Skylander Series Chapter 69

Di maipinta ang mukha ni Fawna habang naggo-growl ang vocalist ng isang youth band. Kanta iyon ng Slapshock. At na-shock siya nang sabihin ni Lycerge na taga-Sagada ang mga kabataang iyon. Hindi kasi iyon ang inaasahan niyang performance. At lalong hindi iyon ang inaasahan nilang date. Nasa Café St. Joe sila sa St. Joseph, ang pinakamalaking provider ng accommodation sa Sagada.

“Sila ang produkto ng program na nai-develop ko,” kwento ni Lycerge. “Gusto ko kasing malayo sila sa bisyo. Ilang professional band na dito naka-settle sa Sagada ang nag-volunteer na mag-train sa kanila. Kaya tuwing hapon, magkakasama silang nagpa-practice. Mas nagiging close pa ang ties ng bawat kabataan sa isa’t isa.”

“Bukod sa music, ano pa ang natututunan nila?”

“May theater acting, sports tulad ng basketball, baseball at martial arts. Sila James at Klein ang ilan ang nagtuturo sa kanila sa martial arts.”

Pumalakpak siya nang matapos ang kanta. Nasundan iyon ng kanta ng Razorback. “Nice program,” puri niya.

“Bakit parang hindi ka nag-e-enjoy?”

“Hindi lang ako makahinga.” Marami ring guest doon na nanonood. Sanay naman siya sa maraming tao. Hindi lang siya makahinga sa klase ng musika. Pakiramdam kasi niya ay nasasakal siya.

“Lumabas muna tayo,” sabi nito at inalalayan siyang tumayo. “Parang hindi ka nag-enjoy sa date natin.”

“No offense meant. Magagaling naman ang mga nagpe-perform. Hindi lang ako sanay sa klase ng music nila.” Mas sanay siya sa mas mahinay na mga tugtog. Just enough to make people relax. At mas makabuluhan at malinaw ang mensahe.

Matagal siyang pinagmasdan ni Lycerge nang bumuntong-hininga siya. “Spill it, Fawna. May gusto kang sabihin sa akin,” wika nito habang naglalakad sila sa grounds ng St. Joseph.

Umupo siya sa wooden bench na nasa ilalim ng puno. “Hindi ba kasama sa program mo ang pag-I-improve sa kaalaman ng mga youth sa sarili nilang kultura.”

“Katulad ng?”

“Ethnic music and dances. Sa palagay ko, iyon ang mas dapat nilang linangin. Para maipakita nila sa ibang tao ang sarili nilang kultura at tradisyon.”

Umiling si Lycerge. “Napag-usapan na naming ito ng council ng Sagada pati na rin ang tourism center. Ayaw naming I-promote ang culture ng Sagada sa iba. We know the impact it would have in the coming years. We don’t want to end up entertaining tourists tulad ng nangyari sa ibang lugar.”

“Hindi mo ba naisip kung ano ang magiging impact nito sa mga kabataan kung di nila nililinang ang sarili nilang kultura?”

“They know enough about their culture. And we are responsible for protecting our own culture. We don’t allow tourists to take pictures especially during special rituals. Para sa amin, sagrado ang kultura namin.”

“Mabuti sana kung mabuti ang magiging resulta. Paano kung dumating ang point na di na nila ma-practice ang sarili nilang kultura? They live in a community with a unique culture and tradition. If you want to respect some of the rituals and the traditions, fine! Pero ang pagpapakita sa mundo kung anong kultura mayroon dito ay hindi magiging daan ng pagkasira ng kultura. Kung hindi nila taas-noong ipagmamalaki ang kultura nila, paano sila masasanay na humarap sa ibang tao? They should be proud of their heritage. Hindi iyon dapat itinatago.”

Napailing si Lycerge at sumandal sa puno. “Magkaiba lang siguro tayo ng perception. Like what I told you, may kanya-kanya tayong paniniwala. Kanya-kanya din tayo ng pagtingin sa sitwasyon. This is my way of preserving this culture.”

