Skylander Series Chapter 65

Nakatulala sa kisame si Fawna habang iniisip kung paano makakatakas sa hawla na iyon. She was in her elegant room she had since she was a little girl. Pero kahit ang sarili niyang kuwarto ay iba sa kanyang pagkatao. It was adorned with lavender wallpapers. Kahit gaano pa iyon kagandang tingnan, isang hawla pa rin iyon para sa kanya. At hindi siya makaisip ng paraan kung paano makakalabas doon.

Bumukas ang pinto ng kuwarto niya. “Sulking, little girl?”

“Ate Evaine!” tuwang-tuwa niyang sabi at sinalubong ito ng yakap. Pakiramdam niya ay nakakuha siya ng kakampi sa katauhan nito. Ito ang girlfriend ng Kuya KC niya. Mula pagkabata ay magkaibigan na sila nito.

“Where have you been all this time? You gave your parents a fit. They were searching for you all over the country. Saang bundok ka nila nakita?”

“Sa Baguio.” Sumampa siya sa kama. “We have an environmental concert nang makita ako ng mga inupahan nila para hanapin ako.”

“Hindi ka pa nagsasawa sa paglalayas mo? Don’t you want to settle here for a while? Don’t you miss your parents? This is your home.”

“This is never my home,” aniya at tumingin sa labas ng bintana. She envied the clouds fluttering at the sky. “I hate stoned walls and air-condition makes me itch. I want the feel of the fresh air, the wind on my face and run away from here!”

“Well, I guess you had a hell of adventure. Ilang buwan ka ring nawala. Look at you, you look like a pauper.”

“I am happy with my life. How about you? Are you still crazy about that stupid brother of mine?”

Natawa ito. “I am not that stupid anymore,” anito. “Na-realize ko lang na hindi talaga niya ako mahal. I always believe in fairy tales, you know. That he is my prince and he loves me. Pero ako lang pala ang nagmamahal. He’s dating every girl in town except me. Masakit ang ginawa kong pakikipaghiwalay but it is worth it.”

Nagtatalon siya sa kama at pumalakpak. “Oh, that’s good. Matagal ko nang sinasabi sa iyo na lalaki ang ulo ni Kuya KC hangga’t alam niyang may babaeng nababaliw sa kanya. Hangga’t ganoon ang sitwasyon, hindi ka niya bibigyan ng atensiyon.” Her brother was a first rate conceited jerk. Akala kasi nito ay laging nasa tabi nito si Evaine. Dapat lang itong matuto ng leksiyon.

“He sent me a roomful of flowers a while ago.”

“See? Ngayon niya nakita ang importansiya mo nang wala ka na. Serves him right. Make him run after you.”

Bumuntong-hininga ito. “Love makes life more complicated. Kaya ayokong mai-in love, sa totoo lang! Nakakabaliw!”

“And you have enough complication in your life.”

Lumapit siya sa naka-grilled na bintana. Pakiramdam niya ay preso talaga siya. “What am I gonna do now? I want to get out of this cage. I wanna breathe! I wanna be free!” sigaw niya para mailabas ang frustration. “Pero sinasabi ni Daddy na kalokohan lang ang gusto ko.”

“Do what you want. I am insanely jealous of you. May sarili kang isip. May pangarap ka na gusto mong tuparin.”

Nilingon niya ito. “Wala ka bang pangarap?”

“Lahat ng pangarap ko, umikot sa kuya mo. Kung ilan ang magiging anak namin. Kung saan kami titira. Hanggang sa magiging apo namin. Wala akong itinira para sa pansarili ko lang.”

“Then you can start dreaming again.”

“I don’t know where to start. Or what to dream about.”

“Then you need to find yourself first!” suhestiyon niya.

“Saan ko naman hahanapin ang sarili ko? What if I go to Tibet and do some meditation? Do you think I would realize my purpose in life?”

“There is a certain place where I would really love to go back to. It is really close to my heart. My ancestors came from that place. I miss the pine trees, the orange farm and the old porch swing.”

“Wow! Saang lugar naman iyan?”

“Sagada. My family used to spend summers in our ancestral house there. It is a peaceful place. Masarap mamitas ng orange at citrus fruits. Masarap din makinig sa mga kwento ni Manang Berta, iyong nagbabantay sa bahay namin doon. I wish I could go back there,” malungkot niyang usal.

“Kung doon ka babalik, sa tingin ko papayagan ka ng mga magulang mo. It is a perfect place for artists like you.”

“It is not the same place,” she expressed in sad voice.

“Hmmm… but I would love to go there,” excited nitong sabi. Bigla itong natigilan. “Ano na lang ang sasabihin ng kuya mo?”

