Skylander Series Chapter 58

Ilang beses napakurap si Evaine habang nakatitig sa lalaki. Tao ba talaga ito o nag-iilusyon lang siya? Di kaya siya lang ang nakakakita dito. Di ba, dapat ay nakikita lang niya ang demonyo kapag nasa salamin? Baka nakawala ito sa pagkakakulong doon dahil hinalikan niya ito.

“Sandali, titingnan ko lang ang niluluto ko. Ikaw na muna ang bahala sa kanila, KC,” sabi ni Manang Berta at iniwan sila.

“KC?” mahina niyang usal. Paanong napunta si KC doon? Ang alam niya ay abala ito sa Manila. At malabo na sundan siya nito.

“Demonyo!” bulalas ni Shandie. Nanlalaki ang matang itinuro nito ang lalaki habang nanginginig sa takot. “Ikaw! Ikaw ang demonyo.” Pinag-krus nito ang mga daliri at pumikit nang mariin. “Umalis ka, demonyo!”

“Ako? Demonyo? Nakaka-insulto ka, Shandie,” anito at sinimangutan ito. “Ito bang itsura kong ito, mukhang demonyo?”

“E, guwapo nga daw ang demonyo na nasa salamin. Kamukha mo! Si Evaine ang nagsabi at hindi ako,” depensa agad ni Shandie sa sarili.

Gusto niyang I-umpog ang ulo sa antique na mesang kahoy. Napaka-ingay talaga ni Shandie. Ni hindi siya binigyan ng kahihiyan. Why couldn’t she keep her mouth shut?

Nakangiting bumaling sa kanya ang lalaki. “Nakita mo ba talaga ang demonyo sa salamin kagabi, sweetheart?” malambing nitong tanong.

Sweetheart. He was really KC and not the devil. “Kailan ka dumating?” sa halip ay tanong niya at nagsalin ng kape sa tasa. Nangininig ang kamay niya sa matinding kaba. Nagkunwari siyang nakabawi na sa pagkagulat na makita ito.

Kinuha nito ang teapot sa kamay niya at ito mismo ang nagsalin. Napasinghap siya nang humaplos ang kamay nito sa kanya. Maang siyang napatingin dito. She felt goose bumps on her skin when she smelled his masculine scent. Katulad iyon ng sa demonyo.

“Kagabi. Bandang alas otso. Lumabas daw kayo ni Shandie. Nakatulog nga ako agad dahil sa pagod. Susundan ko sana kayong dalawa.”

Lalong sumasal ang kaba sa dibdib niya. Kagabi pa ito dumating. Kung ganoon, maaring totoo ang masamang hinala niya. Walang himala! At kailangan sana niya ng isang himala para maglaho sa harap nito nang mga oras na iyon.

“Bakit hindi ka sumunod sa amin para may bantay kami?” tanong ni Shandie.

“Mukha namang nag-enjoy kayong dalawa. Hindi ba, sweetheart?” tanong nito at inabot ang tasa ng kape sa kanya.

Nanginginig pa rin ang kamay niyang inabot iyon. “O-Oo.”

Wala siyang ibang masabi. Hindi pa kasi siya nakaka-recover sa nangyari kagabi, heto at nayayanig na naman ang mundo niya.

“Maraming guwapo dito,” sabi ni Shandie at ngumiti. “Alam mo ba na maraming foreigner na nakipagkilala kay Evaine kagabi?”

Nagsalubong ang kilay ni KC. “Talaga? Dapat pala hindi ako natulog kagabi at sinundan ko kayo.”

“At babakuran mo siya? How could she get over you if you keep on hovering around her?” tanong ni Shandie.

“Shandie!” saway niya dito.

“Kaya ka siguro minumulto dahil gusto mo akong ipagpalit sa iba,” kunway may halong tampong sabi ni KC. Hindi siya sanay na makita itong nakasimangot. Parang apektado nga ito na naghahanap siya ng iba.