“Preserving the culture?” Tumayo siya at itinuro ang direksiyon ng café kung saan tumutugtog pa rin ang banda. Kahit na medyo malayo sila ay dinig na dinig pa rin nila ang lagabog ng drums. “Iyan ba ang tinatawag mong preservation of culture? Mas naipo-promote pa ng mga kabataan ang kultura at musika ng ibang lugar kaysa sa sarili nating kultura. Later on, malulunod na sila sa musika at kulturang iyon. Saan pupulutin ang kulturang sinasabi mong ipine-preserve mo? Sa kangkungan. And later, the people of this town wouldn’t see any trace of their old culture. Kung maipapakita mo na proud ka nga sa kultura mo, hindi ka aapihin ng kung sinu-sinong makitid ang utak.”

“Do we really have to argue about this on our date?” iritadong tanong ni Lycerge. “Can’t we enjoy each other’s company without arguing about something else? Nakakapagod na.”

Natahimik siya sa sinabi nito. “Sorry, I can’t help it.” Lagi na lang kasi siyang nasa defensive side tuwing pag-uusapan ang mga paniniwala niya.

Tiningnan nito ang wristwatch. “Ihahatid na kita sa farm. Malapit na ang curfew. Paghahandaan mo pa ang gig mo bukas, di ba?” anito sa malamig na boses.

“Lycerge, galit ka ba sa akin?” Dati kasi ay lagi itong nakangiti tuwing kinakausap siya. Kahit na inaaway pa niya ito, lagi itong nagpapasensiya sa kanya. Di tulad ngayon, parang sawa na itong makipagtalo sa kanya.

He breathed deeply. “I am not mad. Masyado akong maraming trabaho ngayong araw na ito. Akala ko makakapag-relax ako dahil magkasama tayong dalawa. Gusto ko lang naman na mag-enjoy tayo.”

“Sorry na.”

“Ako ang dapat mag-sorry. Hindi ka kasi satisfied sa date natin. Mukhang disappointed ka pa nga.”

Lalo siyang nakonsensiya. Nag-aksaya na nga ito ng panahon sa kanya, inaway pa niya. It was not his fault kung magkaiba man sila ng pinaniniwalaan.

“I am not totally disappointed. Saka nag-enjoy naman ako. The food is great!” wika niya sa pinasiglang boses.

Tinitigan siya nito. “Iyong totoo?”

“I still want to go out with you.”

Bigla itong ngumiti. Samantalang kanina lang ay parang pasan na nito ang daigdig. “Totoo?” Hinawakan nito ang kamay niya. “Kailan tayo lalabas?”

“May gig ako sa Sanctuary bukas ng gabi. Punta ka, ha?”

“Magde-date tayo kahit may gig ka?” nakakunot-noo nitong tanong. “Hindi ka makakapag-concentrate sa pagkanta kapag nakita mo ang kaguwapuhan ko.”

Hinampas niya ito sa braso. “Ang kapal!”

Well, hindi na masama. After so many years, ngayon lang ulit gumaan ang pakikitungo niya kay Lycerge. Ni hindi na niya maalalang galit siya dito. Dahil nang mga oras na iyon ay di na niya maramdaman ang pader sa pagitan nila.

INSPIRED mag-practice si Fawna nang umagang iyon. Maaga pa lang ay naglakad pa siya papuntang Bokkong Falls. Matagal na rin niyang pangarap na sa Sagada kumanta. Mas maganda kasi ang ambiance sa lugar na iyon.

Mainit ang araw kaya hindi madulas ang trail pababa ng falls. Bitbit niya ang gitara niya at ang lyrics ng kanta na original composition niya. Kung mas mai-inspired pa siya, baka makapag-compose pa nga siya ng kanta.

Napangiti siya nang mapansing walang nagbago sa rice terraces ng Bokkong na nadadaanan patungo sa falls. “Good,” sabi niya. At least hindi pa nagagalaw ang lugar na iyon. Idinipa niya ang kamay at huminga nang malalim. It was the same scent of fresh air. Berde pa rin ang paligid at tanaw niya ang hanay ng pine trees. “Sana hindi magbago ang lugar na ito kahit ilang panahon pa ang lumipas.”

Excited siyang bumaba sa hagdan na sementado pababa sa falls. Walang tao nang mga oras na iyon kaya solo niya ang lugar. Mas masarap mag-practice kung walang ibang nakikinig. Maingat siyang tumawid. Sa waiting shade sa kabilang pampang ng falls siya uupo para di siya masyadong mainitan.

