Skylander Series Chapter 63

“Every summer, I’ll wait for you here,” pangako ni Lycerge kay Fawna.

It was the first summer they promised to love each other forever. They were so young and in love.

But things changed when Lycerge decided to run for election. Nag-iba na ang priority nito. Malayo sa prinsipyo na ipinaglalaban ni Fawna.

She decided to run away from him, live the life of a vagabond. At nangako siya na hinding-hindi siya tatapak sa Sagada, ang bayang minahal niya na nakatakda ding sirain ng lalaking mahal niya.

But she couldn’t run away from him forever. Napilitan din siyang bumalik sa Sagada… pabalik sa mga bisig ni Lycerge.

Satisfied na tiningnan ni Fawna ang naitanim na binhi ng pine tree. Malapit siya sa Amulsong Creek, na nasa Hilagang-Silangan ng Sagada. Pinuputol ng mga residente ang mga puno para gamitin sa paggawa ng bahay. Nang magputol ng puno ang lolo niya para sa bagong villa na itatayo ng mga pinsan niya, nagprisinta na siyang siya ang magtanim kaysa ang mga tauhan nito. Gusto niyang madumihan ang kamay niya paminsan-minsan. Pag-uwi niya sa Manila ay di na iyon mangyayari. Dahil tiyak na magwawala ang mommy niya.

Matapos magmiryenda ay nagsimula ulit siyang magbungkal ng panibago. Nangangalahati pa lang siya ng trabaho. She loved Sagada during summer. Amoy na amoy niya ang bango ng mga bulaklak. At dahil hindi maulan, masarap maglakad-lakad dahil di maputik ang kalsada. Nakakapunta siya saan man niya gustuhin nang walang kasama.

“Flowers for my princess.”

Tumingala siya mula sa binubungkal na lupa. Ni hindi man lang niya naramdaman ang paglapit nito. Sumama ang mukha niya nang Makita ang calla lily na inaabot ni Lycerge. “Para saan ang mga iyan?”

“Itinatanong pa iyan? Gusto kitang bigyan. Or do I have to tell you that you are as pretty as these flowers?” Lalo siyang sumimangot. “Don’t give me that face. Hirap na hirap akong makapitas niyan sa garden ni Lola.”

“Kita mo ‘to! Ninakaw mo pa sa lola mo. Mahiya ka naman.”

“Gusto ko lang namang pasayahin ka.”

“Di ko sinabing mamitas ka ng bulaklak nang walang paalam,” kotra niya.

Naging malungkot ang guwapo nitong mukha. “Sorry na. Minsan naman gusto kong matuwa ka sa akin.”

Pinagpag niya ang kamay. “Paano ako matutuwa sa iyo? Ayokong pinipitas ang mga bulaklak. Saan kukuha ng nectar ang mga bubuyog at paru-paro? Nagkakaroon pa sana ng mas maraming halaman kung di mo sila pinitas.”

Napakatamot ito sa ulo. “Binigyan pa ako ng lecture. Ganyan ba ang mapapala ko sa pag-akyat ng ilang bundok para makita ka?”

Hindi niya mapigilang ngumiti. She didn’t like Lycerge to start with. Tulad niya ay sa Manila na naka-settle ang mga ito at dumadalaw sa Sagada tuwing bakasyon. Magkababata ang mga mommy niya at daddy nito.

Mayabang ang first impression niya dito. Narinig niya ang kwentuhan nito at ng Kuya KC niya na boring daw sa Sagada. Walang mall. Ni wala ngang computer. Kaya sinabihan niya ang mga ito na bumalik sa Manila nang naglalakad. Sa halip na magalit, lalo pang nagpa-cute si Lycerge sa kanya. He had been courting her for two years now. He believed that she was the one for him.

“Do you really want to make me happy, Lycerge?” tanong niya dito.

Tumango ito. “Yes, I will do everything to please you.”

She gave him the shovel. “Magtanim ka. Tulungan mo ako dito.”

