Skylander Series Chapter 64

Sa huling tipa ng gitara at huling bagsak ng tambol ay umani ng palakpakan si Fawna. Puno ang Anahaw Bar, isang popular na music lounge at restaurant sa lungsod ng Baguio. Karamihan ay mga foreigners at artist ang dumadayo doon para makinig sa kakaibang tugtog. Lahat ng nagpe-perform doon ay environmental na may ethnic na tunog ang kanta. Maging ang mga dancers ay ethnic at interpretative ang sinasayaw. Dahil earthy ang ambiance ay napaka-relaxing ng lugar.

Matapos mag-bow ay bumaba siya sa stage bitbit ang bell na nakapulupot sa kamay niya na ginagamit din niyang instrument. Puro indigenous instruments din ang gamit niya kapag nagpe-perform. Dalawa silang singer na nakasalang sa gabing iyon. Siya sa first set habang ang kaibigan naman niyang si Ziann ang kasunod.

“Ang galing mo!” puri ni Ziann sa kanya nang maki-share siya sa table nito. Inookupa ang dressing room ng mga dancers na makakasama nito. Naghihintay na lang ito ng turn nito. Sampung minuto pa at ito naman ang kakanta.

Magkasama sila sa environmental club noong college. Nang mangailangan siya ng matatakbuhan ay sa bahay nito sa Baguio siya nakituloy. Pamangkin ito ng may-ari ng bar kaya di ito nahirapang ipasok siya. Parang kapatid na rin niya ito. At pareho rin silang writer para sa website ng environmental group kung saan miyembro sila. Medyo discreet nga lang siya dahil baka matunton siya ng magulang.

“Isang mountain tea naman, Kuya,” order niya sa waiter.

“Hindi mo ba napansin ang guwapong lalaki sa dulo?” tanong ni Ziann.

“Ano ngayon kung guwapo siya?”

Kapag sinasabi kasing guwapo, si Lycerge agad ang naiisip niya. At ayaw na niya itong maisip pa. Ayaw na niyang isipin ang mga tinatakbuhan niya.

“Wala lang. Kakaiba kasi ang tingin niya sa iyo kanina. Parang type ka niya. Tingnan mo naman kahit minsan lang,” udyok nito sa kanya at siniko siya.

“Isang tingin lang, ha? Tapos wag mo na akong kakantiyawan.” Hindi kasi siya nito tatantanan hangga’t di ito napagbibigyan.

“Oo na. Dali, habang nakatingin pa siya sa iyo,” kinikilig nitong sabi.

Sinulyapan nga niya ang lalaki. Medyo dim ang ilaw sa lugar pero dahil sa lamp na nasa taas ng ulo ng lalaki ay nakita niyang mabuti ang mukha nito. Dapat ay sulyap lang iyon pero muli siyang napatingin habang pinagmamasdan ito.

“O, sabi mo sulyap lang. Naguwapuhan ka din sa kanya at natulala ka, no?” panunudyo nito sa kanya.

“That’s Lycerge!” bulalas niya. Kumurap siya ng ilang beses pero hindi ito produkto ng imahinasyon niya. Nakaupo pa rin ito sa mesa sa sulok at nakatitig sa kanya habang umiinom ng rice wine.

“That handsome guy is Lycerge? Your Lycerge?” Naalarma si Ziann at hinatak ang kamay niya. “Ano pang inuupo mo diyan? Magtago ka na! Baka isumbong ka niyan sa Mommy mo. Lagot ka tiyak.”

But she didn’t heed her warning. Tumayo siya at walang takot na nilapitan si Lycerge. Hindi naman siguro siya ang pakay nito. Pero dapat pa rin niyang malaman kung anong masamang hangin ang nagdala dito. And besides, she couldn’t stop that stirring sense inside her heart. She wanted to see him again.

“Good evening, Vice Mayor Robles,” nakangiti niyang bati dito pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. “Mukhang naliligaw ka yata.”

He ran for vice mayor last year and won. Malakas ang hatak nito dahil sa suporta ng mga pamilya nila. But she didn’t join them. Sa halip na ikampanya ito ay tumakbo siya palayo dito. Binigyan niya ito ng isang taon para mag-isip. Nakiusap na huwag na nitong ituloy ang lahat ng plano nito na makakasira sa Sagada. Pero hindi ito nakinig.

“You look good, Fawna,” sabi nito at tinangka niyang halikan sa pisngi. She was able to turn her face just in time. Kahit na gusto pa niyang yakapin ito at halikan, may pride naman siya. “I watched your performance a while ago. I was amazed. Hindi ko alam na ganoon ka kagaling kumanta. Bakit di mo sinabi sa akin?”

