Simple lang naman ang gusto ni Shandie sa isang lalaki-guwapo, matured at above thirty. Pero pakiramdam niya ay isinumpa siya. Dahil sa loob lang ng ilang buwan ay dalawang lalaki na ang nag-reject sa kanya. They fell for her category of her ideal man but she didn’t fall for their ideal girl category.
At isa lang ang naiisip niyang dahilan. Karma. Because once in her life, she made a guy fall in love with her. Pero pinaglaruan lang niya ito. Now that the man is back in her life, it looked like he was ready to play havoc with her emotions. Pero hindi siya papayag. She won’t fall for him because he was not her ideal guy.
“How boring!” nakapangalumbabang sabi ni Shandie habang pinagmamasdan ang mga naging kaklase noong high school. Reunion ng high school class nila na sa isang beach resort sa Calatagan, Batangas. Kanya-kanyang partner ang mga kaklase nila. At ang iba naman ay nagdala ng kanya-kanyang boyfriend at girlfriend. Siya lang yata ang walang ka-partner.
“Boring talaga. You are leaving for Cayman Islands next week pero wala ka pa ring boyfriend,” kantiyaw ng kaibigan niyang si Georgia. Magtatrabaho siya sa Cayman Islands para sa business center ng isang resort. Kaya parang pa-despedida na rin niya ang reunion. Six years kasi siyang mawawala.
“Saan naman ako hahanap ng boyfriend?” Fresh graduate siya ng Hotel and Restaurant Management. She excelled in school and graduated as one of the top students. Kaya wala sa isip niya ang mga lalaki dahil naka-focus siya sa pag-aaral.
“Sa tabi-tabi,” anito at ibinuka ang mga kamay.
“Hello, may syokoy ba diyan na pwede kong maka-partner?” sigaw niya at sinagot iyon ng tawanan ng mga kaklase niya.
“Gosh! Magtitiis ka lang ba sa syokoy?” nakatirik ang matang sabi ni Georgia.
“Mabuti na iyong syokoy. Saka ngayon pa ba ako hahanap ng boyfriend? May iiwan pa akong luhaan pag-alis ko.”
“Why don’t you give it a try?” alok nito. “Saka for fun lang naman. Para lang ma-enjoy mo ang natitirang araw mo sa Pilipinas.”
Nahagip ng paningin niya ang isang lalaking naka-jacket na palapit sa kanila. He was a bit out of place. Most of them were clad in sexy attires. Pero hindi ang pananamit nito ang nakakuha ng atensiyon niya. He was gorgeous. His skin was lightly tanned. Na parang kahit ibilad ito sa araw ay hindi ito masyadong masusunog.
He had a face of an angel. Maamo ang mga mata nito na kulay kape. Matangos ang ilong. And his lips were generous. Ito ang tipo ng lalaki na lahat ng babae ay magpapakalunod mai-mouth to mouth resuscitation lang nito.
“If it is that guy, it is worth a try,” she said then grinned.
“Wow!” Georgia exclaimed and whistled. “Kasama ba natin iyan?”
“Kasama yata ni Jerome,” tukoy niya sa nanliligaw kay Georgia. “Kaya sa akin na iyan dahil may Jerome ka na.”
“Hindi ko pa naman siya sinasagot, ah!” anito at pa-cute na ngumiti.
“Hi, girls! Sorry na-late kami,” sabi ni Jerome nang lapitan sila sa cottage.
“Ang cute naman ang kasama mo,” kinikilig na sabi ni Georgia at inabot ang kamay sa lalaki. “Hi, I’m Georgia. This is Shandie.”
“Si Xander, kaibigan ko,” pagpapakilala ni Jerome at inilayo ang kamay ni Georgia. Parang ayaw iyong pahawakan kay Xander.
Inabot na lang si Xander ang kamay sa kanya. “Hi, Shandie!” bati nito.
Her hand was trembling when he shook her it. Kaiba ang epekto nito sa kanya kumpara sa ibang lalaking nakilala niya. His charisma was quite strong. Enough to shake her to the core.
“Killjoy ka!” Hinampas ni Georgia si Jerome sa braso. “Kakamayan ko lang si Xander, kokontra ka pa.”
“Sa akin ka lang. At alam ni Xander iyon.”
“Insecure ka lang dahil hamak na mas guwapo siya sa iyo.”
“If I know, pinagnanasaan mo rin ako,” tukso ni Jerome kay Georgia.
