“Tapang mo naman, Evaine!” nanlalaki ang matang sabi ni Khaeser. “Kinausap mo ang parents ninyo ni KC at nasabi mong huwag nang makialam sa lovelife ninyo?” Pumalakpak ito. “Wow, naman! Saludo na talaga ako sa iyo.”
Pilit siyang ngumiti at uminom ng piña colada. It was another Bitch’s Day. Pero sa halip na malungkot sa nai-kwento, isang accomplishment iyon para sa kanya. Dahil nagawa niyang kwestiyunin ang isang matagal nang tradisyon ng lahi na pinagmulan ng mga magulang niya.
“Sinabi ko lang naman kung ano ang totoong nararamdaman ko. Wala naman silang magagawa kung hindi ako mahal ni KC, hindi ba? At ayoko rin namang magpakasal sa lalaking hindi ako mahal.”
“Martir ka, friend!” sabi ni Richelle. “KC is all yours. Matagal mo na ring hinabol-habol ang kumag na iyon. Ngayon ka pa ba uurong?”
Siniko ni Leila si Shandie. “Bakit iyak ka nang iyak diyan? Hindi naman ikaw ang iniwan ni KC.”
Pinahid nito ng tissue ang luha. “Nade-depress kasi ako. Ang gulo-gulo kasi ng pag-ibig na iyan. Sweet na sweet sila noong nasa Sagada kami. Ginulo lang ng Alicia na iyon ang lahat,” anito at nagpatuloy sa pag-atungal.
“Ako ang nakagulo sa kanila,” pag-ako niya. “Kung hindi dahil sa akin, baka matagal na silang kasal. Ako ang hadlang sa kaligayahan nila.”
Iniwan niya sa Sagada si KC. After all, may ilang araw na itong natitira sa bakasyon. Pagkakataon na nito para makasama nang mas matagal si Alicia. Pagdating niya sa Manila ay kinausap niya agad ang mga magulang nila. At bawat isa sa mga ito ay pumayag na hindi tututol sinuman ang babaeng pipiliin ni KC. Na hindi masisira ang ugnayan ng pamilya nila sa kabila ng nangyari.
“How sad! Wala kayong happy ending!” bulalas ni Jack.
“There is a happy ending,” sabi ni Jade. “Dahil tanggap ni Evaine ang nangyari. Kapag mahal mo ang isang tao, magiging masaya ka na rin kapag nakita mong masaya siya sa taong mahal niya.”
“Kaplastikan iyan!” kontra ni Maeia. Sumang-ayon din ang iba.
“Itutulad mo naman siya sa iyo na okay lang lahat,” nakatirik ang mata na sabi ni Sicily. “Tao si Evaine. Hindi isang psychological book na tulad mo.”
Palibhasa kasi ay walang masamang tinapay si Jade sa lahat. Habang naghuhurumentado ang lahat ay positive ang tingin nito sa buhay.
“Paano ka magiging masaya habang miserable ka naman?” kwestiyon ni Khaeser. “Minahal ko siya tapos sasaktan lang niya ako. Lintik siya!”
“Jade is right,” sang-ayon niya sa kaibigan. “Minsan kailangan mo na lang tanggapin ang mga bagay na hindi mo kayang kontrolin. I have good memories with KC. I guess that is enough. I have to move on.”
Ginagap ni Jade ang kamay niya. “But it is okay to cry. Kung masakit, nandito kami para makinig sa iyo.”
“Tissue?” alok ni Jack sa tissue sakaling iiyak nga siya.
Ngumiti siya at hindi pinansin ang box ng Kleenex. “I don’t want to cry anymore. We are here to be happy, remember?”
“Mag-videoke tayo!” yaya ni Sicily.
Nahawa na rin siya sa kasiyahang nakikita sa mukha ng mga ito. She didn’t want to be miserable anymore. Alam niyang hindi lubos na magiging masaya si KC hangga’t hindi siya nakikitang masaya. But she won’t try to forget him. She surrendered to her fate. Hindi mawawala ang pagmamahal niya dito.
IT WAS another Bitch’s Day. Lahat ng kaibigan ni Evaine ay nakabusangot dahil sa kanya-kanyang kabaliwan na nangyari sa buong lingo ng mga ito maliban sa kanya. Katatapos lang kasi niyang magpa-enroll. Ilang lingo na lang ay babalik siya sa eskwelahan para kumuha ng ilang units sa Education.
“Ibig sabihin, ikaw lang ang masaya sa amin?” sintir ni Leila.
“Ako na lang ang magbabayad ng bill natin.” Inilabas niya ang credit card.