Alangan nitong kinuha ang maliit na pala. Parang noon lang ito nakahawak niyon. “Bakit ka pa nagtatanim? Kusang tutubo iyan. Saka madami nang pine trees dito. Baka nga overpopulated na sila.”

“Nagputol sila ng puno kaya dapat lang palitan. Baka dumating ang panahon na wala nang puno dito, saka pa lang magtatanim. It might be too late.”

Ayaw niyang matulad ang Sagada ang ibang lugar na walang habas na sinira ng tao ang kalikasan. Pinangangalagaan ng mga taga-Sagada ang lugar na iyon. At gusto niyang makatulong. Sa Sagada nanggaling ng pamilya niya. Sagada was her real home. It was her haven. She could breathe fresh air and play along the green rice terraces. Lahat ng mga tao ay magkakakilala.

“Ano ba ang pangarap mo sa buhay?” pagkuwan ay tanong ni Lycerge.

Humarap siya sa malawak na kabundukan. “I want to see a clean and green world. Walang usok, malinis ang paligid at hindi na endangered ang mga hayop at tao. Iyong lahat may disiplina pagdating sa kalikasan. I also want to teach kids on how to care for nature and their culture. Gusto kong mai-preserve ang lahat ng kagandahang nakikita ko ngayon.”

Walang pakundangan ang mga tao sa panahon ngayon. Simpleng pagtatapon lang ng basura ay di pa kayang gawin. At dahil sa industriyalisasyon, unti-unting namamatay ang mga yaman ng kalikasan. Pati mga tao ay napapahamak.

“Wala ba sa plano mo na magka-boyfriend?”

“Hmmm… boyfriend.” Bumaba siya sa batis at naghugas ng kamay. Sumunod sa kanya si Lycerge. “Kung magkaka-boyfriend man ako, dapat environmentalist din siyang katulad ko.”

“Iyon lang?”

Tumango siya at umakyat pabalik sa itinatanim niya. “Oo. Kapag marunong ang isang tao sa nature conservation, aware siya sa nangyayari sa paligid at mas disiplinado. Hindi na kailangang maging guwapo siya o academically intelligent.”

Umupo ito at kinuha ang shovel na iniwan nito kanina. “Iyon lang pala ang gusto mo. Hindi mo na kailangang maghanap sa iba.” Nagsimula itong bungkalin ang lupa. “Gusto mo ba taniman natin pati iyong kabilang bundok. Taniman natin lahat ng nakakalbong bundok. Pati ang nakakalbong ulo ng tito ko, taniman din natin.”

Binatukan niya ito. “OA ka na!” Umupo siya sa tabi nito. “Ang pagtatanim, may kasamang pagmamahal. Hindi iyong makapag-bungkal ka lang at nagtanim, tapos na. Nakakaramdam din ang mga halaman.”

“Kung ganoon, nararamdaman pala nilang mahal kita.”

Hindi niya pinansin ang pagpapa-cute nito. “May pangarap ka ba sa buhay? Tuwing magkasama tayo, wala ka nang ginawa kundi magpa-cute sa akin.”

Tinitigan siya nito. “Gusto ko lang naman na sagutin mo ako.”

Maasim siyang ngumiti. “Magseryoso ka nga.”

Nagkibit-balikat ito at inilagay ang binhi sa hinukay nito. “I want to be a computer engineer. Pero gusto naman ng parents ko na mag-Political Science ako.”

“Gawin mo kung ano ang magpapasaya sa iyo.”

Naging malungkot ang mga mata nito. “I am leaving for Los Angeles next week. Next year na ulit ako babalik dito. Hindi mo ba ako mami-miss?”

“Bakit naman kita mami-miss? Buti nga wala nang asungot sa buhay ko. Wala nang tatawag sa akin nang dis-oras ng gabi para lang kulitin ako.”

Tumayo ito. “Wala kang pakialam sa akin. Then it’s okay if I look for another girl. I’ll send you a pic of my next girlfriend,” he said haughtily.

