Skylander Series Chapter 71

Hindi tumigil sa paglalakad si Fawna kahit na pagod na siya. Malapit na kasi siya sa Amulsong Creek. Naroon daw si Lycerge. Doon din siya madalas magpunta noong bata pa siya kung saan madalas siyang sundan-sundan ni Lycerge.

Naabutan niya itong nakaupo sa tuktok ng burol habang nakaharap sa malawak na bulubundukin. Parang malalim ang iniisip nito. Weird. Hindi niya naisip kahit minsan na magpupunta si Lycerge sa ganoong lugar para lang tumunganga. Ano naman ang gagawin nito doon nang mag-isa? Makikinig sa mga ibon? Panonoorin ang paggalaw ng ulap? It was out of his character.

“Anong ipinagmumukmok mo diyan?” tanong niya.

Nagulat ito nang marinig ang boses niya. Mabilis itong tumayo at maagap na inilagay ang mga kamay sa likuran. “Bakit ka nandito?”

“Ilang araw ka na kasing hindi nagpapakita sa akin. Anong problema?”

Umiling ito. “W-Wala. Hindi mo ba nagustuhan ang padala ko sa iyo?”

“Actually, nagustuhan ko. Pero pinagtatawanan ka ni Manang Bertha. Ikaw lang ang lalaking sa halip na bulaklak lang ang ibigay, kasama pa ang halaman.”

“Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Galit na galit ka sa akin kapag pumipitas ako ng bulaklak. Kaya halaman na lang ang ipinadala ko sa iyo. Siguro naman hindi ka na magagalit ngayon.”

“I appreciate it, really. Pero mas maganda sana kung ikaw mismo ang magbibigay sa akin.” Dahan-dahan siyang lumapit dito. “Anong nangyari sa iyo, Lycerge? Isang linggo ka nang hindi nagpapakita sa akin.”

Humakbang ito paurong. “Wala. Busy lang ako nitong nakakaraang araw. Marami akong bagong projects na inaasikaso.”

“Are you busy right now? Wala ka namang ginawa kundi tumunganga diyan.” Nagsalubong ang kilay niya nang pilit pa rin itong umiiwas. “Ano ba ang itinatago mo diyan sa likod mo?”

Kuntodo iling ito at humakbang palayo. “Wala!”

“Anong wala? Meron!” giit niya at pilit na tiningnan ang nasa likuran nito.

“Wala sabi!” Sa kaiiwas nito sa kanya ay di sinasadyang itinaas nito ang isang kamay para di niya maabot. Nakita tuloy niya kung ang hawak nito.

“Nose flute? Anong ginagawa mo sa kalileng? Nag-aaral kang tumugtog?”

“Oo,” pag-amin nito at umupo sa damuhan. “Hindi ba iyon ang gusto mo sa lalaki? Sabi mo, dito sa Cordillera masculine ang marunong tumugtog ng flute. Gusto ko lang gumanda ang image ko sa iyo.”

“Natuto ka naman ba?” tanong niya.

“Hindi. Nakakahiya nga dahil daig pa ako ng mga bata na gumamit nito.”

Umupo siya sa tabi nito. “You heard them play?”

“I considered your suggestion. Na bago ko sila imulat sa kultura ng iba, dapat may malaman muna sila sa sarili nilang kultura. Some know how to play it. Iyong iba naman hindi na nila alam. At ang masakit, kasama ako sa walang alam. It is a shame that I know about other people’s culture, teach them to the younger generation pero hindi ko mapagtuunan ng pansin ang kultura ng sarili kong ninuno.”

“You are a city boy, Lycerge. Well, my brother doesn’t know how to play the nose flute either,” pagpapagaan niya sa loob nito. Habang nagsasalita kasi ito ay lalong nagiging malungkot ang mga mata nito.

“Magkaiba kami ng kapatid mo. I am responsible for this town. Nang tumakbo ako sa eleksiyon, akala ko sapat na ang pangako ko na papaunlarin ko ang bayang ito. Gusto ko na ma-adapt din nila ang modernong kaisipan ko para hindi mapag-iwanan ng ibang lugar na mataas na ang antas ng ekonomiya. I don’t want Sagada to be left out. Pero may mas importante pa pala sa modernisasyon. Saka ko naisip na kapag tuluyang nilamon ng modernisasyon ang lugar na ito at naglaho na ang kultura, mawawala ang mismong essence ng Sagada. Naniniwala pa rin ako sa pag-unlad ng Sagada pero may mga bagay na dapat protektahan.”