Pinigil ni Jack ang kamay niya. “Bakit bill agad? Wala ka pa namang consequence.” Iyon ang rule nila tuwing Bitch’s Day. Kung sinuman ang may pinakamagandang week, kailangan nitong mag-perform ng isang consequence. At kapag hindi nito nagawa, ito ang magbabayad ng bill nila.
“Kailangan pa ba iyon?” tanong niya at tinawag ang waiter.
“Oo naman!” kontra ni Maeia. “Mas gusto naming ma-entertain ngayon.”
“A rule is a rule. Hindi dapat balewalain,” dagdag ni Jade.
“What is the consequence?” tanong niya at tinaasan ng kilay ang mga ito.
“Magbayad muna tayo ng bill,” sabi ni Shandie at inilabas ang wallet.
“Wait, paano ang consequence ko?” angal niya.
“Maghintay ka mamaya,” sabi ni Jack at isa-isa nang inilapag ng mga ito sa table ang share sa bill. Ganoon din ang ginawa niya. Baka kapag nag-videoke pa sila saka siya ang magbabayad ng bill. Pero ano ang consequence niya?
Pagsakay niya sa passenger’s seat ng kotse ni Leila ay piniringan agad siya ng mga ito. “Hey, anong ibig sabihin nito?” tanong niya at nakadama ng panic. Paglalakarin ba siya ng mga ito sa EDSA ng nakapiring? Gagawing balance beam ang Quiapo Bridge nang nakapiring?
“Hindi mo ba gustong alamin ang surprise namin sa iyo?” bulong ni Shandie.
“Tiyak na mag-e-enjoy ka doon,” anang si Khaeser at pumalakpak.
Nag-flash sa isip niya ang isang hubad na lalaki na sumasayaw na parang Masculado habang lumalabas sa isang malaking kahon. Lalong tumibay ang hinala niya nang lumakas ang tawanan ng mga ito.
Napatili siya. “Gosh! All of you are gross! Yuck! Malaswa kayo!”
“Wholesome kami,” depensa agad ni Leila. “Ano ba ang nasa isip mo?”
Natahimik siya hanggang makarating siya sa destinasyon nila. Baka isa iyong gay bar. Jeez! Sawi nga siya sa pag-ibig pero hindi naman sumagi sa isip niya na pumunta sa ganoong klaseng lugar para humanap ng panandaliang aliw. Virgin siya!
“Nasaan na tayo?” tanong niya nang naramdaman niyang sumakay sila sa elevator. “Baka naman ibubugaw ninyo ako.”
“Malamang,” sabi ni Khaeser. Inalalayan siya ng mga ito papasok sa kuwarto at umupo sa sofa. “Iwan ka na namin.”
“What?” bulalas niya at narinig ang papalayong yabag ng mga ito.
Mabilis na tinanggal ang piring sa mata. Subalit dilim lang ang sumalubong sa kanya. Wala na ring tao sa silid na iyon maliban sa kanya. Sinubukan niyang hanapin ang pinto ngunit bumukas ang thirty inches flat TV. Parang nasa isa siyang multimedia room. She was rendered speechless when she saw her face on the screen. Lahat ng naroon ay puro larawan niya mula pagkabata niya hanggang sa lumaki siya. At ang pinakahuli ay mga picture niya sa Sagada. Pero wala ang mga picture na iyon sa camera nila ni Shandie.
Bago pa niya naisip kung sino ay nag-play ang instrumental ng Love of My Life ni Jim Brickman. Lumabas sa tabi ng TV screen si KC at sumabay ng pagkanta sa chorus. “You are the love of my life that I’m so glad I found. So this is how it feels when I finally found something real. My angel in the night. You are the love, love of my life.” Lumuhod ito sa harap niya at inabot ang white rose.
“What the hell are you doing?” tanong niya. Nang makita sa labas ng bintana ang familiar na nagtataasang building ng Makati, saka niya nalaman na nasa penthouse condo siya ni KC.
“I want to take you back.”
She cupped his face. “You don’t have to do this, KC. Kinausap ko na ang parents mo. Pumayag silang kalimutan na ang tungkol sa arranged marriage natin. Hindi ka na nila pipilitin. You can marry Alicia and they won’t bother you.”
Tumayo ito. “I am doing this because I love you.”
“This is crazy!” aniya at tinalikuran ito. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero naka-lock iyon. “Please open this damn door!”
“Hindi iyan mabubuksan hangga’t hindi ka nakikinig sa akin.”
“Pinagkaisahan ninyo akong lahat! Kayo ng mga kaibigan ko,” mangiyak-ngiyak niyang sabi. How could they do this to her? Sobra-sobrang consequence ang ginawa ng mga ito. Alam naman ng mga ito na di pa siya fully recovered kay KC. “Pinakiusapan ka ba nila na sabihin ito sa akin para pagkatuwaan ako.”