“Wala. Saka hindi naman siya makakasunod doon. Busy siya dito.” And he won’t waste his time going to Sagada. He was a city boy after all.

“Me likey!” excited na sabi nito. Noon lang niya ito nakitang ngumiti ulit. “How about you? Ayaw mo bang sumama sa akin?”

“I love Sagada. But I can’t go back there anymore,” malungkot niyang sabi.

She vowed that she would never set foot Sagada. Nadudurog ang puso niya kapag nakita kung paano ito dahan-dahang dudurugin ng industriyalisasyon at sibilisasyon. At higit sa lahat, ayaw niyang madurog ang puso niya kapag nakita si Lycerge. Dahil nasira na ng mga pangarap nito ang lalaking minahal niya.

“By the way, nabanggit sa akin ng mommy mo na dadalawin ka ni Lycerge bukas. Kumbinsihin daw kita na kausapin siya. They still like Lycerge. Bakit di mo siya subukang pakisamahan?” suhestiyon nito. “Wala namang masama. Hindi mo ba ikino-consider na makalabas dito sa tulong niya?”

“He is no different from my parents. Maliit lang ang tingin niya sa akin at sa mga pangarap ko. At hinding-hindi ako hihingi ng tulong sa kanya,” mariin niyang wika.Mas gusto na niyang makulong sa kuwartong iyon kaysa lunukin ang pride niya.

“Huwag ka nang magmatigas. Lalo ka lang iipitin ng parents mo. If I were you, I will try to be sweet to him and sweet talk him.”

Huminga siya nang malalim. “Hindi ko yata kayang makipag-plastikan.”

“This is survival of fittest, Fawna. If you won’t be brave enough to face him and use him, mabuburo ka na sa kuwartong ito. There is something more important than your pride. That is your freedom.”

Tumining sa isip niya ang sinabi nito. Freedom. Kailangan na nga yata niyang sanayin ang sarili niya na pakisamahan si Lycerge. Pansamantala lang. At kapag nakatakas na siya sa hawlang iyon, wala na siyang pakialam pa kay Lycerge.

“MABUTI na lang at hindi ka na galit sa akin,” mahinang usal ni Lycerge habang nasa sala sila at umiinom ng tsaa. Gaya ng payo ni Evaine, sumalo siyang makipag-dinner dito at sa Mama nito. Para kahit paano ay makalaya siya. Malapit na siyang ma-suffocate sa pagkakakulong sa kuwarto niya.

“Bakit naman ako magagalit sa iyo? Ginawa ko lang naman ang alam mong tama, di ba?” malambing niyang sabi kahit na nagngingitngit ang kalooban niya. Oras na sumimangot siya kahit isang saglit lang, sasabunutan siya ng mommy niya.

“Fawna, now that you are back, perhaps we should start planning for the wedding,” sabi ng Mama ni Lycerge na si Letitia.

Kumalatok ang tasa niya sa platito nang ilapag iyon. She was rattled by the idea. “K-Kasal po?”

“Yes. Dapat lang siguro. Malapit na ulit ang eleksiyon. If Lycerge would consider running for a higher position, he should have a wife. Matagal mo na siyang boyfriend. Wala naman sigurong masama kung magpapakasal na kayo.”

Umaliwalas ang mukha ng mommy at daddy niya. So that was it. They were pressuring her again. At ang alam ng lahat ng tao ay boyfriend pa rin niya si Lycerge. How clever! They had it all manipulated.

Nagsalin siya ng tea sa tasa niya. “Tita, hindi ba sinabi sa inyo ni Lycerge na wala akong planong pakasalan siya?” aniyang di na mapigil ang bibig. She promised that she would be nice and sweet. Pero iba na kapag kasal ang pinag-usapan.

“Yet,” salo ng mommy niya. “Marami pang plano si Fawna.”

“She should decide right away. And she should be more visible in social gatherings from now on as Lycerge’s future wife. Dapat nating I-schedule ang pagsama niya sa mga charity works natin.”

“I agree,” sabi ng mommy niya at sinenyasan siyang sumang-ayon.

“Pero bakit puro dito sa Manila ang charity works ninyo? Why should I mingle with the elite circle, hindi naman sila ang constituents ni Lycerge.”

“Hindi habambuhay na magiging pipitsuging vice mayor ang anak ko. I have bigger dreams for him, grander plans. If you want to waste your time doing charity works for the mountain people, it is up to you. Sinasabi ko lang kung ano ang magiging responsibilidad mo as his future wife. Be prepared.”

“Pwede ba namin itong pag-usapan ni Lycerge, Tita?” tanong niya.