“Ipagpapalit mo ako sa iba.” Namaywang siya. “Ang tigas naman ng mukha mo na sabihin sa akin iyan! Subukan mo lang na manligaw ng iba…”

“O, bakit galit na galit ka?” kunway nagulat na sabi nito. “Bakit nagseselos ka? Asungot lang naman ang tingin mo sa akin, ah!”

Mariin niyang pinagdikit ang labi. She wanted to deny that she was jealous. Pero naiinis siya maisip lang na may kasama itong iba. Nasanay kasi siyang solo ang atensiyon nito. “Asungot ka talaga! Sasagutin pa mandin kita bago ka pumunta sa States. Pero dahil mas gusto mo ng ibang girlfriend, huwag na lang,” she said with a grin. “Wala ka nang mahahanap na kasing ganda ko.”

Naglakad siya palayo nang pigilan nito ang kamay niya. “Nagbibiro lang ako. Hindi naman talaga ako titingin sa iba. Sasagutin mo na ba ako?”

“Oo na!” bigla ay nausal niya at nagpatuloy sa paglalakad palayo. Natigilan siya nang marinig ang masayang pagsigaw ni Lycerge. “T-Teka…” Hindi pa naman niya ito dapat na sagutin. She was just bluffing a while ago.

“Wala nang bawian. Girlfriend na kita.” Niyakap siya nito.

Di na niya magawang tumutol. She was in love with him. But she was holding back because he was leaving. He aroused emotions she couldn’t control. Kinurot niya ang pisngi nito. “Basta wag mo akong lolokohin.”

“All I want to be is to make you happy and be the man you want me to be. I swear that I will love you forever. Saksi ang pine tree at lahat ng bundok…”

Kinintalan niya ng halik ang labi nito. “Naniniwala na ako.”

“This is my best summer, Fawna. And every summer, I’ll wait for you here.”

AFTER four years…

“Perfect!” Fawna uttered then pursed her lips. Nasiyahan siya sa nakitang repleksiyon sa salamin. She was wearing a batik skirt and white knitted blouse. Nakalugay ang mahaba at itim na itim niyang buhok. She was wearing ethnic beads and necklaces, pamana pa ng lola niya na isang true-blooded Sagada-Igorot.

She was a chinita. Galing sa daddy niya na isang half-Chinese. Her lightly bronzed skin was glowing. And right now, she looked like tribal princess.

“What have you done to yourself?” nanghihilakbot na wika ng mommy niya nang bumaba siya sa sala. Nakatulala din ang Kuya KC niya at daddy niya.

“What’s wrong?” she asked then turned around.

“You look like a gypsy!” sabi ni KC na nakangiti. He was amused whenever he see the horror rising on their parents face whenever she dressed up like a heathen.

“Lycerge will love it,” usal niya.

“No!” bulalas ng daddy niya at tumayo. “Change your dress, young lady. Ibinili ka ng mommy mo ng gown. You can’t face Lycerge’s family like that. Kung ipipilit mo ang gusto mo, ikukulong ka namin sa kuwarto at di mo siya makikita.”

“Huwag mo kaming ipahiya,” dagdag ng mommy niya.

Nagdadabog siyang umakyat sa kuwarto. She knew her parents. When they make threat, they mean it. That was what she hated about that place. Lahat ng kilos niya ay pinakikialaman. She had trouble expressing herself. Her father was a successful business tycoon and her mother was a social butterfly.

Mas gusto niya sa Sagada. She could do whatever she wanted.

Nag-ring ang cellphone niya na nasa dresser. Saglit nawala ang inis niya nang mabasang si Lycerge ang caller. “Hello, sweetheart!”

“Lycerge!” Gusto niyang isumbong ang ginawa ng magulang niya. Pero baka sabihin nito na para siyang bata. Ipinagmamalaki niya na matured na siya. She was twenty years old now. At gusto niyang iyon ang Fawna na humarap dito.

