Madilim na sa labas ng inookupang cottage ni Shandie nang magising siya. Palubog na ang araw at nag-iwan na lang iyon ng matingkad na liwanag sa mga ulap. Pinainom siya ng in house doctor ng resort ng gamot para makatulog siya. Hindi biro ang muntik na niyang pagkalunod. Nakaka-trauma.
Dumungaw siya sa bintana at natanaw ang nagkakatuwaang mga kaibigan. Naiinggit siya. Hinubad niya ang suot na pantulog at isinuot ang sports sando at maong na shorts. Pababa na siya sa cottage nang masalubong niya si Xander.
“O. bakit bumangon ka na agad?” tanong nito. “Magpahinga ka pa.”
“I am okay now. You don’t have to worry about me. Sinabi naman ng doktor na kailangan ko lang magpahinga.”
Umiling ito at inakay siya papasok sa cottage. “That’s not enough. You need to rest some more. Dinalhan na nga kita ng pagkain para hindi ka na lumabas.”
Natawa siya sa sobrang pag-aalala nito. “Ayokong magpakaburo sa loob ng cottage habang nagkakasayahan kayo dito sa labas. Gusto mo ba akong patayin sa inggit? Saka nahihiya naman ako sa iyo kung lagi na lang ako ang aasikasuhin mo.”
Ito ang nagbantay sa kanya. Hindi siya nito iniiwan kahit na naroon naman si Georgia para bantayan siya.
“I don’t really mind. Kasalanan ko kung bakit muntik ka nang malunod.”
“It was an accident.”
“But I was not able to protect you,” he said in anguish.
Tinapik niya ito sa balikat. “I can assure you that I am okay. Kapag hindi maganda ang pakiramdam ko, I will tell you right away.”
Matagal na sandali siya nitong pinagmasdan. “Sige, dito tayo sa labas kakain kasama nila.” Mukhang nakumbinsi na rin niya ito na okay lang siya.
“Bakit isang plato lang ang dala mo? Kumain ka na ba?”
“Huwag mo akong intindihin. Hindi naman ako nagugutom.”
“Hindi pwede.” Tinusok niya ng tinidor ang inihaw na pusit at inumang sa bibig nito. “Come on, take a bite.” Parang masunuring bata itong sumunod.
She was thrilled when she saw him smile. Parang idinuduyan siya ng hangin at kasamang inililipad ang puso niya. She was starting to loose control of herself but she didn’t care. She enjoyed the feeling. She felt a rush of excitement flowing through her veins.
“Hi, Xander! Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala,” malambing na sabi ni Mayumi. Umigkas ang kilay nito nang makita siya. “Shandie! Okay ka na?”
“Of course. Dahil binantayan ako ni Xander,” todo-ngiti niyang sagot.
Lalong umasim ang mukha ni Mayumi. “Siyanga pala, palitan mo ang camera ko. Magagalit ang Daddy ko kapag nalaman niyang nasira iyon.”
“I’ll replace it with a new one,” matigas ang boses na sagot ni Xander kasabay ng pagtatagis ng bagang. Noon lang niya ito nakitang nagseryoso.
Mayumi’s features softened. “No, you don’t have to do that. It was Shandie’s fault anyway. Siya na ang bahalang mag-replace no’n.”
“Mas mahalaga pa ba ang camerang iyon kaysa sa buhay ni Shandie?” may bahid ng galit na tanong ni Xander at matalim itong tiningnan. “Kung siya ba ang namatay dahil sa camera mo, mapapalitan mo ba ang buhay niya?”
Nanlalaki ang mata ni Mayumi na napatitig kay Xander. Pagkatapos ay napayuko ito. “I’m sorry,” mahina nitong usal at nagtatakbo palayo.
“Thanks for defending me, Xander. But you don’t have to do that. Kaya ko namang palitan ang camera niya.”
“It is not the camera. It is about your life. Wala siyang pakialam sa buhay ng ibang tao. Ayoko sanang sabihin iyon. But she pushed me.”