“Your friends won’t do that. And I will never make fun of you as well. Bakit ba ayaw mong makinig sa akin?” He cupped her face. “I love you! Look at me. Can’t you see how weak I am without you? You don’t really know how much I love you dahil hindi mo nakikita. Hindi mo siguro alam na gustong-gusto kong kokolektahin ang mga pictures mo. I want to see your smile. I want to look at it as if I could hear your laughter. You are the one who is always beside me. I remember everything. Naroon ka nang magkabulutong ako at walang lumalalapit sa akin. Nang matalo kami sa championship sa soccer competition. Nang pagalitan ako ni Papa dahil hindi ako nakasama sa honor’s list, ikaw din ang sumuporta sa akin. Akala mo siguro hindi kita pinahalagahan. But I do.
“You are the woman I love and adore. Noong una, hindi ko sineseryoso ang nararamdaman ko sa iyo. Hindi ko ipinapakita sa iyo. It is so hard so suppress. Nasanay ako nang nandiyan ka sa tabi ko. Pero ang totoo, ako ang natatakot na ma-realize mo ako na hindi mo ako mahal.”
“Alicia is your first love. How can I compete with that?”
“Rebelde ako noon. I was just a kid who was trying to escape my fate. Pakiramdam ko noon na puppet ako na gustong pasunurin ng mga magulang ko. At pakiramdam ko ganoon ka rin. Pinapaniwala mo ang sarili mo na ako ang mahal mo dahil iyon ang gusto nila. I saw many people suffer the same fate. Na ikinakasal sila sa taong hindi nila mahal. When I met Alicia, I felt the freedom. Akala ko mahal ko nga siya. You were just a teenager then. Noon pa lang, gusto mo na akong habul-habulin. Until I watch you grow into a lady. Tinanggap ko na sa sarili ko na ikaw ang babaeng mamahalin ko. Pero kailangan ko munang bigyan ka ng panahon para mapatunayan kung pagmamahal nga ang nararamdaman mo. Hindi ko alam na sa ginawa ko, parang itinaboy na rin kita palayo sa akin.”
“Anong klaseng pagmamahal ba ang nararamdaman mo sa akin?”
He embraced her tightly, as if his life depended on her. His mouth slid across her cheeks into her mouth. He possessed her in sweet intimacy. Parang wala na siyang pakialam kung sagutin pa nito ang tanong niya o hindi. Words were not needed anymore.
“You should see me everytime I look at you when you are not looking. I wish you could feel my heartbeat everytime I kiss you.” Hinawakan nito ang kamay niya at ipinatong sa dibdib nito. “I am vulnerable when I am with you. And I never felt that way with any woman before. That’s why I am scared.”
“How am I supposed to know when I feel the same way?” Tuwing hinahalikan siya nito, parang nawawala siya sa sarili. Kapag kasama niya ito, labis-labis ang emosyong nararamdaman niya sa pagmamahal niya dito at wala na siyang pakialam sa iba pang mga bagay.
Mahina itong tumawa at niyakap siya. “Sweetheart.”
“You are my first love, my first kiss, my everything. Anong malalaman ko tungkol sa ibang bagay kung lahat gusto kong matutunan mula sa iyo? Dahil din sa iyo kaya naranasan kong masaktan at magparaya. Natuto akong isakripisyo ang sarili kong kaligayahan.”
“And I told myself that if I want to take you back, I have to really convince you that I love you. Noong nalaman ko mula sa Mama mo na nagbakasyon ka sa Ilocos, sinubukan kong sundan ka agad. Nang malaman ko na kinausap mo si Fawna bago ka umalis, siya ang tinanong ko. Ayaw nga niyang sabihin sa akin kung nasaan ka kung hindi ko pa sinabi sa kanya na mahal kita.”
“I thought you made a deal with her? That you’ll set her free once she tells you where I am,” magkasalubong ang kilay niyang tanong.
“Parang ganoon na rin iyon. And besides, alam ko ang bagay na makapagpapasaya sa kanya. At hindi rin totoo na nagbakasyon ako for a week. Jam packed ang schedule ko. Pinilit ko lang ang Tita Rose mo na bigyan ako ng bakasyon kung hindi, malamang na humanap ka na ng ipapalit sa akin.”
“I don’t know that.” Lagi kasi siyang puno ng pagdududa dito noon. Saka niya naalala na bilang top model, hindi ito basta-basta makakakuha ng bakasyon. “Ibinigay mo ba sa ibang models ang project na dapat ay sa iyo? I’m sorry,” usal niya at niyakap ito. Mahalaga kasi dito ang modeling career nito.