“Ikaw, hindi ka ba nagising kaninang hatinggabi?” tanong niya.

Umiling ito. “Hindi. Mahimbing na mahimbing nga ang tulog ko. Actually, magandang-maganda ang panaginip ko. How about you, sweetheart?”

“Paano siya makakatulog kung nangangaligkig siya sa takot?”

“Kung kasing-guwapo ko ang demonyo, wala siyang dapat ikatakot,” kampanteng sabi ni KC.

Pabagsak niyang ibinaba ang kape sa mesa at tumayo. “Pakisabi kay Manang Berta na huwag na niya akong ipaghain.”

“Ha? Sinabi ko pa mandin kay Manang Berta na ipaghanda ka ng paborito mong ulam. Di ba gusto mo ng tapa?” sabi ni KC.

“Salamat na lang,” matabang niyang sabi. Hindi na kasi niya matatagalan pang manatili doon. Gaya nga ng sinabi niya, wala siyang dapat na katakutan sa demonyo. Si KC ang hindi niya matatagalan.

“Saan ka pupunta?” tanong nito.

“Maghahanap ng pangontra sa demonyo!”

SA KAGUSTUHANG makalayo kay KC ay naglakad-lakad si Evaine sa citrus farm. The scent of the fruits should have helped her relax. Pero wala rin iyong naitulong. Maganda ang lugar at gusto pa niyang magtagal doon. Pero mukhang hindi iyon ang perpektong lugar para matakasan niya si KC.

Naisip na niyang mag-empake ng gamit at bumalik ng Manila. Pero tiyak na hindi papayag si Shandie. Kung magtago na lang kaya siya sa kuweba? After all, marami namang mga kuweba sa Sagada.

“Anong iniisip mo?” untag sa kanya ni KC. Saka lang niya napansin na katabi na pala niya itong naglalakad.

“Wala ka nang pakialam sa iniisip ko,” aniya at lalong binilisan ang lakad.

“May nahanap ka na bang pangontra sa demonyo?”

“Oo. Kung lalayuan mo ako, tiyak na walang demonyo sa paligid ko,” maasido niyang sabi. “Kung hindi kaya ako maligo ng isang linggo? Tiyak di ka na bubuntot.”

Magkahawak ang kamay nito sa likuran at nagpatuloy sa paglalakad sa tabi niya. “Tanong ka kasi nang tanong sa salamin kung sino ang pakakasalan mo. Salamin, salamin…”

“Stop it!” gigil niyang saway dito. “You saw me, right? You were the devil!”

“Ako?” inosente nitong sabi at hinaplos ang ulo. “I must be sleepwalking, kung ako man iyon. Ang alam ko, nananaginip lang ako. I saw you standing in front of the mirror with a candle in your hand. Maybe the devil got into me.”

“Sleepwalking? Liar!” gigil niyang bulalas. “Ikaw iyon! Ikaw ang humalik sa akin. Ang kapal ng mukha mo! Demonyo ka talaga!”

Ngumisi ito. “Okay, I am as guilty as sin. So what if I kissed you? You enjoyed it, sweetheart. You can’t resist me,” he said in a dangerously low voice. That voice reminded her of his slow, exquisite kiss last night.

“Ahhh!” tili niya sa sobrang inis at hinampas ito sa dibdib. “I hate you! I hate you, Kristoffer Carlo Ang! You are worse than any devil from hell!”

Kailangan ba nitong ipagdiinan kung gaano siya kahina pagdating dito? She was still in love with, alright. Pero wala na ba talaga siyang pag-asa na makalimutan pa ito? Tuwing hahakbang siya palayo, lagi siya nitong hinihila pabalik. How could she get away from him if he kept on following her and kissing her?

“No. It just proved that I am your destiny. Kaya kahit na sino pa ang gustong lumapit na lalaki sa iyo, sa akin ka pa rin babalik. You are mine, Evaine,” anito sa nanghihipnotismong tinig.

