“And what made you think so?” tanong niya habang kinukuha ang mga gamit niya. Diversionary tactics niya iyon. Di kasi niya kayang salubungin ang tingin nito.
“I felt it when you kissed me.”
“Excuse me?” nakataas ang kilay niyang sabi at pansamantalang tumigil sa ginagawa. “Hindi dahil nahalikan mo ako kanina, may gusto pa rin ako sa iyo. It was just a kiss. Maybe you kissed tons of women every now and then.” If those kisses didn’t matter to him, wala lang din dapat siyang pakialam sa halik nito. Hindi siya apektado… even if she could still feel the imprint of his lips on hers.
“But you don’t kiss lots of men. Ako lang,” he said confidently.
“Because I don’t want to waste time kissing guys. Na-caught off guard lang ako kanina,” aniya at tumawid sa ilog. Nakasunod pa rin ito sa kanya. “Busy nga ako sa pag-intindi sa mga puno, kuliglig at palaka…”
“Katulad ng nasa harap mo?” tanong nito at tumigil sa paglalakad.
“Anong nasa harap ko?” Napatingin siya sa paanan niya. Nakaharang sa pilapil na dadaanan niya ang isang malaking palaka. Napatili si Fawna. Pero di niya magawang tumakbo o gumalaw man lang mula sa kinatatayuan niya. She just froze up while staring at the frog.
Naalarma siya Lycerge at sumugod sa tabi niya. “Anong nangyari sa iyo?” tanong nito at niyakap siya.
Sumubsob siya sa dibdib nito at itinuro ang palaka. “M-May palaka.”
“Walang na! Gusto mo lang makayakap sa akin,” nanunukso nitong sabi.
Pero hindi niya magawang patulan ang pang-iinis nito. Lalo pa siyang yumakap dito. “I am not joking. May palaka talaga. Andiyan lang siya.”
Tumawa ito nang malakas. “Huwag mong sabihin na takot ka sa palaka? Akala ko ba matapang ka? Tapos sa palaka ka lang pala takot.”
“Ayokong makakita ng palaka!” sigaw niya at nanginginig sa takot na umupo sa pilapil. Kahit na wala na ang palaka doon, nanginginig pa rin siya sa takot. Ayaw na niyang maalala ang insidente na may kinalaman sa palaka. Kinikilabutan siya.
“Hey, I’m sorry. Hindi kita dapat pinagtawanan,” sabi nito at inakbayan siya. “Ngayon lang kita nakitang natakot nang ganyan.”
“Akala mo naman pinagnanasaan talaga kita?” sarkastiko niyang tanong. Tumayo siya. “Ambisyoso!”
“Wait! Kaya mo na bang maglakad? Gusto mong buhatin kita?”
“We will just topple over the rice field, Lycerge. Baka ikaw ang nagnanasa sa akin ngayon,” aniya at inirapan ito. Romantic sana iyon pero di niya feel. Mas nakakatawa ang itsura nila kapag bumagsak sila.
“Sige ka, baka may makasalubong kang palaka diyan,” sabi nito at imbi ang ngiti habang nakahalukipkip.
Binalikan niya ito at hinampas sa braso. “Mauna ka! Tapos paalisin mo ang palaka sa dadaanan ko. Kapag tinakot mo ako, ihuhulog kita sa ilog.”
“Magagawa mo ba sa akin iyon? Mahal na mahal mo ako.”
Natahimik siya. She could tell him hurtful words sometimes. Iyon ay dahil galit siya kapag nagkakaiba sila ng paniniwala. But she couldn’t hurt him physically. Mas mauuna pa siguro siyang mahulog sa ilog bago ito.
Kinuha nito ang gamit niya at ginagap ang kamay niya. “Siguro naman hindi ka na matatakot kapag hawak ko ang kamay mo.”
Tumango siya at tahimik silang naglakad paakyat sa trail. She cherished the silence. Iyong hindi sila nagtatalong dalawa. She wished things were simple for them like it was before. Noong di pa sila pinahihiwalay ng mga bagay na pinaniniwalaan nila. Where she could hear their laughter in the every summer they were together.
“O, anong nangyari sa inyong dalawa? Nag-date ba kayo?” tanong ni Sapphire nang dumaan sila sa villa na tinutuluyan nito noong di pa ito kasal kay Arthur. Nadadaanan kasi iyon papunta sa falls. Dati nitong kasama ang kapatid na si James. Pero ngayong kasal na ito ay solo na ni James ang lugar. Doon planong tumira ni James kapag kasal na ito sa fiancée na si Jennascia.