“In five minutes, we’ll be there. May blonde akong ipapakilala sa iyo.”

Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng kumukulong tubig. “Lye, don’t you dare bring another girl. Ipapalapa ko kayo sa aso.”

Humalakhak ito. “Selosa ka pa rin hanggang ngayon.”

“I miss you,” usal niya. Minsan lang sa isang taon kung magkita sila uwing nagbabakasyon ito sa Sagada. Email at phone calls lang sila nagko-communicate.

“I miss you, too, sweetheart. May surprise ako sa iyo mamaya.”

Hinablot niya sa dresser ang gown na binili ng mommy niya para sa okasyong iyon. Pakiramdam yata nito ay mamamanhikan na si Lycerge. Importante sa kanya ang araw na iyon and she won’t ruin it. Sa pagkakataong ito, pagbibigyan niya ang mga magulang niya para lang kay Lycerge.

“ANO ang surprise mo sa akin?” tanong ni Fawna kay Lycerge nang magsolo na silang dalawa sa lagoon. Kaninang dinner ay hindi sila makapag-usap. The air was stiff because their family discussed business and politics. Kaya wala siyang ginawa kundi magpakasawang titigan si Lycerge. He didn’t change much during the past years. Nag-mature lang ito. And he sounded more intelligent. Hindi na ito ang makulit na teenager na nangungulit sa kanya.

Ginagap nito ang dalawang kamay niya at humilig sa bridge. “Fawna, I am planningg to settle in Sagada. After your graduation, will you come with me?”

“Of course!” excited niyang wika at niyakap ito. “You make me so happy!”

It was her dream. Gusto niyang sa Sagada tumira, magtayo ng isang maliit na bar kung saan maari niyang ipakita ang talento niya sa pagkanta ng mga original compositions niya at ipagpatuloy ang pangangalaga sa kalikasan. Naunahan siya ni Lycerge. Akala niya ay mahihirapan siyang kumbinsihin ito.

“Pumasok na kayong dalawa sa loob,” utos ng Mommy niya.

“I have an important announcement to make,” wika ng lolo niya.

Natahimik ang lahat. Nakadama siya ng excitement. Ano kaya ang sasabihin ng lolo niya? Na malapit na silang ikasal ni Lycerge. Ganitong klaseng surprise pala ang gusto ni Lycerge para sa kanya.

“Lycerge agreed to be the new member of our political party,” patuloy na anunsiyo ng lolo niya. “And he agreed to run as vice mayor for next year’s election.”

Nagpalakpakan ang lahat. She saw the satisfied smile in everyone’s faces. It was quite a shock. Hindi niya naisip na papasok sa pulitika. Nakipalakpak siya nang tumingin sa kanya si Lycerge. She didn’t want to disappoint him.

Naging mayor ang lolo niya sa Sagada at vice mayor naman ang lolo nito. At dahil wala nang sumunod sa yapak ng mga anak, sa apo naman isinasalin ng mga ito ang interes. At dahil boyfriend niya si Lycerge, nakakita ng opportunity ang mga ito para matupad ang pangarap. To continue their political aspirations.

“I have a grand plan for Sagada. With the flocks of tourist coming every year, I want to develop it into a more sophisticated tourist destination.” Isang miniature replica ang ipinakita nito. Inisa-isa nito ang mga sports facilities, hotel, restaurants, commercial complex at iba pang infrastructure na plano nitong I-develop para sa Sagada. Wala na siyang nakitang mga bundok sa plano dahil tinayuan na ng mga building. “Para mas maraming taga-Sagada ang magkaroon ng trabaho. Di na malalayo ang Sagada sa ibang sikat na tourist spots sa bansa.”

“No! Hindi ako papayag sa plano mo!” tutol niya.

Natigilan ang lahat sa pagtutol niya. Maging si Lycerge ay namutla sa reaksiyon niya. Tumayo ang daddy niya. “I’m sorry. Nagulat lang ang anak ko. Ituloy na ninyo ang pinag-uusapan ninyo.”

