Skylander Series Chapter 55

“Evaine, nasaan ka na ba?” tanong ni Sicily nang tawagan siya sa cellphone.

“I am still driving. Malapit na ako. Kaya huwag mo akong kulitin kung ayaw mong matuliro ako at maibangga ko ito,” sabi niya at nagpaalam dito.

Paggising pa lang niya kaninang umaga ay kinulit na siya nitong pumunta sa café nito. Hindi naman nito sinabi ang dahilan pero mukhang importante. Ang hindi lang niya alam ay kung maganda o hindi ang ibabalita nito.

Hindi siya male-late kung hindi pa siya bumalik sa pagtulog. Dahil sa halik ng kumag na si KC, hindi siya nakatulog nang mahimbing. Nakatulala siya sa kisame ng kuwarto niya kagabi habang pinakikiramdaman ang labing hinalikan nito. Sa susunod, mag-iingat na talaga siya kung ayaw niyang laging mapuyat.

Pagdating sa loob ng café ay wala siyang naabutang tao. Ultimo mga crew at customer ay wala. Binalikan niya ang card na nakapaskil sa pinto ng café. Close ang nakalagay doon. “Anong mayroon dito?” Naagaw din ng mga lobo ang atensiyon niya. “Sino naman ang may birthday? At kailan pa naging venue ng birthday ang café?” tanong niya. Kakilala ba niya ang may birthday? Hindi kaya ang boyfriend ni Sicily na si Killian ang may birthday at magpapatulong ito sa kanya?

“Sicily!” tawag niya sa kaibigan. Patungo siya sa opisina nito nang bumukas ang pinto. At sa halip ay lumabas si KC dala ang isang bouquet ng rosas. “What are you doing here?”

She was stunned when he held her hand and kneeled down. “Please forgive me, Evaine. I know you feel that I ignored you and I never really cared for you. Gusto kong bumawi. Please love me again,” pakiusap nito.

She wanted to cry. But not out of happiness but out of despair. Gusto na niyang kalimutan si KC. But he was making it more impossible every day.

Mula sa pinagtataguan ay lumabas sila Sicily at ang mga crew nito. Lahat ng mga ito ay kinikilig. And the girls in the crew were dreaming of taking her place.

“Patawarin mo na siya, Evaine,” sulsol sa kanya ni Sicily.

Mariin niyang pinagdikit ang mga labi. “So this is what this ruckus is all about,” aniya at iginala ang paningin sa paligid. Then she pointed an accusing finger to Sicily. “At kasabwat ka ni KC? Akala ko ba napag-usapan na natin ito?”

Sinabi niya na walang babanggit sa pangalan ni KC at kahit anong pangalan tungkol dito. Nangako ang mga ito na tutulungan siyang maka-recover.

Inosente siya nitong nginitian. “Pero wala naman sa pinag-usapan natin na pwedeng tulungan ang taong nangangailangan. And KC asked nicely for my help.” Umuklo ito sa tabi ni KC na nakaluhod pa rin sa harap niya. “And look at him. He looks so sincere. So please forgive him.”

Gusto niyang sabunutan ang kulot na buhok ng kaibigan. Tingnan lang niya kung hindi iyon matuwid. “Stop it, Sicily!” saway niya dito. Binalingan niya ang nagpapaawa pa ring si KC. “And please get up! Baka akala inaapi kita.”

“Hindi ako tatayo hangga’t hindi mo ako pinapatawad,” pagmamatigas nito.

Lalong naningkit ang singkit na niyang mata. “Tatayo ka diyan o lalayasan kita dito?”

Mabilis pa sa alas kuwatro itong tumayo. “Bati na tayo?” tanong nito at inabot sa kanya ang bouquet ng rosas.

Kinuha niya ang bulaklak. “Tanggalin mo ang lahat ng lobo diyan!” utos niya dito. “Bilisan mo dahil aalis na tayo dito.”

“Teka, marami pa tayong pag-uusapan. Saka…” Nasapo nito ang noo. “Saka marami akong plano para sa ating dalawa.”

“Don’t worry. May sarili rin naman akong plano para sa atin,” malambing niyang sabi at ngumiti. “I-take out mo na rin ang lahat ng cake dito sa café.”