“Sure,” sabi ni Letitia. “Kanina pa siguro ninyo gustong magkasarili.”

Kaninang-kanina pa talaga. Dahil kanina pa gustong sumabog ng dibdib niya sa sobrang inis. “Sorry sa sinabi ni Mama,” sabi nito nang silang dalawa na lang.

“Kindly tell her that I don’t have any plans to marry you. At matagal na kitang hindi boyfriend. Mas gusto ko pang tumandang dalaga.”

“Am I that repulsive, Fawna? You’d rather live a lonely life than marry me?”

“You and my family represent everything that I am running away from. Puro sarili lang ninyo ang iniisip ninyo. You never really cared about me. And you are worse than them, Lycerge. You made me believe that you are the man for me. Pero iba pala ang laman ng puso mo. It was all about you and your selfish dreams. Ano ako sa buhay mo? I would be a nuisance girlfriend. I am just a decoration. Katulad ng gustong mangyari ng mama mo. Dahil wala kang pakialam sa nararamdaman ko at mga pangarap ko.”

“What can I do to change that? Tell me!” pakiusap nito.

“Tuparin mo ang pangako mo. Huwag mong sirain ang pangarap ko para sa Sagada. Sagipin mo siya sa mga ganid na nagmamahal sa pera.”

“Puro pangarap mo na lang ba, Fawna? Paano ang pangarap ko na pangarap din ng mga ordinaryong tao na gustong paunlarin ang bayan nila? Ipagkakait mo ba iyon sa kanila? I also need a woman who will stand by my dreams. Iyong susuportahan ako.”

“And it is not me,” mapait niyang sabi. “Ngayong malinaw na iyon sa atin, huwag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa akin. You don’t need me.”

Niyakap siya nito. “You are wrong. I love you, Fawna. Ikaw pa rin ang kailangan ko. Why don’t we compromise?”

Mapait siyang ngumiti at lumayo dito. Mahal siya nito pero hindi nito mahal ang totoo niyang pagkatao. Hindi nito kayang yakapin ang pangarap niya dahil nangungunyapit na ito sa sarili nitong pangarap.

“There is no room for compromise here. There are no gray areas in our relationship. Either it is black or white. One of us has to give up.”

Pero nakita niya ang katatagan sa mga mata nito. Walang sinuman sa kanila ang maaring sumuko. Walang maaring magbigay.

“I’ll tell my mother to stop pushing you about the wedding,” sa halip ay sabi nito. She felt more disappointed. Wala na silang pag-asa.

“Tell her to find a more suitable girl for you. Wala kang maaasahan sa akin,” wika niya at naglakad palayo. Kahit na mahal niya ito, di rin niya kayang labagin ang prinsipyo niya. Mas matatahimik sila pareho kung kalilimutan nila ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.

“I still love you, Fawna!” sigaw nito. “Hihintayin ko na magbago ang isip mo. Hihintayin ko na bumalik ka sa akin. Hindi pa rin ako susuko sa iyo.”

Tumigil siya sa paglalakad subalit hindi siya lumingon. “I am sorry, Lycerge. I already gave up on you a long time ago.”

“Anong nangyari?” tanong ni Letitia nang pumasok siya sa sala.

Bahagya siyang yumukod. “I am sorry, Tita. Pero hindi na kami ikakasal ni Lycerge kahit kailan. Tapos na po ang relasyon namin.”

Napasinghap ang lahat. Narinig niya ang pagtawag sa kanya ng daddy niya subalit tuloy-tuloy siyang pumasok sa kuwarto niya. Bahala na si Lycerge na magpaliwanag sa mga ito. Di na nila maaring itago ang katotohanan.

Sa ginawa niya, habambuhay na siyang makukulong sa hawlang iyon. Subalit ang mas masakit, habambuhay na nakakulong ang puso niya kay Lycerge. Paano niya tuturuan ang puso na kalimutan ang lalaking bumigo sa kanya?

“YOU will rot here, Fawna! Dito ka na mabuburo habambuhay. Ipinahiya mo kami ng Daddy mo! Kung pumayag ka sanang maikasal kayo ni Lycerge, wala ka sana dito. Why don’t you use your brain once?” umaatikabong sermon ng mommy niya.

Wala na yata itong ginawa maghapon at magdamag kundi ang ipamukha sa kanya kung gaano siya kaistupida. Kung di nga lang labag sa karapatang pantao, baka di na siya pinakain pa nito sa sobrang galit.

Kahit na inako ni Lycerge na kasalanan nito kung bakit ayaw niyang magpakasal, siya pa rin ang pinagbuntunan ng galit ng mga magulang niya. Mas gusto na niyang marinig ang paulit-ulit na sermon ng mommy niya. Kaysa naman wala siyang kausap sa kuwarto niya kundi mga butiki.