Hinalikan niya ito sa pisngi. “But I am grateful that you are always there for me.” Saka niya nakangiting ipinagpatuloy ang pagkain.
She wanted to have a guy like him. Someone who would pamper her and protect her. Kaya sasasamantalahin niya ang maikling panahon na makakasama ito.
“TALAGA? Humanities ang favorite subject mo noong college?” Interesadong-interesado si Shandie sa mga kwento ni Xander. She found out that he graduated in UP Diliman sa kursong Business Management. He was an intelligent guy. Kahit yata anong pag-usapan ay may alam ito. From business to politics. Even in fashion.
“Iba’t ibang form of arts kasi ang na-discuss doon. Dahil sa Humanities, naging interesado ako sa iba’t ibang literary at visual arts. Mas naintindihan ko sila. Dati kasi, wala akong hilig sa mga iyon.”
“Mabuti ka pa,” aniya at itinulak ang paa sa buhanginan para umugoy ang hammock. Magkatabi sila sa hammock at mula pagkatapos kumain pa nagku-kwentuhan. Nalipasan na siya ng antok dahil hindi siya nauubusan ng mapagku-kwentuhan. “Samantalang walang naituro sa amin ang professor ko sa Humanities kundi tungkol sa mga experience niya sa mga engkanto.”
Tumawa si Xander. “That’s weird. Paano iyon naging Humanities kung puro non-human being naman ang pinag-uusapan ninyo?”
“Ewan ko ba,” naiiling niyang sabi at humigop ng kape.
“Ibinagsak ka ba ng professor mo?”
Inamba niya ang kamay. “Subukan lang niya. Kundi, ako mismo ang kukulam sa kanya nang makita niya ang katapat niya.”
“Mangkukulam ka nga siguro.”
Nagsalubong ang kilay niya. “Bakit mo naman nasabi iyan?”
He looked at her intently. As if his eyes were looking right through her very soul. “Your face was etched inside my head the moment I saw you. Hindi ko alam kung paano iyon aalisin. Ginayuma mo siguro ako.”
“At binobola mo siguro ako,” kontra niya sa naniningkit na mata. Malamang marami na itong babaeng sinabihan niyon. Masarap sigurong pakinggan pero hindi niya sineryoso ang sinabi nito. It was just a game after all.
He held her hand and placed it on top of his chest. “I am serious, Shandie. I really like you.” This was her chance. He was confessing that he liked her.
Pero bigla siyang natakot. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin dito.
Tumayo siya at binawi ang kamay dito. “Look! Sumisikat na ang araw!”
Sinulyapan niya ang relo. She couldn’t believe it. Inabot siya ng alas singko nang umaga sa pakikipag-kwentuhan lang dito.
“Sorry. Hindi ko alam na umaga na pala,” bagsak ang balikat na sabi ni Xander. Akala nito ay binalewala niya ito. “Ihahatid na kita sa cottage mo.”
Pinigilan niya ang kamay nito. “No. I still want to watch the sunrise. Pwede bang samahan mo pa ako?”
“Sure,” anito at umupo sa buhanginan.
Tumabi siya dito at humilig sa balikat nito. Saka niya pinanood ang pagsabog ng iba’t ibang liwanag sa langit. “This is such a pretty sight. Wala akong nakikitang ganitong sunrise sa Manila. Puro kasi smog.”
“Sa amin naman puro fog. It was like a mystical land kapag nahahawi ang mga ulap. Parang natutunaw ang mga ulap sa sikat ng araw at doon mo makikita ang mga pine trees at bundok.”
Ipinikit niya ang mga mata. “I wish you’d take me there someday.”
“I’ll take you there if you will tell me that you are mine.”
She slowly opened her eyes. Then her eyes met his. She looked at him as if she was mesmerized. Nakikita niya ang pagsabog ng iba’t ibang kulay sa mga mata nito. She could see the dawn in his eyes.
“I’m yours.” The first touch of his lips on hers was like a touch of a feather. Very tentative at first. But there was a tinge of sensation. It was not enough. She wanted more of what he could offer.
