CHAPTER THREE
Maganda ang gising ni Evaine kahit na madilim na sa labas. Matapos mag-videoke kasama ang mga kaibigan ay maghapon siyang natulog. She felt fresh and in mint condition. Lalo na’t amoy bulaklak sa paligid niya. It must be the new air freshener. Iba pala ang pakiramdam kapag sarili lang niya ang iniisip niya.
Nanatili siyang nakapikit kahit nang bumukas ang pinto ng kuwarto niya. “Evaine, wake up. Time for dinner.”
“Mamaya na lang po, Mommy. O kaya sa breakfast na lang. Gusto ko pa pong matulog,” ungot niya at lalong isinubsob ang mukha sa unan. Isa pa iyon sa mga bagay na na-miss niya. Ang matulog nang matagal. Matapos kasi ang pag-aaral ay nag-focus na siya sa modeling agency at sa pagsubaybay kay KC. And since modeling was a fast-paced world, she also had to live a fast life.
“No. You have to get up for dinner. Mag-shower ka na rin. Wala ka nang ginawa kundi matulog maghapon. Wala ka bang pasok sa agency?”
“I forget to tell you that I resigned yesterday.”
“Oh, why?”
Itinaas niya ang kamay at bumaling patalikod dito. “It is a long story, Mommy. I’ll tell you tomorrow.”
Pilit siya nitong pinabangon. “No! Explain them right now.”
Nagtalukbong siya ng kumot. “You are so pushy, Mommy!”
“Okay. If you don’t want to tell me, I’ll ask your Tita Rose. Kung bakit kasi hindi ko naitanong kay KC kaninang nandito siya.”
Napabalikwas siya ng bangon. “What? Nandito si KC kanina?”
“Dinalaw ka niya pero tulog na tulog ka. Kaya iniwan na lang niya ang mga bulaklak na ito para sa iyo.”
Nang igala niya ang paningin ay punung-puno ng iba’t ibang klaseng bulaklak ang kuwarto niya. “Anong palagay niya sa akin, flower shop?”
Matutuwa sana siya kung noon nito ginawa iyon. Dati ay masaya siya kahit gumamela lang ang ibigay nito sa kanya.
“How ungrateful! Hindi ka ba natutuwa na pinadalhan ka niya nang ganito kadaming bulaklak? Samantalang ako, isang bouquet lang ang ibinibigay ng Daddy mo. Kapag espesyal na okasyon pa.”
“It is the thought that counts. Kahit na madalang kayong bigyan ni Daddy, alam ninyong mahal niya kayo.” Samantalang kahit na punuin pa ni KC ang buong bahay niya ng bulaklak, alam niyang walang pagmamahal sa mga iyon. Pampalubag-loob lang dahil di siya kayang mahalin nito.
Ibinuka ng Mommy niya ang kamay at luminga sa paligid. “This is a big gesture, hija. He loves you!”
Umungol siya at humiga ulit. “I am not sick, Mommy. I don’t need those flowers. Please take them out of my sight.”
Hinaplos nito ang buhok niya. “Nag-away ba kayo, hija? Natural lang naman iyan. Please forgive KC. He is a nice man. Alam mo bang pinag-iisipan na namin ng parents niya ang kasal ninyo?”
Napaungol siya. “Mom, don’t you even dare! KC doesn’t want to marry me. If you don’t want him to hate me more, don’t meddle with our life.”
“KC hates you? He loves you!”
“Don’t be deceived by what you see,” payo niya dito.
“I am your mother. You love KC. You should be together.”
“He doesn’t really care if I love him.”
“You want to talk about it?” nag-aalala nitong tanong.
Bumangon siya at niyakap ito. “I am okay, Mom. I will get over him.”
“I still believe that he loves you. And these flowers…”
“They don’t mean a thing.” Tumayo siya at isinuot ang robe. “Those flowers only make me feel awful.”
“Where are you going, hija?” tanong nito nang makitang pati ang paborito niyang unan ay bitbit niya.
“At the guestroom. I can’t rest if those flowers are still here.” Hindi ito papayag na ipatapon iyon. At ayaw niyang makakita ng magpapaalala kay KC.
Namaywang ito. “Magmumukmok ka maghapon? Stop it, Evaine! Kung may problema kayo ni KC, talk it over. Be matured enough to face it.”
“We already did, Mom. Kaya wala na kaming pag-uusapan.”
“I wish you’d fix this, Evaine. You are meant for each other.”
“Maybe in our next life. Kapag isa na akong ipis at isa siyang daga. What a nice love story we’d make.”
Lalong naging seryoso ang anyo nito. “I don’t like your joke.”
“I am serious, Mom!”
“Huwag ka nang bumalik sa pagtulog. Fawna called a while ago.”
“Fawna?” bulalas niya. Si Fawna ang nag-iisa at nakababatang kapatid ni KC. She was a wanderer. “Where is she?”
“She’s home. And she left a message. Dalawin mo daw siya sa selda niya.”