“Anong sabi mo?” Akmang kukurutin ni Georgia si Jerome pero nakaiwas ito.
Nagtatakbo si Jerome palayo. “Uy, may gusto sa akin.”
“Bumalik ka dito, herodes ka!” gigil na sabi ni Georgia at hinabol ito.
Sabay silang nagtawanan ni Xander. She suddenly stopped laughing when she realized that they were alone inside the open cottage. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Noon lang siya natameme sa lalaki.
“Pasensiya ka na sa dalawang iyan. Ganyan lang sila magkulitan,” sabi niya.
“Sanay na ako kay Jerome. Mga bata pa lang, madalas na siyang sermunan kapag luluko-luko siya.”
“Matagal na kayong magkaibigan?”
“Close ang pamilya namin.” Third year high school na siya nang mag-transfer si Jerome sa school nila. Taga-Banaue ang pamilya nito at nagpapatakbo ng isang private museum at antique shop.
“Bakit kayo na-late?” tanong niya. Madaling-araw pa lang ay nakaalis na sila papuntang resort. Alas nuwebe pa lang nang umaga ay naroon na sila.
“Galing pa kami sa Baguio.”
Tagabundok nga. She preferred sophisticated city guys. But Xander was so good looking. Pakialam niya kung saang bundok ito nanggaling. Too bad, he was not qualified to be her boyfriend. Mai-in love lang siya sa isang lalaking matured at above thirty. Ngunit hindi niya nagugustuhan ang kakaibang pintig ng puso niya kay Xander. Kaedad lang nila ito. He looked so boyish especially when he smiled. Malayo sa matured image ng lalaking gusto niya.
“No wonder na-late kayo.” Luminga-linga siya sa paligid. “Bakit ba natagalan si Jerome? Sandali. Hahanapin ko lang sila ni Georgia.”
She scanned the beach. Sa di kalayuan ay natanaw niya si Georgia na inilulublob sa dagat si Jerome kahit na naka-pantalon at naka-sapatos pa ito. Naiiling siyang bumalik ng cottage.
“Nakita mo na sila?” tanong ni Xander.
“Pasensiya ka na. Mukhang nakalimutan ka na ni Jerome. Ganoon siya kapag kasama niya si Georgia. Nakakalimutan niya pati ang sarili niya. Ihahatid na lang kita sa cottage ninyo para makapagpahinga ka na.”
“Thank you,” sabi nito at binitbit ang bag.
Nagsalubong ang kilay niya nang mapansing nakasuot pa rin ito ng jacket. Kainitan ng araw pero balot na balot ito. Samantalang siya, nilagyan lang niya ang sarong na tapis ang two-piece na swimsuit. Baka naman may itinatago ito kaya ganoon. O hindi lang nito maalis ang baduy na fashion style dahil galing sa bundok?
“Shandie, saan ang cottage namin?” untag sa kanya ni Xander.
Naipilig niya ang ulo. Saka niya napansin na kanina pa siya nakatitig dito.
“Ahmm… cottage number twelve. Iyon!” Itinuro niya ang cottage nito at ibinigay ang susi dito. “Magpahinga ka. Then join us later.”
“Okay. Thanks again, Shandie.”
Gusto niyang sabunutan ang sarili. Natutulala siya sa isang lalaki na noon lang niya nakilala. Malay ba niya kung pangit ang katawan nito. Well, kailangan niyang tuklasin kung may itinatago nga ito o wala.
NAPAPITLAG si Shandie nang sikuhin siya ni Georgia. “Hoy, anong tinitingin-tingin mo diyan sa cottage nila Jerome?” usisa nito habang naghahanda ng tanghalian. “Hinihintay mo sigurong lumabas si Xander, no?”
“Gusto ko lang makita kung ano ang suot niya.” Kumuha siya ng isang barbeque at kumagat. “Naka-jacket kasi siya kanina samantalang pagka-init-init.”
“Baka ayaw niyang mangitim.”
“Magbi-beach ka pa tapos ayaw mong umitim. Baka pangit ang katawan niya. Baka may an-an o buni. Ano sa palagay mo?”
Itinapik ni Georgia ang daliri sa pisngi. “Sa palagay ko, maganda ang katawan niya. Hindi bagay ang pangit na katawan sa guwapo niyang mukha.”
“Baka mukha lang ang maganda sa kanya kaya iyon ang ipinapakita niya.”