Nawalan ng pagpipilian si KC kundi sumunod sa ipinag-uutos niya. Tinulungan ito ng ibang crew na tanggalin ang mga lobo. Maya maya pa ay nakahanda na ang lahat. “Pwede mo na ulit buksan ang café mo,” sabi niya kay Sicily.

“Sayang naman ang first real romantic date ninyo.”

Nilingon niya ang susukot-sukot na si KC na nakatayo sa tabi ng pinto. “May mas romantic akong plano para sa amin.”

Niyakap siya ni Sicily. “Mukha namang mahal ka niya. Hindi lang kayo nagkaintindihan. Gusto ko ring maging masaya kayo katulad namin ni Killian.”

Ngumiti lang siya dahil hindi niya alam kung magkatototoo pa iyon tulad ng hinihiling nito. “I have to go. Ayokong mainip si KC. Girls!” tawag niya sa mga babaeng crew. “Saluhin ninyo!”

Nagtilian ang mga ito at una-unahan sa pagsalo sa bouquet nang ihagis niya. “Evaine!” gulat na saway ni Sicily sa kanya. Alam kasi nito na kahit sampaguita lang ang ibigay sa kanya ni KC ay parang gusto na niyang magpa-fiesta.

“Bye, friend!” aniya at nag-flying kiss. Um-abrisyete siya kay KC. “Let’s go.”

“Bakit ipinamigay mo ang bulaklak na bigay ko?” nagtatampong tanong nito.

“Ganoon naman talaga kapag ikinakasal ang bride, di ba? Ihinahagis ang bouquet sa mga abay at single women na guests?”

“Ha?” bulalas nito. “Ano?”

“Wala,” aniya at pumasok sa kotse nito.

“Saan tayo pupunta?” tanong nito at sinumulang paandarin ang kotse.

“Pagkatapos ng kasal, may reception, di ba? Doon tayo pupunta.”

“What?” bulalas nito at mabilis na naipreno ang sasakyan.

Humalakhak siya. “Ang puso mo, KC. Nagbibiro lang ako.”

“HAPPY Birthday, Sir KC! Thank you po!” sabay-sabay na sigawan ng mga bata sa orphanage habang kumakaway sa papalayo nilang sasakyan. Mula sa café ay doon sila tumuloy dala ang mga lobo at ang cake. Sinabi niya sa namamahala ng ampunan na birthday ni KC at doon gustong mag-celebrate. But of course, anim na buwan pa bago ang birthday ng binata.

“Hindi ko maintindihan kung bakit dito tayo nagpunta,” sabi ni KC na bakas ang iritasyon sa mukha. “At hindi lang ang bulaklak ko ang ipinamigay mo. Pati ba naman ang mga lobo at cake na ipinahanda ko para sa iyo?”

“Hindi ka ba natutuwa na napasaya mo ang mga batang iyon? Dahil kung sa akin lang, hindi ko maa-appreciate ang mga iyon.”

Mahabang sandali na walang kibo si KC habang patuloy sa pagmamaneho. “Hindi mo pa rin ako mapatawad hanggang ngayon? Do you really hate me that much, Evaine?”

“Bakit ka humihingi ng tawad sa akin? May kasalanan ka ba?” tanong niya at bahagya itong sinulyapan.

“Wala nga ba akong kasalanan sa iyo?” ganting tanong nito.

Humalukipkip siya. “Actually, hindi mo naman kasalanan kung hindi mo ako kayang mahalin. Don’t worry, I am not bitter if you don’t love me back.”

“Don’t say that,” anito at itinigil ang sasakyan.

“I am okay, really,” aniya at ngumiti. “Tanggap ko naman na hindi mo ako mahal. That you only treat me as a sister or as a friend. Kaya nga lumalayo na ako sa iyo. I don’t want to bother you anymore.”

Tumingin ito sa malayo. “I want you to find yourself. Gusto kong makatagpo ka pa ng ibang bagay na mapahahalagahan mo bukod sa akin. But I don’t want you to kick me out of your life.”

“If I have to find myself, I have to kick you out of my life, KC. Hindi ko mababago ang buhay ko kung lagi na lang iikot sa iyo. Ngayong hindi na ako bulag sa pagmamahal sa iyo, pwede na rin akong tumigil sa pag-iilusyon.”

Bumuntong-hininga ito. “I thought it would be better this way. I thought I am helping you. Pero bakit hindi umaayon ang lahat sa gusto ko?”