“You are starting to make sense,” puri niya dito. “May mga bansa naman na umuunlad pero napangangalagaan pa rin nila ang kultura at natural resources nila. Simple lang naman ang pangarap ko sa Sagada. To see most of the things in its natural state. Na hindi makalimutan ng mga taong nakatira dito na I-practice ang kultura nila at pangalagaan ang kalikasang bumubuhay sa kanila. I love this place. Do you know why?”

“Dahil karamihan sa mga taong mahal mo ay galing sa lugar na ito.”

She smiled and kissed his cheek. “And that includes you.”

Nagulat ito sa pag-amin niya. “You still love me?”

Mahina siyang tumawa. “Crazy, right? For a long time, I made myself believe that I don’t love you anymore. Nasaktan na natin ang isa’t isa. If I will continue loving you, I will hurt myself more because we are apart. Not just physically but principle-wise as well. Itinuring na kasi kitang kaaway.”

“Ako ang dahilan kung bakit ka lumayo.”

“I was disappointed. Pakiramdam ko kasi iilan na lang ang kakampi ko at naniniwala sa akin. I was counting on you. Pero nang malaman ko na magkaiba pala ang pangarap natin, inisip ko na binalewala mo ang pagmamahal ko.”

“Don’t say that. You know that I love you.”

“It doesn’t matter if you love me or you don’t. Because even when I said that I hate you, I still love you.”

He bent down and kissed her. She was rattled by the touch of his lips on hers; like it was the first time he kissed her thoroughly. Wala nang pader sa pagitan nilang dalawa ngayon. And she felt free even with his arms around her.

“For so many times, I told you that I love you. Siguro hindi pa sapat ang ipinakita ko sa iyo kaya hindi ka naniniwala sa akin. I am willing to prove it. Maybe I am not good enough for you. I am not yet the man who could fill your dreams. But I will do my best to be worthy of your love.”

“Lycerge, what made you think that you are not worthy of my love? We love each other. And you don’t have to prove anything to me.” Ayaw na niyang mawala pa ito sa kanya. She had been living on an empty shell without him. She had her freedom then but her heart was chained to him.

“I’ve been longing to tell you how much I need you and how much you mean to me,” he murmured then buried his face on her hair. “Kapag nami-miss kita, pumupunta ako dito. I kept my promise, Fawna.”

“Promise? What promise?” Wala yata siyang maalala.

“That every summer, we will meet here. Kahit nang umalis ka, hinintay ko ang pagbabalik mo. Nakakabaliw maghintay. What kept me sane was the summer wind. Whenever I feel the breeze fanning my face, I felt like you were around. I could hear your laughter in the wind. Then it gave me hope that one summer, you would come back to me. My wish came true this summer. You are back in my arms.”

“I’m sorry, Lycerge.” She held him tightly. “Ako pala ang hindi tumupad sa pangako ko.” Tinikis niya ito dahil sa pride niya. Natatakot siyang nasaktan noon. Pero tapos na, nasaktan na niya di lang ang sarili niya kundi maging ang lalaki ng mahal niya. Gusto niyang bawiin ang lahat ng panahong sinayang niya.

“Hindi ko pa naman natutupad ang lahat ng pangako sa iyo. I still want to be the man you dreamt of. Iyong kasama mo sa lahat ng pangarap mo.”

“Kailangan pa ba iyon? Isn’t it enough that I love you?”

“As long as that pine tree stands, I intend to keep my promise.” Itinuro nito ang pine tree na itinanim nito dati.

Nilapitan niya ang puno at hinaplos ang katawan niyon. Ilang taon na ba ang lumipas mula nang sabihin niya sa kauna-unahang pagkakataon na mahal niya ito?

“Inalagaan mo siya?”

Niyakap siya nito mula sa likuran. “Itinanim ko ang puno na iyan kasama ang pangako ko sa iyo. Parang anak ko na ang punong iyan.”

Mahina siyang tumawa. Hindi kasi niya ma-imagine na mukhang puno ang anak nila. “Ibig sabihin, hindi sila pwedeng putulin kahit kailan?”

“We declared this as a reforestation area.”

“Good. Ibig sabihin, wala nang problema.” Hindi na ito ang Lycerge na nakilala niya. Mas malawak na ang isip nito. At hindi na nito binabalewala kung ano ang nararamdaman niya. Lahat ng I-suggest niya ay ginagawa nito.