“He has a nice body. Wanna bet?” hamon nito.
“Sige. Sasagutin mo si Jerome,” kondisyon niya.
“Pero liligawan mo naman si Xander kapag natalo ka.”
Hinampas niya ang kawayang mesa. “Teka, talo naman yata ako diyan.”
“Kaya ka nga talo, di ba? At tiyakin mo na mapapasagot mo siya bukas.”
“Sumusobra ka na.” Hindi pa mandin siya marunong manligaw ng lalaki.
“Come on, I know that you like Xander. And do you think that he would take this seriously? This is just a game. Pareho lang kayong maglalaro.”
She must admit that she was naïve. At hindi siya ang tipo ng babae na naglalaro sa mga lalaki. Di nga niya alam kung paano pakitunguhan ang mga ito. Tapos ay manliligaw pa siya at makikipaglokohan. But Georgia was right. Xander won’t take her seriously either.
Nang mamataan niyang papalabas si Jerome ay kinulit na siya ni Georgia. “Ano ba? Tuloy ba ang pustahan natin o hindi?”
“Okay. The game is on,” lakas-loob niyang sabi. After all, paalis na siya ng Pilipinas. Maglalaro lang naman siya. “Maghanda ka nang sagutin si Jerome.”
“At maghanda ka nang manligaw,” aniya at itinutok ang mata sa cottage nila Jerome. Deep inside her, she wished that her guess would fail. She would be very disappointed kung may an-an nga at buni ang katawan ni Xander.
Xander went out of the cottage wearing a Hawaiian printed shirt and shorts. Muntik nang malaglag ang panga niya nang makitang hindi nakasara ang butones ng shirt nito. Nang hanginin ang shirt nito ay nakita niya kung gaano kaganda ang katawan nito. It was packed with muscles. Halatang alaga sa ehersisyo. At wala itong kailangang itago dahil makinis din ang balat nito.
“Oh, gosh!” bulalas niya at nasapo ang dibdib. Di tulad ng iba niyang kaklase na puro buto at balat o kaya ay puro taba, walang binatbat ang mga ito kay Xander.
“Yes! I won! I won!” nagtititiling sabi ni Georgia at nagtatalon. Natakpan niya ang mga mata. Baka hallucination lang niya ang lahat. Ganoon ba talaga kaganda ang katawan ni Xander?
“Are you okay?” narinig niyang tanong ni Xander.
Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata. There he was, standing in front of her with a gorgeous smile. At nakumpirma niyang hindi siya nagha-halusinasyon kanina. He looked like a male model from a fashion magazine.
Tumango siya at iniwas ang mga mata. “I am okay.”
“Jerome, mag-swimming tayo,” yaya ni Georgia dito at kinindatan siya. “Sumunod kayong dalawa, ha?”
“P-Pero t-teka…” anang si Jerome na walang nagawa kundi ang magpa-kaladkad dito. Ang luka-lukang iyon. Sinadyang iwan sila ni Xander. Seryoso ba talaga itong paligawan sa kanya ang lalaki? Ni magsalita nga ay di niya magawa.
“Namumutla ka,” pansin ni Xander at pinaypayan siya. “Mabuti pa, mag-swimming ka na lang. Kanina ka pa naiinitan dito.”
Gusto na niyang himatayin dahil katabi niya ito. Dahil kapag humahangin, sumasama ang bango nito. Summer fresh. It reminded her of the pine trees.
“If you want to take a dip, sumunod ka na kay Jerome. Kailangan ko pa kasing bantayan ang pagkain dito.”
“Kung di ka maliligo, sasamahan na lang kita dito,” anito at ipinagpatuloy ang pagpapaypay sa kanya.
“Nagpunta ka lang pala dito para paypayan ako.”
Tumawa ito. “Kaysa naman iwan kita ditong mag-isa. Di ka mag-e-enjoy.”
Sino ang tatanggi? She was just a normal girl. Gusto niyang pina-pamper siya ng isang guwapong lalaki. Mahirap talagang maging maganda.
“Thank you. Pero after lunch, libre na ulit ako. Gusto mo mag-rafting tayo?”
“Sure! I want to try that one.” And it would be just the two of them together. It was simply perfect!
Nasira ang pag-iilusyon niya nang makarinig ng matinis na halakhakan. Tumigil ang kaklase niyang si Mayumi sa tapat ng cottage kasama ang dalawang kaibigan nito. Kumislap ang mga mata nito nang makita si Xander.
