Skylander Series Chapter 53

Biglang nabitiwan ni KC ang kamay niya na parang napaso at tumawa. “Come on, Evaine! You got serious all of a sudden.”

“O, bakit hindi ka makasagot? And there’s nothing funny about my question.”

Madalas itong tanungin noon kung kailan sila magpapakasal. Lagi itong umiiwas ng sagot. Baka naghihintay pa ito ng tamang panahon para alukin siya ng kasal. She dreamt of their wedding since she knew the meaning of the word ‘wedding’ and ‘love’. Been wishing that he’d propose to her anytime soon since she was seventeen. Pero twenty-four na siya ay wala pa ring nangyari. Kung kailangang siya ang mag-initiate, gagawin na niya.

Nanatili itong nakangiti. “You are too young to get married.”

She suddenly lost her cool. Gigil niyang hinampas ang mesa. “Young? How old do you think I am, KC? I am not a minor anymore. I am already twenty-four! Marami na akong kaedad na may asawa at anak. I think I am at the right age to get married. If you really love me, then marry me now!”

He sipped his coffee. Parang pinag-iisipan kung ano ang sasabihin sa kanya. O baka ninenerbiyos na ito. Akala siguro nito ay habambuhay siyang tutunganga at maghihintay dito. Pwes, sawa na siyang maghintay. She wanted direct answers now.

“Marami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo. Sure, you are twenty-four. Pero nagawa mo na ba ang lahat ng gusto mong gawin? Have you enjoyed your life to the fullest? Ayokong magpakasal sa iyo pero sa huli, hindi mo pa pala nae-experience ang lahat ng gusto mo. Magsisisi ka lang. Both of us will suffer.”

“Mula pagkabata, alam mo na ikaw lang ang gusto ko. All I want is for you to love me and spend the rest of my life with you.” Simple lang ang gusto niya sa buhay. Ang magpakasal sila at magkaroon ng mga anak. Kaninang umaga lang ay abot-kamay na niya ang pangarap na iyon. Bakit bigla iyong naging malabo?

Bumuntong-hininga ito. “Both of us are not ready for this. You have the whole world ahead of you. You don’t have to tie yourself to me.”

“Matagal na akong nakatali sa iyo.”

“Ask yourself if this is what you really want. Maybe you need time to get away from me for a while.”

“Bakit? Nasasakal ka sa akin? Is this your way of saying that you want me out of your life for good?” He was pushing her away. Hindi niya iyon napapansin dati dahil ayaw niyang harapin ang katotohanan. Ngayon lang nabuksan ang mata niya.

“Sweetheart, no! Bakit naman kita itataboy? Ginagawa ko lang kung ano ang makakabuti para sa iyo. We don’t have to hurry,” mahinahon nitong paliwanag.

Hindi siya nakaimik. Nanatili lang siyang nakatitig dito. Kung mahal siya nito, hindi ito mag-aalangang pakasalan siya. He would say yes right away. Gusto niyang umiyak dahil naiisip niya ang lahat ng atensiyon at pagmamahal na ibinigay niya. All of them went down the drain. Pero hindi iyon ang oras para mag-aksaya ng luha. And she didn’t need his pity. She had to be strong.

“You don’t love me, KC. You don’t like me. And I was a fool to believe that you do. You let me believe…” Saglit siyang tumigil para kontrolin ang nanginginig na boses. “Bakit hindi mo sinabi sa akin sa simula pa lang?”

Naging seryoso ang anyo nito. “Calm down, Evaine. Wala kang naiintindihan.”

“I am not an idiot! Ano ang hindi ko maiintindihan? O baka ayaw mong ipaintindi sa akin?”

“Because I am afraid to hurt you. But not the way you thought it is. Kahit ayaw mong maniwala, I love you. That makes things more difficult.”

Nahihirapan ito na saktan siya. Hindi ba siya nasasaktan ngayon?

“I adore you since we were kids. Lahat ng pangarap ko, kasama ka. Pero kahit minsan, hindi ko naitanong sa sarili ko kung ganoon ka rin sa akin. But you know how much I love you! Sa iyo na umikot ang mundo ko.”

“That’s the point! Ayokong pumasok ka sa isang lifetime commitment kung sarili mo mismo ang kinalimutan mo. That would be unfair on your part.”