“I don’t really care. Nagsisisi ako dahil maraming panahon ang sinayang ko. Kailangan mo pang lumayo sa akin bago ako maglaan ng maraming oras sa iyo. I spent quite a few times with you but those days were the best days of my life. Masaya na ako na katabi lang kita habang inaalam ko kung ano ang nasa isip mo at naie-express ko rin kung ano ang nararamdaman ko sa iyo. Kahit kailan hindi pa ako nakipag-usap nang ganoon sa isang babae.”
“Kahit kay Alicia?” tanong niya at may bahid ng selos sa mata nang pagmasdan ito. “Mukhang marami kang sekreto na nasabi sa kanya.”
“Marami akong nasabi noon. Pero sinabi ko rin sa kanya na hindi ko na siya mahal. Na hindi na niya kailangang maghintay pa sa akin dahil wala na akong maibibigay sa kanya. Akala niya ay pakakasalan pa rin kita dahil sa responsibilidad. Nang umalis ka at nagparaya, akala niya ay may tsansa na kaming dalawa. Then I made everything clear. That I am marrying you because I love you.”
“She loves you. Tiyak na nasaktan siya.”
“It is my fault. Hindi ko nilinaw sa kanya ang lahat sa simula pa lang. I didn’t expect that she would wait for so long. Sana noon ko pa nilinaw sa kanya. I am only sorry that I was not able to clear our past. Na ikaw ang babaeng mahal ko.”
“Do you think she will be okay?”
“She’ll get over me. Makakahanap din siya ng tamang lalaki na magmamahal sa kanya at hindi na niya kailangan pang hintayin.”
“How about you? Will you wait for me?”
“Hindi ka pa ba handang magpakasal sa akin?”
She nodded her head. “Sabi mo nga, ngayon ko pa lang hinahanap ang sarili ko. I want to go back to school and teach little children.”
Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “I will wait until you are ready.”
“Kahit na fifty years old na ako?”
Nanlaki ang mata nito. “Woman! I’ll marry you before you turn thirty. Kahit na tutukan pa kita ng baril. How can you give me a dozen children if you are old?”
“Kaya ba ng tuhod mo ang isang dosena?”
“Hinahamon mo ba ako? Baka gusto mo ng sample,” anito at hinagkan siya.
“KC, magkaaway pa rin ba kayo?” narinig niyang tanong ni Maeia at kinatok ang pinto. “Pwede na ba naming buksan ang pinto? Mag-celebrate na tayo.”
“Hindi! Magkaaway pa rin kami!” sigaw ni KC. “Mukhang hanggang bukas pa matatapos ang pinagtatalunan namin.”
“Sige, ayusin na ninyo iyan.”
“Anong pinag-aawayan natin?” tanong niya.
Dahan-dahan ulit itong lumapit sa kanya nang matiim ang mukha. “Pinagdududahan mo na kaya kitang bigyan ng isang dosena. Handa naman akong patunayan na kaya ko iyon.”
“You promised to wait for me.”
“Marry me now,” he said softly as he darted kisses on her face.
“One more dream, KC.”
“What?” tanong nito.
“I want a simple wedding in Sagada. Doon din ang honeymoon natin.”
“No problem.”
“And I want to be a virgin bride.”
“Ha?” bulalas nito. “Ang dami mo namang hinihingi.”
“May angal ka?” naghahamon niyang tanong.
“Wala,” nakasimangot nitong sabi. “I’ll give you everything you want.” Tumayo ito. “Nakakainis! Akala ko okay na lahat. Sinabi ko nga sa mga kaibigan mo na bukas na tayo lalabas dito. Now I will be forced to ask them to open the door. Hindi na naman kita masosolo.”
Humagikgik siya. “Nagtatampo ka.”
Iniwas nito ang tingin. “Hindi!”
Tumayo siya sa harap nito. “Sinabi ko ba na tawagin agad natin sila? Ang alam nila nag-aaway pa tayo, di ba?” Iniyakap niya ang kamay sa leeg nito. “How about if I ask you to give me a devil’s kiss?”
Ngumisi ito. “I love that.”
“I changed my mind. I will give you the devil’s kiss.”
“Anong ipinagkaiba niyon? I thought I am the devil here?”
Her finger caressed his lips. “The same curse. That once I kiss you, you will be mine forever. And if other women tried to kiss you, they will surely die.”
“Pabor sa akin iyon. Tiyak na wala nang ibang babae na hahalik sa akin maliban sa iyo. You are the only one I want to kiss.”
“Good. I love you, my devil!”