Ibinuka niya ang labi. She was not aggressive. Ilag nga siya sa mga lalaki. But Klein was different. He could make her feel things beyond her control. And the kiss was one of those. He took her lead and gave her deeper kisses. Pero naroon pa rin ang pag-alalay. She absorbed every sensation. Iniyakap niya ang kamay sa katawan nito. It was a mind-spinning experience. She instinctively curled her lips around his tongue. She was learning faster than she thought.
Bigla silang nagkahiwalay nang makarinig sila ng kaluskos mula sa cottage. May gising na sa mga kasama nila. She licked her lips and she heard Xander’s deep intake of breath. Hindi niya ito matingnan nang diretso.
Inalalayan siyang tumayo ni Xander. “Ihahatid na kita sa cottage mo.”
Nakayuko siyang naglakad sa tabi nito. She didn’t know what to say. Things were moving too fast. May usapan nga sila ni Georgia dahil natalo siya sa pustahan. Pero kakaiba na ang nararamdaman niya para kay Xander. She was starting to fall for him. Which was not right. She must stop the lunacy at once.
“Shandie,” untag nito sa kanya.
“Bakit?” tanong niya at sinulyapan ito. Maybe Xander was thinking the same thing. Baka gusto na rin siya nitong iwasan.
Sa halip ay ngumiti ito at ginagap ang kamay niya. “How about a tour at the mangrove forest after lunch?” yaya nito.
“Sure!” Tumingkayad siya at kinintalan ito ng halik sa pisngi. “It is a date!”
“SAAN ka pupunta at ayos na ayos ka?” tanong ni Georgia habang pinagmamasdan siya sa pagsusuklay sa harap ng salamin.
“Pupunta kami sa mangrove forest ni Xander. Sama kayo ni Jerome?”
Humalukipkip ito at sumandal sa hamba ng pinto. “Kayo na ba?”
She smiled sheepishly. “Sort of.” They kissed.Parang may relasyon na rin sila. Ito ang first kiss niya. At kapag hinalikan siya ng isang lalaki, dapat ay boyfriend na niya ito. Kaya parang boyfriend na rin niya si Xander kahit hindi pa official.
“Are you in love with him?” naniningkit ang mata nitong tanong.
Tumawa siya ng pagak. “Come on, Georgia! That’s crazy! Kahapon lang kami nagkakilala. At inaasahan mong mai-in love ako sa kanya? Sumunod lang ako sa usapan natin dahil natalo ako sa pustahan, di ba?” Dahil kung walang pustahan, hanggang pagpapa-cute lang siya kay Xander. “Saka sa palagay mo ba, seseryosohin din ako ni Xander. Definitely not!” May espesyal siguro siyang nararamdaman kay Xander. She couldn’t deny it. Pero hindi siya in love dito.
“What if he falls in love with you?”
She rolled her eyes heavenward. “Then he is more crazy than I thought. Xander is an intelligent guy. This is just a game, remember?” paalala niya.
Nasabunutan nito ang sarili. “Nakokonsensiya ako! Hindi ko naman kasi alam na seseryosohin mo talaga ang pustahan natin. I was just teasing you.”
“You are too late, Georgia.” Tinapik niya ito sa pisngi. “Wala pa akong inurungang pustahan at alam mo iyan. When I lose, I pay the consequences. And besides, Xander and I are not minors anymore.”
“Putulin na ninyo ang kalokohang ito habang maaga pa. Before you get too deep. Hindi ka sanay sa ganitong laro.”
“It would end soon. I am leaving and I just want to have some fun. So does Xander. We’ll just enjoy each other’s company. When I leave, I can assure you that he won’t remember me anymore.”
“KUNG huwag na kaya kitang iuwi?” bulong ni Xander kay Shandie at kinintalan siya ng halik sa noo. Nag-stop over sila sa Taal, Batangas habang nag-uwian na ang ibang kasama nila. Sina Jerome at Georgia ay naiwan sa loob ng restaurant habang sila ni Xander ay ine-enjoy ang magandang view sa labas kung saan tanaw ang magandang view ng Taal Lake at Taal Volcano.
Inaambaan niya ito ng suntok. “Subukan mo lang!”