“Mukha ba kaming nag-date? Kita mo ngang mukha akong Biyernes Santo dito,” sabi niya at maasim na ngumiti.
“Oo. Mukha kayong nag-date,” nakataas ang isang kilay na sabi ni Sapphire at tiningnan ang magkahawak nilang kamay ni Lycerge.
Sinubukan niyang bawiin iyon pero lalong hinigpitan ni Lycerge ang pagkakahawak sa kamay niya. Di pa ito nasiyahan at iniyakap pa ang isang kamay sa balikat niya. “Nakakita kasi siya ng palaka sa pilapil.”
“Takot iyan sa palaka. Noong bata kasi siya, kung saan-saan nagsususuot iyan,” kwento ni Sapphire. “Lagi niyang kasama si KC, James at si Klein. Pakiramdam yata niya lalaki din siya. Noong minsan, biniro siya ni Klein. Natutulog sila sa ilalim ng pine tree. Paggising niya, may nakabitin nang palaka sa harap niya. Kaya pinagtatadyakan siya ni Klein. Mabuti na lang marunong umilag si Klein. Hindi ka naman niya ginulpi?”
“Nagulpi nga ako.” Kunwari ay inunat pa ni Klein ang kamay at umaktong nasaktan. “Nagulpi ako sa kayayakap niya sa akin.”
Hinampas niya ito sa braso. “Ang kapal! Hindi kita niyakap.” It was the other way around. Ito ang yumakap sa kanya. How dare him tell that to her cousin?
“Ibig bang sabihin niyan, kayo ulit dalawa?” tanong ni Sapphire.
Dahan-dahan niyang inalis ang kamay ni Lycerge na nakaakbay sa kanya. “No, we are not!” tanggi niya.
“Hindi pa ulit kami,” sang-ayon ni Lycerge. “Pero halata naman na patay na patay sa akin ang pinsan mo hanggang ngayon, di ba?”
“Napansin ko nga. Tiyak na matutuwa si Tita kapag ibinalita ko ito,” wika ni Sapphire at pumasok sa loob ng villa. Sa palagay niya ay magku-kwento nga ito sa mommy niya. Malaking gulo iyon. Baka gumising na lang siya na kasal na sila ni Lycerge. Di palalagpasin ng mommy niya ang pagkakataong iyon.
“Umalis ka na nga!” pagtataboy niya kay Lycerge na abot-tainga ang ngiti. Kinuha niya mula dito ang mga gamit niya. “Ipinapahamak mo lang ako!”
“I did you a great favor, sweetheart. Kapag nalaman ng mommy mo na nagkakamabutihan ulit tayo, sasabihin niya iyon kay Mama. Then they will start to plan about our wedding and our future.”
“We have no future, alright!” sigaw niya at padabog na umakyat sa hagdan papunta sa villa ni Sapphire.
“I love you, Fawna!” pahabol na sigaw ni Lycerge. Namula siya dahil maraming mga kapitbahay ang nakarinig niyon. Baka isipin ng mga ito na may relasyon sila. Nakakahiya talaga.
“Lycerge loves you. What’s holding you back, Fawna?” tanong ni Sapphire nang pumasok siya sa villa. Nakaupo ito sa sofa. Parang sadya siyang hinihintay.
“Things are not simple. Magkaiba kami ng pinaninindigan. Imposible na magkasama pa kami kung lagi lang kaming paghihiwalayin ng mga prinsipyo namin. He needs someone who will appease his political status. Hindi ako iyon. Iyon ang dahilan kaya tumakbo ako noon. And that is also the reason why I can’t come back to him.”
Tinapik nito ang kamay niya. “Compromise, Fawna. Ngayon pa lang dapat pag-aralan na ninyo iyan ni Lycerge. Hindi pwedeng lagi mo na lang isantabi ang nararamdaman mo para sa mga prinsipyo mo. Matuto ka nang I-settle ang mga bagay na di ninyo napagkakasunduan ni Lycerge. That is the matured way on how to deal with things.”
“The matured way to deal with this is facing the truth. Kahit na masakit.” Imposible na magkasundo sila ni Lycerge. They would always fight. Masasayang din ang relasyong bubuuin niya. It was doomed before it has begun.
“You always love to run away, Fawna. Kahit na magkasama pa rin kayo sa isang lugar, di ka pa rin tumitigil sa pagtakbo. If you want to be happy, stop running away from love.”