Siya pa ang mali? Kailangan ibigay mo nang buo ang pagmamahal mo sa taong mahal mo. Masaya na siya basta’t makita niya itong masaya. Is that wrong?

“I love you for the longest time,” mahina niyang usal. At sa palagay niya, wala pa ring babae na makakapantay sa pagmamahal na iyon. Pero pinahalagahan ba nito? No! He never really cared about her love. She was never special.

“Paano kung hindi pagmamahal ang nararamdaman mo sa akin?”

“Bastard!” she said through gritted teeth. “I love you! You have no right to doubt it! I give you real love yet you think that I am just a little girl who is infatuated to you. A puppy that loves following you around?” she said in a high voice.

Kaya marahil hindi siya nito sineryoso kahit kailan. Dahil akala nito ay isang kalokohan lang ang pagmamahal niya.

“Calm down, Evaine,” saway nito sa kanya dahil nagsisimula na silang kumuha ng atensiyon ng ibang mga tao. Pero wala siyang pakialam.

“Calm down? You are asking me to calm down? Jerk! Buong buhay ko, sunod ako nang sunod sa iyo. I adore you. I love you. Dahil akala ko, masaya ka na ganoon ang ginagawa ko. That you appreciate everything that I do. Noong una, iniisip ko kung ano ang mali sa akin. Are my boobs too small that’s why you never really notice me? Hindi ba ako katulad ng mga starlet at socialite na madalas na bumisita sa mga plastic surgeon kaya ayaw mo sa akin?”

“Kahit kailan, hindi kita nai-kumpara sa ibang babae,” depensa agad nito. “You are different.”

Sarkastiko siyang ngumiti. “Thank you. Pero dahil din sa kanila, nagsisimula ko nang maintindihan kung ano ako sa buhay mo. Kung anong klase ba ang lalaking minahal ko. I am not in love with a man. You are just a little boy. You are not a man, Kristoffer Carlo Ang!”

He was shocked. “Evaine!”

“And those flings. Those girls who love to be seen on papers with you, they are just mere toys to you. Women who authenticate your masculinity. Natauhan na ako. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na magmukhang tanga sa iyo.”

He must have hated her during those times that she was virtually everywhere. Halos maging anino na siya nito. Hindi ito nagpakita ng pagka-irita sa kanya. Dahil tuwang-tuwa kapag may babaeng nababaliw dito. He was so conceited.

“Ganoon ba kababa ang tingin mo sa sarili mo dahil minahal mo ako?”

“Iyon siguro ang iniisip ng marami. Pero gaya nga ng sinabi mo, may magandang kinabukasan na naghihintay sa akin. I am sick and tired of following you around. Waiting for you to smile at me, to call me sweetheart and take me to movies and eat ice cream that any little kids would appreciate. They don’t really mean anything, do they? Even your ‘I love yous’ are rubbish. Dahil wala akong significance sa buhay mo. I am not even a part of your future. I am just a little girl who is a nuisance to you.”

Tumayo siya at naglakad palayo. Nahabol na siya nito sa parking lot ng café. “Where are you going?”

“I am quitting! I am quitting on you! I finally came to my senses. I want to stop living in a farce.” Wala nang rason pa para papaniwalain niya ang sarili niya na mamahalin din siya nito. “At para sa ikapapanatag ng loob mo, magre-resign na rin ako sa trabaho. Para wala nang mukhang tanga na susunod-sunod sa iyo.”

“Evaine, no! You love your job. Huwag mo iyong iwan dahil lang hindi tayo magka-intindihang dalawa. And besides, hindi pa tayo tapos mag-usap. We can still fix things. You don’t have to leave your job.”

Gusto niya itong pagtawanan dahil mukhang concern talaga ito sa kanya. She wanted to believe that he really hated to see her go. O baka naaawa lang ito sa kanya dahil magmumukha siyang talunan kapag umalis siya.

“Nagtatagal lang ako doon dahil mahal kita. Kaya ko natitiis ang panunuya sa akin ng ibang tao at pagtatawa nila kapag nakabandera ka sa diyaryo kasama ang ibang babae. But it is not worth it anymore, KC.” Pumasok siya sa sasakyan at kinawayan ito. “Bye!”