“Because you were too busy campaigning, Lycerge,” she said in a smooth voice.Di nito maa-appreciate ang mensahe niya.“Saka huwag kang plastik.Di ka nag-enjoy sa performance ko. Baka pinagtatawanan mo ako. Maybe I look stupid to you.”

“That’s not true,” tanggi nito. “You are really great.”

“Did you listen to the message of the song? Hindi ba nasunog ang tainga mo sa message ng kanta o manhid ka lang talaga?” patutsada niya.

Nagseryoso ang mukha ni Lycerge. “I didn’t come here to exchange barbs with you, Fawna. Nalaman ko lang sa isang kakilala ko na dito ka kumakanta. At dahil may conference ako dito, sinadya na rin kita. It has been a long time since I saw you. Gusto ko lang malaman kung nami-miss mo ako.”

Nangalumbaba siya. “Nami-miss ba kita? Of course I do.” Kung aalisin lang ang lahat ng hinanakit niya dito, masasabi niyang nami-miss niya ito. Kahit na ayaw niya itong isipin, pilit itong umuukil sa isip niya. “Nami-miss ko ang mga pangako mo sa akin dati. On how you’ll help me preserve the nature and save the world. Nasaan na nga ba ang mga pangako mo sa akin?”

Naging malamig ang mga mata nito. Hindi na ito ang Lycerge na tumutungo at nagso-sorry kapag pinasasaringan niya. Wala na itong pakiramdam. Wala na rin itong pakialam kung anuman ang nakakasakit sa kanya.

“Tuwing magkikita ba tayo, iyan na lang lagi ang isusumbat mo sa akin? Gusto ko namang maging masaya tayo kahit minsan kung magkikita tayo.”

How would I be happy when you broke my heart into pieces?

Pero walang kwenta kung malaman nitong nasasaktan siya. All he cared about right now was his dreams. At hindi siya bahagi niyon.

Tumayo siya. “Go back to your elegant hotel. You don’t fit in here.”

Sumandal ito at pinagmasdan lang siya. “I am a customer. Hindi naman kita ginugulo kaya huwag mo akong itaboy. Besides, don’t you have plans to go home?”

“Where? To the elegant mansion in White Plains? That was never my home.”

“No. Just go back to your family.”

She went still. Matagal na niyang kinalimutan na may pamilya niya. Na may puwang pa siya sa buhay ng mga ito. Na may puwang pa siya sa buhay ni Lycerge.

She couldn’t take the high-fallutin’ world they live in. Di naiintindihan ng mga ito ang nararamdaman niya. She just wanted them to accept her for what she was.

Nagpalipat-lipat siya ng bahay at trabaho para mamuhay nang ayon sa nais niya. Pero lagi na lang siyang nasusundan ng mga imbestigador na binayaran ng mommy niya. Subalit patuloy pa rin siyang tumatakas sa nakakasakal na mundo na ihinanda ng mga ito para sa kanya. Ngayong naranasan niya kung gaano kasarap maging malaya, hindi na siya babalik pa doon.

“No, thanks. Mas gusto ko dito dahil nirerespeto ako ng mga tao dito. They don’t dictate what clothes I should wear, what songs I should sing or what decorum I should follow. They don’t treat me like a nuisance.”

“Why don’t you give your family a chance?” suhestiyon nito. “Mas mapapaganda ang buhay mo kasama sila.”

“Para ikulong ulit sa hawla? Ayoko na! Kung gusto mo ng ganoong buhay, pwes, hindi ako.” Pinanlakihan siya nito ng mata. “Kaya huwag na huwag mong sasabihin sa kanila kung nasaan ako. Kung hindi…”

“Too late, Fawna. I already called your mom.”

“What?” bulalas niya. Gusto pa sana niyang away-awayin si Lycerge at pagsalitaan ng masasakit pero wala na siyang oras. Kailangan niyang makaalis.

Dali-dali niyang kinuha ang bag at mga instrumento sa mesa ni Ziann. Nasa stage na ang kaibigan niya at naghahanda nang mag-perform. Sinenyasan niya ito na tatawagan ito. Wala na siyang oras para magpaalam dito. Baka nga hindi na siya makapag-iwan pa ng note ng pasasalamat. Kailangan niyang kuhanin ang lahat ng gamit na madadampot niya sa bahay nito. Tatawagan na lang ulit niya ito para ikwento kung ano ang nangyari.