“Dahil hindi lahat ng bagay ay pwede mong makontrol. Don’t worry, masasanay ka rin nang walang bubuntot-buntot sa iyo.” Mahal niya ito. Tanggap na niyang hindi siya nito mahal. Pero kung patuloy itong lalapit sa kanya, baka umasa na naman siya sa wala. Masasaktan na naman siya. “I thought I was complete when I had you in my life. Masaya ako na sundin ang lahat ng makakapag-pasaya sa iyo. But it was myself that was missing. I want to find it.”

Kung tutuusin, mas madaling mabuhay sa likod ng anino nito. Doon siya nasanay. Hindi madali sa kanya na tanggapin ang lahat katotohanan sa likod ng mga ilusyon niya. Pero sa paraang iyon, maipapakita niyang mahal niya ang sarili.

“I won’t stop you. Iyon naman ang gusto ko, hindi ba?” Ginagap nito ang kamay niya. “Promise me that you will come back to me once you find yourself.”

“No, KC. Iyon ang una kong accomplishment. Nang matanggap ko sa sarili ko na kailangan kitang pakawalan. Dahil hindi ka magiging masaya sa akin. Well, I kicked you out of my life. I am free!”

“If you won’t come back to me, I will drag you back. Sige, hahayaan kitang makipag-date sa iba pero magiging anino mo naman ako. You are still mine, Evaine!” mariin nitong sabi. Nakita niya ang determinasyon sa mga mata nito. She had never seen him so determined before. At kailan pa ito naging possessive sa kanya?

“Pipilitin mo pa rin ako na bumalik sa iyo kahit na hindi na kita mahal?”

He beamed at her. “First love never dies, Evaine. I won’t let it die,” kampanteng sabi nito. “And I am pretty sure that you won’t forget me.”

Napausod siya nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya. “I can forget you, KC. Just give time and you’ll see. I will get over you.”

Hindi siya papayag na magpatalo dito. Gusto na niyang magbagong-buhay. He made her thought of the devil. Lagi siyang tinutukso na gawin ang mali.

Humalakhak ito at itinukod ang dalawang kamay sa windshield na malapit lang sa magkabilang bahagi ng ulo niya. “You have to kill me first.”

He didn’t give her time to counter. He framed her face in his hands and brought his mouth down gently to her shocked lips. Parang idinala siya nito sa gilid ng bangin at itinulak siya pababa. It was like falling in an endless pit. It was like having every single day of her life come true.

Her blood was pumping in her head and every single cell in her body was bursting. Lumipat ang isang kamay nito sa batok niya. He sensuously massaged the back of her neck as if he was urging her to kiss him more. She opened her lips on instinct. His kisses became hungry, demanding and intimate. Pakiramdam na ay wala nang matitira pa sa kanya matapos ang halik na iyon.

There was a devilish spark in his eyes when he lifted his face from hers. He didn’t say a word. Pero hindi na kailangan. Dahil Parang ipinagmamalaki nito na ito ang nanalo sa laban nila. Na kayang-kaya siya nitong paikutin sa mga palad nito. And she couldn’t escape from his web.

Nanginginig ang mga kamay niyang nasapo ang nag-iinit na pisngi. Pumayag siyang magpahalik dito. Ni hindi siya kumontra kahit katiting. Gusto niyang mag-freak out. Hindi ito ang plano niya. She wanted to kick him out of her life, not entice him to seduce her more. Lalo lang niyang napatunayan na mahina siya.

She needed to get away from him. Fast.

Nang magkaroon ng lakas ang kamay niya ay binuksan niya ang pinto ng sasakyan at mabilis na pinara ang paparating na taxi.

Nagulat si KC at tinangka siyang habulin. “Where the hell are you going?”

Akala siguro nito ay magbabalik ang pagkahibang niya dito matapos siyang halikan. Hibang pa rin siya dito pero kaya na niyang kontrolin ang sarili.

“Mamumundok!”

PUMIKIT si Evaine habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin. It has the fresh scent of pine trees and orange. Nakaharap siya ngayon sa orange farm habang sa di kalayuan ay tanaw ang gubat ng mga pine trees na may manaka-nakang limestone formation. Tama si Fawna. There was no place like home. Dahil kakaiba ang lugar na pinagmulan ng mga ninuno nito-ang Sagada. At pakiramdam niya ay at home na rin siya sa lugar na iyon.