“Did you come here to torment me? Wala ka dapat dito. Ang alam ko, wala kang kaplano-planong tumapak ng Sagada. Di ba, masaya ka na sa Manila kasama ang magagandang socialites mo?”

Hinapit siya nito sa baywang. “Am I really tormenting you? Hindi ako nagpunta dito para pahirapan ka. Nandito ako dahil gusto kitang makasama. You always told me before that I don’t have time for you. I want to make it up with you.”

“How did you know I am here?”

It was suppose to be a secret. Walang nakakaalam kung nasaan sila ni Shandie maliban sa mga kaibigan nila. Niyaya kasi niya ang mga ito na sumama pero si Shandie lang ang nakasama. May istrikto siyang bilin na huwag ibibigay kahit kanino ang location nila lalo na kay KC.

Her parents thought that they were in Fort Ilocandia. Hindi naman siguro si Fawna ang nagsabi kay KC. Magkapatid man ang mga ito, pero magkaibigan naman sila ni Fawna. Hinding-hindi siya nito pagtataksilan.

“Fawna told me,” he revealed, shattering her.

“Fawna would never do that!” mabilis niyang tanggi.

“I strike a deal with my dear little sister.” Umupo ito sa kahoy na bench sa ilalim ng pine tree. “Your location in exchange for her freedom.”

“How could she do this to me?”

“Because she loves her brother,” kampante nitong sabi. “Mukha sigurong masungit sa akin ang kapatid ko pero mahal ako noon. At handa siyang gawin ang lahat basta may tamang kapalit.”

Blood was thicker than water. Kung sa iba siguro ay hindi nito sasabihin. Pero iba pa rin ang bonding ng mag-kuya.

And besides, Fawna would do everything to get her freedom back. Even if she had to sell herself to the devil. But this time, it was her soul that was sold. Siya ang tinutukoy ni KC na ‘tamang kapalit’.

“At hinayaan mo siyang umalis? Ano ang sinabi nila tita?” tukoy niya sa mga magulang nito.

“I told them that I will bring her with me. Pagdating sa Baguio, naghiwalay na kami. Pareho na naming nakuha ang gusto namin.”

“Sinuway mo ang mga magulang mo? At hindi ka ba nagwo-worry sa mangyayari sa kapatid mo?”

“Natutuwa sila dahil pupunta ako sa iyo. At sinuway ko ba sila? Wala naman silang sinabi na pwede kong pakawalan si Fawna pagkatapos. And besides, she’s all grown-up. Kaya na niya ang sarili niya.”

“She’s still your little sister.”

“She can handle herself. And I want to be with you.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Talaga lang, ha?”

“Humingi nga ako ng bakasyon kay Tita Rose. Next week pa ang mga projects ko. I told her that I want to spend more time with you. Kaya pinayagan agad niya ako na pumunta ako dito at mag-enjoy daw tayo.”

“Kailan ka pa nagkaroon ng time para sa akin? You always have time for everything except me.”

He held her hand. “Kaya nga bumabawi ako.”

“Don’t you think it is a bit too late? I want to forget you, KC. So please do me a favor. Go back to Manila and date one of your women. I don’t really care!”

“Why should I bother with them when I have you?”

Hinapit ng isang kamay nito ang baywang niya habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa batok niya. He swiftly claimed her lips before she was able to blink. But his slow kisses shocked her even more. But the effect was astounding. His lips were creating electrifying sensation in her body. Mahigpit siyang humawak sa braso nito dahil parang unti-unting nanlalambot ang tuhod niya.

She opened her eyes, seeing tiny little stars as he withdrew. Pareho nilang habol ang kanilang paghinga. The chilling air suddenly became as hot as desert wind. Ganoon katindi ang simpleng halik ni KC.

Subalit may mahalaga siyang bagay na natuklasan. Hindi siya maaring magkaila sa sarili. She was still in love with him. At mukhang malabo na makalimutan niya ito kahit gusto niya. But how about herself? Malinaw naman na pinaglalaruan lang nito ang damdamin niya.