Habang nagmamaneho siya palayo sa Café Hermosa, magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman niya. Lungkot dahil nasasaktan siya. Buong buhay niya ay pinaniwala niya ang sarili niya na mahal siya nito. Pero masaya siya. Iba ang pakiramdam kapag nagawa na niyang harapin ang katotohanan. She was free from lies. She didn’t have to deceive herself anymore. She must forget him.

“I WILL survive! I will survive! Yeah! Yeah!” kanta ni Evaine at nilunod ng palakpakan ng mga kaibigan niya ang tugtog. Hindi niya pinansin ang score. She knew her real score-a perfect zero. Ang gusto lang niya ay kumanta nang kumanta dahil iyon lang ang paraan niya para mailabas ang galit na nararamdaman niya at makabawi sa lahat ng kabiguan niya.

“Ako naman ang kakanta,” excited na sabi ni Richelle. “Gusto ko ng The Gift ni Jim Brickman para masaya naman at nakaka-in love.”

Tumalim ang mata niya. “Anong ‘The Gift’? Ayoko noon. Gusto ko ulit ng ‘I Will Survive’,” aniya at naglabas ng limang piso mula sa coin purse. Linggo-linggo silang nasa Maru KTV Bar para mag-videoke. It was a part of their Bitch’s Day, ang araw kung saan pwede nilang ilabas ang lahat ng galit nila sa mundo.

Pero espesyal ang okasyon na iyon. Nais niyang ipagdiwang ang kabiguan niya. Kaya Special Bitch’s Day ang tawag doon. Because life had been a bitch to her. Kaya kahit hindi pa Biyernes, nagsuguran ang mga kaibigan niya para samahan siya.

“Tatlong beses mo nang nakanta iyan, ah!” reklamo ni Richelle. “Sawang-sawa na kami. Kami naman ang kakanta.”

“Gusto ko ng ‘I Will Survive’!” giit niya. “Ayoko ng love songs ngayon!”

Natahimik ang lahat. Parang bigla siyang nagmukhang si Gollum sa Lord of the Rings. Siya kasi ang babaeng walang hilig sa pagsigaw. She had always been calm and feminine even during the most depressing situation. But she threw away calmness the minute KC broke her heart.

“Evaine, uminom ka muna,” alok ni Leila at binigyan siya ng tonic vodka. Namagitan na agad ito sa kanila dahil napansin nitong mainit na ang ulo niya. “Kanina ka pa kumakanta. Pabayaan mo na muna si Richelle.”

“Basta ayoko ng love song. Lalo lang akong made-depress,” aniya at napahikbi. Saka niya ininom ang tonic vodka na inalok nito.

“Akala ko ba celebration ito dahil makakalimutan mo na si Kulugo C?” tanong ni Khaeser. Kulugo C ang tawag nito kay KC dahil sa inis nito sa lalaki. “Ano ang nginangawngaw mo diyan? Dapat magsaya tayo!”

“Dapat ba talaga akong magsaya? I felt so dreaded. I thought that life is so perfect. I have a nice family. I have great friends. I have a man whom I thought loves me. Akala ko hindi ako masasaktan. Na walang problema.”

“You thought you are invincible from pain?” tanong ni Jack. “Na di mo mararanasang mabigo? Welcome to the world of mortals then, darling.”

“No. Hindi ko lang matanggap na mula sa simula pa lang ay mabibigo ako. It was like those romance novels. Na mula pagkabata pa lang, mahal na ninyo ang isa’t isa. Na walang hahadlang sa inyo.”

“Feeling mo naman mahal ka niya?” nakalabing sabi ni Maeia. “Kasi naman, Ineng, sa simula pa lang nag-iilusyon ka na.”

Huminga siya ng malalim at nagsalin ng tonic vodka sa shot glass. “Tama ka. KC’s love was just an illusion.” Masyado siyang nadala sa pagtawag sa kanya nito ng sweetheart at pagsasabi nito ng ‘I love you’. Isang laro lang dito ang lahat.

“Lahat naman ng babaeng in love, ilusyunada,” sabi ni Shandie.

“Hindi, no?” sabay na kontra nina Jack at Richelle na may mga boyfriend.

“Come on, nasasabi lang ninyo iyan dahil nabubulagan pa kayo sa mga boyfriend ninyo,” kantiyaw ni Maeia na numero-unong cynic sa mga lalaki.

“They take advantage of our stupidity,” ngitngit ni Leila na kahihiwalay lang sa boyfriend.

