Pumunit ang matinis na tili ni Shandie sa katahimikan ng gabi. Sa sobrang takot ay naibagsak nito ang kandila sa sahig at nagtatakbo sa hagdan. “Multo! Multo!” nahihintatakutan nitong bulalas.
Hinabol ito ni Evaine. “Shandie, bumalik ka dito!” mariin niyang uto. “Walang multo, ano ba?”
Pero hindi siya nito pinakinggan pa. Malamang ay tuloy-tuloy na itong pumasok sa kuwarto. Mabuti na lang at di nagising sila Manang Berta. Kung hindi ay nakakahiya sila sa ginawa nilang ingay. Inikot ulit niya ang paningin sa paligid. Wala namang tao doon maliban sa kanya. Wala rin siyang nakikitang kakaiba. Wala sa loob ang pinagmulan ng ingay. Pero natitiyak niyang hindi iyon likha ng multo.
Lumabas siya at humangin nang malakas. Kakaiba ang hangin na iyon. Parang napakalamig at may kasamang pwersa. Unti-unting natatakpan ng buwan ang ulap. May lumagabog ulit kasabay ng pagsipol ng hangin. Natuklasan niya na ang mga steel chair sa terrace at ang mga bintana ang nagkakaingay. Humahampas ang bintana dahil di naisara nang maayos. Habang ang steel chair ay lumalangitngit sa sementadong sahig sa sobrang lakas ng pwersa ng hangin.
Isinara niya ang bintana at inipitan niya ng basahan ang steel chair. Kakaiba ang hangin doon. Matatakutin lang talaga si Shandie. Kung nalaman lang sana nito na hangin lang ang kinatatakutan nito at hindi multo.
Papaakyat na siya nang maalala niya ang kandilang naibagsak ni Shandie kanina. Ibinalik din niya ang takip ng salamin. Napansin niya na may dalawang pirasong papel na nakakalat doon. Ang unang papel ay ang binasa nila kanina. Sa pangalawang papel nakausap ang orasyon na nasa salitang Kastila. Di marahil naintindihan ni Shandie ang instruction. Dapat na banggitin ang tatlong version ng orasyon na iyon. Aakyat na sana siya pabalik sa kuwarto nang tumunog ang grandfather clock. Alas dose na ng gabi. Walang masama kung ulitin niya ang orasyon. Para naman mapatunayan niya kay Shandie na mali ang ilusyon nito.
There were no devils. There was no prophecy on the mirror.
Tinanggal ulit niya ang takip ng salamin. Sinindihan niya ang kandila at binanggit ang orasyon hanggang sa huling talata. “Refleje, refleje, muestre a mí de quien mujer que i sera.”
Pumikit siya sa loob ng ilang sandali at inulit ang orasyon. Nahigit niya ang hininga at napadilat nang maramdaman niyang di siya nag-iisa sa sala. At sa likuran niya ay isang lalaki ang nakatayo. Umihip ang malakas na hangin at namatay ang kandila. Dumilim man ang paligid ay nakikita pa rin niya ang imahe ng lalaki sa likuran niya. He was tall… and he smelled good. Iyon na ba ang lalaking nakatakda para sa kanya o ito ang demonyo?
Nilingon niya ito at natuklasan niyang ilang pulgada lang ang layo nito sa kanya. Gumapang ang kilabot sa katawan niya. “S-Sino ka?” mahina niyang tanong habang pilit na inaaninag ang mukha ng lalaki.
“Anong ginagawa mo dito?” sa halip ay tanong nito.
At kilala niya ang boses na iyon. Hindi iyon galing sa multo. Of course, he was not a ghost but the devil. Nagawa pa nitong gayahin ang boses ni KC. Pigil ang hininga niya nang buksan ang kandila at tuluyang naaninag ang mukha nito. “KC?”
Hinapit nito ang katawan niya palapit dito. His body was warm he was not a ghost. He was a warm devil who was trying to torment her.
“KC who?” tanong nito at dahan-dahang lumapit ang mukha sa kanya. Dapat ay itulak niya ito palayo pero hinid niya magawa. Nanghihina ang katawan niya. Parang dahan-dahan nitong hinihigop ang enerhiya niya.
“Y-You are KC,” nanghihina niyang usal. Di niya pwedeng tanggapin na isa itong demonyo. There were no devils. Pumikit siya nang mariin. Nagdasal siya na sana ay mawala na ang demonyo sa harap niya. Baka tuksuhin siya nitong gumawa ng kasamaan. Nagsisisi siya kung bakit hindi pa siya naniwala.
“Scared? I won’t hurt you, Evaine,” anito at hinaplos ang mukha niya.