Dumaan siya sa backdoor ng bar. Hindi niya alam kung saan siya ulit susuling. Bahala na. Ang mahalaga ay di siya maabutan mga tauhan ng mommy niya. Hinding-hindi na siya babalik pa sa buhay na kinalakihan niya.

Pero paglabas pa lang niya sa backdoor ay nakaabang na ang dalawang lalaki na nakasuot ng jacket. “Ma’am Fawna, kami po ang susundo sa inyo.”

“Matagal na po kayong hinahanap ng mommy ninyo,” anang pangalawang lalaki na mas matangkad at tinangka siyang hawakan.

“Don’t you touch me!” sigaw niya. “Hinding-hindi ninyo ako maiuuwi sa amin. Subukan lang ninyo.” Handa siyang labanan ang mga ito.

“Fawna, huwag ka nang lumaban,” sabi ni Lycerge na kasunod pala niya. “Ginagawa lang naman nila ang trabaho nila.”

“Shut up!” bulyaw niya dito. “This is all your fault! Sumbungero ka! Nananahimik ako dito pero ginugulo mo ang buhay ko.”

“Anong nangyayari dito?” tanong ni Edwin, ang may-ari ng bar.

Pati si Ziann na dapat ay kumakanta na sa stage ay napasugod din. “Anong gagawin ninyo sa kaibigan ko?”

“Ako ang manager ni Fawna,” sabi ni Edwin. “Kung may problema kayo sa kanya, sa akin ninyo sabihin.”

“I am Vice Mayor Lycerge Robles,” pagpapakilala ni Lycerge at kinamayan si Edward. “Sila naman po ang tauhan ng pamilya ni Fawna. Naatasan po sila para hanapin siya at sunduin. Matagal na po siyang hinahanap ng pamilya niya. At nandito po ako para tiyakin na ligtas siya.”

“Tito Edwin, tulungan po ninyo ako,” pakiusap niya.

“Fawna, mukha namang wala silang masamang intensiyon sa iyo. Matagal na kitang sinabihan na bumalik ka na sa pamilya mo, di ba?” wika ni Edwin. “Kausapin mo sila at sabihin mo sa kanila kung ano ang gusto mong gawin.”

“Pero Tito…” mangiyak-ngiyak niyang sabi. Ayaw niyang mapalayo dito dahil ito na ang itinuring niyang pangalawang ama. Naiintindihan kasi nito kung ano ang nararamdaman niya.

Pinisil nito ang balikat niya. “Pwede ka namang bumalik dito sa bar ko anytime. Welcome ka dito. Para na rin kitang anak.”

“Kung may magiging problema sa pag-alis ni Fawna, ako na ang bahalang mag-settle ng damage,” sabi ni Lycerge at maglalabas sana ng wallet.

“Walang problema sa akin si Fawna. Basta tiyakin mo na ligtas siya.”

“You can keep my word, Sir,” wika ni Lycerge at kinamayan ito.

Niyakap siya ni Ziann. “Don’t worry. Dadalawin kita sa inyo kung hindi ka na makakabalik. At magtatawagan pa tayo, di ba?”

“Sana nga magawa pa natin iyan,” hiling niya. Kung makakabalik na siya sa mga magulang niya, tiyak na bilang na ang lahat ng mga kilos niya. Hindi na siya hahayaan pang makatakas ng mga ito.

“Ako na ang bahalang kumuha sa gamit mo,” sabi ni Lycerge. “Ipapasunod ko na lang sa Manila.”

“Ihahanda ko sila bukas na bukas din,” sabi ni Ziann. Nadudurog ang puso niya habang pinagmamasdan ang lungkot sa mga mata ni Ziann at ni Edwin. Ang mga ito ang naging pamilya niya sa halos isang taon na pamamalagi niya sa Baguio. Kung wala ang mga ito, baka di niya kayang mamuhay nang mag-isa.

She was sure that they wanted her to stay. Wala lang magawa ang mga ito dahil isang may posisyong tao si Lycerge. And maybe his charm was another factor. Kahit sinong makausap nito ay di maaring tumanggi.

“Pumasok ka na sa kotse, Fawna,” malumanay na utos ni Lycerge at inalalayan siya sa braso.

Pumiksi siya at matalim itong tiningnan. “Huwag mo nga akong hawakan! I hate you, Lycerge! Tuta ka ng parents ko! Tuta ka ng mga kapitalista. Nagsisisi ako kung bakit minahal at pinagkatiwalaan pa kita noon. I hate you!”