“Hi!” anito at lumapit sa kanila. “You are Xander, right? I am Mayumi. Classmate rin ako ni Jerome noong high school. And these are my friends, Cathy and Lianne. Say ‘hi’ to Xander, girls.”
“Hi. Xander!” anang dalawang pang maarteng babae. Noon pa mang high school siya ay inis na siya dito. Lahat na lang yata ng lalaki ay plano nitong akitin. At mukhang hindi makakaligtas si Xander.
“Let’s take a dip. Para naman di ka ma-bore dito.” Um-abrisyete si Mayumi kay Xander at inirapan siya. Siya yata ang pinatutungkulan nitong boring.
“Pero magra-rafting kami ni Shandie mamaya.”
“Mag-rafting tayo!” anang si Mayumi at hinatak sa kamay si Xander.
“Shandie, let’s go!” may himig ng pakiusap sa boses ni Xander at inilahad ang kamay sa kanya. Nagdadalawang-isip siya kung sasama dito pero ginagap pa rin niya ang kamay nito. Ayaw naman niyang pabayaan ito sa galamay ni Mayumi at ng bruha nitong mga alipores.
Kinawayan niya sina Georgia at Jerome na gumagawa ng sand castle. “Kayo na muna ang bahala!” bilin niya sa mga ito.
Akala niya ay magiging exciting ang rafting na iyon. Pero nagkamali siya. Dahil pagsampa pa lang niya sa balsa ay pinaligiran na agad si Xander nina Mayumi at ng mga alipores nito. Na-out of place tuloy siya.
Sana hindi na lang ako sumama dito, sentimyento niya. Bumuntong-hininga siya at pinagmasdan na lang ang mangrove forest. Nang magsawa siya ay ang mga sea creatures naman na kitang-kita sa ilalim ng dagat ang pinagdiskitahan niya. Lahat ng nakikita niya ay buhay na buhay maliban sa kanya. She felt dreaded and annoyed at the same time.Paano niya madidiskartehan si Xander kung may asungot?
“Shandie, kunan mo kami ng picture para may pakinabang ka,” nakangising utos ni Cathy. Kinuha niya ang camera. Ginawa pa siyang photographer ng bruha.
“Gandahan mo ang kuha sa amin,” todo-ngiting sabi ni Mayumi at lalong dumikit kay Xander na hindi makapalag.
Dahil lumang model ang camera ni Mayumi at walang zoom lens man lang, kailangang siya ang mag-adjust. Nakuha niya ang mga ito nang maayos sa frame nang nakatayo na siya sa gilid ng balsa.
“Shandie, mag-ingat ka!” sigaw ni Xander.
“One, two…” Napatili siya nang lumaki ang alon. Naging mabuway ang tayo niya dahil sa paggalaw ng balsa at nalaglag siya dagat.
Sinubukan niyang lumangoy pero natabunan pa siya ng ibang mas malaking alon. Lalo siyang nag-panic dahil hindi abot ng paa niya ang ilalim. Marunong siyang lumangoy pero hanggang sa naaabot lang ng paa niya. Nagkakawag siya para lumutang. Pero hindi iyon sapat para makarating siya sa balsa na unti-unting lumalayo sa kanya.
Nangangawit na ang braso niya at paa sa pagkawag. Nakainom na siya ng tubig dagat at unti-unting lumulubog. Nawawalan na siya ng pag-asa nang may mga bisig na umalalay sa kanya.
“Shandie, it’s okay. I got you!” Xander said in a comforting voice.
She felt warm and comfortable with Xander’s arms around her. She didn’t care if she was on the verge of death. Natunaw na ang takot niya. She had never felt so safe all her life. Nasanay siyang dumepende sa sarili niya. But with Xander around, it felt good to feel helpless.
Napaubo siya nang maisampa siya ni Xander sa balsa. “Are you okay?” tanong nito at hinaplos ang likod niya.
Tango lang ang naisagot niya. Nanginginig pa rin siya. She couldn’t believe that she had just cheated death. And it was Xander who saved her. Her angel.
“Manong, ibalik na po ninyo ang balsa sa pampang,” utos nito sa taga-balsa. Tinanggal ni Xander ang Hawaiian shirt at ibinalot sa kanya. Saka siya nito niyakap. “Everything will be okay. Babalik na tayo sa cottage.”