Nagtayuan ang mga balahibo niya. The devil knew her. And he knew her desires. Ginagamit nito iyon para manghina siya. Siguro dahil iniisip pa rin niya si KC. At alam nitong iyon ang kahinaan niya. That there was a time in her life that she was willing to give everything just to have KC.
“Stop it! Get out of my head, KC! I am over you!”
Ginagap nito ang kamay niyang may hawak na kandila. “I am not KC, Evaine. I am the devil.”
The next thing she knew, the devil was kissing her expertly, exquisitely. She had no defense on him. His kisses weren’t repulsive. At iyon ang labis na nakatakot sa kanya. Sa halip kasi na makadama siya ng kilabot sa halik nito, kakaibang sensasyon pa ang nararamdaman niya. As if he was showing her a glimpse of heaven. Unti-unting bumalik ang huwisyo niya. She shouldn’t kiss him. He was the devil. Not KC. Tumili siya at itinulak ito palayo. Pero amused lang itong ngumiti.
Nakaawang ang labi niya habang pinagmamasdan ito. He looked more devilishly handsome with the moon shining on him. And he was not fading away. Even his kisses were real. Katulad ng halik sa kanya ni KC. Dinadaya siya nito. Ginagamit nito si KC para masiraan siya ng bait. Ginagamit nito ang memorya niya.
Inangat nito ang kamay niya upang haplusin ang buhok niya. “Evaine, sweetheart,” malambing nitong sabi.
“Go back to hell!” bulyaw niya dito at kumaripas ng takbo papunta sa hagdan.
Iyon lang ang paraan niya para tuluyang makatakas sa demonyo. She didn’t dare to look back. Natatakot siya dahil baka makita niya ang demonyo na palutang-lutang at hinahabol siya. What if she was the chosen one? Siya ang magiging reyna ng kaharian ng mga demonyo. Huwag naman sana.
Mabilis niyang ikinandado ang pinto at humihingal na sumandal. Hindi sapat ang kandadong iyon sa pinto para pigilan niya ang demonyo kung gusto siya nitong sundan siya. Pero at least, nandoon rin si Shandie para tulungan siyang makipagtuos dito. Kasalanan nito kung bakit siya napasubo sa gulo.
“S-Shandie,” nanginginig niyang tawag sa pangalan nito.
Inalis nito ang pagkakatalukbong. “Anong nangyari sa iyo?” tanong nito at dinaluhan siya. Nanginginig ang binti niya sa labis na takot.
“I-Ikuha mo ako ng tubig,” mahina niyang utos at sumalampak siya sa paanan ng kama niya.
“Heto,” anang si Shandie at inabot ang baso ng tubig sa kanya. “Ano ba talaga ang nangyari?”
“M-May nakita ako sa baba. Sa may salamin. May d-demonyo.”
Natutop nito ang bibig upang pigilan ang pagtili. “Oh, no! You saw the devil. A-Ano ang itsura niya?”
“He is scary!” aniya at isinubsob ang mukha sa palad. Guwapo nga ito dahil kahawig ito ni KC pero demonyo pa rin ito. That made it scarier.
“A-Anong sinabi niya sa iyo?”
“H-He called me Evaine. May iba pa siyang sinabi pero ayoko nang alalahanin pa. Basta tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang makarating dito,” nahihirapan niyang sabi at napalunok. Ayaw na rin niyang alalahanin ang mukha nito na kamukha ni KC, ang boses nito at ang halik nito. “Natatakot talaga ako. Paano kung kunin niya ako habang natutulog ako?”
“Oh, no! Kasalanan ko ito!” anito at nagpapadyak. “Sorry, Evaine. Kung hindi kita pinilit, hindi mangyayari ito. Sa halip na makita natin ang destiny natin, demonyo pa ang nakita mo. Sana nakinig na lang ako kay Manang Berta. Kung bakit kasi matigas ang ulo ko.”
“Okay na iyon. Huwag mo nang sisihin ang sarili mo,” sabi niya dito. “Safe naman tayong dalawa sa ngayon, di ba? Huwag mo na lang isipin ang destiny mo.”
“Sabihin kaya natin kay Manang Berta para malaman natin kung may alam siyang pangontra sa demonyo,” wika nito at naglakad papunta sa pinto.
“Huwag na. Baka mamaya nandiyan ang demonyo sa labas.”
Nahihintatakutan itong bumalik sa tabi niya. “Nakakatakot ba talaga iyong devil? Paanong nakakatakot? May sungay at buntot?”
“Wala. Pero kamukha siya ni KC.”
“Naku, mabalasik pala talaga ang demonyo na iyon. Plano ka talagang akitin. Mabuti na lang hindi ka bumigay agad.”