Akmang hahagkan na naman siya nito ngunit itinulak niya ito palayo. “Stop it, KC! I don’t like…”

“You don’t like me kisses?” Ngumisi ito at hinaplos ng daliri ang labi niya. “Whether you like it or not, you can’t resist me.”

“I swear, I will. I won’t commit the same mistake of loving you.” Ayaw na niyang masaktan pa at umasa na muli siya nitong mamahalin.

“You can swear all you want. But you will never forget me. I branded you with a devil’s kiss remember? And don’t even think of kissing or another man. He’ll surely die,” he said in a dangerously low voice. “That’s the devil kiss’ curse.”

“It is not true.” Pero hindi siya nito pinansin at iniwan siya sa gitna ng farm.

She rubbed her lips with her palm furiously. Devil’s kiss? She couldn’t deny that it was so powerful. Dahil doon, lalo siyang mahihirapang kalimutan ito.

Napatingala siya sa langit. “Wala na ba talagang pag-asa para matakasan ko siya? Paano ko siya makakalimutan kung lagi na lang siyang bubuntot sa akin at lagi niya akong hahalikan? Please help me!” mariin niyang dasal.

But there was no answer. The clouds just fleeted by and the birds chirped cheerfully. Walang sinuman ang nakasagot sa pakiusap niya.

She ought to be exorcised! And she knew that she would have to die first before she let any other man kiss her. He was right. She was branded.

“SAAN tayo pupunta?” tanong ni Evaine kay Shandie habang nagbibihis siya. Abala naman ito sa paglalagay ng nail polish sa kuko. Samantalang siya ay walang oras na magpaganda. Baka sabihin ni KC ay ito ang pinagpapagandahan niya.

“Hindi ko alam. Gusto ko ngang magpunta sa Lake Danom sabi ni KC may pupuntahan daw tayong importante.”

“At nagpauto ka naman? Alam mo naman na ayoko siyang makasama.”

“We have no choice. He knows the place. And I want to meet more people. Malay ko ba kung may ipapakilala siyang guwapo sa akin. Sayang din ang pagkakataon. Baka isa sa kanila ang destiny ko.”

“What happened to your two men?” tanong niya habang tinutuyo ang buhok.

“Robbie and Louie?” Sumimangot ito. “They are devil incarnates. Hindi na ako interesado sa kanilang dalawa.”

“Ganoon lang kasimple sa iyo?”

Samantalang kagabi lang ay halos mabaliw-baliw ito hangga’t hindi nalalaman kung sino sa dalawa ang nakatadhanang magpakita dito sa salamin. Kung tutuusin, ang dalawang bugoy na iyon ang nagpahamak sa kanya.

Hinipan nito ang kuko. “Tumawag sila kaninang umaga. Paalis na daw sila. Ibig sabihin, walang sinuman sa kanila ang interesadong mag-stay sa Sagada at samahan ako. Hahanap na lang ako ng iba. At ikaw, bilisan mo na ring mag-ayos dahil maya maya lang nandito na si KC.”

“But I don’t want to be with him. Paano ko siya makakalimutan kung magkakasama pa rin kami?”

“Natural, bahay niya ito. Hindi mo siya maiiwasan unless lilipat tayo ng lugar. Nakakahiya naman sa kanya kung aalis tayo.”

“Paano naman ang nararamdaman ko?” Bawat sandali ay nato-torture ang isip at puso niya. It was pure hell with the master devil tormenting her.

“You don’t really want to forget him. So why exert so much effort when all your actions are futile? Ang pagdating niya dito at ang pagkikita ninyo sa salamin ay sign na siya talaga ang lalaki para sa iyo.”

“That’s so cruel. Akala ko magkakampi tayong dalawa?”

Ngumisi ito. “Don’t force yourself because you can’t forget him. Just give in. After all, siya na ang naghahabol sa iyo. Enjoy the feeling.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.