Nagba-back up si Fawna kay Tocks. He was playing the guitar while she was playing the kulintang. Bigay na bigay siya sa paghataw hindi dahil nag-e-enjoy siya sa tugtog. Nanggigigil siya dahil parang linta dumikit si Debbie kay Lycerge.
How dare you, Lycerge! Ilang araw kang hindi nagpakita sa akin tapos susulpot ka kasama ang babaeng iyan? Wag ka lang magkakamaling magpaakit… pareho ko kayong pupukpukin nito.
Napalakas pa ulit ang hataw niya sa kulintang kahit na wala sa tiyempo. Nagkatinginan sila ni Tocks. Mabuti na lang at hindi iyon napansin ng mga guest. Pinilit niyang kalmahin ang sarili hanggang matapos ang tugtog. Nasisira ang trabaho niya dahil sa kapupulupot ni Debbie kay Lycerge. At ang ikinaiinis pa niya ay halos lumuwa ang dibdib nito sa flimsy peach blouse. Pantulog na yata iyon.
“Fawna, ako na ang bahala dito,” nakangiting sabi ni Tocks. Naiintindihan nito na may problema siya. Kahit di siya tumugtog dahil willing ang mga guests na akuin ang pwesto niya sa kulintang. They were visibly having a great time.
“Pasensiya na, Kuya,” usal niya at umalis sa stage.
Nang lumapit siya ay tumayo naman sina Lycerge at Debbie. Nakahilig pa rin si Debbie dito. Tsaa lang naman ang ininom nito pero parang hilong-hilo ito. Daig pa yata nito ang uminom ng isang gallon na rice wine.
“Fawna, I’m sorry. I have to take Debbie home.”
“Anong nangyari sa kanya?” nag-alala niyang tanong. Well, Debbie looked ill. “May nakain or nainom ba siyang di maganda? Is she sick?”
“Hindi siya sanay sa lugar na walang aircon. Hinintay lang kita na matapos para makapagpaalam ako sa iyo.”
“O-Okay,” she said weakly. “Call me.” Mas magiging panatag ang loob niya kung maririnig niya ang boses ni Lycerge kahit magkalayo siya. Di siya matatakot na may gawing kababalaghan dito si Debbie.
“Fawna!” Kinintalan siya ng halik ni Lycerge sa labi. “I love you!”
Sasagutin sana niya ang sinabi nito pero yumakap si Debbie leeg nito at humarang sa pagitan nila. “Lycerge, I am dizzy. Let’s go.”
Nagngingitngit na lang niyang ihinatid ng tingin ang dalawa. Ayaw man niyang magkasama ang dalawa ay wala siyang magagawa. Sasabihan lang siya na paranoid ni Lycerge. Sasabihin lang nito na wala siyang rason para magselos.
“O, nasaan na si Lycerge at iyong kasama niya?” tanong ni Anarinda nang pumunta siya sa kitchen upang kumuha ng tubig. Wala pa kasi siya sa kondisyon na bumalik sa music lounge at mag-perform.
“Umalis na. Hindi daw sanay nang walang aircon.”
Anarinda gave her a horrified look. “Saan naman niya ilalagay ang aircon dito? Naku! Masyado siyang maarte.”
“Naiinis nga ako dahil dikit nang dikit kay Lycerge.”
“Naku! Mag-ingat ka sa babaeng iyon. Maraming interesado sa boyfriend mo. Mayaman, matalino at guwapo kasi. May posisyon pa sa gobyerno.”
Namaywang siya. “Well, I know that Lycerge loves me.”
Siguro naman ay di siya lolokohin ni Lycerge. Takot lang nito na ipagulpi niya sa mga pinsan niyang magaling sa martial arts.