“Siyempre, alam ko na demonyo siya. Bakit ako magpapauto sa kanya?”
“Paano kung kampon din pala ng demonyo sila Robbie at Louis? Baka sila ang ginamit ng demonyo para gamitin ko ang orasyon sa salamin.” Nangilid ang luha sa mata nito. “Ayoko na ng destiny!”
“Stop it. Tapos na iyon. Huwag na lang nating ulitin.”
“Paano kung hindi demonyo ang nakita mo at si KC nga iyon?”
“Imposible iyon,” tanggi agad niya. Hinding-hindi pupunta si KC sa Sagada. “Magdasal na lang tayo para hindi na magpakita pa sa atin ang demonyo.”
“Hihingi ako ng tawad sa lahat ng kasalanan ko. Maybe ito na ang sign na kailangan kong magbagong-buhay. Magpapakabait na talaga ako,” sabi nito. Lumuhod ito at pinagsalikop ang mga kamay. “Diyos ko…”
Diyos ko! Demonyo na lang sana ang nakita ko at hindi si KC. Dahil kung si KC ang nakita ko sa salamin, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin bukas. O kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya sa sobrang kahihiyan.
SAPO ni Evaine ang ulo nang dumulog sa komedor. Wala pang alas sais ng umaga. Nang masilayan niyang sumikat ang araw ay bumangon na siya. Hindi na kasi siya makatulog pa. Iniwan niya si Shandie na tirik pa ang mata. Tulad kasi niya ay hindi rin ito nakatulog nang mabuti. Natatakot na dalawin ng demonyo sa panaginip.
Naabutan niya si Manang Berta na naghahanda ng agahan. “Good morning po,” bati niya dito.
“Mukhang hindi yata maganda ang tulog mo,” puna nito. “Napuyat ka yata sa paggagala kagabi. Anong oras ka na ba nakauwi?”
“Mga alas diyes po,” sabi niya. Alas nuwebe ang curfew at alas diyes naman nagsasara ang mga establishments sa Sagada.
“Gabi na rin pala, no? Nasanay ka siguro sa Maynila na hanggang madaling araw na gising. Kaya siguro naninibago ka pa.”
“Ang totoo po niyan, kakaiba po ang hangin kagabi. Akala nga po namin kung ano iyong kumakalampag sa labas. Hangin lang pala.”
“Ganito talaga ang hangin dito. Palibhasa mataas ang lugar at mabundok, parang umiikot lang ang hangin kaya malakas ang pwersa.”
“Hindi po ba kayo nabulabog? Wala po ba kayong narinig na ibang ingay?” tanong niya. Baka mamaya ay narinig nito ang ingay nila ni Shandie.
“Wala naman. Mahimbing nga ang tulog naming mag-asawa. Sanay na kami sa maingay na hangin. Papalapit na kasi ang tag-ulan. Mayo na ngayon,” paalala nito sa kanya. “Pero masarap pa rin namang mamasyal dahil may araw ngayon.”
Nakahinga siya nang maluwag dahil wala itong narinig nang nakaraang gabi. Sa lakas ng tili ni Shandie, akala niya ay nagising na nito ang buong Sagada. Mabuti na lang at hindi nila kailangang magpaliwanag kung sakali.
Pero hindi niya makakalimutan ang engkuwentro nila ng demonyo. Kinikilabutan siya kapag tumitingin sa salamin. Hanggang ngayon nga ay nararamdaman pa rin niya ang halik nito. How could a devil’s kiss taste so good?
“Good morning po!” pupungas-pungas na sabi ni Shandie.
“Hindi ka rin ba nakatulog?” tanong ni Manang Berta.
“Natatakot po kasi ako,” anitong kusot ang mata.
“Ano namang nakakatakot dito? Wala namang multo o engkanto dito sa bahay,” sabi ni Manang Berta. “May mga kwento nga ang lola ko pero hindi naman dito ang mga multong iyon. Mga nakakasalubong lang niya sa daan. Pero sa tagal ko dito sa bahay, wala naman akong nakita.”
“Pero si Evaine po, may nakitang demonyo sa salamin,” siwalat ni Shandie.
“Shandie, no!” saway niya dito. Ang huling bagay na gusto niya ay may makaalam ng iba tungkol sa ginawa nila sa salamin. Tiyak na pagagalitan sila ni Manang Berta dahil binawalan na nga sila nito.
Namutla si Manang Berta. “Ay, Diyos ko! Paanong nangyari iyon?”
“Sino ang demonyo sa salamin?” anang boses ng isang lalaki. At paglingon niya ay nakita niyang nakatayo sa pinto ng komedor ang demonyo.