Natutuwa siya dahil malinis pa rin ang lugar na iyon. Nawawala ang pagod niya habang umaagos ang malamig sa paa niya. Natigilan siya nang may maramdamang sumabit sa paa niya. Kumunot ang noo niya at tinanggal iyon sa paa. Nanlaki ang mata niya nang makitang plastik iyon ng sabong panlaba. “Ano ito?” Kinuha niya ang plastic bag sa sling bag niya na lalagyan ng kalat. “Baka naman naligaw lang ito dito,” sabi niya at nagpatuloy sa pagtawid sa ilog.

Nanlaki ang mata niya nang makita ang nagkalat sa basura sa gilid ng ilog at sa baba ng waiting shade. Ang ilan ay unti-unti nang inaanod ng ilog. “Ano ito?” mas malakas niyang sigaw. “Bakit ganito ang nangyari dito?”

Pati ba ang batis na madalas nilang paliguang magpipinsan noong bata pa sila ay nasira na rin? Gusto niyang maghurementado at hanapin ang salarin. Nag-iinit ang ulo niya kapag nakakakita ng basura.

“Fawna!” sigaw ni Lycerge. Nagmamadali itong bumaba ng hagdan. Wala itong pakialam kung mabasa man ang rubber shoes nito nang tumawid sa ilog. Niyakap agad siya nito. “Okay ka lang? Hindi ka ba nasaktan? Anong nangyari?”

Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at ipinaling sa kalat sa pampang ng ilog. “Look! Puro basura na dito. Samantalang dati, ni balat ng candy di namin pinapayagang madumihan ito.”

“O, bakit ganyan ka makatingin sa akin? Hindi naman ako ang nagtapon.”

“This is a major tourist spot, Lycerge! Pero bakit puro basura? Ipaliwanag mo nga!” Lalo siyang nainis dahil sa sagot nito. “Sino sisisihin ko?”

“Both locals and tourists come here without guides. Hindi naman komplikado ang daan at malapit lang. It is just fifteen minutes from town. Dahil wala silang kasamang guide, walang nagsu-supervise sa kanila. They tend to leave their trash here. Noong nakakaraan naman, hindi ito nangyayari.”

“Minalas ka na magkaroon ng undisciplined guests.” Umupo siya sa batuhan. “Paano ako magpa-practice nito? Ayoko ng kalat! Ayoko ng basura!”

Inilabas nito ang cellphone. “Huwag ka nang magalit. Magpapapunta ako ng tao para linisin ito.”

“Hindi na!” Nakasimangot niyang sabi at inilapag ang gamit. “Tayo na lang ang maglilinis.” Ihinagis niya dito ang plastic bag na lalagyan ng basura. “Diyan mo ilagay ang mapupulot mo,” utos niya.

“You know what, you really tend to be bossy most of the time. Kapag may nakarinig sa atin, iisipin nila na under the saya ako.”

Hindi siya tumawa sa joke nito at madilim ang mukhang nagpulot ng kalat. “Ito ba ang progress na ipinagmamalaki mo, Lycerge? This place is being degraded. Sa halip na matutong pahalagahan ng mga tao ang kalikasan, unti-unti pa nilang sinisira. Kung di sila disiplinado, wag na silang pumunta dito. At kung di ninyo ito kayang bantayan, mabuti pang huwag na ninyong papuntahin ang tourist dito.”

“Calm down, Fawna. Isolated case lang ito. Sagada is a clean and green town,” pagmamalaki pa rin nito. “Hindi na ito mauulit.”

“Dapat gawin ninyong istrikto ang pagpapatupad ng ordinance ninyo. Hindi ito pwede! Hindi nila ito pwedeng gawing basurahan,” ngitngit niya.

“Malinis na, Fawna!” Lycerge said with a satisfied smile on his face. Inilabas nito ang panyo at pinunasan ang pisngi niya. “Okay ka lang?”

“Naiinis ako!” sabi niya. Hindi niya magawang ngumiti kahit na malinis ang paligid. Naiisip pa rin kasi niya ang kalat kanina. Sira na ang mood niya.

“Lighten up a little. Hindi bagay sa iyo kapag nakasimangot ka.”

Kumuha siya ng dalawang naka-tetra pack na sterilized milk at binigyan ito ng isa. “Anong ginagawa mo dito?”

“Sinabi ni Manang Bertha na magpa-practice ka daw dito.” Ibinigay nito ang isang plastic bag sa kanya. “Naiwan mo ang lunch mo.”