BITBIT ang lemon pie na luto ni Manang Bertha ay nagpahatid si Fawna sa manor house ng mga Robles. Mami-miss niya ito dahil ilang araw na itong busy sa trabaho. Personal nitong sinu-supervise ang mga projects na nai-suggest niya. Kinuha pa nga siya nito para sa environmental and cultural awareness ng Sagada youth. Para bata pa lang ay makakatulong na ang mga ito sa mga projects ng local government. Isa din siya sa mga trainers dahil isang grupo ng kabataan ang lalahok sa musical and dance competition na gaganapin sa Bontoc.
Naabutan niya si Letitia na nasa garden at nagbabasa ng lifestyle magazine. “Good morning, Tita!” bati niya dito.
Umangat ang tingin nito at aral na ngumiti. Maayos kasi ang itsura niya ngayon. Naka-pony din ang mahaba niyang buhok kaya presentable siya. “Fawna, dinadalaw mo ba si Lycerge? Wala siya ngayon. Namasyal silang dalawa ni Debbie. Makipag-kwentuhan ka muna sa akin.”
Naninibago siya dahil maganda ang pakikitungo nito sa kanya ngayon. “Lemon pie po. Ipina-bake ko.”
“How sweet! Are you still singing?”
“Yes. I regularly sing at the Sanctuary. But this coming June, may invitation po sa amin para kumanta sa isang bar sa Manila.”
“Hanggang kailan mo naman balak kumanta? Wala ka bang plano na tumulong sa business ng parents mo? Or you can help your mom with her charity projects. You would be perfect for that.”
“I am helping Lycerge with his projects here in Sagada. Sa tingin ko po, hindi pa kailangan ni Mommy ang tulong ko ngayon.”
“No offense meant, dear. But if you will continue with this kind of life, you won’t be fit to be Lycerge’s wife. Mabuti pang layuan mo na lang siya habang maaga pa. Nagkakamabutihan na silang dalawa ni Debbie.”
“Silang dalawa ni Debbie?” mataas ang boses niyang tanong. “Last week lang kayo dumating ni Debbie at nagkakamabutihan na sila? Why? Because she would be perfect for Lycerge’s political career.”
“Exactly!” she exclaimed with a glint in her eyes. “Debbie is a senator’s granddaughter. She has the poise, the elegance and the right place in the world of politics. And she likes my son.”
“Do you think Lycerge would agree? Gusto ninyong ipakasal siya sa isang babae para lang sa political strata niya?”
“Of course! My son has big dreams. Sa palagay mo ba, masisiyahan siyang maging pipitsuging vice mayor lang sa maliit na bayang tulad nito?” Humalakhak ito nang nang-iinsulto. “Stepping stone lang niya ito.”
Tingnan mo nga naman ang buhay. Dati, halos ipagduldulan nito si Lycerge sa kanya dahil sa political background ng pamilya niya. Ngayon ay nakakuha ito ng mas malaking isdang mabibingwit at handang magpagamit.
“Alam ba niya ang plano ninyo?” Dati, malinaw sa kanila ni Lycerge na gusto silang ipakasal ng magulang nila para maibalik ang pwesto nila sa political arena. Alam kaya ni Lycerge ang motibo ng Mama nito sa paglalapit dito kay Debbie?
“Not yet. Ikaw ang sagabal. I must admit that my son loves you. Pero magbabago din ang nararamdaman niya kapag nawala ka na. If you love my son, you will give way to his dreams.”
Mapait siyang ngumiti. “Pagbibigyan ko kayo kung si Lycerge mismo ang magsasabi sa akin.” Hindi siya hangal para magsakripisyo sa maitim nitong balak. She suffered for a long time. Maraming bagay ang nagbago sa relasyon nila ni Lycerge. She won’t give him up or politics would eat him whole.
Naglatang ang galit sa mukha ni Letitia. “No! Leave my son alone! Look at yourself. Parang hindi ka anak ng business tycoon. You are a shame, Fawna! At didikit ka sa anak ko? What would happen to him? Masisira ang career niya! He needs a woman like Debbie.”
Itinaas niya ang kamay. “Stop it, Tita. Bago pa ako mawalan ng respeto sa inyo bilang ina ni Lycerge. Don’t worry, kalilimutan ko na nag-usap tayo tungkol dito.” Ayaw niyang magkaroon ng friction si Lycerge at ang mama nito.