“How could you do this, Lycerge? How could you?” nang-aakusa niyang tanong. She felt betrayed. Kanina lang, iniisip pa niyang magkapareho sila ng pangarap. Ang kagustuhan niyang mai-preserba ang Sagada at protektahan ito. And he tore up her dreams right before her eyes.

Ikinulong siya ng daddy niya sa library. “This is too much, Fawna. Wala ka nang ibinigay sa amin kundi pati sakit ng ulo. Ipinahiya mo kami. At pati mismong boyfriend mo, ipinahiya mo sa harap ng maraming tao.”

“What have I done wrong, Dad? Masayang-masaya kayong nagpapalakpakan sa labas habang plano ninyong sirain ang Sagada.”

“Shut up!” sigaw ng Daddy niya.

“Tito, can I talk to Fawna?” tanong ni Lycerge nang pumunta sa library.

“Sure. Baka ikaw ang makapagpatino sa kanya,” anang Daddy niya at iniwan silang dalawa.

Inirapan niya ito. “If you are fishing for compliments about your brilliant plan, you can’t get it from me.”

“Fawna, what’s wrong?” malambing na tanong ni Lycerge. “Don’t you want me to run because politics is dirty?”

“It is your idea that’s chilling, Lycerge. Sagada is a sacred place for me. Ayokong matulad siya sa ibang tourist destination na nasira dahil sa sobrang development. At di ko matanggap na ikaw mismo ang sisira sa pangarap ko!”

“Doon din naman mauuwi ang lahat, di ba? Sa pag-unlad. You can’t stop progress, Fawna. Lalo na sa Sagada. Maraming nangangarap na umunlad. Sagada has its opportunity. Why waste it? Pagkakataon na ito ng mga taga-Sagada para paunlarin ang bayan nila at pamumuhay nila. With all the tourists flocking every year, hindi malabong madoble pa ang bilang niyon kapag nasa Sagada na ang sophistication ng ibang lugar. It is not that bad.”

“At the expense of the nature’s destruction? Tatayuan mo ng building ang mga bundok? Puputulin mo ang mga pine trees? Saan titira ang mga hayop na doon nabubuhay? You will destroy their ecosystem. And the time will come that Sagada would be overcrowded. Ano pang ipinagkaiba niya sa Manila at Baguio? I don’t want that to happen.”

“Hindi ko sisirain ang Sagada. I just want to have it developed,” paliwanag nito. “Walang masama sa plano ko.”

She bit her lower lip. She thought that she would be happy to see Lycerge again. Pero iba ang nakikita niya. Habang pareho silang nagbago, magkaiba naman ang paniniwala nila sa buhay. “I thought we share the same vision, Lycerge. It looks like I am wrong.”

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. “Don’t say that. Gusto ko lang na suportahan mo ako sa mga pangarap ko.”

“At the expense of my dreams?”

“Of course not!” Niyakap siya nito. “Listen, I need you right now. Para sa ating dalawa ang ginagawa ko.”

“You don’t need me!” Hindi niya sinagot ang yakap nito. She remained stiff. “Hindi ako tatayo sa tabi mo habang sinisira mo ang bayang minahal at inalagaan ko. That is my true home, Lycerge.”

“We love each other. Iyon ang mahalaga.”

“You love yourself! Pangarap mo lang iniisip mo. You are inconsiderate.” Hindi lang sa kanya kundi pati sa mga bagay na pinoprotektahan niya.

“Get real, Fawna! You can’t stop the world from spinning.”

“Then we are not meant for each other. You love your political career more than you love me. Ganoon din ako. Good bye, Lycerge!” she said in a cold voice. “Think about it, Lycerge. Minsan, nalalaman mo lang na importante ang isang bagay sa iyo kapag nawala na siya. At baka huli na kapag nagsisi ka.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.