Niyakap nito ang baywang niya. “How about a date on Sunday?”
“Sunday?” She stiffened. “Anong mayroon sa Linggo?”
“We have a family affair at my grandparent’s old house. Dadating ang lahat ng kamag-anak ko. Gusto kong makilala mo sila,” excited nitong sabi.
Awtomatikong nawala ang ngiti niya. “Sorry, I can’t.”
She suddenly felt the fear. Mukhang hindi nakikipaglokohan si Xander. He was serious about her. Ipapakilala agad siya nito sa pamilya nito. Mukhang nagkamali siya ng pagkakakilala dito.
He pinched her chin lightly. “Natatakot ka ba sa kanila? Lolo ko lang naman ang masungit. Pero kapag nakita niya kung gaano kaganda ang girlfriend ko, matutuwa iyon. Mahilig iyon sa mga cute na chinita tulad mo.”
Kumawala siya sa pagkakayakap nito. “Xander, I won’t be here on Sunday.”
“Some other day maybe?”
She shook her head. “I won’t be here on Sunday anymore. I am leaving.”
“Saan ka pupunta?”
“Cayman Islands.”
He smiled. “For a vacation?”
Nakayuko siyang umiling. “I will work in a beach resort there. I have a five-year contract,” nanginginig ang boses niyang paliwanag.
He was silent for a while. “You didn’t tell me about it.”
“Sinasabi ko na sa iyo ngayon.”
“Why did you let me fall in love with you? Tapos hindi mo sinabi sa akin na aalis ka!” he asked in an angry tone.
Natigagal siya sa magkahalong takot at pagkalito. “In love? Are you really in love with me?” Those were the last words she expected to hear from him.
“Yes, I am. Nang sabihin kong seryoso ako, I mean it. Hindi ako basta-basta humahalik sa babaeng hindi ko mahal.”
“Ilang araw pa lang tayong magkakilala. Imposible ang sinasabi mo!”
Niyakap siya nitong mahigpit. As if he was afraid to lose her. “I know how I feel. Ngayon lang ako nakakilala ng babae na gusto kong ipakilala sa pamilya ko. You are the woman that I want to marry, Shandie!”
Itinulak niya ito palayo. “Hold that thought, Xander! Kakikilala pa lang natin. Tapos kasal na agad ang iniisip mo?”
“Ayokong magkahiwalay tayo,” anitong puno ng pagmamakaawa sa tinig.
“But it can’t be helped. At kahit na matagal na tayong magkakilala, hindi pa rin ako magpapakasal sa iyo. We are only twenty-one. Marami pa tayong kanya-kanyang pangarap. You are a smart guy and you know that.”
Kinuha nito ang kamay niya at inilagay sa pisngi nito. “I love you.”
Huminga siya nang malalim dahil pakiramdam niya ay may malaking kamay na sumakmal sa puso niya. “You don’t love me,” aniya sa nahihirapang boses.
“Do you love me?” pagkuwan ay tanong nito sa kanya.
Nakagat niya ang labi dahil hindi niya alam kung paano ito sasagutin. She couldn’t tell him directly that she didn’t love him. It was like lying. Pero kung sasabihin niyang mahal niya ito, pinaasa na niya ito. She couldn’t afford it.
“Love grows deeper than how we feel. I must admit that I am attracted to you. At ganoon ka rin siguro sa akin. But we can’t let it grow because I am leaving.”
“Kaya kitang sundan kahit saan.”
Nasapo niya ang ulo. “Give me a break!”
“I am serious, Shandie. I will follow you everywhere.”
She was starting to hate herself more because she could see hurt etched on his face. Kasalanan niya ang lahat. Dapat nga ay noong una pa lang niya pinutol ang kahibangan niya. Dahil nasasaktan din siya sa pananakit niya kay Xander.
“Kung mahal mo ako, maghihintay ka hanggang makabalik ako. You don’t really have to wait for me. You can meet other girls. Kung magkikita pa ulit tayo, saka mo sabihin sa akin kung ako pa nga ang mahal mo.”