NAABUTAN NI Evaine na nakasimangot si Fawna habang nakasalampak sa carpeted na sahig. She was wearing a tie-dyed sarong and torn jeans. May nakataling ethnic woven band sa ulo nito at nakasuot ng iba’t ibang beads. She looked like a gypsy princess. The room was hardly a cell. It was an elegant room in lavender. And she was definitely out place even if she owned it since she was a kid.
“Sulking, little girl?”
Tumayo ito at tuwang-tuwang yumakap sa kanya. “Ate Evaine!”
She was twenty-two years old. Close sila sa isa’t isa at botong-boto ito sa kanya para kay KC. Magkasundo sila sa maraming bagay kahit na nga ibang-iba ang fashion sense nilang dalawa at ang paniniwala.
“Where have you been all this time, girl? You gave your parents a fit. They were searching for you all over the country. Saang bundok ka nila nakita?”
“Sa Baguio,” anito at nakayapak na sumampa sa kama. “We have an environmental concert nang makita ako ng mga inupahan nila para hanapin ako.”
She was an environmental enthusiast, a cultural band vocalist and an ethnic princess rolled into one. She had Chinese ancestry being an Ang. Pero mas namayani ang pagiging isa nitong Lizardo-a lethal combination of Spanish and royal blood of tribes from Sagada. Malantik at mahaba ang pilik-mata nito. Malayo sa chinitong mga mata ng kapatid na si James.
She was a drifter. Defying her parent’s wishes of learning more about the family business. Sa halip ay nag-focus ito sa pagkahilig sa musika at sa kalikasan. Nang hindi mapigil sa hilig, tumakas na lang ito. She was the wildest among the Lizardo despite of being the youngest princess. She had a hell of stubbornness.
“Hindi ka pa nagsasawa sa paglalayas mo? Don’t you want to settle here for a while? Don’t you miss your parents? This is your home.”
“This was never my home,” anito at tumingin sa malayo. “I hate stoned walls and air-condition makes me itch. I want the feel of the fresh air, the wind on my face and run away from here!”
Many thought that she was weird. Pero naiintindihan niya ito. Masyado marahil itong nasakal sa pagka-istrikto ng mundong ginagalawan nito. Sikat ang pamilyang pinagmulan nito. And Fawna was not the type who cared about other people’s opinion. She defied the norms.
“Well, I guess you had a hell of adventure. Ilang buwan ka ring nawala. Look at you, you look like a pauper.”
“I am happy with my life. How about you? Are you still crazy about that stupid brother of mine?”
Natawa siya. “I am not that stupid anymore,” aniya at nagkwento.
Tuwang-tuwa itong nagtatalon sa kama na parang bata habang puma-palakpak. “Oh, that’s good. Matagal ko nang sinasabi sa iyo na lalaki ang ulo ni Kuya KC hangga’t alam niyang may babaeng nababaliw sa kanya. Hangga’t ganoon ang sitwasyon, hindi ka niya bibigyan ng atensiyon.”
“He sent me a roomful of flowers a while ago.”
“See? Ngayon niya nakita ang importansiya mo nang wala ka na. Serves him right. Make him run after you.”
“Hanggang ganoon na lang ba? Hahabulin lang niya ako at susuyuin? Pero mahal ba talaga niya ako?”
“That’s for you to find out. Basta huwag ka basta-basta bibigay.”
“Hindi yata madali iyon.” Bahagya nga siyang lumambot nang makita ang mga bulaklak. Pero sa una lang marahil iyon. Masasanay din siya na huwag lumambot sa mga panunuyo ni KC.
Napabuntong-hininga ito. “Love makes life more complicated. Kaya ayokong mai-in love, sa totoo lang! Nakakabaliw!”
“And you have enough complication in your life.”
Lumapit ito sa naka-grilled na bintana. “What am I gonna do now? I want to get out of this cage. I wanna breath! I wanna be free!” sigaw nito. “Pero sinasabi ni Daddy na kalokohan lang ang gusto ko.”
“Do what you want,” payo niya dito. “I am insanely jealous of you. May sarili kang isip. May pangarap ka na gusto mong tuparin.”
Sinulyapan siya nito. “Wala ka bang pangarap?”
“Lahat ng pangarap ko, umikot sa kuya mo. Kung ilan ang magiging anak namin. Kung saan kami titira. Hanggang sa magiging apo namin. Wala akong itinira para sa pansarili ko lang.”
“Then you can start dreaming again.”
“I don’t know where to start.” Parang biglang nabura ang lahat ng pangarap niya na binuo niya mula pagkabata pa lang niya. “Or what to dream about.”
“Then you need to find yourself first!”
“Saan ko naman hahanapin ang sarili ko? What if I go to Tibet and do some meditation? Do you think I would realize my purpose in life?”
“There is a certain place where I would really love to go back to,” sabi nito at muling tumingin sa malayo. “It is really close to my heart. My ancestor came from that place. I miss the pine trees, the orange farm and the old porch swing.”
“Wow! Saang lugar naman iyan?”
“Sagada. My family used to spend summers in our ancestral house there. It is a peaceful place. Masarap mamitas ng orange at citrus fruits. Masarap din makinig sa mga kwento ni Manang Berta, iyong nagbabantay sa bahay namin doon. I wish I could go back there.”