“Fawna, I still want to know how to play this flute.”

“Don’t be so hard on yourself. Kung hindi mo kaya, huwag mo nang pilitin.”

Hindi naman magbabago ang pagmamahal niya dito kahit hindi ito marunong tumugtog ng kalileng. He was manly just the same. And she loved him.

“A promise is a promise.”

She also made a promise to herself. Hindi na niya hahayaan pang maging malungkot ang susunod na tag-araw ni Lycerge sa lugar na iyon. He won’t have to satisfy his self with merely summer wind anymore. Makakasama na siya nito.

“LYCERGE, ano ba ang surprise mo sa akin?” tanong ni Fawna habang inaakay siya nito papunta sa malapit sa creek. Piniringan nito ang mata niya nang malapit na sila. Gustong-gusto na niyang tanggalin ang blindfold. She loved surprises but she hated to wait so long to know what the surprise is.

“Hanggang wala pa tayo doon, hindi mo pwedeng tanggalin ang takip mo sa mata. Umupo ka,” malumanay na utos nito.

“Pwede ko na bang tanggalin?” aniya at hinawakan ang piring.

“Hindi. Hangga’t di ko sinasabi, hindi mo pwedeng tanggalin.”

She waited for his surprise. Nato-torture na ang isip niya. Natigilan siya nang marinig ang malamyos na tunog ng flute. Parang pumapailanlang ang tunog sa hangin papunta sa langit.

“Marunong ka na palang mag-flute?” usal niya at humilig kay Lycerge.

She heard the kalileng played by very good musicians like Kuya Tocks. Pero iba pala kapag totoong damdamin ang nakapaloob doon. Lycerge was serenading her. He was telling her how much he loved her through that song and that message was being sent to heaven.

Napapalakpak nang matapos ang isang kanta. “Para kang professional.” Tinanggal niya ang piring sa mata at niyakap ito. “Thank you, Lye! Naniniwala na ako mahal mo nga ako. Kahit hirap ka, nag-aral ka pa ring mag-flute. Can you play the flute for me again? Please?” Gusto niya itong makita habang hinaharana siya.

“Sige. Pero takpan mo ulit ang mata mo?”

She pouted her lips. “Bakit? Nahihiya ka sa akin?”

“I have a confession to make. Hindi naman ako ang tumutugtog kanina.”

“Huh? Sino ang tumutugtog? Tayo lang naman dalawa ang nandito.”

Inilabas nito ang portable CD player. “I asked Tocks to record the song. Hindi pa rin ako marunong tumugtog hanggang ngayon. That’s why I want to give you an illusion. I want to make you happy. Galit ka ba?”

“No, I am not!” aniya at pinisil ang pisngi nito. Maya maya ay natawa pa siya. Tanggap na niyang wala itong musical talent. Pero na-appreciate niya ang effort nito. Nai-kwento ni Anarinda sa kanya na inaabot na ito ng gabi sa Sanctuary makapagpaturo lang kay Tocks na tumugtog. “It doesn’t mater whether you know how to play it. I can always close my eyes and imagine it is you who is playing.”

He kissed her eyelids. “You can close your eyes and kiss me and imagine that I am the one playing the flute.”

She opened her eyes. “Maswerte ka yata.”

“Of course, I am lucky.”

He possessed her lips. Naramdaman niya ang malalaking patak ng tubig sa mukha niya. Idinilat niya ang mga mata at tumingala. “Lycerge, it is raining!”

Mabilis nilang itinupi ang picnic mat at binitbit ang mga gamit. Malayo-layo pa ang lalakarin nila at malayo pa ang mga bahayan. Sumilong muna sila sa mga pine trees na nandoon. Wala na kasi silang ibang masisilungan.

“O, bakit parang malungkot ka?” untag nito sa kanya.

“Umuulan na naman. Ibig sabihin malapit nang matapos ang summer.”

“Kung magsalita ka, parang magkakahiwalay na tayong dalawa.” Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa dibdib nito. “The summer may end but our love won’t end. Our happy days won’t end.”

“I would definitely miss summer.” Mami-miss niya ang paglalakad sa ilalim ng araw nang hindi iniintindi ang pagbuhos ng ulan. She would miss the sun. She would miss the summer breeze.

“Don’t worry, Fawna. There would be summer again next year.”