“Bongaseous naman pala itong estate ni KC. Haciendero!” bulalas ni Shandie nang pumasok sa kuwarto nila. “Ang swerte mo naman sa kanya.”

“Hindi naman pera ang habol ko sa kanya nang mahalin ko siya. Saka hindi na ako swerte sa kanya ngayon. I am trying to get over him, remember?”

“Whatever!” anito at humiga sa kama nito. “Ang sarap naman dito! Hindi na kailangan ng aircon. Sa wakas, makakatulog na rin ako nang mahimbing.”

Sa mga kaibigan niya ay ito lang ang sumamang magbakasyon sa kanya. Matagal na kasi nitong hindi nagagamit ang leave sa hotel na pinapasukan kung saan ito ang head ng business center. Mababaliw na daw kasi ito sa demanding nitong boss at sa mas demanding at makukulit na mga guest.

Gusto sana ng caretaker na si Manang Berta na tig-isa sila ng kuwarto dahil marami namang guestroom. Pero ayaw ni Shandie nang hiwalay na kuwarto dahil natatakot daw ito na mag-isa. Noong 1960 pa kasi itinayo ang bahay na iyon at may kalumaan na bagamat elegante pa rin. Kaya doon sila sa kuwarto na may dalawang kama. Pabor iyon sa kanya para pwede silang magkwentuhan bago matulog.

“Ngayon pa nga lang parang gusto ko nang matulog. It is so peaceful here. Kahit yata pagaspas ng mga dahon naririnig mo.”

Mahigit kalahating araw silang nagbiyahe. Nag-bus sila mula Manila hanggang Banaue na tumakbo ng siyam na oras. Gusto sana nilang mag-stay sa Banaue pero inaasahan na sila ng katiwala na darating nang araw na iyon.

Tinapik nito ang pisngi niya. “Hoy! Huwag kang matulog. Mamaya na.”

“Bakit?” tanong niya at inangat ang ulo.

“Lalabas tayo para maghanap ng mga guwapo, siyempre.”

“Maghahanap tayo ng mga guwapo?” nakataas ang kilay niyang tanong.

“Of course. Hindi naman kita sinamahan dito para magmukmok. Nandito ako para magbakasyon at kasama doon ang mga boys. May nakita akong mga cute na foreigner kanina sa tourist information center. Mukhang maraming cute dito.”

Napaungol siya. Pinakamalayo sa plano niya ang humanap ng ibang lalaki. Taktika lang niya para inisin si KC nang sabihin niyang nakikipag-date siya. Wala pa rin siyang planong palitan ito sa puso niya.

“Ikaw na lang. Matutulog na lang ako.”

Hinila siya nito pinatayo. “Hindi pwede! Huwag mong sirain ang bakasyon ko. Kung gusto mo talagang makalimutan si KC, boy-hunting ang tamang solusyon.”

“Sasamahan kitang lumabas. But I don’t want to hunt for boys. Ikaw na lang. Gusto mo bang makita ang mga tourist spots nila?”

“Saka na lang.”

Paglabas nila ay nakasalubong nila si Manang Berta, ang katiwala. “Saan kayo pupunta, mga Ineng?”

“Maggagala lang po kami sa labas,” sagot ni Shandie.

“Natutuwa ako dahil may mga bisitang dumalaw sa amin. Paminsan-minsan na lang kasing nagdadala ng bisita ang mga apo ni Don Emilio dito.”

“Matagal na po pala kayong katiwala ng mga Lizardo?”

“Oo naman. Mula sa lola ko hanggang sa mga magulang ko. Kami ng asawa ko ngayon ang namamahala nitong farm. Madalang na kasing umuwi ang mga anak at apo ni Don Emilio dito. Kailan kaya ito muling mapupuno ng halakhakan?”

Kung siya ang pakakasalan ni KC, gusto niyang doon manirahan kasama ng magiging mga anak nila. Pero isang ilusyon lang iyon imposible nang mangyari pa.

Nagtaka siya nang matigilan si Manang Berta sa paglalakad habang nakatingin kay Shandie na nasa harap ng salamin. “Diyos ko! Anong ginagawa mo?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.