Ngayon niya nakita kung gaano kababaw si Letitia. Kung magpapatuloy iyon, baka ito mismo ang humila kay Lycerge pababa. But what if Lycerge was feeling the same way? Na makakasira lang siya dito. What if love wasn’t enough for both of them? How would she let him go?
“BUKAS, gusto kong makita ang mga instruments na ginawa ninyo!” bilin ni Fawna sa mga estudyanteng tinuturuan. Bahagi ng pinag-aaralan nila ang paggawa ng mga katutubong instrumento na gawa sa kawayan. It was a dying culture. Mangilan-ngilang matatanda na lang sa tribo ang gumagawa niyon. Hindi na daw kasi interesado ang mga bata. Kaya naman tiniyak niyang ang mga ito mismo ang matutuong gumawa ng instrumento para magpatuloy pa rin ang tradisyon. Sa ngayon ay nakikihiram pa sila sa ibang residente ng instrumento. Naimbitahan kasi sila na mag-perform sa birthday ng gobernador ng Mountain Province. Gusto nilang magsama ni Kuya Tocks ng ilang magagaling na estudyante nila.
Maya maya pa ay siya na lang ang naiwan sa loob ng kuwarto. “Miss, pwede ka bang ihatid sa bahay ninyo?”
Nang lumingon siya sa pinto ay naroon si Lycerge. “Lye!” Tuwang-tuwa niya itong sinugod ng yakap. “Akala ko hindi ka na magpapakita sa akin.”
“That means you miss me, right?”
She nodded. “Marami ka nang utang sa akin,” nagtatampo niyang wika.
He kissed the tip of her nose. “Sorry. I am busy…”
“…with Debbie,” dugtong agad niya.
“She’s my visitor. Huwag ka nang magselos. Minsan na nga lang tayo magkikita, ganyan pa isasalubong mo sa akin. How about dinner at Log Cabin Café?”
“Okay. Tell their chef to cook a chocolate-mango pizza for me.”
“Saan ka hahanap noon? Sa buwan?”
Hindi nila idinala ang sasakyan ni Lycerge dahil paakyat ang daan. Nilakad na lang nila ang papunta doon. “Lye, nakakasira ba ako sa career mo?”
“Paano kang makakasira sa career ko?”
“Well, maraming projects mo ang kailangan mong I-reconsider bago mo I-implement dahil nagwo-worry ka na magtalo tayo. What if mali na pala ang ibang mga desisyon mo dahil sa akin?”
“I have my own mind. Sinusunod ko ang mga suggestions mo dahil alam kong makakatulong sila.” Inakbayan siya nito. “What’s bothering you?”
Napayuko siya. “Naisip ko lang. Paano kung may babaeng dumating na makakatulong sa political career mo?”
He lifted her face and kissed her lips lightly. “If I would marry someone, that would be you. Wala na tayong ibang pag-uusapan, okay?”
Hinawakan niya ang kamay nito. She would trust Lycerge just this once. She decided that she wouldn’t let him go.
HINDI humuhupa ang palakpakan kahit nang makababa na sa stage ang grupo nila Fawna. Maraming naka-appreciate sa musical and dance presentation na ihinanda nila para sa birthday ng gobernador. Nakita niya ang saya sa mukha ng mga bata. Now they were prouder of their own culture.
“I never thought that you are this good, Fawna,” sabi ng gobernador at kinamayan siya. Malapit kasi itong kaibigan ng lolo niya.
“Thank you. Pero di ko solo ang credit. Magaling ang mga kasama ko.”
“She could play instruments at the age of five and compose songs at the age of ten,” pagmalalaki ni Lycerge sa kanya.
“Ikaw,Lycerge. May instrumento kang alam tugtugin?” tanong ng governor.
“Kalileng po,” sagot agad ni Lycerge.
“Why don’t you play for us?”