“Basta ako, confident ako na mahal ko ni Killian,” sabi ni Sicily na engaged na sa nobyong si Killian Sacramento, sikat na motocross world champion. “At ako ang nagte-take advantage sa kanya. He is my slave.” Sinundan nito ng isang halakhak.

Hindi niya maiwasang mainggit sa kaibigan lalo na sa suot nitong engagement ring. Madalas niyang sabihin na siya ang unang magpapakasal dahil may KC na siya. Pero naghihintay lang pala siya sa wala.

“I am really an idiot. Matalino nga ako. Cum laude pa nga ako, di ba? Bakit hindi ko ginamit ang utak ko pagdating kay KC?” sentimyento niya.

"Bakit ba kapag na-in love ang isang tao, hindi nagagamit ang utak?” tanong ni Shandie.

“Oo nga. Hindi ka makapag-isip nang matino?” dugtong ni Khaeser.

“Kapag in love ka, nakakalimutan mo ang sarili mo,” paliwanag ni Jade. “Niloloko ka na pero nagpapauto ka pa rin. Actually, it is not about thinking. Kailan ba ginamit ang utak sa pag-ibig? It is about loving yourself. Bago ka magmahal ng iba, mahalin mo muna ang sarili mo. Dapat balance. Para hindi ma-cloud ang judgment mo. Dapat matuto kang irespeto ang sarili mo.”

“Tama ka,” sang-ayon niya dito. Nakalimutan niyang mahalin ang sarili niya dahil puro na lang siya KC ang inisip niya. “Marami akong opportunity na pinalagpas dahil lang gusto ko siyang makasama.”

Dapat ay nag-aaral siya at nagtatrabaho sa abroad. Pero pinili niyang manatili sa Pilipinas dahil ayaw niyang iwan si KC. Nanatili siya sa kompanya bilang isang simpleng empleyado when she could run her own company. Para lang lagi niyang makita si KC. Binago niya ang sarili niya para dito. Kahit minsan ay masyado na siyang trying hard sa pananamit at OA. May oras na ultimo sarili niya ay hindi na niya ma-appreciate para lang pasayahin ito.

“Ano ang plano mo ngayon?” tanong ni Jack. “You don’t have a job.”

“You can work for your mom’s restaurant or have your own business,” suhestiyon ni Maeia. “Kahit ano pwede mo nang gawin ngayon.”

Napapikit siya nang mariin at sumandal sa sofa. “I don’t really know. Sa totoo lang, ang gusto ko lang ngayon ay magpahinga.”

Buong buhay niya, puro na lang si KC ang inisip niya. Nakakapagod pala. Dapat ay sarili naman niya ang pagtuunan niya ng pansin.

“Go to Europe,” suggestion ni Richelle.

“No. Sa Carribean na lang,” kontra naman ni Jack.

Tinakpan niya ang tainga. “Tama na! Gusto ko lang matulog maghapon para alisin ko sa isip ko si KC. Ayoko na siyang isipin. That’s all I want.”

“Sa bahay ka na lang,” sabi ni Maeia. “Doon sa kuwarto mo.”

“Makakalimutan mo rin siya,” sabi ni Jade at tinapik siya sa balikat. “Nandito naman kaming mga kaibigan mo para tulungan ka.”

Niyakap siya ng mga ito. Saka niya naramdaman na hindi siya dapat malungkot dahil wala si KC. May mga kaibigan niyang magmamahal sa kanya. And besides, karamihan sa mga ito ay nabuhay nang walang lalaki. Satisfied naman ang mga ito sa single life. Sino ba ang may sabing sa lalaki ka lang magiging masaya?

“Mula ngayon, wala nang babanggit kay KC,” sabi ni Leila. “Isa lang siyang bahagi ng madilim na nakaraan.”

“Agree kami diyan!” sabay-sabay na sabi ng lahat.

“Oy, kahawig ni KC iyong nasa video,” bigla ay sabi ni Khaeser.

Napatingin siya sa screen at kahawig nga ni KC ang lalaki. “Waaa!” palahaw niya ng iyak. Kasasabi lang na walang babanggit kay KC.

Inabot ni Maeia sa kanya ang microphone. “Kanta ka na lang ulit.”

“I will survive! I will survive! Yeah! Yeah!” sabay-sabay nilang kantahang magkakaibigan. Tama. Makaka-survive din siya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.