“DITO ka na magpatuyo ng damit. Pagagalitan ako ni Manang Bertha kapag nalamang nagpaulan tayong dalawa,” sabi ni Lycerge nang ihimpil ang sasakyan sa harap ng manor house nito na nasa Poblacion.

“Gusto ko ng chicken soup, ha?” lambing niya dito. Napansin niya ang isa pang kotse na nakaparada sa garahe. “Kaninong kotse iyon?”

Kumunot ang noo nito. “Kotse ni Mama. Nandito si Mama?”

Dali-dali siyang pumasok sa bahay at sinalubong agad sila ng Mama ni Lycerge. “Hijo, where have you been?” Hinalikan nito si Lycerge sa pisngi.

“What are you doing here, Ma? I thought you don’t want to come.”

“You promised to visit me in Manila. Natural lang na ikaw ang dalawin ko dito. Look at yourself! You are such a mess.” Basang-basa sila ni Lycerge. Dahil sa biglang pag-ulan ay maputik ang daan. May talsik ng putik ang damit nila.

“Good afternoon, Tita Letty,” bati niya.

“Fawna,” she recognized her but crinkled her nose. Tiningnan siya nito na parang nang-uuri. “I see, you are back. Magkasama kayo ni Lycerge?”

“Aren’t you glad, Ma?” Lycerge asked then kissed her temple.

Ngumiti si Letitia. “I brought someone with me, hijo. She really wants to see you.” Lumingon ito sa hagdan. “Debbie, come here!”

Bumaba ng hagdan ng babaeng naka-white shorts at pulang sleeveless blouse. Pagkalamig-lamig sa Sagada pero iyon lang ang suot nito? Hindi kaya ito napulmonya? Pero hindi lang sa damit nito siya na-shock. Mas na-shock siya nang halikan nito sa labi si Lycerge. “Hello, Lycerge! Miss me?” she asked then bit her lips. Wala ba itong kahihiyan? Sa harap niya ay inaakit nito ang boyfriend niya?

Maagap namang lumayo si Lycerge dito at inakbayan siya. “Debbie, meet my girlfriend,Fawna. Fawna, this is Debbie Galvañez.She’s my classmate in high school.”

“Debbie is also the granddaughter of Senator Galvañez,” dagdag ni Letitia.

“It is a pleasure to meet you,” aniya at inabot ang kamay.

Ngumiti ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. She refused to shake her hand. Sabagay, kumpara dito ay mukha nga naman siyang busabos.

Umabrisyete ito kay Lycerge. “Marami tayong pagkukwentuhan. Mula nang maging vice mayor ka, hindi na kita nakita.”

“Later, Debbie,” sabi ni Lycerge at dahan-dahang binaklas ang pagkaka-abrisyete ng babae. “Magpapalit pa kami ng damit ni Fawna. Kanina pa siya nilalamig. Baka magkasakit siya.”

“Magpapahatid na lang ako sa farm, Lycerge,” sabi niya. Di niya gustong gumalaw sa bahay na iyon nang may asungot na Debbie. At di rin niya kasundo ang Mama ni Lycerge kahit noon pa. She was so cold.

“O-Okay. If that is what you want,” sabi ni Lycerge. Naramdaman din marahil nito na ayaw na niyang magtagal pa sa bahay nito. “I’ll be back, Ma.”

“Huwag mong paghintayin si Debbie!”pahabol ni Letitia na parang nananadya.

Nakahalukipkip siya habang nagmamaneho si Lycerge papunta sa Lizardo Farm. “Ganoon ba talaga kayo ka-close ng Debbie na iyon?” Walang pakundangan nitong hinalikan si Lycerge. As if ito ang girlfriend.

“Not really. Hindi naman kami masyadong nagpapansinan noong high school. Nagulat na lang ako nang kasama niya si Mama. I hope you are not jealous.”

“Do I have to feel jealous?” She was years younger than her. She was prettier even if she didn’t dress like a bombshell. “Okay lang sa akin kahit na kasama mo siya sa bahay. Maglagay ka ng rat trap sa tabi ng kama mo, ha?”

“Rat trap?” nagtatakang tanong nito.

“Mahirap na. Baka gapangin ka ng babaeng iyon.”

“Akala ko ba hindi ka nagseselos?”

“I am not. Naniniguro lang ako.” Hindi siya papayag na mawala pa si Lycerge sa kanya. If only she could guard him round the clock.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.