HINDI pa rin natatapos ang pagtugtog ni Fawna kahit lumagpas na ng alas nuwebe ng gabi, ang oras ng curfew sa Sagada. Nag-e-enjoy kasi ang mga guests sa Sanctuary. Sa palagay niya ay napaka-fulfilling ng performance niya na iyon dahil kahit na di naiintindihan ng iba ang mensahe ng kanta niya, nakita niya kung gaano na-appreciate ng mga ito ang mga original composition niya.
Pero sa kabila ng masasayang mukha ng mga guest ay may mukhang hinahanap ang mga mata niya. Hindi kasi dumating si Lycerge tulad ng usapan nila.
Ano na ang nangyari doon? Kung hindi makakarating si Lycerge, lagi naman itong nagpapasabi sa kanya. O baka naman ayaw lang nitong pumunta.
Papatapos na ang kanta niya nang pumasok ito sa music lounge. Kaya kahit na huling stanza na ay ginalingan pa niya lalo ang pagkanta. Hindi matapos ang palakpakan ang mga tao. “More! More!” sigaw pa ng mga ito.
Sinenyasan niya si Tocks. Ito na ang bahalang makipag-usap sa mga guests. Nag-bow siya at bumaba na sa stage matapos magpasalamat. Kung di pa siya titigil, mag-e-extend na naman sila. Baka mawala pa si Lycerge sa paningin niya.
Pero bago pa siya makalapit kay Lycerge ay isang lalaki ang humarang sa kanya. “Hi, I’m CJ from Manila,” pakilala sa kanya ng isang lalaki.
“Hello, CJ!” aniya at kinamayan ito. “You are with Leon, the Australian, right?”
Nagagawa nilang maki-mingle ang mga guest kanina at maka-kwentuhan kaya parang magkakakilala na rin sila kahit noon lang nagkita-kita. Maging ang ibang mga guest ay kausap na rin ni Tocks at Anarinda. Tumitingin ang mga ito sa art gallery at naghahanap ng unique na souvenirs.
“Yup! And I am with Flame Records. We are looking for artists like you and Tocks.” Ibinigay nito sa kanya ang calling card. “I’m sure sisikat kayo dahil iilan lang ang mga artist na tulad ninyo.”
Atubili niyang kinuha ang calling card. “That is tempting offer, CJ. Pero marami akong kilala na mas magaling sa akin.”
“You have the complete package. You have the gypsy princess look and the voice. Saka narinig na kitang kumanta. The audiences adore you.”
Mahina siyang tumawa. “I’d love to. Pero hindi muna ngayon. I’m still enjoying my privacy. But I’ll think about it.”
“Good. At least hindi mo ako tinanggihan. I also want to ask Tocks. Pero pwede mo akong turuan na gamitin ang flute?” Inabot nito sa kanya ang flute na gawa sa kawayan at may kakaibang ukit. “Hindi ko alam kung paano gamitin.”
“Gusto mong ikaw naman ang maging recording star?” aniya at bahagyang tumawa. “This is kalileng. A nose flute that men used for courting.”
“I see. Akala ko kasi mouth flute iyan.”
Napansin niya ang pagkainip sa mukha ni Lycerge na nakasandal sa dingding ng music lounge. Kinawayan niya ito. “Lycerge, come here! This is CJ. Galing siya sa Manila. Nagpapaturo siyang tumugtog ng kalileng.”
“Artist ka rin ba, pare?” tanong ni CJ.
“Hindi. Siya ang vice mayor ng Sagada,” pagmamalaki niya at humawak sa braso ni Lycerge. Siguro naman ay di na nito iisipin na binabalewala niya ito.
Tiningnan lang ni Lycerge ang flute pero mukhang wala itong balak na tugtugin iyon. “Sorry. But I don’t know how to play it. Excuse me,” anito at lumabas ng music lounge.
Nagulat siya sa inakto nito. “Sorry, CJ. Nahihiya lang siguro siya.” Kinawayan niya si Tocks. “Kuya, pakituruan naman po si CJ na mag-play ng nose flute.”
“Sure,” sabi ni Tocks at in-entertain agad si CJ.
Habang siya naman ay nagmamadaling lumabas ng music lounge at hinabol si Lycerge. Wala siyang pakialam kung malamig sa labas at naiwan niya ang parka niya sa loob ng Sanctuary. “Lycerge, saan ka pupunta?” tawag niya dito.