“Mommy, hindi ba kayo napapangal sa kasesermon sa akin? Desisyon namin iyon ni Lycerge. Mabuti nga iyon para makahanap na siya ng iba.”

“At ikaw, ano ang plano mong gawin sa buhay mo?”

Tumingala siya. “Hinihintay ko lang na may dumaang ipis, daga at butiki dito sa kuwarto ko.”

“Walang ipis at daga sa bahay natin,” mariing kontra nito.

“Whatever! Basta nagdesisyon na ako. Hindi ko pakakasalan si Lycerge. I don’t care if you want me to rot in here.”

Bumukas ang pinto at pumasok ang Kuya KC niya. “Mom, can I talk to Fawna? Importante lang ito.”

Pinunasan ng mommy niya ang sariling noo. “Talk to your sister. Tell her to straighten up her life. O kaya pumasok na lang siya sa kumbento kung ayaw niyang mag-asawa para naman may pakinabang siya.”

Niyakap niya ang unan nang silang dalawa na lang magkapatid ang naiwan sa kuwarto. “What do you want, big brother? Himala na kakausapin mo ako.”

Hindi naman siguro siya nito kukumbinsihin na pakasalan si Lycerge. May sarili itong makulay na mundo bilang modelo at busy ito sa dami ng atensiyon na ibinibigay ng mga tao dito. He was drowning in his own world of lights and glamour.

“Where is Evaine?” hanap nito sa girlfriend.

“Ewan ko. Di ba kayo ang laging magkasama.” Dati kasi ay wala nang ginawa si Evaine kundi sundan ito. Halos anino na nga nito si Evaine. Mukhang tuluyan nang natauhan si Evaine na kalasan ang kuya niya.

“She took a vacation. I tried to contact her resthouse in Vigan but she is not there. I wonder kung saan siya nagpunta.”

“You suddenly care about her.”

“She’s my girlfriend! Dapat lang na mag-alala ako sa kanya.”

“She doesn’t think so,” mahina niyang usal. Siya mismo ang saksi kung paano balewalain ng kapatid niya si Evaine.

Matalim ang mata siya nitong tiningnan. “So you know where she is. Sinabi niya sa iyo kung saan siya pupunta, di ba?”

She smiled sheepishly. “She said Vigan. Then it’s Vigan.”

Namaywang ito. He was trying to intimidate her. “I want the truth!”

Tumayo siya sa ibabaw ng kama para ipakitang di siya natatakot dito. “I promised not to tell a soul, brother. Lalong-lalo na sa iyo. She made it very clear. And I intend to keep my promise.”

Biglang lumambot ang mukha nito at hinawakan ang dalawa niyang kamay. “Help me, Fawna. I need to find her.”

“Binalewala mo siya. Tapos bigla kang maghahabol ngayon. But you lost her big time, brother. Wala siyang planong magpakita sa iyo.”

“Na-realize ko na ang mali ko. I will do everything to take her back. I love her. May dahilan ako kung bakit dumidistansiya ako noon. Pakiramdam ko hindi niya ako mahal. Namulat lang siya sa idea na gusto kami ng parents namin para sa isa’t isa. You see I intend to take her back. To prove to her that I love her.”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Di mo na siya sasaktan?”

“Sasabihin mo ba sa akin kung nasaan siya?” bigla ay nakangiti nitong tanong. Akala siguro ay napalambot na siya nito.

“Madali akong kausap, Kuya KC. With the right price.”

“What do you want? Gagawin ko ang lahat!”

Pinisil niya ang pisngi nito. “I want my freedom, bro. I want to get out of this cage.” She indicated the room. “Can you do that for me?”

Bigla itong lumayo sa kanya. “Are you mad? How could we possibly do that?” Kahit kailan yata ay di nito kayang suwayin ang magulang nila. Takot ito.

“Lagi mong ipinagmamalaki sa akin na matalino ka. Wala kang maisip?”

“Sabihin mo sa akin kung nasaan si Evaine at iisip ako ng paraan para makatakas ka dito.”

Pumalatak siya at umiling. “Sigurista ako. Kapag may guarantee na akong makakalabas dito, saka ko sasabihin kung nasaan si Ate Evaine.”

“Okay. Iisip ako ng paraan.”

“Twenty-four hours, brother dear,” pahabol niya dito. “O baka sa oras na iyon, makahanap na si Ate Evaine ng ipapalit sa iyo.” She made a sorrowful face. “Kawawa ka naman kapag nagkataon.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.