“Thank you.” Ipinasok niya iyon sa sling bag. “Pero uuwi na rin ako sa bahay. Nawalan na ako ng ganang mag-practice.”

“Huwag ka munang umalis. Mag-usap muna tayo.” Hinila nito ang kamay niya. “Hindi mo ba ako nami-miss?”

“Lycerge, umaasa ka ba na may chance pa tayong dalawa? Ilang beses na kitang tinakasan. Ilang beses na kitang tinakbuhan. Marami na akong masasakit na salitang sinabi sa iyo. Kung nagpunta ako sa Sagada, di dahil nami-miss kita. I am here to stop your evil plans, remember?”

“Kahit magkaiba tayo ng paniniwala, I still love you. Walang kinalaman sa nararamdaman nating dalawa ang mga issue na pinaninindigan natin.”

“If we would be together, that would be a big issue. Why don’t you find another girl who would be fit as your political wife? Dahil kung ako pa rin ang pipiliin mo, masisira ang pangarap nating dalawa. We will destroy each other.”

Two people with conflicting plans shouldn’t be together. Love was not enough.

“If I would have a wife, she would be someone I love. Aanhin ko ang babae na makakatulong lang sa political career ko? Politics is not forever, Fawna. While I want to be with you for the rest of my life.” Unti-unting lumapit ang mukha nito sa kanya. “Let’s stop arguing. It is useless.”

“And what should we do?”

Niyakap siya nito. “All I want is to lock you in my arms and love you.”

His lips caught hers. Within seconds, she had lost the will to argue with him. Nabubura ang rason niya sa halik nito. He knew exactly how to kiss her senseless and make her want him more. For years, she longed for his kiss. And she forgot why she wanted to run away from him.

Bigla niya itong naitulak nang may marinig siyang kakaibang ingay. “Ano iyon? Parang tunog ng chainsaw,” aniya at nagpalinga-linga.

“May nagpuputol ng puno. Kailangan iyon para sa bahay na itatayo nila. Pero huwag mo nang pansinin, Fawna,” wika nito at dahan-dahang lumapit muli ang mukha sa kanya. He intended to finish what they started.

“Pinuputol ang puno? Pwede bang hindi ko iyon pansinin?” tanong niya sa mataas na boses. Bumalik siya sa realidad. “Nasisiguro mo ba na tataniman nila iyon? Di ba dapat bawal iyon? Baka mamaya, maubos ang puno dito.”

“Ninuno ng Sagada ang nagtanim sa mga puno dito. Iyon ang paniniwala nila. Kaya ang alam nila, may karapatan silang putulin at gamitin ang mga puno. In some areas, nagtatanim ng sampu sa bawat naputol na puno. While in some areas need to minimize the trees. Nagiging limited kasi ang growth. At for economic purposes na rin kaya pinuputol ang mga puno. They aged when they are not cut. Sa halip na pakinabangan, inaanay na ang loob. Panggatong na lang ang mga iyon. The people of Sagada are responsible in their environment and their resources.”

“Pero paano ang…”

“My God, Fawna!” Lycerge exasperatedly cut her words. “Pakinggan mo nga ang sarili mo. Wala ka nang ginawa kundi isipin ang mga puno, ang ilog, ang bundok, ang kalikasan! Puro na lang iyan ang naririnig ko sa iyo tuwing magkikita tayo. Paano naman ang sarili mo? Paano tayong dalawa?”

“I am not doing this for selfish reasons. Ginagawa ko ito para sa magiging anak nating dalawa.”

Naglaho ang iritasyon sa mukha nito at biglang sumilay ang ngiti. “So that’s it. Pinag-iisipan mo pala ang future nating dalawa. Mga anak natin, huh?”

Natigilan siya. Iyon ba ang lumabas sa bibig niya kanina? “I am not pertaining to our child per se. Ibig kong sabihin…” It was her turn to feel annoyed when she saw him grinning from ear to ear. Mukhang kahit anong sabihin niya ay iba na ang tumatakbo sa utak nito. “There is no us, Lycerge! Wala. Mali ka ng iniisip dahil wala tayong future na dalawa. Ni hindi na nga sumagi sa isip ko na magkakabalikan tayo.”

Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. “But you still love me, Fawna.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.