Natigil ito sa pag-akyat ng hagdan. Hinubad nito ang suot na jacket at ipinatong sa balikat niya. “Pumasok ka sa loob. Malamig dito.”
“Na-late ka na nga sa usapan natin, tapos aalis ka na lang basta.” Samantalang di siya makapag-concentrate sa pagkanta sa kaiisip dito.
“Galing ako sa meeting sa Bontoc kasama ang bishop ng archdiocese doon. May project kasi sila na ipo-propose sa amin. Nagpunta kami kahit na Sabado. Sorry kung na-late ako ng dating.” Bakas sa mukha nito ang matinding pagod.
“Bakit basta ka na lang aalis?”
“Dahil alam ko na kung ano ang sasabihin mo. Na naturingan akong vice mayor pero tumugtog lang ng traditional nose flute, di ko pa alam. Nakakahiya, di ba? I am trying to promote other people’s culture. Sarili kong culture di ko alam. Ni hindi ako nag-attempt na matuto. Samantalang si CJ na taga-Manila, siya pa ang mas interesadong matuto kaysa sa akin.”
Hinaplos niya ang noo nito para mawala ang pagkunot.“Dami mong problema. Twenty six ka pa lang pero parang tumanda ka ng ilang taon. Naiintindihan ko kung di ka marunong mag-nose flute dahil wala kang musical talent dati pa.”
“You are saying that you make me feel better. I am a jerk, alright.”
“Pwede ka pang mag-aral kung gusto mo,” sabi niya.
“As if I could learn.”
“Let me tell you one of my dreams. I wish someone would serenade me with a kalileng. Cute, di ba? Pasok muna tayo sa loob at kukunin ko ang gamit ko.”
Bahagya itong ngumiti. “I am not totally hopeless, am I?”
“Dito sa Cordillera, mas manly ang lalaki na marunong mag-noseflute.”
NAGBABASA ng diyaryo si Fawna kasabay ng agahan niya. May article kasi tungkol sa paglaban ng pinsan niyang si James sa isang international taekwondo competition. Bagamat alam niyang naka-advance na ito sa finals, iba pa rin ang pride na nararamdaman niya kapag nakikitang nakasulat sa diyaryo ang pangalan nito. Sa society page naman ay naka-plastada ang picture ng Kuya KC niya at ng girlfriend nitong si Evaine. Mukhang maganda na ang relasyon ng mga ito. Di na kasi nakikitang sumasama sa ibang babae ang kuya niya. Engaged na kasi ang dalawa.
“Fawna, may padala sa iyong regalo si Vice Mayor,” untag sa kanya ni Manang Bertha nang pumasok sa dining hall.
“Ano naman po ang padala niya ngayon?” tanong niya at sumubo ng oatmeal.
“Orchids naman ang nandoon,” ngingisi-ngising sabi ni Manang Bertha.
Ininom niya ang juice at nagkukumahog na pumunta sa labas upang tingnan ang palada ni Lycerge sa kanya. Nakapaligid sa orchids ang iba pang halaman tulad ng anthurium, rose at daisies na nauna na nitong naipadala nang nakakaraang araw.
“Weird talaga ng lalaking iyon,” sabi ni Manang Bertha. “Kung ibang lalaki, bulaklak mismo ang ipinapadala. Siya naman kasama ang halaman.”
“Siya po ba mismo ang nagpadala nito?”
“Hindi. Iyong tauhan niya ang pinapunta niya dito para dalhin iyan.”
“Ano ba ang nangyayari sa lalaking iyon?” Ilang araw na itong hindi nagpapakita sa kanya. Kapag hinahanap niya ito sa munisipyo at sa bahay nito ay laging wala. Parang lagi siyang pinagtataguan. Hindi mahalaga sa kanya ang mga bulaklak kung di niya ito nakikita.
“Nag-away ba kayong dalawa?”
“Hindi po.” Magkasundo nga sila noong nakaraang magkasama sila sa Sanctuary. Pagkatapos niyon ay di na ito nagpakita pa sa kanya.
“Bakit hindi mo siya puntahan?” suhestiyon ni Manang Bertha.
“Bakit ko siya pupuntahan? Kung ayaw niyang magpakita sa akin, hindi ko siya pipilitin. Ayoko rin siyang makita.”
“Sabagay, sino ba ang makaka-miss sa kanya kundi ikaw din,” sabi ni Manang Bertha at diniligan ang halaman habang kumakanta.