“ARE you really my daughter?” hindi makapaniwalang tanong ng daddy niya habang pinagmamasdan siya. “You look like an ordinary beggar on the streets. What have you done to yourself, Fawna Celine?”

Tuwid ang tingin niya sa daddy niya habang pinapakinggan ang pagbatikos nito. Nasa sala siya kaharap ang mga magulang. The prodigal daughter was back. At sa halip na matuwa ang mga ito, they looked at her with distaste.

“Don’t worry, Dad. I may look like a beggar but I never tried to ask other people for their money. I work hard. At itong itsura ko ay kasama sa packaging ko. Makakapaglakad pa kayo nang taas-noo ni Mommy dahil matino naman ang naging trabaho ko. Di ba kayo natutuwa sa accomplishment ko?”

“Accomplishments?” bulalas ng mommy niya. “Ano naman ang napala mo sa pagkanta-kanta sa mga bar nang mukhang baliw.”

“Would you be happier if I am like some popstar?”

“I would be happier if you will learn how to run our business,” sabi ng mommy niya. “May pinag-aralan ka naman, Fawna. Pero hindi mo ginagamit ang utak mo. Pinaiiral mo ang kalokohan mo. Muntik na akong himatayin nang isang anak ng amiga ko ang nakakita sa iyong pagala-gala sa Baguio. I denied it. Alam kasi ng mga amiga ko na nasa States ka. Nakakahiya!”

That was what she was exactly. A liability. Iyon lang ang sasabihin sa kanya ng mga magulang niya. They couldn’t accept the real her.

“That’s the price you have to pay for sugar-coated lies, Mom. Saka wala akong ginawa na dapat ninyong ikahiya. Dahil lang di ko gustong pamahalaan ang negosyo, ikakahiya na ninyo ako.”

“Nang umalis ka at mag-iwan ka ng sulat, sinabi mo na gusto mong lumayo para hanapin mo ang sarili mo,” sabi ng daddy niya. “Natagpuan mo na ba ang sarili mo? Masaya ka ba sa natuklasan mo?”

“I am very happy, Dad. I had never felt so free and happy in my life. Mas masarap kumanta at makasama ang mga taong nakaka-intindi sa akin kaysa pakisamahan at makipag-plastikan sa mga taong nakakasalamuha ninyo.”

Nasapo ng mommy niya ang noo nito. “I can’t believe this. Hindi ko alam kung saan nagmana ng kalokohan ang anak mo.”

“Mom, huwag naman ninyong ikahiya na nagmana ako kay Lola. She is a good singer, remember? And these beads, siya mismo ang nagpamana sa akin. I am proud of my heritage and my God-given talent. What’s wrong with that?”

“Hindi ito ang pangarap namin sa iyo!” mariing sabi ng daddy niya.

“Your dreams are different from mine. Gusto kong suportahan ninyo ako. I want to sing and save world. That is not something you should be ashamed of.”

“Hindi ko nga alam kung saan kami nagkamali!” naiiritang sabi ng mommy niya. “Hindi ko ikinahihiya na nagmana ka kay Inay. Pero magkaiba kayo. Your time and world are different, Fawna. Huwag mong sayangin ang tsansa na ibinibigay namin sa iyo ng daddy mo. Live well.”

“We just got her on time. Mabuti na lang at natagpuan agad siya ni Lycerge.”

“Lycerge will drop by tomorrow for dinner…”

“Excuse me, Mom, Dad, pero gusto ko nang magpahinga sa kuwarto ko,” putol niya sa sasabihin ng ina. Needless to say that she refused to see Lycerge.

“Si Lycerge pa rin ang gusto namin ng mommy mo para sa iyo. At dadating siya bukas kasama ang mga magulang niya. Pakitunguhan mo siya nang maayos.”

“Don’t force me, Dad. Mapapahiya lang kayo.” Hindi niya mapapatawad si Lycerge sa pagsusumbong sa mommy niya. Nadadagdagan ang kasalanan nito.

“If that’s what you want, then we’ll lock you in your room. Kung iko-consider mo ang pagpapakasal kay Lycerge, we can consider giving you freedom.”

“You can’t do that!” Lycerge was the price of her freedom. Di interes niya ang iniisip ng mga ito. It was all about strengthening the family connection and influence. Maimpluwensiya ang pamilya nila Lycerge kaya itinutulak siya ng mga ito.

“We can!” maigting ang boses na sabi ng daddy niya. “For two years, you lived like a vagabond. Kinalimutan mong pamilya mo kami. We forfeit your freedom from now on, Fawna. Habang di mo kami sinusunod, diyan ka lang sa kuwarto mo!”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.