Kinurot niya ito sa braso. “Next year na lang po ninyo siya patugtugin.” Baka masira ang maganda nitong pangalan kapag nagkalat ito sa party.
“Excuse us, Gov. Ihahatid lang po namin ni Fawna ang mga bata.” Gabi na noon at kailangan pang umuwi ng mga ito sa Sagada para magpahinga.
“Maiwan ka na dito,” sabi niya kay Lycerge. “Ako na ang bahala.” Sasamahan nito ang mayor na kausapin ang ilang investors na dumalo sa party. Interesado kasi ang mga ito na magtayo pa ng iba pang business establishments sa Sagada.
Matapos ihatid sa sasakyan sila Tocks at ang mga bata ay bumalik din siya sa party. Nasa gitna pa lang siya ng pathway ay humarang na sa kanya si Debbie. May dala itong flute ng champagne. “Nice gown. Saan ang fashion show?” she uttered as she looked at her ethnic inspired gown with rancor.
“At saan ang sagala?” Overdressed ito sa peach long gown nito. It would be perfect for the parties in Manila. Pero hindi sa pagtitipong iyon. Lahat ng mga tao doon ay simple lang ang suot. Aside from Letitia who was equally overdressed.
“Lycerge must have paid a fleece amount for that gown.”
“Oh, this gown?” She swayed like a child who adored her new dress. “He didn’t pay a cent.” Minana pa niya iyon sa lola niya na ini-redesign niya.
“At saan naman kukuha ng pera ang tulad mo?”
“You thought I am a pauper?” Mahina siyang humalakhak. “Hindi yata nasabi sa iyo ni Tita Letty. I am Fawna Celine Lizardo-Ang. Do Lizardos and Angs ring a bell to you? My family was one of the biggest supporters during your grandfather’s campaign. Who knows, that gown might have come from the tax I pay.”
“How dare you, Bitch! Tita Letitia is right. Sisirain mo lang ang career ni Lycerge. You may be rich but you don’t my elegance and poise…”
“Shhh!” saway niya dito. “Be careful, Debbie. I am a bitch. Maybe more bitchy than you are. I am not the person to reckon with.”
“Fawna, bakit pinagsasabihan mo nang hindi maganda si Debbie?” singit ni Letitia. “Hindi dahil girlfriend ka ni Lycerge, pwede mo nang awayin ang mga bisita dito. Mahiya ka naman. Dala iyan ng sobrang selos mo. Insecure ka.”
“Am I insecure, Tita?” she asked with a smile. “Hardly.” Kilala niya ang sarili niya at masaya siya kung ano siya. Kahit na ilang beses pa siyang tawaging busabos at kahihiyan ng pamilya niya, wala siyang pakialam. She was definitely not insecure.
“How did that happen, Tita Letitia?” naiiyak na tanong ni Debbie sa sobrang iritasyon. “I thought you talked to this girl. Na hindi na niya kami guguluhin ni Lycerge. Bakit hanggang ngayon sila pa rin?”
“Because she is my girlfriend and I love her,” malambing na sagot ni Lycerge at niyakap ang baywang niya. Nagulat siya. Hindi niya alam na narinig nito ang pinag-uusapan nila. “We have a good relationship. Paanong siya ang nakakagulo?”
“She won’t help your political status, Lycerge!” katwiran ni Debbie. Lumabas na ang totoong pakay nito. “While I am ready to help you. I love you.”
“I’m sorry, Debbie. I don’t love you,” walang prenong wika ni Lycerge.
“She is perfect for your wife! Don’t be stupid!” mariing bulong ni Letitia.
Napapagod na tumingin si Lycerge dito. “Ma, I don’t want to be a politician. Sinunod kita dahil gusto kong mapasaya ka. But I have my own limit. Temporary lang ako sa pulitika. Hindi ko ibubuhos ang buong buhay ko dito. Hindi ko habambuhay papangarapin na maisulat ng tao ang pangalan ko sa balota. What I want to do is spend the rest of my life with the woman I love,” Lycerge declared then tightly held her hand. She felt proud. Siya ang pinili nito. Ngayon ay pwede na niyang salubungin nang taas-noo ang dalawang babaeng kaharap.
