mukha nitong inilapag ang diyaryo sa mesa. “Ihinatid ko siya sa condo niya dahil iniwan siya ng ka-date niya.”
“Maybe she was busy clinging at you that’s why her date got pissed off.”
“I was only consoling her when she suddenly kissed me. Then the cameras started flashing. Hindi ko pwedeng iwan si Divine sa ganoong sitwasyon. She was tipsy. So I decided to take her home.”
“How noble of you!” Ni hindi na nito inisip kung ano ang mararamdaman ng ibang tao sa eskandalong iyon. Kung ano ang mararamdaman niya.
“It is nothing, sweetheart!” malambing nitong sabi at hinawakan ang kamay niya. “It is just a simple kiss.”
Dati, marinig lang niyang tawagin siya nitong sweetheart ay nakakalimutan na niya ang kasalanan nito. Handa na siyang tanggapin ang lahat ng paliwanag nito. Daig pa niya ang nahipnotismo ng kulto. Not this time. It annoyed her even more.
“Doesn’t look simple to me,” she said coldly.
He grinned. “Jealous? Come on, you don’t have any reason to be jealous. Kapag lumabas na sa diyaryo, tapos na iyon. Forget about the crap.” Nang hindi siya nagsalita ay nag-iba ito ng strategy. “I’ll treat you to a movie. May bagong movie si Johnny Depp.”
“Ano ako, bata na pwede mong suhulan ng candy kapag umiiyak? Ibibili ng ice cream kapag inaway ng kalaro. You don’t take me seriously, do you?”
Dati ay masayang-masaya na siya kapag niyaya siya nitong manood ng sine. Hindi niya sinasayang ang opportunity na makasama ito. Ngayon lang niya unti-unting nakita na malaki siyang utu-uto.
“You don’t have to make a big deal out of it. Sure, she kissed me. So what? Bukas may bago na namang issue and the people will forget about it.”
“But I don’t forget, KC. Nagtatanong tuloy ako kung ano ako sa buhay mo. Aside sa pagiging magkababata at close ang pamilya natin. And the fact that our parents put us together since the day I was born. What do I mean to you?”
“You are my sweetheart!” he said sweetly.
“Do you love me?”
KC flashed a sweet smile. “You know I do. Do you doubt it?”
She never really questioned his love. Kapag sinasabi nitong mahal siya, masaya na siya. Daig pa niya ang nakalutang sa cloud nine.
“Anong klaseng pagmamahal ba ang nararamdaman mo sa akin?” she asked calmly and drank her coffee.
“I love you. Do I have to explain everything? You know I am not good at it.”
Lalong uminit ang ulo niya. Mahal ba talaga siya nito? O baka hindi nito masagot ang tanong niya ay dahil hindi siya nito kayang mahalin katulad ng pagmamahal niya dito. Ano ba talaga ang tingin nito sa kanya?
“You don’t really love me,” sabi niya at tiningnan ito sa mga mata. Noong una, iyon ang bagay na ayaw na ayaw niyang sabihin. She was always positive. Pero sa pagkakataong iyon, kailangan niyang harapin ang totoo.
“I love you,” giit nito.
Huminga siya nang malalim at mariin itong tiningnan. “You don’t really love me the way I want you to. Bakit hindi mo pa ako diretsahin?” tanong niya sa mataas na boses. “Naiintindihan ko naman.”
Ginagap nito ang kamay niya at hinalikan. “I love you, sweetheart.”
“Then marry me.”