“Kung doon ka babalik, sa tingin ko papayagan ka ng mga magulang mo. It is a perfect place for artists like you.”
Bumakas ang lungkot sa mata nito. “It is not the same place.”
“Hmmm… but I would love to go there,” excited niyang sabi.
“Iyon nga ang gusto kong sabihin. Doon ka sa villa namin tumuloy. Caretaker lang naman ang nandoon dahil may sariling villa ang mga pinsan ko.”
“Are you sure that it is okay?” paniniyak niya. “Parang nakakahiya. Di ba may mga inn at hotel naman doon?”
Hinampas siya nito sa braso. “Ano ka ba? Bisita ka namin. Magtatampo sila Mommy kapag nalaman nilang sa hotel ka tutuloy.” Lizardos were like royalties in Sagada. Ayon sa Mama ni Fawna, mataas ang tingin ng mga tao sa pamilya ng mga ito doon. Fawna’s grandfather was a former mayor of the place.
“Ano na lang ang sasabihin ng kuya mo?”
“Wala. Saka hindi naman siya makakasunod doon. Busy siya dito.”
Then Sagada was the perfect hideaway. Malayo siya kay KC.
“Me likey! Can I bring a friend along?”
“Sure. Kahit na buong baranggay pa ang isama mo.”
“How about you? Ayaw mo bang sumama sa akin?” tanong niya.
“I love Sagada. But I can’t go back there anymore,” malungkot nitong sabi.
MUNTIK nang magtatakbo palayo si Evaine nang makasalubong si KC. Palabas na siya sa gate ng bahay nito at kadarating naman nito galing sa pictorial. Awtomatiko itong ngumiti nang makita siya. “Hi, sweetheart!” anito at niyakap siya. “Nagpunta ka ba dito dahil nami-miss mo ako?”
Gusto sana niyang I-enjoy nang matagal ang yakap nito at kalimutan ang tampo niya. Pero nasaan naman ang pride niya at respeto sa sarili? Hindi niya ito makakalimutan kung magpapadaig siya sa tukso. She missed him. Enjoy siya na yakapin ito. It was what she wanted after all. She wished the world was that simple.
Itinulak niya ito palayo. “Si Fawna ang dinadalaw ko at hindi ikaw.”
“Nandito si Fawna?” gulat nitong bulalas.
“Puntahan mo siya sa kuwarto niya dahil baka hinihintay ka na niya.”
“Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita.”
“Our house is only three blocks from here. Hindi mo na siguro ako kailangan pang ihatid.”
“I’ll walk you home anyway.” Binuksan nito ang maliit na gate para sa kanya.
She should have refused. Pero wala siyang sinabi. Sanay na siyang ihinahatid nito pauwi. Pero baka napipilitan lang ito noon.
“Nakita mo ba ang mga bulaklak na bigay ko?” tanong nito.
Tumango siya. “Yeah. Thanks but I am not sick.”
“May sakit lang ba ang dinadalhan ng bulaklak?”
“Pwede rin ang mga patay,” sarkastiko niyang sabi.
Lumungkot ang anyo nito. “Hindi mo ba nagustuhan?” tanong nito nang mahimigan ang animosity sa boses niya.
“Stop sending me flowers. They make me sick.”
“Iba na lang ang ibibigay ko. Or how about a dinner tomorrow? May party rin akong pupuntahan sa Sabado. Gusto ko na ikaw ang ka-partner ko,” sabi nito. Biglang-bigla ay naging parte siya ng schedule nito.
“No, thanks. I am very busy.” Busy putting you off my head.
“Busy saan? Hindi ba wala ka nang trabaho?”
“Going out. Meeting new gorgeous guys,” she said and smirked.
Lumungkot ang mga mata nito. “Gusto mo na ba talaga akong kalimutan.”
Humalakhak siya na parang nakaka-insulto. “As if you really care.” Tumigil siya sa tapat ng bahay niya. “So thanks for walking me home. Good night.”
Ginagap nito ang kamay niya bago pa siya nakalakad papasok sa gate. “Hindi mo ba ako nami-miss?”
“Hindi. Dati, nami-miss kita kahit na palagi tayong magkasama. Nakakasawa rin pala na ma-miss ka.”
“Mami-miss mo rin ako.” Ngumiti ito at kinintalan siya ng halik sa labi. “Good night and dream of me.”
Nahigit niya ang hininga. Noon lang siya nito hinalikan sa labi. Dati, laging sa noo, kamay at pisngi lang siya nito hinahalikan. She felt like a high school girl again.
“Huwag kang papasok sa panaginip ko. Ayokong bangungutin!” singhal niya dito at pabalabag na isinara ang gate.
Parang mababaliw siya nang mag-isa na lang sa silid. Hinalikan siya ni KC. And she felt so stupid. Simpleng halik lang ay napapraning na siya. Wala sa sariling hinawakan niya ang labi na hinalikan nito habang nakatulalang nakatitig sa kisame ng kuwarto niya. She’d probably dream of him tonight.
Damn you, KC! How can I forget you if you keep on acting as if you really care for me and as if you really love me?