“Ano ang mapapala mo sa kanya?” nagngangalit na tanong ni Letitia.
“We love each other.” Lycerge stared at her with eyes full of love and trust. “Kahit na mawala ang political career ko, nandiyan pa rin siya. She would support my decisions and help me see reason. She showed me the more important things in life. Things more important than money and fame.”
“Stop it!” sigaw ni Debbie. “Magsama kayong dalawa! Tingnan ko lang kung hanggang kailan kayo tatagal. I’ll ruin both of you!”
“Careful, Debbie. Your grandfather is a reelectionist,” she reminded her sweetly. “What if I ask my family to pull out our support? Hindi sila papayag na ang bunso nila ay sisigaw-sigawan mo lang. Mga magulang ko lang ang nakakasigaw sa akin, you know. They would be really, really mad if I tell them about your threat.”
Namutla si Debbie subalit nananatili pa rin ang galit sa mukha nito. “Tita, I want to go home to Manila! Now!” At naglakad palayo si Debbie. Mukhang magpipilit itong umuwi sa Manila kahit na gabing-gabi na.
“Anong klase kang anak? I am doing everything for you! Para gumanda ang buhay mo. You wasted your chance to vie for a higher position.”
“I don’t have plans to strive for another position or run for the next election, Ma. And I also don’t want a girl who is so dependent on air conditioner.” He pulled her closer to him while his eyes were on his mother. “I want a girl who loves outdoors, who dresses like a heathen and can give me a lesson about culture and environment for years. I love her even if all she can do is sing. Even if she doesn’t want to conform to your lifestyle, I love Fawna, Ma.”
Nasapo ni Letitia ang noo. “You don’t love me anymore! Sasama na ako kay Debbie sa Manila. Hindi mo na ako kailangan.”
Tinangka niyang sundan si Letitia para paliwanagan pero pinigilan siya ni Lycerge. “Let her cool down. Emotional pa si Mama pero lilipas din iyan.”
“Look, I don’t want her to feel left out just because you choose me.”
He embraced her tightly. “She would understand. Lalo na kapag nakita niyang masaya ako kapag kasama kita.”
“At makikita niya na nagtatanim ka ng puno at nagpupulot ng basura? She would surely freak out.” Pinisil niya ang pisngi nito. “Unico hijo ka niya.”
“I am also the man of your dreams. Kasama ang pagpupulot ng basura at pagtatanim ng puno sa job description ko.”
Hinaplos niya ang mukha nito. “Lye…”
“Hmmm?”
She kissed him soundly on the lips. “Kain naman tayo. Napagod ako sa pakikipagtalo kay Debbie at sa Mama mo. Pinagtulungan nila ako kanina.”
“Don’t worry. You have me as your prize.”
“LYCERGE, that’s enough! Malapit nang umulan,” wika ni Fawna at tumingala sa langit. Papadilim na iyon dahil sa mga ulap. Tuwing hapon ay umuulan sa Sagada.
“Huling puno na,” sabi nito at maingat na tinabunan ang pine tree seedling.
“Lye, totoo ba na hindi ka na tatakbo sa election next year? Balita ko, ikaw ang gusto nilang pumalit kay Mayor.”
“Pinag-iisipan ko pa. Mas gusto ko yatang maging manager mo kapag pumirma ka na ng recording contract.”
“Tumakbo ka na lang Mayor. Para maging first lady ako.”
“Gusto kong ma-improve ang communication dito sa province. Baka mag-concentrate ako sa business ni Papa. Not bad, ‘di ba? Gusto ko kasing magkaroon ng mas maraming time para sa iyo mula ngayon.”
“It doesn’t really matter what you do. Basta kasama kita.”
Their lips met and the rain started to fall. They didn’t mind it at all. They didn’t care if the summer has already ended. Whatever the season was, they would always be in each other’s hearts. They would never be apart.